webnovel

Arrange Marriage With My Boss (On Going)

Arabella Rose Rosales was an ordinary employer of Cayden Felix Frerez and the princess of Rosales Family, the most precious gem of her brothers. An employee of Frerez Unendlich Wines. She didn't know that her life will change and will be at stake when she met The Boss. The Boss who's the CEO of the most famous and biggest champagne company. The Cohen Enterprise which is the rank one among the all companies in the world, he is also managing the fabulous restaurant, hermoso amor, and soon to be the legally owner of those business who built by his father who's sitting as the chairman of the company... but he is also a heartless Mafia Boss That you won't ask to collide with. He is Keane Jefferson Cohen, the Mafia Boss... But once he fell in love he'll give and do anything just for her even If it cost his life. What If Ara just fell in love at the first sight and she just keep denying it? What If the lifeless heart of the Heartless man can beat with just seeing the woman that he's just met by almost an accident? What If Ara would find out something about her brothers? What If she'll recall all her past and can affect her future? What If she knew the secrets of his love one? Will she still love him? Would they still love each other If they know about the truth of each other's lives, pasts and secrets? °°° AN INFINITE LOVE OF A SECRET MAFIA BOSS This book is a work of fiction. Character names, places, incidents, events and etc. are all products of author's imagination. All rights reserved. READ AND VOTE MY STORY(STORIES) PLEASE. THANK YOU! °°° [A/N]: You can read it on wattpad just search my username : blackbluethy, it's chapter 43 on wattpad now! Follow me to notify you if there's new updates! Thanks! Wattyacc: @blackbluethy Dreameacc: @HyacinthAveeryyy

blackbluethy · Urban
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 2 :Nickname

   Zoey's P.O.V

        HINDI ko inaasahang tititigan niya ako ng ganito katagal. An cold and emotionless eyes. Hindi ko alam kung maiirita ako o matutunaw sa titig niya, parang nakakasakal at nakakamatay ang bawat tingin niya.

        "Okay, Miss Dela Cruz", pagputol niya sa katahimikan habang iniwas na niya ang kaniyang tingin sa'kin.

        "You're hired Miss Dela Cruz...", wika niya at bigla akong nagulat ng muling ibalik nito sa akin ang kaniyang matatalim na tingin.

        "As my assistant..... Personal assistant, Miss Dela Cruz", dugtong pa nito sabay ngumisi.

       "W-what? Ayoko! " tugon ko na ikinagulat niya.

       "Huh? Ayaw mo?, okay then you may leave",wika ni Jack.

       "No, gusto kong magtrabaho dito, pwede namang assistant nalang ako  o kaya secretary ng Vp di ba?, o ng iba, basta huwag lang sa'yo nuh!", inis na wika ko.

       "You don't have the right to take exception to my decisions!" nagulat ako dahil sa pagsigaw niya.

        "This is not your place Miss Dela Cruz", dugtong niya.

        Nagulat ako sa sinabi niya at naalala kong hindi namin sakop ang kompanya nila. Hindi ko maaring tutulan ang desisyon niya dahil baka ako pa ang mapagbuntunan nito ng galit. Napayuko ako ng dahil sa kahihiyang ginawa ko kanina.

         "O-okay I'll accept your decision...", nahihiyang tumango nalang ako sa harap niya at nag iwas ng tingin.

        "Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?", pilit ko paring tanong at tinitigan siya ngunit siya na ang nag iwas.

        "Hindi na Miss Dela Cruz", malamig niyang sagot sa'kin.

        Tumayo na ako at nagpasalamat sa kaniya. Ngunit hindi ko na siya tiningnan pa.

        "Salamat Mr. Ice prince", may diing wika ko  bago siya tiningnan at nanlaki ang kaniyang mga mata.

       

        Nahihiya nalang akong tumalikod sa kaniya. Maglalakad na sana ako nang  tawagin niya muli ako. Ngunit sa pagtawag niya sa'kin  ay hindi ang pangalan o apelido ko kundi gumawa siya ng bansag niya sa'kin gaya ng ginawa ko sa kaniya.

        "Oh Nerd!" nagulat ako sa ibinansag at sa pagsigaw niya no'n sa'kin.

        Alam kong sa akin niya ibinansag iyon dahil kaming dalawa lang ang naroon. Maliban nalang kung kinakausap niya ang sarili niya o kung baliw na siya.

        Nanatili pa rin akong nakatalikod sa kaniya at hindi ko man lang magawang gumalaw sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa sinabi niya.

        "I forgot to tell you something... Bukas na ang simula ng trabaho mo, at upang hindi malate ang mga nagtatrabaho dito pati na rin ako, may sari-sariling condo unit na tayong lahat, nerd", wika niya na ikinagulat ko kaya humarap ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama kahit nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko.

        Nagtama ang tingin namin sa i'sat isa kaya mabilis din niyang iniiwas ang tingin sa akin.

        "What?! Bukas na kaagad?", gulat na tanong ko sa kaniya.

        "Yes and you can't do what you want to do but to follow my decision",wika niya.

        "At anong itinawag mo sa'kin huh, NERD?! Hoy! Mr. Ice prince wala kang karapatang tawagin ako ng ganyan!", inis na sigaw ko sa kanya na parang nakalimutan kong siya ang boss ko.

       "May karapatan akong tawagin ka ng kung anong gusto ko, ikaw naman ang naunang nagbigaw ng bansag 'di ba, and besides nasa kompanya ka namin at ako ang boss mo kaya wala kang karapatang magreklamo, unless kung gusto mong matanggal na kaagad? At bakit naman hindi kita tatawaging nerd, naka nerdy glasses ka kaya normal lang iyon", sabi ni Jack.

        "Anong---Ugh!", asik ko sa kanya.

       "Okay that's all, you may leave, Nerd", pagpapaalis niya sa'kin.

       Padabog akong tumalikod sa kanya at inis na inis.

       Nang maglakad na ako ay may ipinaalala pa siya sa'kin kaya napahinto ako sa paglalakad.

       "Oh by the way huwag mong kalilimutang mag impake, and take a rest madami tayong gagawin bukas", sabi ni Jack.

       Naglakad na lang uli ako at hindi na tumango. Nang makalabas ako ng opisina niya ay agad na bumungad sa'kin ang mga kaibigan ko.

        Agad namang tinawag ng secretary ang susunod na iinterviewhin. Sumunod naman kaagad si Alice dahil siya ang sumusunod sa'kin.

        "Oh, bakit ganyan itsura mo?", tanong ni Clyde.

        "Oh, kamusta natanggap ka?" tanong naman ni Chloe na may kasama pang ngisi.

        "Malamang na natanggap yan!, imposible namang hindi alam ng president ang dapat sanang vp ng company ng Dela Cruz Fam di ba?", sabi naman ni Gel.

        Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalng ako sa kaliwang mga upuan. Sa kanang upuan kasi ang upuan ng mga nakapila para sa pag aaplayang trabaho. Kaya sa kaliwang mga upuan ako umupo.

       "Ano bakit dika makasagot?" ani Chloe na kaharap ng inuupuan ko.

        "Pwede ba isa isahin niyo naman yang mga tanong niyo ang dami niyong tanong eh?!", tugon ko na ikinatawa nilang lahat.

       "HAHA tama nga naman kasi si Zoey eh andami niyong tanong tss", pagtatanggol naman sakin ni Ken.

       "Okay, Una kaya ganito ang itsura ko dahil do'n sa bwisit na Ice prunce nayon, pangalawa io natanggap ako, at pangatlo natanggap ako bilang personal assistant niya!", inis na tugon ko sa kanila.

        "Huh? Ice prince?", mayhalong tawang tanong ni Clyde.

        "Oo dahil sa lamig ng pakikitungo niya at sa mga malalamig na tingin niya nuh at isa pa mas naiinis ako sa NERD na palayaw na ibinansag din niya sa'kin!", niinis na wika ko na may halong kaba sa dibdib ko parang may nasabi ako na hindi dapat.

        "Ano?! Tinawag ka niyang Nerd?!", natatawang tanong ni Clyde.

        Sabi ko na nga ba at may nasabi akong mali. Hays!

       "Bakit di mo pa kasi tanggalin yang salamin mo, eh sa pagkakaalam ko hindi naman malabo ang paningin mo at wala ka namang problema sa mata", sabi ni Ken.

       Aktong tatanggalin niya na ang nerdy glasses ko ng hinawi ko ang kamay niya.

        "Don't you dare Mr. Kenneth Earle Fernandez", pagbabanta ko sa kaniya. Ngunit tumawa lang siya.

        Ang salamin na ito lang kasi ang ibinigay ng pinakamatalik kong kaibigan nung high school. Si Lizeil. Iniregalo niya ito sa akin dati at ayokong tanggalin ito dahil ito nalang ang alaala niya sa akin simula nung umuwi sila sa New York.

       Naibalik ako sa huwisyo ng tumawa silang lima. Naramdaman kong nag init ang pisngi ko kaya yumuko ako upang itago 'yon.

       "A-anong nakakatawa?", nahihiyang tanong ko nang nakayuko parin dahil tumawa na rin ang lahat.

       "Wala". Sabay sabay nilang wika saka ko sila tiningnan ng masama.

        Alam kasi nilang lahat maliban kay Ken na may gusto ako sa kaniya. Kaya ganon nalang siguro kung makatawa sila.

       "Ang mukha natin Zoey namumula", wika ni Chloe kaya napayuko ako dahil sa hiya.

       "T-tumahimik ka nga nagblush on kasi ako nuh!", pagsisinungaling ko sa kanila ngunit nanatili pa rin akong nakayuko.

        Natigilan ang lahat ng lumabas na si Alice galing sa office ng may malaking ngiti aa kanyang mga labi.

        "Natanggap ka nuh?", natutuwang tanong ni Chloe sa kaniya.

        "Oo!", sobrang sayang sagot naman ni Alice.

                     --------¬🥀¬-------

       

         Mga kalahating minuto bago matapos ang lahat sa pag iinterview. Masaya ako para sa aming lahat dahil kaming anim ay natanggap sa trabaho.

       Umiwi na ang lahat pagkatapos ng interview. Hindi na rin kami nag abalang magselebrasyon dahil maaga pa kami bukas sa trabaho. Medyo hapon na rin kaya umuwi na silang lahat at ako nalang ang naiwan. Nasa labas ako ng Skywalker Inc. Hinihintay ko si kuya dito sa waiting shed ng kompaya sa labas.

        Ang sabi kasi ni kuya ay siya na ang susundo sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na ang kotse ni kuya Ryle. Ilang saglit pa ay hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala ang siya at ang kotse niya ang gamit niya. Mabilis magpatakbo ng sasakyan si kuya kaya minsan ay natatakot ang sumakay sa mga sasakyang dala niya lalo na kapag motor ito.

        Mabilis din na lumabas si kuya ng kotse. Pagkalabas niya ay ngumiti ito at kumaway sa akin. Sinkulian ko lang siya ng ngiti.

       "Tara na Zoey!", tawag niya sa akin kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya.

                     --------¬🥀¬-------

        Nang makauwi kami ni kuya ay hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ng pinto ni kuya kaya ako na mismo ang nagbukas. Pagkatapos ko naman ay sumunod si kuya. Binuksan ko ang pintuan namin at pumasok na roon nakita kong nakahanda na sa lamesa ang pagkain sinalubong ako ng yakap nila Mommy at Daddy habang nginitian naman ako ni manang Lisa, kasambahay namin. Nakita ko namang naglalaro pa nang video game ang bunso namin na si Russell Zienbil, some of his close friends call him Russ but I prefer to call him Zienbil.

        Sinuklian ko ang yakap nila at ngumiti pabalik kay manang. Sumunod na pumasok si kuya at ako naman ay pupunta na ng aking kwarto. Katulad ng bungad sa akin nila Mommy at Daddy ay ganon din ang ginawa nila.

        "Oh siya maligo at magpalit na kayo ng damit at kakain na tayo", anyaya ni Mommy sa amin ni kuya.

        "Okay Mom", sabay naming wika ni kuya.

        Mabilis na umakyat at pumasok ako sa kwarto ko at mabilis na naligo. Habang dumadaloy ang malamig na tubig sa buo kong katawan ay iniisip ko parin ang mga batuhan namin ng salita ni Jack. Hindi ko lubos maisip kong ano ang pumasok sa isip ko at bakit ko siya binigyan ng palayaw o bansag. Ugh nakakainis! Sabi ko sa isip ko. Paano ba naman kasi kung makatitig soya parang yelo daig pa ang babaeng may means! Sa isip isip ko.

        Nang matapos akong maligo ay nagbigis na ako. Nagulat ako nang may kumatok sa pintuan kaya binilisan ko ang pagbibihis dahil baka kanina pa sila naghihintay sakin sa baba.

        "Zoey, kakain na daw hindi ka pa ba tapos diyan?", tanong ni kuya pagkatapos kumatok.

        "Nandiyan na kuya", sagot ko saka binuksan ang pinto.

        Sabay na kaming bumaba ni kuya papunta sa dining room namin.

        "How's your interview?", tanong niya habang binabaybay namin ang daan papunta sa dining room.

 

       "Good", maikling sagot ko.

       "Okay not best huh?", may halong panunuyang sabi ni kuya. Ngunit hindi na ako umimik.

        Nang karating kami ni kuya sa dining room ay agad na kaming umupo at nagsimulang kumain. Pinagsandok ni Mommy si Russ mag na nineteen na siya next week pero parang bata kung ituring pa rin siya ni Mommy, samantalang kami nila kuya Ryle at Daddy ay kaniya kaniya.

        Nagsimula na kaming kumain ng tahimak ngunit nabasag naman iyon ng magsimulang magtanong si Russ.

        "Mom pwede po ba akong mag imbita ng mga kaibigan ko at kaklase?", tanong na bumasag sa katahimikan namin habang kumakain.

        "Of course baby boy, you can invite whoever you want", tugon naman ni Mommy.

        "At syempre pati na rin ang mga kapatid, pwede silang mag imbita", dugtong pa niya.

        "Yes!", nagulat kaming lahat ng sumigaw si kuya Ryle sa harap nang hapagkainan.

        "Ryle! Don't shout, Kung ayaw mong bawiin ko ang sinabi ko?", babala ni Mommy.

        Napakamot nalang sa batok si kuya at nagpeace sign pa kay Mommy. Habang kami nila Zienbil, Dad at ako ay tumatawa na.

                   --------¬🥀¬-------

        Matapos naming kumain at nagtawanan ay agad na akong nagpaalam kina Mommy at Daddy na aakyat na ako ng kwarto ko upang magimpake ng mga gamit ko para sa paglipat ko sa condo na malapit sa building ng compaya ng mga Skywalker. Nasabi ko na sa kanila ang tungkol doon kaya wa na akong kailangan pang ipag alala.

        Agad na tumango lang si Mommy habang si Daddy naman ay nanonood lang sa tv. Agad akong umakyat ng kwarto ko at inumpisahan ng mag impake ng mga gamit ko.

        Pagkataposkong mailagay lahat ng dapat kong ilagay sa maleta ko ay pabagsak na humiga ako sa kama. Napagod ako buong araw at stressed na ako kakaisip na baka pahirapan lang ako ni Jack bukas.

         Bukas pa naman ng hapon ako lilipat. Ngunit pwede na rin ngayon pero gusto ko munang sulitin ang ilang oras na kasama ko ang pamilya ko.

          Kinuha ko ang isang unan ko at yumakap do'n. Napakalambot ng kama at sibrang gaan no'n sa loob ko pati na rin ang unan na yakap yakap ko.

        Ang unan na yakap ko ay bigay sa akin ni kuya nung debut ko para daw kapag wala siya ay isipin ko lang daw na siya ang unan na iyon ay mapapanatag na ako. Si kuya ang laging takbuhan ko sa tuwing may problema ako o sa tuwing umiiyak ako siya ang nagsilbing tagapagtanggol ko sa lahat.

         Hindi din mawala sa isip ko ang bansag ni Jack sa akin. NERD. Ugh ganon ba talaga ang tingin ng lalaking iyon sa akin porque naka nerdy glasses lang? Sa isip isip ko. Gusto ko na tuloy na huwag na munang gamitin iyon at ipakita sa kaniya kung sino ang pinagbansagan niya no'n. Ugh nakakainis! That Ice prince is a jerk! Jack Archer Skywalker is a jerk! Sigaw ko sa isip ko.

        Ilang oras pa ang lumipas nang dalawin na ako ng antok. Gabi na rin ngunit hindi ako kaagad nakatulog dahil sa kakaisip ng mga bangayan namin kanina ni Jack. Ngunit Hindi ko na  namalayang nakatulog na ako ng mahimbing.