webnovel

The Dream

~Sa simula ng lahat, malalaman mong ikaw at ako'y itinakda. Mahahanap natin ang isa't isa, magsasama at magmamahalan. Tiwala lang, matatagpuan mo din ako sa ilalim ng asul na gabi~

Napabalikwas ng bangon si Naia, pinagpapawisan siya ng malamig at habol ang kanyang hininga.

Ito na naman. Sabi ng kanyang isip. Nananaginip na naman ako ng ganito. Halos gabi-gabi na lang mula nung.... Mula nung pumunta ako dito sa bahay nila lola.

Napapanaginipan niya ang isang boses, malamig at malalim na boses. Sa panaginip niya ay nakatayo siya sa isang puno, malaki at malagong puno. Nakatayo lang siya doon at pinagmamasdan ang kagandahan ng puno. Ang paligid ay nababalot ng kulay asul. Kulay asul na kalangitan at karagatan.

Nakatitig lang siya sa puno kapagkuwa'y maririnig na niya ang boses na iyon. Napaka lambing ng boses, wari'y parang musika sa pandinig.

Paulit ulit lang ang kanyang panaginip, at kung susubukan naman niyang kausapin ang nagsasalita ay saka siya magigising.

Kaiba sa gabing ito, may iba pa siyang napansin sa panaginip niya, may mga bulaklak na sa paligid ng puno. Iba't ibang klase ng bulaklak, napakagaganda at napakabango. Hanggang sa kusang lilipad ang isa sa mga bulaklak at tutungo sa kinaroroonan niya. Aabutin na sana ang bulaklak ngunit iiwas lamang ito. Sinusubukan niyang hulihin ang bulaklak ngunit sadyang mailap ito. Sinundan niya ang patutunguhan nito hanggang sa makarating siya sa isang bangin.

Napakatarik ng bangin na iyon, natatakot man ay pinilit niyang tinanaw ang hangganan ng bangin at nalula siya sa nakita. Mga bato. Malalakí at matatalim na bato. Akmang tatalikod na siya at maglalakad pabalik ng pagpihit niya'y nakita niya ang sinusundang bulaklak. Sa gulat ay napaatras siya. Hindi niya namalayan na wala na pala siyang tatapakan, at tuloy tuloy siyang nadulas pababa sa bangin. Gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas na tinig sa kanyang bibig. Napapikit na lamang siya.

Katapusan ko na, yun lang ang tangi niyang naisip.

Hinihintay niyang lumapat ang kanyang likod sa matatalim na bato ngunit lumipas ang ilang segundo'y wala pa siyang nararamdaman na kirot. Mayamaya'y naramdaman niya ang matitikas na bisig na humawak sa kanyang bewang. Imbes na sa matatalim na bato lumapat ang kanyang likod ay sa isang matigas at malapad na dibdib.

"Naia" anang napakalamig na boses.

Unti unti siyang nagmulat ng mga mata.

Nagulat siya sa natunghayan. Maamong mukha ang nakatambad sa kanyang harapan, mataman siya nitong pinagmamasdan at bahagyang nakangiti. Ngunit mas nagulat siya nang mapagtantong lumilipad sila. Lumilipad? Anong nangyayare? Oh my Gulay??! anang isip niya. Hindi maproseso ng utak niya ang sitwasyon. This cant be happening! Hiyaw pa rin ng isip niya.

"S-sino k-ka?" utal niyang tanong.

Ngumiti lang ang nilalang.

"Masaya akong nagkita na rin tayo sa wakas" sagot nito.

Napapikit siya. Napakalamig ng boses niya, napakalalim at kay ganda sa pandinig.

Muli itong nagsalita.

"Ngunit kailangan mo nang gumising, hindi tayo pwedeng magtagal sa panaginip na ito" malungkot nitong sabi.

Naguluhan siya. Huh? Magising? Panaginip? Nanaginip lang ba ako?

"P-panaginip?" sa wakas ay nakapagsalita siya.

Hindi naman sumagot ang nilalang bagkus ay ikinumpas lang nito ang mga pakpak at pumailanlang na sila sa ere. Hanggang sa makarating sila sa tuktok ng bangin kung saan siya nahulog.

Namamangha niyang pinagmamasdan ang mga pakpak nito. Kaylaki at kayganda! Gusto niyang hawakan ang mga ito ngunit nanaig ang kanyang hiya.

"Hindi ito ang dapat nating unang pagkikita binibini, ngunit tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para tayo ay magkatagpo"

Okay? This is really freaking me out. What was he talking about?

"Maraming katanungan ang sa iyo'y nais masagot ngunit hindi pa ito ang tamang pagkakataon" unti unti itong humahakbang palayo.

Teka, aalis na siya? Hindi niya ako pwedeng iwan dito!

"S-sandali ginoo" bakit ba siya nauutal? Grr.

Ngunit patuloy lang itong naglalakad palayo sa kanya. Tumigil lang ito sa paglalakad pero nanatiling nakatalikod kaya hindi niya makita kung ano ang reaksyon ng mukha nito.

"H-hindi mo p-pa si-sinasagot ang t-tanong k-ko" she hates herself for stattering in front of that creature.

Hindi pa rin lumilingon ang nilalang.

"Hanggang sa muli, binibini. Kinagagalak kong makita ka. Kapag nahanap mo ang mga sagot sa mga katanungan mo, nandito lang ako laging maghihintay sa 'yo. Sa lugar kung saan nag umpisa ang lahat"

She rolled her eyes. Heto na naman tayo sa 'lugar kung saan nag umpisa ang lahat' thingy.

Bago pa siya makasagot ay bumuka ang magaganda nitong mga pakpak at lumipad na sa ere.

"Teka sandali!" Sigaw niya pero hindi na siya narinig nito. Mabilis itong nawala at nagtago sa mga ulap.

Napabuntong hininga na lamang siya. Saksi ang lugar na iyon sa kalituhang nababanaag sa kanyang mukha.

"Hintayin mo ako" yun lang at nilamon na rin siya ng kadiliman.