webnovel

Arrange Marriage With My Boss (On Going)

Arabella Rose Rosales was an ordinary employer of Cayden Felix Frerez and the princess of Rosales Family, the most precious gem of her brothers. An employee of Frerez Unendlich Wines. She didn't know that her life will change and will be at stake when she met The Boss. The Boss who's the CEO of the most famous and biggest champagne company. The Cohen Enterprise which is the rank one among the all companies in the world, he is also managing the fabulous restaurant, hermoso amor, and soon to be the legally owner of those business who built by his father who's sitting as the chairman of the company... but he is also a heartless Mafia Boss That you won't ask to collide with. He is Keane Jefferson Cohen, the Mafia Boss... But once he fell in love he'll give and do anything just for her even If it cost his life. What If Ara just fell in love at the first sight and she just keep denying it? What If the lifeless heart of the Heartless man can beat with just seeing the woman that he's just met by almost an accident? What If Ara would find out something about her brothers? What If she'll recall all her past and can affect her future? What If she knew the secrets of his love one? Will she still love him? Would they still love each other If they know about the truth of each other's lives, pasts and secrets? °°° AN INFINITE LOVE OF A SECRET MAFIA BOSS This book is a work of fiction. Character names, places, incidents, events and etc. are all products of author's imagination. All rights reserved. READ AND VOTE MY STORY(STORIES) PLEASE. THANK YOU! °°° [A/N]: You can read it on wattpad just search my username : blackbluethy, it's chapter 43 on wattpad now! Follow me to notify you if there's new updates! Thanks! Wattyacc: @blackbluethy Dreameacc: @HyacinthAveeryyy

blackbluethy · Urban
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 1: Start

Zoey's P.O.V

      NAKATAYO ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko sa harapan nang isang napakalaking building pero nakasisiguro akong mas malaki ang building ng company namin. Mag aaply kami ng trabaho sa building na nasa harapan namin, isang napakalaking kompanya, ang pangalawa sa pinakakilalang kompanya sa lahat.

     Gusto ko kasing paghirapan ang isang posisyong gusto ko sa kompanya, alam ko kasing kapag sa company namin ako magtatrabaho ipupunta agad ako ni Dad sa posisyong Vp sa CEO.

      Nakasuot ako ngayon ng blouse na may kwelyo at konserbatibong skirt na nakasalamin din at dala ko ang envelope na naglalaman ng mga documents ko. Hindi ko talaga alam kong ano ba talaga ang dapat na isuot kapag mag aaply ng trabaho. This is my first time!

 

      "Sigurado ka bang ganito ang damit kapag mag aaply ha? Baka mamaya pagtawanan ako nang mga empleyado do'n noh?", naiinis kong tanong kay Chloe na nakabistida at ako lang ang may ganitong suot. At Ipa pa first time kong mag apply ng trabaho.

       "Hay naku! Kahit ano naman pwedeng isuot dahil mag aaply pa lang naman tayo nang trabaho noh, tumahimik ka na nga lang diyan kanina ka pa dada ng dada eh nakakarindi", inis na wika ni Chloe.

       Tiningnan ko ng masama si Chloe nang dahil sa sinabi niya habang nakatingin lang siya sa building na nasa harapan namin. Siya ang nag yaya sa aming apat na mag apply sa kompanyang 'yon.

     "Ano na hindi pa ba tayo papasok do' n? Tititigan na lang ba natin yang building dito sa labas guys?", naiinip na tanong ni Gel.

      "Hindi ka ba makapag hintay ha?" nangangati na nga ako sa suot ko dadagdag ka pa diyan? ", sabi ni Alice na Nakasuot din ng bistida gaya ni Chloe.

     "Tama na nga yan away kayo nang away eh wala namang magagawa yan", saway naman ni Clyde.

      "Tara na nga pumasok na tayo kaysa naman sa nag aaway away kayo diyan", anyaya sa amin ni Ken.

      Halos mapatili ako sa sakit nang  naapakan ni Alice ang paa ko na naka heels pa naman.

      "Hehehe s-sorry", napakamot siya sa kaniyang batok nang humingi ito ng sorry, bago nagpatuloy sa paglalakad.

      Mag aaply kami sa Skywalker Incorporated. Sabi ni Chloe may mga kaklase daw siya dati na dito na nagtatrabaho. Hindi na daw kami malelate nang pagpasok araw araw pero hindi niya alam kung bakit. Basta pumayag nalang kaming apat na mag apply sa Skywalker Inc.

      Natigilin kaming lima sa paglalakad nang makita naming out of order ang elevator. Sa 10th floor pa kami mag aaply at mukhang hindi palang kami natatanggap ay may punishment na kaming aabutin.

      "Mukhang male late tayo nito", inis na sabi ni Chloe.

      "Tara na umakyat nalang tayo sa hagdanan baka mamaya wala na tayong maabutang trabaho eh!", sabi ni Gel.

       "Tara na, tara na!", nagmamadaling sigaw sa'min ni Alice.

        Umakyat kami nang hagdanan dahil wala naman na kaming pagpipilian. Napatakbo kaming  anim nang makita ang oras ilang minuto nalang ay malelate na kami. Dahil sa pagtakbo namin sa hagdanan ay may mga nasasagi kaming nagtatrabaho sa kompanya at hindi ko maitatangging napakaganda ng mga uniporme nila.

                    --------¬🥀¬-------

        ILANG minuto pa ang lumipas ay nakarating din kami sa wakas.

       "Hay! Sa wakas nakarating din tayo!", pagod na wika ni Chloe.

       "Hay, magpahinga muna tayo at umupo sa mga upuan, napagod ako do'n ah!", hinihingal na wika ni Alice.

       "Sinabi mo pa! eh ang hirap kayang tumakbo sa hagdanan nuh!", sabi ni Clyde.

       "Huwag na tayong magpahinga, mahaba-haba naman siguro ang pila ng mga mag-aaply kaya pwede tayong magpahinga sa waiting area", sabi ni Ken.

        "Tama si Ken, anong oras na oh! 5 minutes nalang at malelate na tayo tapos nakuha niyo pang magpahinga nag aaksaya lang kayo ng oras eh!? ", pagsang ayon ko kay Ken.

        "Oo na ah ito na oh tatayo na kami! Tumayo na nga tayo nag aaksaya lang daw tayo ng oras!", may diing wika ni Alice na nginisian ko lang.

        Napatigil ako sa paglalakad ng magvibrate ang phone ko at makita ang pangalan ni kuya Ryle na naka flash sa screen ng phone ko at agad ko rin 'yong sinagot at nagpatuloy ako sa paglalakad habang kausap sa cellphone si kuya.

       "Hey! my little princess, kamusta?", wika ni kuya Ryle.

       "I'm okay kuya and don't call me with that again", sagot ko kay kuya.

       "Okay baby girl, nga pala nabalitaan ko ang pag aaply mo sa ibang kompanya. Bakit hindi ka nalang kasi magtrabaho dito sa kompanya ni Dad?", tanong ni kuya na tinawag pa akong baby girl.

        "Kuya, huwag mo nga akong tawagin ng kung anu-anong sweet na tawag para sa isang bata", naiinis na sagot ko kay kuya.

        "Okay, okay just answer my question, bak----"

        "Kuya... Alam mo naman na siguro kung ano ang sagot ko diyan di ba? Ayokong magtrabaho diyan sa kompanya dahil alam kong gagawin lang akong Vice president ng CEO ni Dad, at alam mo din na gusto kong pinaghihirapan ang isang posisyon na gusto kong makuha", putol ko kay kuya na ikinatigil niya ng ilang segundo.

        "Okay, kung yan ang gusto... Then, I can't do anything to change your mind right?", wika ni kuya.

        "I'm sorry kuya...",malamig kong tugon kay kuya.

        "Okay, then take care of yourself my little princess, sabihin mo sa'kin kung may nananakit sa'yo diyan ah bubugbogin ko", sabi kuya na ikinatawa ko.

        "May pinapasabi din si bunso, I love you daw", sabi ni kuya sa akin.

        "Aww... Okay kailangan na naming umalis babye, I love the both of you kuya, you and bunso"sagot ko kay kuya.

       " Okay, I love the both of you too, take care, bye", mahihimigan kay kuya ang sobrang pag aalala.

       Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad ng mga kaibigan ko hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang office kung saan may sign board sa pintuan at ang nakasulat ay"Job applying office". Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang babaeng mahaba at kulay dilaw ang buhok, Nakasuot ito ng uniporme na katulad ng mga nakasalubong namin kanina no'ng pumasok kami rito na may nakasulat sa kanang bahagi ng dibdib niya na "secretary of Vp".

        "Mag aaply po ba kayo nang trabaho dito?", tanong nito sa amin.

        "Ahh.. Opo sana, sa loob po ba?", nahihiyang sagot naman ni Alice.

        "Ahh opo sa loob po ang mag aaply", nakangiting tugon naman ng secretary sa'min.

        Nakangiting tinanguan at nagpasalamat nalang kami sa secretary.

        Pumasok kami sa office at nakita namin ang napakahabang pila ng mga mag aaply rito.

        "Naku po! Mukhang matatagalan tayo sa paghihintay nito ah!", natatawang wika ni Gel.

        "Zoey, bakit ka nga pala mag aaply dito samantalang ang kompanya ninyo ang una sa pinakakilalang mga kompanya rito?", tanong ni Ken, kaya napatingin silang lahat sa'kin.

        "Alam niyo naman siguro na ipupunta kaagad ako ni Dad sa VP sa CEO di ba?", maikling sagot ko.

         "Alam mo din siguro na kapag nalaman nila ang pangalan mo ay baka hindi ka na nila tanggapin?", nakangisi at natatawang ani Clyde.

         "Yeah, kaya kung kailangan kong palitan papalitan ko", matapang kong sagot kay Clyde.

         "At imposible namang hindi ka nila makikilala hindi ba, Zoey?", dugtong naman ni Chloe.

        "Agh! Then, please stop that overacting guys", naiinis na sagot ko kay Clyde.

        "Okay stop that fight, you are acting like a child", natatawang saway sa'min ni Ken.

        "Pagsabihan mo sina Clyde at Chloe, ang OA eh", inis pa ring tugon ko.

        "Zoey, I'm just being conserned okay?", pagtatama ni Clyde.

        "Zoey Reign Dela Cruz?! "

        Gulat na napatigil kaming lahat lalo na kami ni Clyde at napatingin sa tumawag ng pangalan ko.

         "Ahh.. Andiyan na po!", sagot ko sa tumawag sa'kin.

        "Good luck!" pahabol ni Ken.

    

                  --------¬🥀¬-------

       NAGLALAKAD na ako papunta sa loob kung saan may opisina ulit. Hindi ko na pinansin ang ang mga sinabi ni Clyde at Chloe. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko hanggang sa tuloyan na akong pumasok sa opisinang iyon.

        "Please sit down", aya ng lalaking nakaupo na may kinakalkal sa drawer niya.

        Hindi maikakailang gwapo ito dahil sa kulay dark brown na mata niya, makapal din ang kilay nito, may mapupula siyang mga labi at matangos ang ilong, mas gwapo siya kaysa kay Ken, matagal na akong may gusto kay Ken simula no'ng maging magkaklase kami nang high school.

        Nakita ko ang nakapangalan sa table na iyon nanlaki ang mata ko ng mabasa ko 'yon. He is the President or the CEO of this company.

       "What's your name?" tanong nito ngunit hindo pa rin siya nakatingin sa' kin.

       Sa halip na sagotin ang tanong niya ay ibinigay ko ang envelope na hawak ko sa kaniya.

        "Zoey Reign Dela Cru---"

        Natigilan ito nang mabasa ang buong pangalan ko at tumingin ito sa'kin ng diretso. Nagulat ako ng tumingin siya sa' kin ng diretso, ngunit umiwas ako ng tingin, hindi ko alam kong bakit ako umiwas sa mga tingin niya ngunit may naramdaman akong pagkailang sa pagtitig niya sa'kin.

      "You are Zoey Reign Dela Cruz?" tanong niya na nakatitig pa rin sa'kin.

       Nabasa ba niya talaga ang pangalan ko o hinuhulaan lang niya. Kaya ko nga ibinigay ang mga documents ko eh para hindi na soya magtanong.

       Naiirita na ako sa'yong lalaki ka ah! Sabi ko sa isip ko.

        "Ahmm.. Yes, w-why?" tugon ko sa kaniya.

        Sinalubong ko ang mga tingin niya. Makikita sa mga mata nito ang bakas sa pagkagulat.

        "Then why are you here? Hindi ba't may company kayo?", wika niya.

        "Dahil gusto kong paghirapan kung ano ang gusto ko" tipid kong sagot.

         "Hindi ka man lang ba magpapakilala sakin? President or CEO?" tanong ko sa kaniya.

         Kanina pa siya tanong ng tanong pero hindi pa siya nagpapakilala kaya ako na mismo ang nagtanong kung ano ang pangalan nita.

        "Why do you want to know my name Ms. Dela Cruz? Wika niya.

       "What the--Agh What kind of question is that?!", inis kung tugon. Ngumisi ito na mas lalo kong ikinainis.

        "Easy---"

        "Then tell me, what is your name?! " putol ko sa kaniya hindi ko napigilang sumigaw dahil sa inis. Wala akong pakialam kung kompanya nila 'to.

        "I am Jack Achilles Skywalker the president or the CEO in this company".

        Kalma, Zoey. This is the START of your career, Zoey. Kaya mo'to.

                    --------¬🥀¬-------

[A/N] : You can read it on wattpad, it has 43 chapters already just search my username: blackbluethy and follow me to notify you if there's a new update! Love lots!

Like it ? Add to library!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

blackbluethycreators' thoughts