webnovel

Blood of Weapons

Ice Arceneaux is one of the heiress of the mafia clan of Blue Pegasus. In her mother's plan, together with her three sister she escape the clan and make a fake death in order to live a new life outside the underworld. With the help of his biological aunt, he got her new real name Wynter Sandrine Verschaffelt. Together with her three sisters she will face a new world away from their merciles father.

Scarlettxxo · Sci-fi
Not enough ratings
6 Chs

Chapter 2: Guardian and Alliance

In 100% people in the world 95% of it has a A, B, O and AB blood type. 5% people has a unique blood type that still unknown and very special. The blood is commonly known as a golden blood or Rh-null. In over 40 plus years there only fewer than 50 people in the world who has a golden blood including the six of us. Night, Blade, Frost, our mom, and our decease sister is the same blood type as mine.

Having a rare blood type is very risky because we don't have the amount of blood donors just like the four common blood type. But, because my siblings and our mother share the same blood type. We don't have any worries about injuries or if ever we need blood transfusion.

Our blood is different. Our body is special. It has a strong immune system na kayang lumaban sa mga masasamang bacteria at virus na pumapasok sa katawan namin. In short hindi kami basta-bastang tinatablan nang mga nakakahawang sakit. Our body is so special na mas madaling humilom ang mga sugat sa katawan namin dahil sa kakaibang dugo na mayroon kami.

Ngunit kakaiba man ang dugong mayroon kami ay hindi parin kami ligtas sa sakit na mayroon ang mga tao. Ang aming ina ay namatay sa brain cancer at kamakailan lang ay inilibing siya sa Blue Memorial. Libingan kung saan ang tanging matataas na kasapi nang Blue Pegasus ang may karapatang mailibing sa lugar na iyon.

Dalawang-pung taon ang nakalipas isinilang ang limang babaeng magmamana nang karangalan na mayroon ang Blue Pegasus sa mundo nang underworld. Upang maging handa, ipinaranas sa kanila ang hirap at sakit. Balang-araw ang limang babaeng ma'y pareho nang araw nang kapanganakan ay siyang magiging pinuno nang isang napakalaking sindikato sa boung mundo.

Lumipas ang mga panahon at inakala nang lahat na magiging kapanalig na nang boung clan ang limang babae ngunit may sariling mga pangarap ang mga ito at nangako sila sa isat-isa na balang araw ang mansyon na itinuring nilang impiyerno ay iiwan nila.

Akala ko noon magiging okay na ang lahat. Kailangan lang namin sundin ang mga utos nila at balang-araw ay magkakaroon din kami nang pakpak at makakalipad palabas sa matatayog na pader nang Blue Pegasus. Ngunit nagkamali ako.

Nagkaroon nang kumplikasyon sa puso ang kapatid naming si Silver at namatay. Sunod pa nun ang pagkamatay nang kinakapatid naming si Snow. Naging malabo ang lahat, naging madilim ngunit umaasa parin kaming makakalabas kami sa lugar na iyon dahil alam naming si Silver at ang mga ala-ala niya ang gagabay sa amin palabas nang mansyon.

Bago mamatay si mom ay ibinilin niyang tumakas kami at sundin ang mga pangarap namin. Sa lumipas na mga panahon ay ihinanda na pala kami nang aming ina para sa aming pagtakas. She did everything she can para maitakas kami. Ipinakilala niya kami sa mga loyal na mga kakampi niya sa loob nang Villa Arceenix. She even give us the blue print of the whole villa para malaman namin kung saan kami dadaan.

"Unnie!" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Blade, Bumaba siya sa kotse matapos makuha ang atensyon ko. Bumaba din ako kasama nina Night at Frost. Napatingala ako sa malaking mansyon na nasa harap namin. Its not that big like the mansion where we came from pero sakto na para malaman na mayaman ang nakatira sa mansyong ito.

"Sigurado ka bang ito ang address, Frost?" tanong ko kay Frost ito kasi ang naatasang maghanap nang address na ibinigay ni mom bago ito mamatay.

"Yes, unnie! Sigurado ako." sagot nito. Lumapit ako sa gate at pinindot ang door bell.

"Kanina ko pa kayo hinihintay."

Napatingin kaming lahat sa babaeng lumabas nang gate. Medyo matanda siya sa amin nang konti at maganda siya. Siguro'y medyo bata lang siya nang konti kay Mom. Parang isa siyang westener sa mukha niya. She eyed us. Hindi pa siya nakuntento at sinipat niya pa kami mula ulo hanggang paa.

"We've been sent by Cecelia Carullos." wika ko na may pagka cold. As if nagpapatalo ako sa babaeng to.

"I know." sagot niya sa akin with a cold stare too. May pinindot ito sa relo na sout-sout. Bumukas nang malaki ang gate.

"Dalhin niyo sa loob pati ang kotse." wika nito. Sinenyasan ko si Frost na gawin ang iniutos nang babae. Sinunod naman iyon ni Frost.

"Sumunod kayo sa akin."

Nagkatinginan kaming bago sumunod sa babae. Sino ba siya at bakit ibinilin kami nang aming ina sa kanya? Isa pa'y nagtatalog din siya. Eh! Wala naman sa mukha niyang pinoy siya. This woman is making me so curious. Dagdagan pa nang cold aura nito na nagpadagdag sa pagiging misteryo nang babae.

Nang makapasok kami at ang kotse sa establishemento niya ay kaagad din niyang isinara ang gate. May dalawang babaeng kasing-edad lang namin ang nag-bow sa harap namin. Both girls have the same expression. They both smiling on us.

"Shine at Shimmer, ipaghanda niyo sila nang makakain, pati na din ang tulugan at mga damit." utos sa kanila nang babae.

"Upo." sagot naman nang dalawa at kaagad na tumalima upang sundin ang utos nito.

"Who are you? Bakit nagtatagalog ka? Bakit ka sa amin ibinilin nang aming ina?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. I can't fight it. Kating-kati na akong malaman ang pagkatao nang babaeng ito.

"Kumain, muna kayo at magbihis at tsaka ko na sasagutin ang mga tanong mo sa akin, Ice." Kumunot ang noo ko sa tinawag niya sa akin. How come she know me? Beside the people of Blue Pegasus, no one outside have seen the face of the weapons. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"How come you know my name?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Ngiting hindi ko gusto.

"Gaya nang sabi ko sasagutin ko ang mga tanong niyo kapag nakabihis na kayo at nakakain." aniya sa amin tsaka niya kami tinalikuran. Umakyat siya sa itaas at pumasok sa isa sa mga kwarto. Nagkatinginan na lamang kaming mga magkakapatid. Sino ba talaga ang babaeng yun?

"Miss, handa na po ang inyong mga silid. Andoon na din ang mga damit na sosoutin niyo." anang isang babaeng inutusan nang babaeng nagpapasok sa amin sa loob nang mansion. Amo yata nito ang misteryosong babaeng yun.

"Nagsasalita ka din nang tagalog?" ani Blade dito. Tumango ang babae at ngumiti sa amin.

"Ako'y purong Filipina kaya marunong akong magtagalog." sagot niya.

"Ang pangalan ko ay Shimmer at siya naman ang kapatid kung si Shine." dagdag niya pa at itinuro ang kasama niyang babae na kalalabas lang sa isa sa mga silid sa mansyon.

"Pasensya na pero, hindi namin pwedeng sabihin sa inyo ang mga pangalan namin." ani Night.

"Nauunawaan po namin." si Shine ang sumagot.

"Hali po kayo at ipapakita po namin ang inyong mga silid."

Iginiya kami nina Shine at Shimmer sa mga kwarto namin. Kasing-laki nang kwarto ko ang kwarto na ginagamit ko sa mansyon. Maliban lamang na sobrang plain nang design dahil puro puti ang loob nang silid.

Nakita kung may nakalatag na pares nang mga damit sa kama. Mayroon ding bath robe sa gilid nito. Kaagad ko itong kinuha at pumasok sa banyo. Matapos kung maligo at mawala ang lansa nang dugo sa damit ko ay kaagad na nagbihis ako at lumabas nang kwarto. Maginhawa ang pakiramdam ko nang lumabas ako. Naabutan ko si Shine na may inaayos sa kusina.

"Unnie! Ang ganda nang shower nila dito." napalingon ako kay Frost na kalalabas lamang nang kwarto niya. Hindi ko siya pinansin at kaagad pinuntahan si Shine na busy sa kusina. Nakita kung sumunod din sa akin si Frost.

"Miss, Hali na po kayo at kumain." aya sa amin ni Shine. Hindi pa siya nakuntento at pinaghila niya pa kami nang upuan.

"Thank you." wika ko sa kanya ngumiti lamang siya.

Ilang saglit lang at dumating din ang dalawa ko pang mga kapatid. At naupo sa tabi namin.

"Salamat sa pagkain." ani Blade matapos niyang lantakan ang mga pagkaing ihinanda ni Shine. Ngumiti lamang si Shine sa sinabi nito. Aaminin kung marami akong nakain, bukod kasi sa agahan ay kagabi pa kami hindi nakakain. Isa pa'y lahat yata nang ihinanda ni Shine ay mga paborito naming pagkain. Hindi ko alam kung nagkataon lang iyon o sadyang alam lang talaga niya ang mga favorite foods namin. Ngunit, nakakapagtaka parin kung paano niya nalaman ang mga paborito naming pagkain gayong si mommy lang ang may alam nang lahat nang iyon. Maliban lamang kung sinabi sa kanya ni Mom. Napaka-imposible naman.

Napatingin ako sa sugat ko na ginamot ni Blade. Matagal na ding pangarap nang kapatid kung si Blade ang makapag-aral sa medisina pero hindi niya magawa-gawa dahil sa responsibilidad na kailangan naming tuparin para sa bwisit na organisasyong iyon.

"Nasaan na nga pala yung babae?" tanong ni Night kay Shine. Nagtaka naman ang mukha nito. Nang marealize nito ang tinutukoy ni Night ay kaagad na umaliwalas ang mukha nito.

"Ah..you mean si Ms. Monica. Nasa itaas po siya sa kanyang opisina."

Kung ganoon Monica ang pangalan nang babaeng iyon. Ano kaya ang plano nang aming ina at ibinilin niya kami sa babaeng yun? Eh! Hindi nga namin kilala iyon? Teka, siya ba talaga ang binilinan sa amin nang aming ina?

"Anong trabaho niya? may asawa ba siya? may anak? Paano niya nakilala ang nanay namin? Paano siya nagtatalog eh, mukhang hindi naman siya pilipino?" ngumiti nang pilit si Shine sa sunod-sunod tanong sa kanya ni Blade. Ang isang to talaga, mahilig maglagay nang pressure sa iba.

"Umm.. Ano?" tila ayaw magsalita ni Shine. There's something wrong. Is it forbidden for them to give any personal information about their boss. Bakit? Assasin's din kaya ito na tulad namin? Bakit parang ayaw magsalita ni Shine?

"Ako na sasagot." napatingin kaming lahat sa babaeng pumasok sa kusina. Si Monica, the woman who have a mysterious identity. Umupo ito sa pinakaprenteng upuan at ngumiti sa amin nang matamis.

"Hindi pwedeng magsalita si Shine at Shimmer nang tungkol sa 'kin sapagkat, ipinagbawal ko iyon sa kanila." nakita kung nakayuko si Shine. Tumabi naman sa kanya si Shimmer na kasama ni Monica na pumasok sa dining hall kanina.

Tama nga ako. Forbidden nga sa kanila iyon. Pero bakit? Bakit ipinagbabawal iyon sa kanila nang kanilang amo?

"Una sa lahat, binabati ko kayo sa inyong successful na pagtakas sa Blue Pegasus Clan. Ipinaalam sa akin ni Ash-."

"You mean si Ash--na right hand nang grand master?" curious na tanong ni Blade. Ngumiti si Monica at tumango. Ang hilig talagang sumabat nang isang to. Pektusan ko kaya to?

"Ash is one of your mom's comrade. I am right Ice?" napatingin sa akin ang tatlo kung kapatid. Tumango ako sa kanila.

"Ash had been great help. His the one who told me where the tracking device in our body is located. His also the one who brought a car we used for our escape. Ash Montrogremy is a loyal alliance of our mom." Kahit alam ko na may consequences ang pag-amin kung iyon ay tinuloy ko parin. I don't have a choice. The mysterious woman has already cornered me.

"Why you didn't tell us? I almost killed him last night." ani Night sa akin. I can sense in her tone that she's upset.

"It was dangerous. Ayaw ko lamang na mahalata nang ibang reapers na pinapaburan tayo ni Ash at ganoon din tayo sa kanya." hindi naman nagsalita pa si Night but I can sense in her eyes that she's dissapointed. May reason naman ako kung bakit ko iyon nilihim. I don't want them to burden. Sapat na ako nalang ang magbuhat nang lahat.

"Tama na yan. Hindi ito ang tamang oras para magsisihan kayo o mainis dahil naglihim ang isa o hindi." napatingin kami kay Monica nang bigla siyang namagitan samin. Nahigh-blood pa yata ang misteryosong babae.

"Ang mahalaga sa ngayon ay malaya na kayong apat at pwede niyo nang gawin ang mga bagay na hindi niyo pwedeng gawin sa loob nang mansion." napatingin ako kay Night hindi parin nawawala sa mukha nito ang iritasyon.

"The four of you are free now, Cecelia might not be happy if she see the four of you quarelling for something little."

"Night, Blade, Frost. Respect Ice because she's older than the three of you. Kahit pa sabihin nating magkasing-edad lang kayong apat at iisa lang nang araw nang kapanganakan hindi parin natin, maiaalis na mas nauna siyang lumabas sa inyong tatlo."

"Same as you Ice, you also must respect your three sisters. Dahil sa iisang matris lamang kayo nanggaling walang dapat na lihiman. Kailangan niyong magtiwala sa isa't-isa." I can see that this woman is like our mother. The way she say and lecture us is like our Mom. Are we having a second mom now?

"So, balik na tayo sa pinag-uusapan natin." ngumiti siya sa amin na tila wala lang sa kanya ang nangyari kani-kanina lang. Ang dali naman yata niya makalimot. Diba kanina'y high-blood pero bat ngayon ang tamis na nang ngiti niya. Bipolar ba siya?

"Ash reported a great news, the clan convinced that the four of you is already dead. Thank's for the tracking device that you give him Ice."

"You mean that paper you throw him with the kunai?" ani Blade habang nakatingin sa akin. Ba't ba ang hilig sumabat nitong si Blade? Hindi yata matatapos ang sinasabi ni Monica dahil sabat siya nang sabat.

"Nice! My sister is so cool." papuri sa akin ni Blade. Itinulak niya ako nang bahagya dahilan para muntik na akong mahulog sa upuan ko. Bat pa kasi tumabi sa 'kin tong isang to? Pinanliitan ko siya nang mata nag peace sign lang siya sabay ngiti sa akin nang pagkalawak-lawak hanggang sa makita na namin ang gilagid niya.

"Unnie! You're too childish." plain ang boses ni Frost nang punain niya si Blade. Dagdagan pa nang mukha nang nakababata naming kapatid na plain din.

"Im not." depensa ni Blade.

"You are!"

"Im not."

"You are."

Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatitig sa dalawa. Heto na naman kami. Ganito kami araw-araw. Puro papuri lagi sa akin si Blade. Lagi namang sinasaway ni Frost si Blade sa pagiging childish nito. At si Night, don't be decieved how silent she is now. Galit lang yan sa 'kin kaya tahimik. Kung gaano kakulit si Blade, ganoon din si Night. Kung minsan pa nga'y partners in crime silang dalawa.

Napatigil sa pagsasagutan sina Blade at Frost nang bigla na lang parang baliw na tumawa si Monica sa harap namin. What's wrong with her? Nasaan na yung misteryosong babaeng nasa harap ko kanina? Tinopak na yata siya ah.

"Unnie, is she okay?" bulong sa akin ni Blade habang nakatingin kay Monica na tawa nang tawa. Hawak-hawak pa nito ang tiyan habang walang tigil sa pagtawa.

"I think she's not." sagot ko kay Blade habang nasa state parin nang mental shock dahil sa babaeng kausap namin.

Biglang napatigil si Monica sa pagtawa nang mapansin niyang nasa kanya na ang atensyon naming lahat. Maging sina Shine at Shimmer ay napatingin din sa kanya kanina. Hindi ba madalas tumawa tong amo nila? Umubo si Monica nang peke, para yata mawala ang embarassing moment niya. Umayos naman kami ulit nang upo na tila walang nangyari. Pareho din kasi kami nang symptoms sa kanya, madaling makalimot.

"So, I am Rosevelien Monica Verschaffelt I will be your guardian from now on. You can call me Tita Monica if you want. It was my pleasure be called as your aunt." ngumiti siya sa amin. Kagaya nang ngiti ni Blade na halos lumabas na yung gilagid.

"What are you doing?" tanong ko sa kanya dahil ang weird niya. Umayos naman siya nang itanong ko yun sa kanya.

"Ah..Cecelia told me to smile like that when I was talking to you." muli na naman siyang ngumiti.

Bumungis-ngis nang tawa si Night. Ganoon din si Blade. Nagkatinginan kami ni Frost na halos hindi makapaniwala. Talaga naman si mom, binigyan pa yata ako nang isang baliw din na makakasama.

"How do you know our mother?"

"Cecelia is a friend of mine. She is my sister. Although we both have different nationality we still support and we understand each other."

"What are you?"

"Im a human off course." ngumisi siya.

"Naisahan ka niya doon Frost." ani Blade. Nag-roll eyes lang si Frost kay Blade.

"I mean anong lahi ka ba? Bat marunong kang magtagalog."

"Im half spanish-norwegian. Cecelia is a half korean-filipino-norwegian, right?" tumango kami.

"She taught me how to speak tagalog."  sagot nito na hindi ko na ipinagtaka. Si Mom din ang nagturo sa amin nang tagalog. Although, nasa korea kami at may mga lahi kaming mga Koreana dahil ang tatay naman namin ay isang half Korean-Italian din, komportable parin kaming mag-usap sa isa't-isa nang tagalog.

"So, what's the next step?" tanong ko.

"Were going to the land where your mother has been born."

"Were going to live in the Philippines with freedom. Where you can reach all of your dreams." ngumiti siya sa amin.

"Payag ba kayo doon, girls?" tanong niya. Nagkatinginan kaming apat. Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Kailan tayo aalis nang Korea?" tanong ko na ikinangiti niya.

"Mamayang gabi." sagot niya.

"Shimmer." napatingin ako sa mga inilatag na dokumento sa harap namin ni Shimmer.

"Dahil sa kailangan parin nating itago ang identity niyo. I already settled a new name na gagamitin niyo sa bagong buhay niyo sa Pinas." Binuklat ko ang mga papel na binigay ni Shimmer sa harap ko. Mga passport at iba pang mahahalagang dokumento. Napatingin ako sa ID nang pasaporte ko.

"Wynter Sandrine Verschaffelt." hindi ko inakalang pagkatapos nang Ice ay Wynter naman. Ganoon na ba talaga ako kalamig? I am the ice princess of our group. Kaya nga ang pangalan ko ay Ice. I never give any affection towards others maliban na lamang sa mga kapatid ko at kay mommy. Even kay Dad, cold rin ang turing ko sa kanya. I am very angry of him. His one of the reason why we became a reapers, an assassins. We become his weapons. We murder people just for him and I hate him for that.

"Autumn Courtney Verschaffelt." napatingin ako kay Night nang sabihin niya iyon habang hawak ang sariling pasaporte.

"Summer Kirsten Verschaffelt." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Blade.

"Spring Forsythia Verschaffelt? Anong palagay mo sa amin seasons?" ani Frost tsaka niya padabog na inilipag ang pasaporteng hawak.

"Bakit ang ganda naman nang pangalan niyo ah."

"DIFFINITELY NOT." sabay pa kaming apat sa pagsabi nun.

"Mas maganda naman niyang mga pangalan niyo kaysa sa mga pangalan na dinadala niyo."

"FYI, that was our codenames and not our real name." ani Blade.

"Bakit alam niyo ba ang totoong pangalan niyo?" tanong ni Monica na ikinatahimik naming apat. Mula nang isilang kami ay wala na kaming totoong pangalan. We grow up in this world using our codenames.

Ang codenames lang namin ang ginagamit naming pagkakakilanlan sa tuwing may mga misyon kami o nakikipag-usap sa mga miyembro nang clan. Ang apelyidong Arceneux ay siyang dinudugtong namin kung minsan sa codenames namin dahil iyon ang dinadalang apelyido nang aming ama ngunit, ang apelyidong yun ay hindi parin totoong apelyido talaga ni Dad maging ang kanyang pangalan ay codename din.

"Besides, hindi ako ang pumili nang mga pangalan niyo."

"Your mom choose that names, binigyan ko lang nang arte pero sa kabouhan siya parin ang nagbigay nang mga pangalan niyo." si Mom? Si Mom ang nagbigay nang mga bagong pangalan namin? Pero bakit seasons?

"Pleasure your new names because from now on that was your real names. Hindi na yan codenames, yan ang mga totoo niyong mga pangalan na binigay sa inyo nang inyong mahal na ina."

Minsan natanong ko kung bakit ang last name nang ina namin ay hindi sinusunod ang pangalan nang aming ama. Kung bakit Carullos ang dinadala ni Mommy at hindi Arceneaux na siyang apelyido nang Daddy. Ngunit, habang tumatagal napagtanto ko na pati din pala si mommy ay hinding totoong pangalan ang ginagamit. Real names is very dangerous to the underworld. Kaya maraming nagtatago na mga reapers at assasins sa mga codenames. Kahit pa medyo hindi ko bet ang mga pangalan namin dahil nagmukha kaming mga seasons basta't galing sa aming ina ay kaya ko itong tanggapin nang boung-puso.

"Why you let us use your surname?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Because it was your mother's real maiden name." napakunot ang noo ko.

"Your mothers real name is Sierenna Therese Verschaffelt. She is my half-sister." wika niya habang ngumingiti at ikinagulat naman namin.

Isa lang ang ibig-sabihin nito. Ang Monica na ito ay totoong tiyahin namin. Pero bakit walang nababanggit si Mom nang tungkol sa kanya? We thought that our mom both lose her parents and she was an only child. Pero bakit ngayon lumabas nalang bigla na may half-sister pala siya. May hindi pa ba kami nalalaman sa tungkol sa aming mahal na ina?

....