webnovel

Animated Love

Shanelle is a girl who is badly hurt by her ex boyfriend. In order to not be pitied by anyone, she made up a love story of her and a guy who is actually one of her fictional characters which she created through a sketch. Shanelle's story and her fictional character began as this fictional character becomes a real human.

Nev_Zepol · Fantasy
Not enough ratings
63 Chs

Chapter 40

Chihoon was busy reading a book sa kama niya while Jam is in front of the computer. Nilingon ni Jam ang nagbabasang lalake. "Kuya Chihoon, gusto mo ba ng tubig?"

"Okay," sambit ng lalake na sa libro nakatingin.

Tumayo nga si Jam at nagpuntang kusina. Kumuha siya ng tubig at pinatong yun sa table.

"Kuya Chihoon, anong ginawa mo ngayong araw?" tanong ni Jam dito.

"I found some people."

"kilala mo ba sila?" excited na sambit ni Jam.

Sinara ni Chihoon ang libro at nilingon si Jam. "Gusto mo na ba talaga akong makaalis agad?"

Umiling si Jam saka awkward na ngumiti. "h-hindi naman. Nagtatanong lang. Gusto ko lang malaman kung may maitutulong ako."

Binuksan na naman ni Chihoon ang librong binabasa. Jam pouted saka tumayo na.

"jammier," tawag ni Chihoon kaya napaupo ulit siya. "Kung may picture ako, anong gagawin ko upang mahanap ang taong nasa picture?"

"Picture. Teka mag-iisip ako. Picture...Ehh...alam ko na. Pwede nating i-post yun online tapos mag-isip tayo ng parang exotic na story tulad ng scammer yun o dikaya criminal ganun. Tapos, dahil sa kagalingan ng Internet, mas mapapabilis ang pagkalat niya at baka lumabas na siya sa lungga niya," explain ni Jam kay Chihoon.

"Mapapabilis?"

Tumango si Jam. "Oo naman. Basta ba yung story na iyon ay naisulat ng Mabuti. Kahit isang oras lamang sapat na."

Napaisip si Chihoon. Then that could mean I will leave Shanelle that fast.

"Gusto mo na bang I try kuya?" tanong ni Jam sakanya,

"Forget it. Pag pinost natin yan sa Internet, baka mas madadagdagan pa ang probelama," aniya na binalik na sa libro ang mata.

(A/N: AYiehhh...ayaw iwan si Shanelle. Kunwari pa ang monster natin.hihihi.)

Jam pouted.

"Hahanapin ko nalang yun sa sarili ko," dagdag pa ni Chihoon.

Tumayo na nga si Jam mula sa sofa at nagpunta na naman sa harap ng computer. Palihim na kinuha ang phone para mag-report kay Shanelle.

Jam: Nakuha na ni Kuya Chihoon ang picture.

Napaayos naman ng upo si Shanelle mula sa pagkakahiga sa kama dahil sa nabasang message galing kay Jam.

"So, Monster Chi already got the picture? At di manlang niya sinabi sakin?"

Shanelle: I want to break off my relationship with him!

"Nah, that wont do." Inerase niya ang message na sana isesend niya kay Jam. "Kaya pala lagi niyang sinasabi na aalis na siya."

Shanelle: You are not allowed to help him find anyone! (Sent)

Jam: Mukha namang di siya nagmamadali.

"Hindi nagmamadali?" nagtatakang sambit ni Shanelle pagkabasa sa txt ni Jam.

___________

Busy si Shanelle sa pagkuha ng selfie niya habang umiinom ng milk tea para I upload sakanyang social media account.

(A/N: Malay nyo naman kasi i-stalk siya ni Monster Chi. Ahihihi)

Caption: Leisure time. Kisses.

Lihim namang nasa likod niya si Riza at tinitignan ang ginagawa ng kaibigan sa phone niya.

"Mukhang nagiging active ka na sa pag-a update ng Facebook at Twitter mo ngayong mga araw ah," biglang sambit ni Riza dito.

"I can't help it. Di na dumadami ang mga fans ko. Dapat mag spend ako ng time na kausapin sila. Otherwise, how can I become female lead number 1?" sagot ni Shanelle sakanya saka binalik sa phone ang mata.

Ngumiti si Riza saka tinabihan siya sa sofa. Andito kasi sila sa dressing room ni Shanelle. "Actually, you want to send it to that fan, right?"

"Di rin. He's the Chief of your fan club," aniya na sa ibang direksiyon tumingin.

"Di naman si Chihoon ang tinutukoy ko," kindat ni Riza dito.

Tinaliman niya ito ng tingin. "Can we talk properly huh?"

Riza chuckled. "Teka, si Jam nasan? Magpapakuha sana ako sakanya ng milk tea."

Napabuga ng hangin si Shanelle saka kinuha ulit ang phone niya. "May ibang pinuntahan yun." Bigla naman siyang umayos ng upo saka inakbayan si Riza. "Ei, ano kaya kung kuha tayo ng pictures together tapos upload natin to clear up the rumors about us not getting along? Then this Miss will personally serve coffee for you, hmm?"

"Deal," sambit ni Riza saka hinarap ang camera.

___________

Kasalukuyan namang nanonood si Chihoon ng TV at si Jam naman ay bagot na bagot na nakatingin sa harap ng computer niya. Pano ba naman puro mukha ni Shanelle ang nakikita niya sa facebook stories niya.

Lumingon siya kay Chihoon saka dinilaan ang labi ng may maisip. Tumayo siya at kinuha ang phone saka iniwanan si Chihoon. Pumunta siya sa CR at inopen ang gripo upang di marinig ni Chihoon ang pagtawag niya kay Shanelle.

"Shanshan, kung wala ka namang importanteng sasabihin, wag ka ng post ng post sa facebook," sabi niya nang sagutin ng babae ang tawag niya. "Ngayong hapon, may mga reporters na nagtatanong sakin kung na hack na naman daw ang account mo."

"Psh. Thats called acting cute and showing off love. This will attract many fans. Maniwala ka sakin."

"Pero parang tanga naman kasi mga posts mo Shan. Saka di naman nakikigamit si Kuya Chihoon sa computer ko."

Lingid naman sa kaalaman nila ay nasa harap na ng computer si Chihoon at tinitignan ang facebook account ni Shanelle. Nang mapansin na lalabas na si Jam sa CR mabilis na naupo na naman siya sa upuan niya kanina.

Naupo na naman si Jam sa harap ng computer niya at nag browse. Bigla namang nasagi ng mata niya ang shinare ni Shanelle na video ng interview ni Justin.

"Over the years, Hubert Corp. has made great contributions to charity. How did you persuade the Board of Executives to support your plans entirely?"

"Giving back to society is one of Hubert Corps most important aspect of our companys culture. My father did this when he was still alive, so in the company, no matter if it is the veterans or new employees, everyone is very understanding."

"You've mentioned the veterans of the company, your cousin Red Hubert is one of them, right? And he has not attended board meetings these years. So, is his attitude towards charity the same as yours?"

"It is true that my cousin does not attend these meetings. He gave the power to the board of directors. So, what the board decides represent him."

"Kuya, Mabuti naman at nagpunta ka sa charity event nung nakaraan," sambit ni Jam habang pinapanood ang interview. "Kundi di ko na makikita pa si Shanshan."

"Once na matapos ko ang revenge ko, hindi na malalagay sa alanganin ang buhay ni Shanelle," sagot naman ni Chihoon.

"Pero Kuya, talaga bang iiwan mo si Shanshan at ako?"

Jam pouted nang walang narinig na sagot mula sa lalake.

Bigla namang napatigil si Chihoon ng Makita ang nasa eyeballs ni Jam that reflects what he is watching from the computer. Mabilis siyang pumunta sa tabi niya at tinabig ito palayo kaya napahiga ito sa kama. Chihoon saw the picture posted on the interview of Justin Hubert...the picture of his cousin Red Hubert. Tumalim ang mga titig ni Chihoon. Because that was the man he saw in the picture he got from the serial killers house.

____________

"And action!"

Lumakad si Riza papunta sa kinaroroonan ni Shanelle doing their roles in the drama.

"You don't even love him! Ayaw mo lang maagaw siya ng iba sayo!" sambit ni Riza using her role.

Biglang sinampal ni Shanelle ang babae using her role also. "So what if thats true? Even if I cant have him, I definitely wont give him to you!"

"Cut! Shanshan ang ganda ng expression mo. One take lang yun!" puri ng director sa babae. "Assistant get the ice for Miss Riza."

Biglang niyakap ni Shanelle ang braso ni Riza na mukhang nagtampo sakanya s amalakas na pagsampal nito sakanya. "Your Highness should I escort you back to rest?" anito na nilalambing ang di parin nagsasalitang babae.

"Weren"t you quite happy slapping me?" sambit ni Riza na hawak hawak ang pisnging nasampal.

"Your Highness, please calm down. I'm sorry," sambit ni Shanelle habang yakap parin ang braso niya. "Diba sabi mo na wala kang tiwala sa acting ko and told me to actually hit you? Lets go," sambit pa ni Shanelle as she escorts Riza to car.

"Ang sakit kaya ng sampal mo ah," reklamo parin ni Riza habang dinadampian ng icebag ang pisngi.

"Your Highness, calm down, pasok ka," anito na inalalayan siya papasok sa sasakyan.

Riza pouted as she looks at her cheeks at the mirror. "Kung alam ko lang kanina, sana sinabi ko nalang na I film nalang nila in an angle. Bakit ka naman mag-aalala na mapapagalitan ka sa acting mo?" Riza rants to her friend. So annoying. "May video test pa ako mamaya para sa Hello Daddy Long Legs eh."

"Yun na ba yung Mismatched na book na gagawing drama?" curious na tanong ni Shanelle. "Ako nalang pupunta para sayo," ngiting sambit ni Shanelle.

Kinutusan siya ni Riza. "Be good. Kung magiging balakid ka sa audition ko susunugin ko ang bahay mo."

Ngumiti ng malapad si Shanelle habang nagpapa cute ang mata sa kaibigan.

"You seem to be in good spirit," sambit ni Riza dito. "Okay na ba kayo ni Chihoon?" nakangiting sambit pa ng dalaga.

"Nope."

"So, okay ka na niyan?" taas kilay na tanong ni Riza.

"Okay nga. Sasamhan kita sa audition mo pagkatapos ng filming natin," ani Shanelle. tapos magdi-dinner tayo at iinom ng wine sa bahay mo.

__________

"Ang weird talaga ni Shanshan ngayong ga araw," sambit ni Jam habang nasa harap ng computer. "Ang mukha niya ay parang nakapulot ng $765,000." Nilingon niya ang lalakeng nakaupo sa bed at nagbabasa lang ng libro. "Nakikinig ka ba sakin kuya?"

"Aren't you researching Red Hubert?" seryosong sambit ni Chihoon dito. "Why are you talking so much nonsense?"

"Nag-iimbestiga naman ako. Pero napaka mailap ng taong to. Wala akong mahanap ukol sakanya," sagot ni Jam dito.

Napangiti si Chihoon. "Di ako makapaniwalang mukhang wala ka namang alam compared sa reputasyon mo."

Napapikit na lang si Jam sa pagtitimpi. Kalma lang Jam. Isa ka lang mahinang nilalang kumpara sakanya. Huminga siya ng malalim saka dumilat. Tinignan na naman niya si Chihoon. "Di ka ba talaga nag-aalala para kay Shanshan?"

"What has it got to do with me?" aniya saka inopen nalang ang TV.

Psh. Walang puso. Tumayo na lang siya saka nagpunta sa table upang magluto ng ramen.

"Wag kang kumain ng ramen. Sabi ni Shanelle pag kumain ka ng maraming ganyan di raw maaagnas ang bangkay mo," biglang sambit ni Chihoon. "Ginawan kita ng bento kaninang tanghali. Nandun yun sa ref."

Tumakbo si Jam papunta sa ref at kinuha ang naka platong kimbap. Saka siya umupo sa tabi ni Chihoon. "Kuya, ginawa mo ba to ng ikaw lang?"

Napangiti si Chihoon. "Nakikitira lang ako sayo dito kaya ginawan kita ng pagkain para makabayad sayo."

Lumawak ang ngiti ni Jam sa narinig. Kumuha siya ng isa saka kinain. Para namang pinagsakluban siya ng dalawng bundok nang ma process ng dila niya ang lasa ng kinain niya. Napangiwi siya sa sama ng lasa nito.

"Okay ba? Paborito yan ni Shanelle," sambit pa ng lalake.

Pilit na nilunok ni Jam ang nasa bunganga. "I-its great," aniya kahit ang totoo niyan ay gusto na niyang isuka ito sa sobrang pangit na lasa.

"Okay. Igagawan pa kita ng maraming ganyan sa susunod," nakangiting sambit ni Chihoon dito.

"S-salamat Kuya," nakangiwing sambit ni Jam.

"Kumain ka pa."

Napalaki ang mata ni Jam sa narinig.

_____________

"Ano?! Ginawan ka niya ng bento?!" bulalas ni Shanelle ng ikwento ni Jam ang nagyari. Napatayo siya at hinarap ang lalake. "Bakit ka naman niya igagawan ng bento ha?"

"Shanshan sa tingin mo ba gusto kong kainin yun? Para ngang parusa yun sakin eh. Kinain ko yung buong plato! Feeling ko mamamatay na ako ng oras na iyon," aniya na naiiyak habang inaalala pano ipakain ni Chihoon ang buong plato ng bento sakanya na sobrang sama talaga ng lasa. "ANong ginawa kong masama? Bakit ko kailangang kumain ng ganong mga kasamang bagay?"

Kumuha naman ng tissue si Shanelle at binigay sa umiiyak ng si Jam.

"Okay, okay," Shanelle pats his head. "Wag ka ng umiyak. Ano bang kahirapan ang pinagdaraanan mo?" She patted his shoulder. "Isa lang ang kimbap niya sa lahat ng masasamang luto na ginawa na niya. Pero yun lang din ang tanging gawa niya na walang poison."

"E di nakakain ka na ng may poison dati?" ani Jam na pinupunasan ang luha.

"Syempre naman. Rolling around in the middle of the night...it was as if my intestines are rotting." Naalala naman niya kung pano siya ikiss ni Chihoon nun para bigyan siya ng special treatment. Napangiti siya ng malawak at napakagat pa siya sa kuko niya.

Napakunot noo naman si Jam nang Makita kung gano kalawak ang ngiti ng babae na para bang kinikilig pa ito. Napakasaya naman ata niya kahit muntik na siyang mamatay sa poison. Nagiging weird na talaga si Shanshan. Pag nagpatuloy to ano kayang mangyayari?

_____________

Kasalukuyan namang nagbabasa si Troy ng libro sa research lab ng may magtxt sakanya. Napangiti siya ng makitang si Riza pala ito. At nagreply siya sa txt niya kanina.

Rizalane: Nope. Filming ends today at di pa rin ako kumakain.

Troy: Its okay. Antayin nalang kita.

Rizalane: Dont come.

Troy: Then its set.

Bigla namang may isang number na nagtxt sakanya. Number yun ni Professor Lee.

Professor Lee: Troy, meet me at the coffee shop by my house at 10 pm. Also, do not contact me during the day.

He tried contacting his number pero di na niya ito ma contact pa.

__________

Professor Lee is busy printing the results of his tests. Napangiti siya sa nagging resulta saka siya pumunta sa harapan ng computer niya. He emailed the Boss.

P.Lee: This type of self-repairing cell cannot explain cell division and vitality. I found its weakness. The details are in the attached document.

Biglang nag ring ang phone niya. "Hello?"

"Di ko kailangan ang fatal weakness niya. I want a way to kill him."

"I am working on it. Pero kailangan ko pa ng mas maraming blood sample."

"Professor, I already gave you two samples. You have no right to bargain!"

"Sorry, sorry. I have such little knowledge about this that I need more time and samples."

"But your daughter might not have the time to let you research this slowly."

"I...pwede ko bang kausapin ang ex-wife ko?'

"Of course. Siya at ikaw ay Malaya. I will give you another sample. You have to succeed this time."

___________

"That collector is willing to give up his treasure, pero di pa daw niya narinig ang pangalan mo sa lahat ng antiquing circle before," sambit ng antique manager na kausap ni Chihoon. "This time, the amount of money is so large, he wants to find someone refutable to ensure its credibility."

Tumango si Chihoon. "Okay. Kelan magaganap ang trade?"

"If you have the money, anytime is fine."

"Then now," diretsang sagot ng lalake.

Busy si Justin sa pagbibihis ng maka receive ng tawag galling kay Chihoon. "Hello Mr. Chu. Now?"

On the other hand, busy naman sina Riza at Shanelle sa pagme-make up sa sarili before the film.

"If you are a man that lived one hundred years before meeting me, magugustuhan mo ba ako?" biglang tanong ni Shanelle sa kaibigan.

"No," diretsong sagot ni Riza that made Shanelle pout. "If your best friends ex-boyfriend wants to date you, tapos nagkataon namang type mo siya, would you go for it?"

"Yes," sagot ni Shanelle habang naglalagay ng lipstick. Lumaki ang mata ni Shanelle. "Jerk Troy is really trying to court you?!"

"Shh..." nilagay ni Riza ang daliri sa bibig niya saka luminga-linga. "Pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ako sa harapan ng fiancé ko, gusto niya akong Makita after ng work ko the does it count as courting?"

"Of course! So anong sabi mo?" malawak ang ngiti ni Shanelle.

"Of course, I didn't respond. Ang dami kayang lalake sa mundo noh? Why should I pick the ex-boyfriend of my best friend?"

Lihim namang kinuha ni Shanelle ang phone ng kaibigan. "But to be honest hes my type," patuloy lang si Shanelle sa pagsasalita pero ang kamay ni Shanelle sa pagtxt kay Troy.

Napansin naman ni Riza ang pagkawala ng phone. Lumaki ang mga mata ni Riza nang Makita na nasa kamay ni Shanelle ang phone.

(Boring chapters? Gusto ko ding ipromote ang Story ni Riza at Troy of course. Next chapters will include actions maybe)