webnovel

Blood of Weapons

Ice Arceneaux is one of the heiress of the mafia clan of Blue Pegasus. In her mother's plan, together with her three sister she escape the clan and make a fake death in order to live a new life outside the underworld. With the help of his biological aunt, he got her new real name Wynter Sandrine Verschaffelt. Together with her three sisters she will face a new world away from their merciles father.

Scarlettxxo · Sci-fi
Not enough ratings
6 Chs

Chapter 1: Escape

Mabilis ang paghabol nang hininga na ginagawa ko habang tumatakbo nang mabilis sa madilim at masukal na kagubatan na pagmamay-ari ng Blue Pegasus. Isang notorious na organisasyon na kinabibilangan ko. Lahat na yata nang nakakatakot at delikadong bagay ay nandito sa lugar na ito ngunit wala akong pakialam. Ang nais ko lamang ay makalayo at malabas sa loob nang Villa Arceenix na itinuturing kong impyerno.

Sa unahan ang tatlong ko pang kapatid. Nangunguna si Night na siyang nagbibigay nang direksyon. Nasa likod nito sina Blade at Frost. Ako naman ang nakaantabay sa likod sakaling may nakasunod man at may magtangkang pigilan kami.

Ang liwanag ng buwan ang nagsisilbi naming ilaw at ang presensya nang bawat isa ang aming sandata para makalabas sa binansagang 'Black Forest' nang Villa Arceenix. Ang sikat na villa na siyang inuukupa at teritoryo nang Blue Pegasus Clan.

Sabay-sabay kaming napalingong apat mula sa aming pinanggalingan nang makarinig nang isang malakas na tunog ng alarma. Dumagundong iyon sa loob nang villa dahilan para mas lalo pa akong maging kabado. Isa lang ang ibig-sabihin nang alarmang iyon. Alam na nang boung organisasyon ang aming pagtakas.

"Let's get out of here, faster." mabilis na nagsikilos ang mga paa ko. Maaring dahil na din iyon sa adrenaline rush at kaba na maaring kahantungan namin kapag hindi kami makatakas nang mga kapatid ko sa lugar na ito.

Pare-pareho kami nang dahilan kung bakit namin ginagawa ito. Para sa isang pangako, hindi lamang para sa aming mahal na ina o kaya'y para sa isa nayumaong kapatid kundi pati na din sa aming mga sarili. We are all thirsty of freedom.

All our life has been cage in Villa Arceenix. Doon na kami lumaki, nagkaisip at naging kasangkapan nang organisasyon sa mga masasamang balak nito para sa mundo. We are they're best asset, their aces and their queen reapers. We are their best weapons at alam kong hindi kami ng mga ito basta-basta papakawalan lamang.

Sumamyo sa ilong ko ang malansang amoy. Kahit na hindi ko tanungin ang mga kasama ko ay alam kong alam na din nang mga ito na hindi lamang kami ang nandoon sa gubat na iyon. Hindi lang isa ang kasama namin sa mga oras na ito kundi madami. Nagtatago sa mga malalagong sanga nang mga punong kahoy at naghihintay lamang nang pagkakataong umatake. Nawala ang pagiging kabado ko nang mapagtantong nasa dulong bahagi na kami nang kagubatan. The big tree that will be our way to get out of the tall wall separated the villa outside is visible now. Ang puno na lamang na iyon ang tanging pag-asa naming makalabas.

Muling bumalik ang atensyon ko sa paligid nang mas lalong lumakas ang malansang amoy. One thing is for sure, the reapers are close enough to our position. Alam ko kung saan nanggaling ang malansang amoy na bumabalot sa 'Black Forest'. Galing iyon sa mga reapers na kapanalig nang aming ina. Mga katulad naming reapers na namatay para protektahan kami at masiguradong makatakas sa kamay nang organisasyon. Our first defense had already gone. Ilang sandali lang mula ngayon ay kakailanganin na naming kaharapin ang mga humahabol sa amin.

Sandali ay nakarinig ako nang kalantsing hindi kalayuan mula sa pwesto namin. I know it, something is coming. Mabilis na inilabas ko ang mga shuriken sa aking bulsa at pinatama ang mga iyon sa shuriken na pinalipad ng mga reapers sa aming pwesto. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga nagtamaang shuriken sa paligid.

Mabilis kong hinugot ang mga natitira pang shuriken sa 'king bulsa. Nakita kong inilabas na din ng mga kasama ko ang mga sandata ng mga itong dala. Muli ko na namang narinig ang tunog nang nagliliparang shuriken sa paligid. Mabilis na ipinalipad ko ang shuriken na nasa kamay ko upang sanggain ang mga shuriken na papunta sa pwesto namin.

"Ice! Watch out." narinig ko ang tinig ni Frost na nasa likod ko lang. Kasunod non ay ang pagsangga nito nang katana sa kunai na lumusot sa mga shuriken na pinalipad ko. Bumagsak sa lupa ang kunai na papunta sana sa mukha ko.

A voice came of nowhere enter the scene. It was Ash Montgomery, our father's must trusted underlings.

"Surrender yourself weapons, before the head master will be mad. Go back to the mansion now." I throw him my sarcastic smile. Besides our mother and our merciles father wala pang ibang taong nag-utos sa'kin. Kung mayroon man they are all ended-up losing to me.

"We're not going back Ash. We already choose to leave this place ngayon kung gusto niyo pang mabuhay lahat." I deepen my voice with authority.

"Leave this place and let us go." babala ko. I knew that some of the reapers are afraid of us. They know what we can do to them. I am now trying to pull our second defense.

"You know what is the consequences if we let you go, Milady. The grand master will still going to kill us." Anas ni Ash. I smiled, alam na alam ko ang kahinaan nang isang tao. Death, the most terrifying thing I can do to a person whenever I got a chance.

"Kill them." napatingin ako sa lalaking lumabas mula sa kadiliman. I know who it was. It was our uncle. Our uncle Andrew Arceneux who doesn't like us since the beggining.

"Kill them all. The rule said that if the weapons will try to escape or hide from the organization they must be killed. The clan will hunt them down until their last breath." hindi naman ako natinag sa mga sinabi ni uncle. Kilala ko na ito. Uncle Andrew can't compare to me or even to the one of my sister. He is just like a dog to us who countinously barking and barking.

"We know that stupid rules, uncle Andrew. So stop barking there like a stray dogs. Our decision is final, we will going to leave this place even we sacrifice our life." ani Frost. My sister is really serious about this thing. It was not just a damn promise but a imposible dream that we shared since childhood.

"Kayo dapat ang matakot. You all know our capabalities. We can kill you all for an instant." dagdag naman ni Blade. I can see in Blade eyes ang kagustuhan na nitong makalaya. We are all thirsty of freedom and no one can stop us to get it.

"Don't be rediculous Milady." babala sa amin ni Ash.

"Then fight us." ngumisi ako matapos kong hamunin ang lalaki. Ash Montgomery seems like taken aback on what I said. I knew it, they are all scared to us especially to me.

"I order you to kill them all." napatingin ako muli sa pakialamero naming tiyuhin. In my mind, i'm planning to cut his tongue para hindi na nito magamit ang matabil nitong dila. I was already enough with him. Ubos na ang aking pasensya sa bunganga nito. I'm going to kill him for sure.

Hindi kaagad nagsikilos ang mga reapers na naroroon. They are waiting for Ash Montrogremy's order. Ash is just observing us. Mukhang tinitimbang parin nang lalaki ang sitwasyon.

"Ano na? Scared to death." I challenge him again. Hindi kaagad nakasagot si Ash which make me pissed. Sa lahat nang ayaw ko ay yung pinag-aantay ako.

"I order you all to kill them. Kung hindi niyo sila kayang patayin ako mismo ang papatay sa inyo." malakas ang tinig ni Uncle Andrew. He emmediately took his gun then shoot two reapers. He then point a gun at our direction and shoot me. Pero naiwasan ko lamang iyon.

I smiled on what he has done. This is the signed. A decision that I was waiting to hear from Ash Montrogremy pero ang uncle ang sumagot. Mabilis na hinugot ko ang katana na nakasukbit sa'king likod at iwinasiwas iyon sa balang paparating sa direksyon ko. In a blink of an eye, the reapers around try attack towards our direction.

Wala akong pinalampas na oras at kaagad na sinalubong ang mga reapers. Wala akong tinira, lahat nang namataan ng mga mata ko ay kinikitilan ko kaagad nang hininga. In a moment, I became a death scheduler. Ako ang nagtatakda kung kailan ko kukunin ang buhay nila.

Napaatras ako nang maramdaman may tumama sa balikat ko. Napatingin ako doon at nakitang may nakabaong kunai. Hinugot ko iyon at boung pwersang itinapon sa lalaking nagtapon sa'kin nito. Tumama ang sandata sa dibdib nang lalaki at walang buhay na natumba. Mabilis ko namang hinarap ang iba pa. Inilagan ko ang sipa nang isang reaper sa likod. Mabilis na tinaga niya ako nang espada ngunit nakuha kong sanggain iyon nang aking katana. I pushed the reaper using my force sabay sipa dito sa tiyan dahilan para mapa-atras ito. Tinik-advantage ko iyon at walang sinayang na oras na sinaksak ang lalaki sa dibdib.

Napayuko ako nang may maramdamang may sasaksak sa mula sa'king likuran. Kasabay nang pagyuko ko ay ang pag-hugot nang katana sa lalaking sinaksak ko kanina. Mabilis na ibinaon ko ang katana sa lalaking umatake sa akin sa likod. Tinamaan ito sa tiyan, tumayo ako sabay hugot ng katana sa katawan nito.

Napaatras ako nang konti nang makaramdam nang hilo. Patuloy parin ang pakikidigma ko sa kalaban ngunit nawawala na ang kakayahan kong makakita nang maayos. My enemy is like dancing in my vision. Napapikit ako.

What's wrong with me?

Tinangka nang reaper na saksakin ako sa dibdib but I manage to dodge his attack. I circle around his body then stab him in his back. Boung pwersa kong hinugot ang aking katana kasabay nang pagbagsak nang lalaki. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging malala ang pakiramdam ko. My headache is getting worse, dagdagan pa nang nagbublured kong vision. Hindi ko na nakayanan at napaluhod. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. But, I have an instinct that it was because of that kunai who wounded my shoulder a moment ago.

I feel someone in my back at alam kong hindi ko ito kakampi. Haharapin ko na sana ito ngunit hindi ko na maigalaw ang katawan ko. I stumble in the ground. Tumawa ang reaper at may sinabi pa ngunit hindi ko na iyon maintindihan. Ang tanging naiintindihan ko lamang ngayon ay delikado ang lagay ko.

"Ice, are you alright?" a voice came and I know who it was. It was Blade, one of my twin sister. Sunod-sunod na mura ang pinakawalan nito. I try to open my eyes and saw Blade kneeling in the ground to help me. Pinunit nito ang laylayan nang shirt na sout at ibinigkas iyon sa sugat ko sa balikat. Hinila niya ako malapit sa isang puno at isinandig doon. Napapikit ako sa hilong nararamdaman.

"What's wrong with Ice?" I hear Frost asking.

"Its seems like she was wounded by a weapon who have a sleeping powder." Blade answer.

"So, Ice is just sleeping? How many minutes will she wake-up." tanong muli Frost then I heard a sound of a gun.

"It depends upon the effect of sleeping pills but knowing Ice. Its not going to take an hour." sagot ni Blade.

"In a minute we have to protect ourselves including Ice." pinilit ko muling imulat ang mga mata. My damn three sister is infront of me protecting me.

Sa iilang minuto they have to endure those freaking reapers who was time by time had manage to increase their numbers even how much effort and hardship we put just to minimize them. I close my eyes again.

Girls, let me borrow a time.

******

"Lalabas tayo dito." wika ko habang nasa madilim na piitan.

"Pangako! Lalabas tayo dito, kahit anong mangyari." unti-unting nagliwanag ang kanina'y madilim na paligid. Bumungad sa'kin ang apat na maliliit na batang pinangakuan ko. Ngunit iisang ngiti lamang ang nakapukaw nang atensyon ko. Sa ngiti nang apat na bata'y siya lamang ang may ngiting puro at walang pag-alinlangan dahil pati ang mga mata'y niya ngumi-ngiti din sa tuwa.

"Come on Ice, Let's leave this place."

Naramdaman ko na may bumubulong sa tainga ko at alam ko kung sino iyon. Ang uncle Andrew ay nasa tapat ko lamang at may hawak na patalim dahil ramdam ko ang patalim nito na itinututok nito sa'king leeg.

"Goodbye now, Ice." mabilis akong nagmulat nang mata ng sabihin nito iyon tsaka siya boung lakas na sinipa sa sikmura. Tumilapon siya sa malayo maging ang patalim na dumidikit sa leeg ko kanina.

Napatingin ako sa mga kasama kong nacorner na nang mga reapers sa isang tabi. Mabilis akong tumayo. Nahihilo pa ako but I can manage to fight just like a minute ago. There's one phrase that keep me standing and giving me a courage to fight.

We have to get out of this place now.

"Kill her. Kill Ice." narinig kong sigaw nang bungangero kong tiyuhin. Napalingon ang mga reapers sa gawi ko. Napakuyom ako nang kamao. Kaagad na maraming umatake sa'king reapers.

Nakita kong sinamantala din nang tatlo kong kasama ang sandaling binigay na atensyon sa'kin nang mga kalaban at kaagad sinunggaban ang mga reapers na nasa tapat ng mga ito.

Sinalubong ko ang mga reapers na papasugod tsaka hinugot muli ang katana na nasa likod ko. Mabilis kong sinaksak ang isang reaper na malapit sa'kin kasunod nun ang mga pag-gilit ko sa leeg nang isa pa.

Habang tumatagal ay unti-unting nababawasan ang mga reapers na nasa paligid. Nasisiyahan ako sa tuwing nakakita ako nang pula. Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakakakita ako nang maraming dugo. From that moment I knew it. The beast inside me is already awaken. My inner demon is controlling me now.

Mabilis na binigyan ko nang axe kick ang isa pang reaper dahilan para bumagsak ito sa lupa. Mabilis na itinarak ko sa dibdib nito ang katana at tsaka mabilis na tumalon sa loob nang bilog kung nasaan ang aking mga kasama. Mabilis na sinaksak ko ang isang nasa likod ni Frost.

"All of you. Leave immediately." utos ko sa mga ito. Sandali pa ang mga itong nagtaka ngunit nang makita nila ang mukha ko ay mabilis na umalis ang mga ito sa dating pwesto. May humabol ngunit napipigilan parin ito ng mga kapatid ko at napapatay.

Napangisi ako at tsaka umangat nang tingin. Nakita kong medyo napa-atras ang mga reapers na nasa paligid nang makita ng mga ito ang mukha ko. Yeah right, the demon is already awake so better prepare for your death now. Iwinasiwas ko ang katana paitaas tsaka pa sa mga ito ngumisi. Mabilis ko iyong tinabig pakaliwa. Napatingin ang lahat sa reaper na tinamaan nang katana ko. Mula sa ulo ay gumuhit ang katana papunta sa leeg nito. Ilang sandali pa'y bumagsak ito sa lupa na hati ang ulo hanggang leeg.

Bago pa man makakilos ang mga kalaban ay kaagad ko ang mga itong sinugod. Mabilis na tumakbo ako pabilog habang walang malay ang mga kalaban na ginigilitan ko nang aking katana ang lalamunan ng mga ito. Napangiti ako nang bumalik sa pwesto kasabay sa nagsipagbagsakang mga reapers na nagilitan ko sa leeg. Kaagad na ibinalik ko sa likod ang katana at kinuha ang baril at pinagbabaril ang iba pa.

Ilang sandali pa'y naubos na ang mga reaper na kalaban ko. Itinapon ko ang mga baril na naubusan na ng bala. Mabilis na hinugot ko ang isa pang kunai at isinasiwas palayo ang mga bala nang baril na papalapit sa pwesto ko. Kahit nakatalikod ako at hindi ko narinig ang pagputok ng baril ay nararamdaman ko parin at nakikita kung nasaan nakapwesto ang mga ito.

"Out of bullets!" wika ko kay uncle Andrew na itinapon ang baril na hawak dahil wala nang bala at pakinabang.

"So the demon Ice have already appeared now." Ngumisi ako sa sinabi niya. Kinuha nito ang espadang nasa paanan at hinawakan ito nang mahigpit.

"I promised, that I will kill you until my last breath." sigaw nito tsaka niya ako sinugod dala ang espada. Ngunit, bago pa man siya makalapit ay mabilis at walang pag-alinlangang ginilitan ko nang kunai na hawak ko ang leeg niya.

"It's game over, Andrew Arceneaux." bulong ko sa kanya tsaka nabitawan nito ang sandatang hawak kasabay ang pagbagsak nito sa lupa.

Mabilis na nilapitan ko ang aking mga kasama na katatapos lang din mapabagsak ang mga kalaban.

"Are you okay, Ice?" tanong ni Frost. Napatingin ito sa'kin. Napaatras ito sandali nang makita nito ang mukha ko.

"Shit Ice, your eyes is color red you better get rid of it before it worse." turan nito. Kinalma ko ang sarili ko. I have to control myself dahil kung hindi ay baka pati ang mga kapatid ko ay madamay pa.

"Im okay!" I finally said when I already calmed myself. Napaginhawa na din nang maluwag ang tatlo nang makita yata nang mga ito na nasa tamang pag-iisip na ako.

"Come on, Let's go!" sigaw ko ngunit bago pa man kami makaalis sa lugar na iyon ay may tumapon na sa pwesto namin nang bomba.

"Bomb!" sigaw ko. Mabilis na tumalon kami papalayo sa'ming mga pwesto kasabay nun ang pagkuha ko ng papel sa bulsa ko. Itinapon ko ang papel kasabay nang kunai papunta sa gawi ni Ash Montrogremy na siyang nagtapon nang bomba. Tinuhog nang kunai ang papel diretso sa dibdib ni Ash. Napaungol ito at napabagsak sa lupa nang tinamaan nang kunai ko.

"Let's go!" sigaw ni Night. Kaagad na mabilis kaming kumilos.

Ilang sandali lang narating din namin ang malaking puno sa dulo nang kagubatan. Kaagad kaming umakyat sa malalago nitong sanga at tumalon palabas. Mabilis kaming pumasok sa kotseng nakahanda na para sa'ming pagtakas. Mabilis na pinaharurot iyon ni Frost.

"Why you didn't kill him?" tanong ni Night sa akin. My sister talking about Ash Montrogremy.

"Ash have to stay alive for our fake death's." wika ko na ikinakunot lamang nang noo nito.

"What do you mean?" I smiled.

"Ash, will proclaim that the four of us has been killed in the battle." sagot ko sabay turo sa sugat sa braso na kinuhanan nang tracking device na nilagay ng organisasyon sa loob nang katawan namin para itrack kami.

Biglang lumiwanag ang paligid. Ang kanina'y madilim na daan ay unti-unting binibigyan nang liwanag nang sumisikat na araw. Napangiti ako.

"From now on, the weapons of Blue Pegasus Clan has been already dead. This is the new beggining outside the dungeon." wika ni Blade na ikinangiti ko lamang. Hinimas ko ang kwentas na nasa leeg ko.

Mom. I fullfill my promise.

"You fullfill your promise to our Mom and to her." napatingin ako sa front mirror nang sabihin iyon ni Frost na nasa driver seat. Ngumiti ito sa akin.

"Thank You, Ice." Dagdag pa nito. Napangiti na lamang ako nang sunod-sunod na nagpasalamat ang mga kapatid ko.

No. I am the one who must thankful to her. Kundi hindi dahil sa kanya ay hindi ko nagawang labanan ang physical wounds ko. She never leave us, She still doing her job even after more than ten years.

*****

A/N: I'm amateur writer po kaya sorry sa mga wrong typos. I do my best to make it right. Chao!