webnovel

Animated Love

Shanelle is a girl who is badly hurt by her ex boyfriend. In order to not be pitied by anyone, she made up a love story of her and a guy who is actually one of her fictional characters which she created through a sketch. Shanelle's story and her fictional character began as this fictional character becomes a real human.

Nev_Zepol · Fantasy
Not enough ratings
63 Chs

Chapter 41

"Shanelle Park bat mo kinuha phone ko?!" bulalas ni Riza nang makitang hawak hawak ng kaibigan ang phone niya.

Binilisan naman ni Shanelle ang mag type ng message.

"Shanelle Park! Anong ginagawa mo?!" tumayo na siya at nilapitan ang dalaga at sinubukang kunin ang phone pero nilayo ni Shanelle. "Give back my phone!" She grabbed Shanelle's hands at kinuha ang phone niya. She looked at the message she sent.

Rizalane: I'm getting off from work at 10 PM. Wait in front of the coffee shop. Dont leave until we see each other.

Napalaki ang mga mata ni Riza sa klase ng message na sinend ni Shanelle papunta kay Troy. Marahas niyang nilingon ang kaibigang nakangiti habang magkadikit ang dalawang forefinger niya.

Kinutusan niya ang ulo ni Shanelle. "I'm almost dead of anger!"

Shanelle pouts. "E di just reject him in person."

"Do you need to say it?" Riza slits her eyes at akmang kukutusan na naman ito ngunit nailayo na niya ang ulo.

"I'm warning you, you can't hit my head again," bumelat pa siya dito.

Kinutusan na naman siya ni Riza. "I'm hitting you again, so what? If you dare, then break off our relationship."

"Sabi ko nga," Shanelle just pouts.

___________

Busy naman si Troy sa loob ng research lab that he didn't get the chance to look at his phone and see Rizalane's txt.

Kasalukuyan namang nasa sasakyan si Justin kasama si Chihoon pagkatapos nilang makuha ang family heirloom antique jade niya.

"Take Mr. Chu in Cheng Xi," sambit ni Justin sa driver. Nilingon niya si Chihoon na nakatingin lang sa jade na hawak-hawak. "The jade piece your holding doesnt seem like an item from an ordinary household. Mayaman ba ang mga ancestors mo?"

"My ancestors were scholars. Di naman sila maituturing talagang mayaman," sagot ni Chihoon na di inaalis ang tingin sa jade piece. "Thank you by the way," anito na nilingon na ang lalake.

"It's something I should do. Tinutulungan mo din ako sa taekwondo center. Dont be polite between friends," nakangiting sambit ni Justin dito.

"Oh right, Shanelle shared an interview of you," sambit ni Chihoon ng maalala ang interview niya na napanood nito. "Your cousin looks just like you."

"Yes. For this family business, kahit di kami ganon nagkakasundo, the same blood is still running through our veins," sagot naman ni Justin na nakatingin lang sa daanan.

"Hindi mo ba siya nakikita recently?"

Umiling si Justin. "No. Una ko siyang Nakita nung nag take over ako sa family business. But we fought like cats and dogs. Kung gusto ko siyang Makita ngayon, I need to put him on the newspapers," anito na bahagyang nilingon ang lalake.

Napangiti si Chihoon saka tumingin sa labas ng bintana.

___________

Paglabas ni Shanelle mula sa filming set, Nakita niya si Riza sa labas na nakaupo at nakatingin lang sa phone niya na mukhang di rin napansin ang pagdating niya. Nilapitan niya ito at hinawakan ang balikat nito na halos magpatalon naman kay Riza sa gulat.

Shanelle chuckled. "Aalis na ako. Marami ka pa bang scenes na gagawin?"

"Only one," sagot naman ni Riza.

"Kung ganon mauna na ako. Magkita nalang tayo bukas," sambit ni Shanelle at iniwan na ang babae.

Tinignan naman ni Riza ang tinext kanina ni Shanelle kay Troy at nakitang wala pang response si Troy dito.

____________

Pagkatapos manggaling si Troy sa lab, dumiretso siya sa meeting place nila ni Professor Lee na sinabi niya sa txt.

"Troy," anito nang Makita siya.

"Professor."

"You're ten minutes late," sambit ng professor sakanya.

"I'm sorry prof. May inasikaso pa kasi ako," sagot ni Troy dito. "Gusto kitang tawagan pero na lobat naman ang phone ko."

"Wag mo akong tawagan. If there's something you need, just email it to me."

"Prof...you..."

"Okay lang ako. Wag kang mag-alala. The petri dish in my research lab, I need you to continue look at them. These are my research data. Baka kailanganin mo," ani Prof Lee at inabot ang isang envelope kay Troy na inabot naman ng huli. "Anjan na din ang office key ko. Ibigay mo nalang kay Prof. Shun. Nakausap ko na siya. Hell continue my work," anito saka tumalikod na.

"Prof. May nangyari ba kay Annie at kailangan mong magpuntang ibang bansa?" habol ni Troy na sambit dito.

"Yes, because of my daughter," ngumiti ng mapakla si Professor Lee.

"Is Annie's illness starts to show bad development?" seryosong tanong ni Troy.

Huminga ng malalim si Prof. Lee. "Sorry Troy. Annie is very ill. This is something I must do."

"Naiintindihan ko Prof. Wag kang mag-alala, if anything happens at the research lab, I'll contact you via email."

Tumango nalang ang professor saka nagtuloy-tuloy na sa pag-alis.

Sa kabilang dako, patuloy paring nag-aantay si Riza sa coffee shop na dapat pagkikitaan nila ni Troy pero hanggang ngayon wala pa ito. She looked at her phone and its already 10:16 PM. Napabuga siya ng hangin saka uminom na naman ng kape habang inaantay ang lalake.

"Miss, would you like me to give you a refill?" tanong ng waitress na lumapit sakanya.

"Okay, thanks," sabi ni Riza kaya kinuha na ng waitress ang baso niya for the refill.

Nang Mabasa ni Troy ang message ni Riza it was already 10:46. He tried calling her pero di na niya ito makontak. Dali-dali siyang sumakay sa sasakyan niya at nagpunta sa coffee shop na sinabi niya ngunit wala ng katao-tao dun.

"Sir, it's 11 PM already. Magsasara na po kami," sambit ng isang waitress pagkapasok niya dun.

He tried calling Riza again pero di parin niya makontak ito.

Lumapit ang isang waitress sakanya. "If you would have arrived 10 minutes earlier, naabutan mo pa po si Miss Riza," sambit nito.

"Thanks," sambit nalang niya at tumakbo siya palabas pero wala siyang nakitang Riza dun.

_____________

"Di ko pa Nakita si Riza na nag-antay sa wala all my life," ani Shanelle habang nagyo-yoga mag-isa at kausap si Troy sa phone. "You really have the nerve to feel na isa kang male lead number 1 ano? You deserve to be in the blacklist. Psh. Okay, okay, I'll explain it for you. Thats it. Bye," aniya saka pinagpatuloy ang stretching. "Brokenhearted na nga ako tapos tutulungan ko pa silang mag reunite? Tss..." bigla namang nag ring ang phone at nakitang ang Dad niya ang tumatawag. Umupo siya saka sinagot ang tawag. "Hello? Dad? Chihoon? Ah...N-nagsa-shower siya."

"Shanshan, di ba gumagana ang doorbell mo? Kanina pa ako nagdo-doorbell walang bumubukas. At talagang pinalitan mo na ang door lock password mo. Buksan mo ang pinto."

Biglang napatayo si Shanelle. "Ano?! N-nasa labas ka ng pinto?! O-okay. Mag-antay lang ikaw dad buksan ko na po," napangiti ng alanganin si Shanelle saka binaba ang phone. "OMG. Patay ako nito? bakit biglang dumating si dad?" Mabilis niyang denial ang number ni Chihoon. "Accept the call, accept the call! Hello?! Nandito si dad sinabi ko na nagsa shower ka. Can you fly home right now?!" balisang sambit ni Shanelle sa lalake.

"Okay," sambit ni Chihoon mula sa bahay ni Jam. "lalabas ako," sambit niya kay Jam na nasa harap ng computer. "I wont come back today."

"Saan ka pupunta kuya?" tanong ni Jam sakanya. "Kung di mo sasabihin sakin diko---" biglang may parang hanging dumaan at inilipad ang mga papel sa table ni Jam. Yun pala si Chihoon yun na parang hanging umalis ng bahay.

Nagmadali na ngang bumaba si Shanelle upang buksan ang pinto. Huminga muna siya ng malalim saka binuksan ito. Humikab siya upang magmukhang kakagising lang.

"Bat ang tagal mong buksan?" tanong ni Dan dito.

"kakagising ko lang dad. Pasok ka," aniya saka sinundan ang dad niya sa pagpasok sa loob.

Napansin naman ni Dan na tanging tsinelas lang ni Shanelle ang nasa may pinto. "Wala naman. Namiss ko lang kayo kaya dumalaw ako." Luminga siya sa paligid. "Wheres son-in-law?"

"He's showering dad," nakangiting sambit ni Shanelle. Bilisan mo. Bilisan mo bilisan mo!

"Bakit naman masyado atang matagal siyang mag shower?" nagtatakang sambit ni Dan saka umupo sa sofa. Nakita ni Dan na isang baso at plato lang ang nasa table.

"A-alam niyo po kasi, napaka obsessive nun sa kalinisan," pilit lang sinusundan ni Shanelle ang ama.

"Ganon ba? Kumusta naman kayo ng son-in-law ko recently?" sambit nito na tumitingin sa taas ng bahay.

"S-sobrang okay namin. Di kami nag-aaway saka nagmamahalan lang kami," ngiting alanagin ni Shanelle.

"Ganon ba? E di antayin ko nalang muna siya bago ako umalis at ng makapag hi naman ako," sambit ni Dan sa anak.

Biglang tumabi si Shanelle sakanya sa sofa. "Dad, Chihoon is taking time to shower. Balik ka nalang kaya bukas dad? Magluluto kami ng dinner para sayo."

"I am not rushing. I can wait," seryosong sambit ng ama.

"P-pupuntahan ko nalang siya at sabihing bilisan niya," aniya saka mabilis na tumayo at tumakbo paakyat.

Sumeryoso ang mukha ni Dan. "I think my daughter is playing a game of one person in love huh."

"Accept, accept!" ani Shanella habang mabilis na pumasok sa CR at tinatawagan si Chihoon. "Accept!!!" napapasigaw na ng mahina si Shanelle dahil hanggang ngayon wala pa si Chihoon. Bigla namang namatay ang ilaw kaya napatingin siya sa paligid.

Lumabas siya ng banyo at nagpuntang kwarto. Bigla naman siyang napasigaw ng Makita ang dad niya na nandun at nakahawak ng cellphone niyang naka flashlight pa. "Dad!"

"Bakit ka ba sumisigaw, ako lang naman to?" sambit ng ama niya.

"dad, nandun sa baba ang mga kandila," balisang sambit ni Shanelle.

"The electricity is cut off, sigurado kabang nasa shower pa siya?" nakakunot ang noong sambit ni Dan.

"No. Th-the electricity doesnt affect showering," nangingiwing sambit ni Shanelle. "Sige na dad, baba ka na at kunin ang mga kandila sa baba."

"He can't see anything. What's with the showering? Nagsisinungaling ka na naman ba sakin Shanelle Park?" seryosong tanong ng ama niya.

Napalunok si Shanelle. "dad, bakit naman ako magsisinungaling!" malakas na sabit nito.

"Pag nagsisinungaling ka napapalakas ang boses mo."

"A-anong...di naman kaya! Chairman Park thats rude!" patuloy paring pangangatwiran ni Shanelle.

"And you call me Chairman Park pag galit ka," Dan focused the flashlight in her face kaya napatakip si Shanelle sa mukha niya. "Think about it. Mula pagkabata mo nagtagumpay ka na ba sa pagsisinungaling sakin?" Lumakad na si Dan patungong CR.

Tumayo naman si Shanelle sa harapan at dumipa upang pigilin ito. "dad!"

Para silang nagtutumbang preso dahil sa nakadipa si Shanelle at gusto namang dumaan ni Dan.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng CR at lumabas si Chihoon na basa pa ang buhok at nakahawak ng tuwalya. Napaayos ng tayo si Shanelle at lumingon sakanya.

"Bakit naman nawalan ng kuryente?" aniya na winasiwas ang ulo saka tumingin kay Dan. "dad. Nandito ka pala," aniya saka kinindatan si Shanelle na nakapagpangiti dito as a sign of relief.

_______________

"Okay na. It was just ripped," sambit ni Chihoon ng ayusin niya ang outlet ng kuryente.

"hays, ganyan na ganyan mula pa pagkabata ko," ani Shanelle at lumakad na papuntang sala. "Mas Malala pa nung nandito pa si mommy. Dad as the executioner and Mom as the corrupt officer. They are really indeed a perfect match." Umupo siya sa sofa at nilagay ang kamay sa edge ng sofa.

Umupo din si Chihoon sa katabing upuan. "Anyways, napagtagumpayan naman natin yun," sambit ni Chihoon na bahagya siyang nilingon.

"teka paano ka nakapasok sa loob ng bathroom?" tanong ni Shanelle na nilingon siya.

"I jumped to the window saka inopen ang gripo para mapakatotohanan ang sinabi mong nagsa shower ako."

"Alam mo ba gano ako natakot kanina?" she puckered her lips at bumuga ng hangin.

"Di na muna ako aalis ngayon baka biglang bumalik ang dad mo," sambit ni Chihoon dito.

"He won't. di niya style yun," sagot ni Shanelle na bahagyang umiling.

Bigla namang sumama ang timpla ng mukha ni Chihoon sa narinig. "Then I won't stay here," sambit nalang niya.

"Okay," sagot ni Shanelle na di nakatingin sakanya.

Nilingon ni Chihoon si Shanelle saka tumayo na at iniwan siya.

Para namang biglang natauhan si Shanelle. "Monster Chi!" tawag niya dito ngunit wala na siyang Nakita niya.

____________

"Cut! Perfect! Lets end it here," sambit ng director pagkatapos ng ending scene ni Riza at ng male lead nito. Nagpalakpakan ang mga staffs dahil sa natapos ng pelikula. The director handed them flowers. "Wrap up. It's perfect!"

Bigla namang luminga sa paligid si Riza at di niya nakita si Shanelle. Pinuntahan niya si Jam na nagliligpit na ng mga gamit. "Nasan si Shanshan?"

"Sabi niya naglalaro daw siya ng isang game," kibit-balikat na sambit ni Jam. "Sabi pa niya na mauna na daw tayo sa celebration party. Susunod na lang daw siya."

"Game? What game? Saan?" nagtatakang tanong ni Riza.

Umiling si Jam. "Di ko alam. Napaka mysteriously niya ngayon. Di nga niya ako sinama eh. Mukhang di na talaga niya ako kailangan," malungkot na sambit ni Jam.

"Riza!" bigla namang tawag sakanya ng director.

"Okay! Punta na ako!" aniya saka iniwan na si Jam dun.

_____________

Kasalukuyan namang nasa museum si Shanelle kung saan sila nagphotoshoot dati ni Chihoon. Nakaupo siya sa isang bench dun. "Bakit ko naman sinagot ng ganon si Monster Chi kagabi? Ackkkk!" aniya na pinalo-palo ang binti. "Ibig bang sabihin nun magiging mag-isa na ako habambuhay? No, I must get him with my wisdom," aniya saka hinawakan ang phone.

Bigla namang may tumigil na sasakyan hindi kalayuan sa kinauupuan ni Shanelle. Lumabas ang isang lalake at lumapit kay Shanelle. He taps her shoulders.

Napangiti naman si Shanelle sa pag-aakalang si Chihoon yun. "Such a coincidence." Lumingon siya ngunit nagulat ng makita siya dun.

Biglang inilagay ng lalake ang nakahihilong panyo sa ilong ng babae kaya nawalan ito ng malay. Naiwan niya dun ang sunglass at nag-inuman niya ng yoghurt.

______________

Napamulat naman ng mata si Chihoon habang nakahiga sa batuhan sa tabing dagat. Kinuha niya ang phone niya at tinignan ang GPS tracker ng phone ni Shanelle at nakitang nasa museum ito. Napangiti siya. "Our Miss Shanelle is playing a game again huh? Do you know what playing games mean?" aniya na ang kausap ay ang kaibigan. "It's a type of game that is helpful to the body and mind. But I won't coordinate with her. Pag aalis na ako, then she'll feel empty," aniya saka humiga ulit.

______________

"Sigurado ka bang okay lang si Shanelle mag-isa?" tanong ni Riza kay Jam nang paalis na siya sa set. "She's the goddess of decay among otaku."

"Okay lang. Sabi niya na wag istorbohin ang paglalaro niya," sagot naman ni Jam dito. "Saka kahit unlucky yun, di naman siguro lagi-lagi na may manyayaring masama sakanya diba?"

Napangiti si Riza. "Too young, too simple," aniya saka pumasok na sa sasakyan niya.

Nagkibit-balikat na lang din si Jam dito.

______________

"Driver, I want to get here," sambit ni Chihoon sa driver na binigay ang isang address ng isang warehouse.

Nang makarating si Chihoon sa warehouse nakaramdam siya ng kakaiba sa dibdib niya. It's weird. Why is my heart pounding like this? Binalewala niya ito at tinignan ang lugar. Hindi naman siya mapakali kaya tinawagan niya si Shanelle ngunit di niya ito makontak.

Tinignan niya ang txt na nareceive niya kanina na dahilan ng pagpunta niya sa lugar na iyon.

Unknown: Warehouse #33.

Dinama na naman niya ang dibdib. "She's not playing a game."

He hurriedly looks around the place. He knows that theres something weird about the txt he received.

___________

Balisa naman si Jam sa paghahanap kay Shanelle dahil wala naman ito sa museum kung saan huli siyang namataan kaya tinawagan na niya si Riza.

Tumakbo naman si Riza papuntang kinaroroonan ni Jam. "Wala pa ba siya?" anito dito.

"Tinatawagan ko siya pero di siya sumasagot," sambit ni Jam na mukhang balisa na din sa pagkawala ni Shanelle.

SInubukan ding I dial ni Riza ang phone ng kaibigan ngunit mukhang naka off nga ito. "Hindi dahil hindi niya sinasagot. Unavailable talaga ang phone niya."

"Di kaya... N-nag-ring naman kanina pero. I try ko ulit," sambit niya at denial ang number ng babae at di na nga ito available.

____________

Professor Lee prepared the ice bag na paglalagyan niya ng dugo ni Chihoon at mga gagamitin niya sa plano. Oo, siya nga ang kumidnap kay Shanelle at gagawin niya itong bitag upang mahuli ang halimaw.

Nahanap naman na ni Chihoon ang Warehouse #33 na sinabi sa txt na nareceive niya. Nararamdaman niya na nasa malapit lang si Shanelle kaya pumasok siya sa loob. Malamig na yelo agad ang naramdaman ng katawan niya pagkabukas palang ng brick door.

Luminga-linga siya sa paligid. Puro yelo ang naaapakan niya na nagpapalamig pa sa paligid. Dinama niya ang dibdib. Alam niyang nasa paligid lang si Shanelle. Lumakad pa siya upang hanapin kung nasaan ang babae sa lugar. Hanggang sa Nakita niya itong nakahiga sa isang maliit at nagyeyelong kwarto. Tumakbo siya papunta sa kinaroroonan niya.

And the moment he entered the room, the door automatically locked from the outside. They were both trapped in the cold warehouse room together.