webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 15

"Hope, may gagawin ka ba ngayong week?" tanong ni Dad sa akin.

Nasa dining kami at nakain ng dinner.

"Wala po"

"Naisip kasi ng Tita Bea mo na magbakasyon kayo ni Bry sa beach resort nila" Dad

Eh? Aba payag ako. Sobrang bored ko na dito kaya gusto ko namang gumala tapos kasama ko pa si Bry.

"Sige po" 

"Dad can I come too?" pa epal si Callie.

"No, Callie. We have vacation in Cebu" Dad

Ano ka ngayon, Callie? Ble!

Excited na ako sa mangyayareng trip na 'to hihi.

"Bree, may regalo ako sayo" Quinn

May hawak siyang paperbag. Ano kaya 'to?

"Tada!" Quinn

Kaagad ko siyang hinagisan ng unan. Bano naman kasi, regalo sa akin red lingerie.

"Ouch a! Magpasalamat ka na lang kasi may masusuot ka para maakit ulit si Loverboy" sabay tawa niya.

Kung may choice lang ako, si Asha at Lei na lang kasama ko mag ayos na gamit para sa trip kaso may mga gawain sila e.

"Umayus ka nga, Quinn" natatawa kong sabi.

Nagpatuloy na kami sa pag aayus ng gamit ko.

"Bree nandan na po si Sir Bry" 

Yey! Sobrang excited ko sa araw na 'to 'di na nga ako nakatulog ng ayos kasi excited ako.

Bumaba na ako at tinulungan naman ako ni manang sa dalahin ko. Pagka baba ko nakita ko na agad si Bry sa sala namin. Shems, ang gwapo ng pormahan ng kuya niyo!

"Good morning" bati ko

Tumingin naman siya sa akin. Nginitian niya lang ako.

"Let's go" Bry

Patakbo akong lumapit sa kanya at kumapit sa braso niya. Shems, kinikilig ako.

Sumakay na kami sa sasakyan niya. Naka ayus na ang lahat kaya nagsimula na kaming lumarga.

Habang nagroroadtrip kami hindi pwede na walang seventeen songs kaya nagpatugtog na ako. 

Swineun nal-inde neon mwohae~ Saeng-gag iss-eum nawa nollae~ 

"Holiday" sabay ko sa kanta.

(Holiday by Seventeen)

(ps. pakinggan niyo yung nasa multimedia para ma enjoy niyo hihi)

Eto na naman po kami, tuwang tuwa siya sa kanta. Sinong hindi magugustuhan mga tugtugan ng seventeen.

"Holi holi holi, holi holi holiday!" sabay ko sa chorus

Pinakuha niya ang mga pagkain na dinala niya kasi hindi kami nagbreakfast kasi dito na lang daw kami kumain.

Pagkabukas ko sa pagkain na hinanda niya ay nakyutan ako kasi may design pa yung sandwich. Natawa ako kaya sumimangot siya pero humarap ako sa kanya at nag thumbs up. 

Syempre 'di pede ako lang kakain no. Kaya sinubuan ko siya pero dahil bano ako pinagtripan ko siya. Hirap na hirap siyang kumain pero dahil mabait ako ay tumigil na ako at sinubuan ko na siya ng maayus.

Nang matapos ang tugtog ay may pinatugtog pa ako.

Uriui saebyeogeun najboda tteugeowo~ Achimi ol ttaekkaji~

"Oh, summer summer summer summer-oh" pagsabay ko habang sinasayaw ko ang step nito pero etong ulupong na 'to ay ginaya ako.

(Our dawn is hotter than day by Seventeen)

(ps. isearch niyo na lang po kung gusto niyo pakinggan hihi)

Tawang tawa kami hanggang matapos ang kanta. Nahawaan ko na siya sa pagiging carat ko.

"Sobrang fan ka nila no" Bry

"Oo naman. I stan talents" 

Pinatugtog ko na ang isa ko sa favorite ko.

Snap shoot snap shoot~

Nilabas ko ang phone ko para magpicture. Ipopost ko 'to sa IG ko hehe.

Nang itutok ko 'to sa amin ay nagpeace sign lang siya kasi nagdridrive siya.

Snap shoot snap shoot~

Nagstory naman ako sa IG ng  roadtrip namin.

(Snapshoot by Seventeen)

(ps. isearch niyo na lang po kung gusto niyo pakinggan hihi)

______________________________________________________________________________

Author's note:

Hi sa mga co-carats ko diyan. Stream their music guys, It's aju nice~

STAN TALENTS GUYS! STAN SEVENTEEN!

Thanks for reading this, Kung hindi ka pa carats, watch some mv of seventeen and be part of our fandom.

Btw, I have stan acc, follow me and I will followback you ;))

Mxnghxx_