webnovel

CLASS DIS(MISS) AL

As soon as I woke up, I found myself again in our classroom. Agad ko ring chineck yung suot ko and nothing is changed. Ganun pa rin, I am still on my position. Hinanap ko kaagad yung kasama ko kanina and I saw him on his chair, nakatungo.

What happened? Was it real?

"Class dismissed, see you tomorrow. I forgot, we have a quiz tomorrow so better study what's the lesson for today, understood?, " napalingon na lang ako sa sinabi ng prof. Si Prof. Ayen, I think. last instructor namin every Wednesday...

Kaya hinanap ko yung phone ko, 2:05. Akala ko ba wala na kaming klase dahil vacant?

Nagsitayuan naman sila at once again, nag-announce na naman yung mga leaders. Nakita ko ring tumayo si Claireh kaya sinundan ko siya ng tingin at hinihintay na sumulyap sa'kin pero hindi. Binalikan ko rin ng tingin yung lalaking nakasama ko kanina pero wala na siya doon bagkus nasa harap ko na at hinahatak na ako patayo. Napansin ko namang lumingon si Claireh sa gawi namin.

Narinig ko ring tinatawag ako nung leader namin, baka buong akalang tatakas ako pero sasagot pa lamang ako ng hatakin niya na ako palabas.

"What?, " reklamo ko pero nagulat na lang ako ng halikan niya ako sa gitna ng hallway kaya pati yung mga naglalabasang mga students at mga ka-block namin ay napasinghap.

Nang ma-realize ko yung nangyari, agad ko siyang tinulak at buong lakas na sinampal sa mukha. Fudge! Firzt kiss ko!

"Are you insane, huh?, " singhal ko sa kanya. But he gave me a cold look. Hinatak niya ako ulit papasok ng classroom at saka ni-lock yung pinto. Kaya nagulat naman yung ibang nasa loob pa at nakikiusisa sa nangyari kanina. Agad naman silang lumabas kaya kaming dalawa na lang ang naiwan. Binitawan niya na rin ako.

Hindi naman na makausisa sila dahil una mataas yung windows sa right side at sa kasalukuyan, nila-lock na niya yung dalawang door knob. The heck! Anong problema niya?

Naestatwa naman ako sa gitna habang siya mabagal na naglakad papuntang table sa harap. Agad naman akong napatakip ng mata ng simulan na niyang hubarin yung polo niya. Oh my gosh! Kaya agad akong napatakbo sa pinto para lumabas pero bago pa ako makalapit dito, ay may lumanding ng polo sa ulo ko dahilan para matakpan yung mukha ko.

Agad ko naman itong tinanggal. So I'm pissed. Para saan ba talaga 'to? Gusto ko ulit libutin ng tingin yung paligid baka mangyari ulit yung kanina pero di ko magawa dahil may feeling bold star sa harap. So to show respect, Tumalikod na lang ako sa pwesto ko at kinausap siya.

"So, what is this for? Uwian na, what are we gonna talk about?, " tanong ko. Pero lumipas na lang yung ilang segundo ay wala akong naririnig na sa sagot kundi tunog lang ng papalapit na yapak kaya bago pa siya ulit makalapit ay nag-attempt ako ulit na lumabas.

Pero pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay agad niya akong hinatak sa braso at naramdaman ko na lang na dumampi yung mukha ko sa dibdib niya. Bigla ring nag-mute yung paligid at matapos ng ilang segundo, tsaka ko na lang narinig yung tilian sa labas.

Di ko rin pala namalayan, ilang minuto rin pala akong di humihinga sa kaba kaya naramdaman ko na lang na babagsak na ako, the only thing I remember, may sumalo sa ulo.