webnovel

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
24 Chs

Chapter 1.7

"Sumuko ka na lamang bago pa mas lumala ang kalagayan mo." Sambit ni Evor habang may pag-alala sa tono ng boses nito.

Masyadong napalakas ang atake niya na siyang nakaapekto sa kalagayan ng kalaban niya.

Mabilis siyang tiningnan ng kalaban niya kasabay nito ang paglabas ng kakaibang ngisi sa mga labi nitong may bakas pa ng sariling dugo nito sa bibig.

"Iyon ang hindi ko hahayaang mangyari binata. Wala kang lugar para manalo rito, sa akin pa rin ang huling halakhak!" Malakas na wika ng kalaban nito at mabilis nitong ibinalik ang summoner ball sa loob ng balikat nito.

Ngunit agad na naningkit ang mga mata ni Wong Ming nang may idinukot ang kalaban nitong isang kulay ubeng summoner ball at ibinato sa ere.

Kasabay nito ang pagbuo at pagbabago ng panahon. Dumilim ang paligid na siyang ikinabahala ng lahat ngunit karamihan ay nananatili lamang sa kanilang sariling pwesto.

Maging ang mga nilalang na nanonood at tutok na tutok sa kanilang nasaksihan. Kitang-kita kasi nila ang paglitaw ng napakalaking Magic Circle sa ere na siyang ikinagulat ng karamihan.

Shrrrrriiiieeeeckkkkk!

Isang napakalakas na huni ng isang ibon ang narinig ng lahat na siyang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa lahat.

Isang kulay ubeng nilalang na ibon ang kitang-kita nilang lumilipad sa ere kasabay nito ang malakas na bulong-bulungan ng lahat.

"Violet Electric Bird? Isang Thunder Type Summoned Beast ito at nahahanay sa malalakas na mga nilalang!"

"Hindi ba't kinatatakutan ang isang iyan? Paano'ng nangyari na pagmamay-ari pala ito Ng isang Violet Electric Bird?!"

"Hahaha... Kaawa-awa ang kalaban nito. Sigurado akong maghihingalo ito sa hagupit ng isang malakas na ibong iyan!"

"Akala ko nga ay tapos na ang laban ngunit mukhang hindi pa at matataob pa ang resulta ng laban!"

Ilan lamang ito sa maririnig na mga palitan ng pahayag sa mga manonood. Sino ba ang mag-aakalang ang labang ito ay tila hindi pabor sa binata at mukhang dehado ito sa lakas ng kalaban nitong nakakulay ubeng maskara.

"Tingin mo binata ay mananalo ka? Pwes, hindi mangyayari ang gusto mo lalo pa't nasa aking pangangalaga ang Violet Electric Bird!" Sambit ng nakakulay ubeng maskara na siyang kalaban nito.

Kasabay nito ang pagliwanag ng mga mata nito at nagsagawa ng pambihirang skill.

Skill: Electric Doom!

Malalakas na hibla ng mga kuryente ang biglang umalpas at bumagsak sa kinaroroonan ni Evor dahilan upang maging alerto ito sa naturang panganib.

Hindi naman nag-aksaya si Evor ng oras at ginamit nito ang pambihirang skill ng kaniyang sariling summoned beast.

Skill: Fire Shield!

Isang higanteng apoy na pabilog ang lumitaw at bumalot sa katawan ni Evor dahilan upang hindi ito matamaan o mapuruhan ng lakas na taglay ng napakadelikadong atake ng kalaban nito.

Mabuti na lamang at naging epektibo ang kaniyang sariling taktika kung hindi ay baka napuruhan siya.

Habang papatagal ng papatagal ay pansin ni Evor ang pamumuo ng mga butas-butas sa animo'y fire shield niya dahil parang nabubutas ito ng mga mumunting kuryente.

Hindi naman nag-aksaya si Evor at mabilis siyang umalis sa kinaroroonan niya upang umatras sa nasabing atake.

Matagumpay naman niyang nagawa iyon saka lamang ipinawalang-bisa ito ng kalaban niyang may misteryosong katauhan.

"Magaling binata, nakaiwas ka sa naging atakeng ginawa ko ngunit pasasaan ba naman at ika'y aking matatalo. Hindi para sa iyo ang laban na ito kundi para sa akin. Ako ang nararapat na pumasok sa Akademya at hindi ang isang mababang uring nilalang na katulad mo!" Sambit ng nasabing nilalang habang mabilis itong nagsagawang muli ng pambihirang skill.

Skill: Electric Slash!

Ngunit bago pa man ito kumpletong maisagawa ng nasabing nilalang ay mabilis na ibinato ni Wong Ming ang isang summoner's ball niya sa ere. Ito ay walang iba kundi ang kaniyang Summoned Hero.

"I summoned you Zhaleh!" Sambit ni Evor kasabay nito ang pagliwanag ng mga mata nito at pagbalik ng Fire Fox sa pagiging summoner ball.

Kitang-kita kung paanong nawala ang kulay pulang kalasag at naglalagablab na kaanyuan ni Evor. Masasabing ang kaanyuan nito ay naging balik normal na lamang.

Gustuhin man ni Evor ang mga bagay na ito ngunit wala siyang pagpipilian, malakas ang kalaban niya at hangga't hindi pa nag-eevolve muli ang fire fox na siyang unang summoned hero niya.

Mayroong malaking Magic Circle na namuo sa ere kasabay nito ang paglitaw ng isang kakaibang nilalang na kulay asul.

Tanging si Zhaleh na lamang ang kaniyang pag-asang manalo. Alam niyang walang pag-asa kung pipilitin niyang ang pambihirang fire fox ang palalabanin niya. Nasa limitasyon na ang unang summon niya kaya wala siyang balak na ipatalo ito.

Isang malahiganteng kuryente ang nakita ni Evor na babagsak sa pwesto niya ngunit agad ring kumilos ang Summoned Hero ni Evor na si Zhaleh na siyang sinangga nito ang nasabing atake nt kalaban nila

Sa paghawak pa lamang ng Higanteng kuryente ni Zhaleh ay bigla na lamang humina ito at naglaho na parang bula.

Doon napatunayan ni Evor na malakas nga ang summoned hero na nasa pangangalaga niya.

Nagulat naman ang lahat sa kanilang nasaksihan lalong-lalo na ang kalaban nito.

"Paano'ng nangyari na napawalang-bisa ng summon mo ang aking mga atake?! Hindi maaari ito!" Malakas na wika ng kalaban ni Evor habang makikitang tila naiinis ito.

"Dahil may kakayahang kumontrol ng hangin ang aking summon. Hindi gagana ang mabagsik na kidlat na siyang pangunahing skill ng iyong summon." Seryosong turan naman ni Evor sa kalaban nitong tila nalilito sa nangyayari.

"Kaya hindi kita matalo ganon ba?! Hindi maaaring makapasok ang isang katulad mo sa Akademya. Kung makakapasok ka sa Azure Dragon Academy ay mas mabuti pang mamatay ka na lamang kaysa maging problema ka pa namin sa hinaharap!" Malakas na wika ng kalaban ni Evor habang kitang-kitang nagliwanag ang mga mata nito habang mabilis nitong hiniwaan ang kanang palad nito.

Forbidden Skill: Thunder Slayer!

Isang nakakatakot na penomena ang nangyayari sa buong kalupaan ng Dragon City. Kitang-kita ang pagpalit ng kulay itim na enerhiya sa katawan ng kalaban ni Evor maging sa abnormalidad ng pagtaas ng enerhiya sa mismong summon nito.

Nagpalit ng anyo ang Violet Electric Bird sa isang hugis taong nilalang ngunit ang katawan nito ay nababalutan ng kakaibang itim na enerhiya. Enerhiyang alam ng lahat na isang hiram na enerhiya lamang.

Kasabay nito ang pamumuo ng napakalaking Magic Circle sa paanan ng Human Form Summoned Beast.