webnovel

Chapter 1

Bakasyon na naman, natapos na naman ang isang taon ng pag-aaral at panahon naman para magpahinga ang katawan,isip at bulsa.

"Hey guys, may naisip na ba kayo kung saan  pwedeng mag bakasyon?" Tumataas baba ang kilay na tanong ni Flora sa kanilang magkaka klase.

"Meron na!"

"Syempre naman!"

"Ofcourse!"

"Kami pa ba?"

Yan ang sabay sabay na sagot naman ng mga kamag-aral niya.

Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Business Administration. Tahimik lang siyang nakikinig sa diskusyon ng kanyang mga kaklase.

"We were going to spend the vacation at Florida" maarteng pahayag ni Erica, isa niyang kaklase. May kaya ito sa buhay at nasusunod lahat ng gusto. Typical spoiled brat.

"Kami naman ay sa Carribean with my boyfie" sabad ng isa niyang kaklaseng alagad ni Erica.

"Me and my family were going to New York City" hindi magpapatalo'ng saad ni Joy. Yeah right, napapairap na lamang siya sa mga naririnig.

"How about you Naia, where were you going to spend your vacation?" Tanong ni Marlo, ang matagal na niyang manliligaw.

"I dunno yet, maybe at my lola's province?" Tugon ko.

"Eww! Guys did you heard that? Province?! Like srsly? Poor Naia" nang iinsultong sabad ni Erica sa kanilang usapan.

Nagpanting ang kanyang tainga.

Ano bang problema ng bruhang ito? Tsk, tsk.

Tumayo siya at akmang susugurin si Erica pero pinigilan lamang siya ni Marlo.

"Wag mo na lang pansinin Naia" kalmado

nitong saad.

Nagbilang naman ako ng hanggang sampu at pilit pinapakalma ang sarili.

Napataas kilay lamang ang impaktitang si Erica sabay tawa ng nakakaasar.

"Ano namang masama sa pagpunta sa Probinsya, aber?" Nagpapakahinahon kong tanong.

Humalukipkip lang ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Tinatanong mo pa talaga yan?" Kunwa'y nagulat na tugon nito.

"You were indeed cheap and can't afford to go out of the country" nakangisi nitong banat.

"Who cares?" Banat ko.

" Well, nobody really cares, right guys?" Baling nito sa mga kaklase namin na ngayon ay nanunuod na sa 'kaunting sagutan' namin ni bruhilda Erica.

Napangisi na lang ako sa kawalan. "Tara na Naia, 'wag mo nang pag-aksayahan ng oras 'yang babaeng 'yan" bumaling siya kay Marlo na ngayo'y akmang hihilahin ako palabas ng room.

"Hey dont you ever turn your back on me!" Sigaw ni Erica nang malapit na kami sa pintuan.

"Stop it Erica, 'wag ka ngang isip bata? At 'wag mo na rin aawayin si Naia dahil kung hindi ako na mismo ang makakalaban mo" banta ni Marlo.

Hmm, infairness. May tagapagtanggol pala ako.

Muli akong hinila palabas ni Marlo at matagumpay naman kaming nakalabas. Iniwan namin si Erica na mangiyak-iyak. Hindi kase lingid sa lahat na may gusto siya kay Marlo. Kaya ganon na  lang niya ako pag-initan kase ako yung pinagtutuunan ng pansin ni Marlo.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya. Tumango lang siya. "Thanks Marlo pero hindi mo na dapat ginawa 'yon. Mas lalo lang akong pag-iinitan ni Erica sa ginawa mo eh" mahabang litanya ko.

Napailing-iling naman si Marlo. "I won't let that happen. Ever" sagot nito.

Mabait si Marlo, matalino at mayaman. Pero wala siyang maramdamang pagmamahal sa binata. Ilang beses na niya itong tinanggihan pero sadyang makulit talaga ang lahi nito. Natututunan naman daw ang pagmamahal. Pasasaan ba't magugustuhan din niya ito.

But she doubted that.

She tried her best to love this man, but her heart didn't cooperated. Her mind always reminds her that he has the quality of a fine man. What else could she ask for? Pero wala talaga eh, walang sparks kapag kasama niya ito. Walang magic, hindi rin siya kinakabahan whenever he's around, unlike what other people says that when you're crush' around, you can feel your nervousness.

Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay para sa binata.

**

Araw ng Biyernes.

Araw ng pag-alis niya patungong Pangasinan. Sa probinsya ng mama niya.

Nakatira silang mag-anak sa Maynila, doon na rin sila lumaki at nagka-isip ng mga kapatid niya.

Isang empleyado sa munisipyo ang mama niya habang ang papa naman niya ay branch manager sa isang sikat na banko. Hindi man sila  nakahiga sa salapi ngunit hindi rin hikahos sa buhay. Nasa middle-class family sila.

Tatlo silang magkakapatid. Ang ate Samantha niya, siya at ang bunso nilang si Hannah.

"Mag-iingat ka doon anak, palagi kang tatawag para hindi kami nag-aalala dito ng Papa mo" anang mama niya nang nag-eempake siya ng mga gamit niya.

"Ma naman eh, Big girl na ako. I can handle my self already" kunwa'y reklamo ko. Pero deep inside, I'm so happy and blessed to have my mom.  Mama's girl ako, though close ko naman si Papa. Kay mama talaga ako lumalapit 'pag may problema ako. She's not just my mother but she's also like my sister, my best friend. 

"Huwag kang magpapasaway 'dun. Saka yung lola mo, alagaan mo ha? Alam mo namang mas matigas pa ang ulo nun kesa sayo"

Napatawa naman ako sa sinabi ni mama.

Pasaway kase si lola, ayaw paawat sa paglilinis ng bahay at pag-aasikaso sa kanyang mga halaman. Malakas pa si lola sa edad na animnapu't pito. Ang tita Mira na lang ang kasama ni lola sa bahay doon sa probinsya. Si tita Mirasol, kapatid ni mama. Hindi na nag asawa sa kadahilanang may nobyo daw itong hindi taga planet Earth. Pinangakuan daw nito si tita Mira na papakasalan siya, pero hanggang ngayon wala naman. Tsaka seryoso ba 'yun? Hindi taga planet Earth? Ano 'yun alien? Napailing-iling siya sa naisip. Hindi baliw ang tita ko. Baka sadyang na-isolate lang ang isip nito, pa'no ba naman kase, sila na lang lagi ni lola ang magkasama. Hindi sila nakikihalubilo sa mga kapitbahay. Take note, malayo sa kabahayan ang malaking bahay nila lola. Pati nga daw si mama muntik nang hindi nakapag-asawa. Hindi naman sa strict si lola, sadyang nasanay lang daw ito na malayo sila sa mga tao. Ewan ko ba. Tapos yun nga, buti na lang may pagka pasaway si mama.

Isang araw isinama daw siya ni lola sa palengke, sabik na sabik na tumitingin tingin si mama sa paligid. Deyse syete anyos noon si mama, Too naìve ika nga. Nakabanggaan niya noon si papa na noo'y  nagmamadaling naglalakad patungong eskwelahan.

"Ayy! Ano ba 'yan?" napaupo si mama. Tinulungan naman siya ni papa na makatayo.

"Sorry miss, nagmamadali kase ako, pasensya na"

Nakayuko silang dalawa habang abala sa pagpa-pagpag sa nadumihang saya ni mama.

Sabay silang napatingin sa isa't-isa at yun na nga po, na love at first sight na sila pareho.

"Sa susunod iho tumingin ka na sa dinaraanan mo" pagsingit ni lola na nakabalik na pala mula sa pamimili ng gulay.

"Opo, pasensya na po" hinging paumanhin ni papa.

Hinila na ni lola si mama at naglakad na sila pauwi. Pero palingon-lingon pa si mama sa kinaroroonan ni papa. Habang nanatili namang nakatayo si papa at kumakaway-kaway kay mama.

"Dalhin mo ito anak, kaunting pasalubong para sa kanila" pagpuputol ni mama sa naglalakbay kong diwa.

" 'Ma paano po kayo nagligawan ni papa?" nakangisi kong pag-iiba ng usapan.

"Nakuu, ikaw talaga na bata ka oo, ang hilig mo sa history eh 'no?" nakatawang sagot ni mama.

"Sige na po, please?" Nag puppy eyes pa ako with matching pout ng lips,haha!.

"Loko ka talagang bata ka" natatawa pa ring saad nito.

"Oh siya sige na nga"

Papayag din pala! Nagpapabebe pa.

Bumuntong hininga si mama bago nagsalita na wari'y inaalala ang nakalipas.

**

"Oscar? Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na tanong ni Miranda habang nakadungaw sa bintana.

"Umaakyat ng ligaw" nakangiting sagot ni Jaime.

Namula ang pisngi ni Miranda. Hindi niya alam ganito pala ang pakiramdam ng mayrong  nagkakagusto sayo at gusto ka pang ligawan.

"pero baka magalit si mama!"

"Hayaan mo akong makausap siya Miranda. Sasabihin ko sa kanya ang tunay kong nadarama para sayo."

"Hindi ko alam kung papayag siya Oscar, natatakot ako"

"Huwag kang matakot mahal ko, ipaglalaban kita"

Napangiti si Miranda. May pag-aalinlangan ma'y tumango na lamang siya.

Mahal na niya si Oscar, unang kita pa lang niya dito ay nahulog na siya.

Kaya't nagpupumilit siyang suma-sama sa kanyang mama sa pamamalengke, nagbabakasakaling muli niyang makikita ang binata.

Hindi naman siya nabigo, nakita niya itong nakaupo sa isang kainan malapit sa pinagkabungguan niya. Wari'y may hinihintay.

Hindi nagtagal ay nagtitigan na silang dalawa. Walang namumutawing salita sa mga bibig ngunit ang mga mata naman nila'y nagkakasundo.

Walang pinalampas na sandali si Oscar, lumapit sa agad sa dalaga.

"Nagkita tayong muli"

"Oo ginoo" nahihiyang sagot ng dalaga.

"Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"

"Ako si Miranda, ikaw anong pangalan mo?"

"Napakagandang pangalan, bagay sa 'yong kagandahan.

Ako nga pala si Oscar"

**