webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 16

"Good morning, Sir Harris and Ma'am Castillo" bati sa amin ng mga tao.

Nandito na kami sa loob ng Harris Resort.

"Ma'am and Sir, eto na po yung room niyo" Bellboy

Pagkapasok namin sa suite namangha ako. Ang ganda dito!

Binagsak ko ang aking katawan sa higaan habang si Bry tinatabi ang mga gamit sa gilid at humiga na ren sa tabi ko pagkatapos.

"Let's go" aya niya

"Where?" 

Gusto ata gumala ng buang na 'to.

Tumayo na ako at kumuha ng damit para makapagpalit.

"Magbibihis lang ako" 

Pumunta ako sa bathroom para makapagbihis na. Mga ilang minuto ay natapos na ako sa pagbihis kaagad na ako lumabas. 

"AAAAAHHHHHHHHH" 

Pagkalabas ko kasi nakita ko naka topless si ulupong ayon napasigaw kaya agad ako tumalikod. Fudge! Six packs!

"Humarap ka na. I'm done" Bry

Humarap na ako at nanitiling normal lang ako. Nauna na akong maglakad palabas para mawala na ang pagmumula ng mukha ko.

Tumakbo siya papunta sa tabi ko pero natatawa siya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ngayon ka lang ba nakakita non?" habang natatawa.

"Hindi noh! Nakikita ko yun sa mga asawa ko!" bulyaw ko sa kanya.

"Huh? Asawa?" Bry

Ano ka ngayon? Ikaw naman mainis diyan.

"Oo, bakit?" 

Binilisan ko ang lakad ko kaya napatakbo ulit.

"Sino? Mas gwapo sa akin?" tanong nitong kumag na 'to.

"Seventeen! Oo mas gwapo sa'yo" Inirapan ko siya.

Binilisan ko kaagad ang lakad ko. Bala siya diyan!

"Ayos lang. Ako naman Fiance mo" pagmamalaki ng kumag na 'to

Sa sobra kong bilis maglakad, syempre napagod ako kaya umupo muna ako sa buhangin at tumingin sa dagat. 

Tumabi naman ang ulupong sa tabi ko.

"Gusto mo na maligo?" Bry

Umiling ako kaya tumayo siya at naligo na siya. Aba iniwan ako!

Pero pinabayaan ko siya maglaro doon. Bala siya doon!

Mga ilang minuto may narinig akong tumawag.

"Kai!" 

Sino pa ba tatawag ng 'kai', edi si Stella. Nakakagulat man isipin nandito siya. Ano naman ginagawa nito?

Tinanggal ni Stella ang beach dress niya kaya naka two piece na siya. Buset! Papansin ka.

Nakita ni Bry ang pagkainis ko pero aba'y walang pakielam. Aba 'di ako magpapatalo. 

Tumayo ako kaya napatingin sa akin si Bry. Unting unti kong tinanggal ang aking cover up na parang nasa commercial sa totoo lang doon ko lang yun ginaya.

Hindi maalis ang tingin ni Bry sa akin kaya nagtaka si Stella kung sino ang tinitignan ni Bry.

Nang matanggal ko na ang cover up ko pumunta na ako kay Bry para maligo na. Nang malapit na ako napa iling na lang si Bry kaya pinuntahan na din ako.

Bigla akong pinaupo sa buhangin kaya natakpan ang pang ibaba ko.

"Ang raming nakatingin na mga lalaki sa'yo" bulong nito.

Baliw ba 'to, syempre maraming titingin dahil ba naman sa ginawa ko.

Nawala ang ngiti ni Stella nang hapitin ang bewang ko papunta sa kanya. Ano ka ngayon? Third wheel ka 'te!

Naglaro kami sa dagat pero si Stella matibay nandito paren. Jusko!

Mga ilang oras na kami dito kaya naisip namin kumain pero may makapal na mukha kaming kasama. Oo, sumama si Stella 'di niya ata alam na moment namin 'to.

Nasa loob na kami ng seafood restaurant. Yiiiee, excited na ako kasi favorite ko seafood. Akala ko sa ibang table si Stella pero kasama paren pala sa table namin.

Nang dumating ang mga pagkain ay kumain na lang ako ng kumain para mawala inis ko kay Stella pero potek nag usap na naman sila para na naman tuloy akong hangin dito.