webnovel

CLASS DIS(MISS) AL (2)

"No!, " agad kong sigaw ng magising ako. Nakakahiya pa kasi halos lahat ng campus nurse ay napahinto. Nakita ko rin si Claireh sa tabi at yung leader namin.

"Ay pasensya na po miss, " aniya ni Claireh at saka minomove yung kurtina para matakpan yung ward ko.

Close ko ba sila?

Patayo na sana ako sa kama na kinapupwestuhan ko ng pigilan ako ng leader namin.

"Lilian, maghunos-dili ka nga, " aniya pero binigyan ko na lang siya ng isang confused-look.

Kaya agad naman itong nag-hands off at lumayo.

"Okay, okay!, " suko niya. Nilingon ko naman si Claireh na tawang-tawa. Do I look funny here?

"Hilig talaga sa intimidating na aura eh. Wag mo na pigilan leads, gusto niya na ata makita