webnovel

BB4:

Pandora's POV

Actually napansin ko na may nakabangga sa beshy ko, di ko lang pinahalata. Hindi ko rin masyadong makita ang mukha ng lalaki tulad ni Xai. Nang makita kong may pinulot sya ay agad akong lumapit dahil nakita ko ang tatak nito. CharmInc. or Charm Incorporated ang tatak nito, isa ito sa mga sikat na business dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Sa pagkakaalam ko ay pagmamay-ari ito ng isa sa mga richest family sa bansa. Di ako sure kaya nag search ako online at Hindi nga ako nagkakamali. Pero papaanong mapupunta ang fountain pen na ito dito? Mukha itong mamahalin at limited edition lang ito sa pagkakaalam ko.

Di ko na masyadong pinansin iyon dahil iba ang nararamdaman ko kaya ibinalik ko na ang bagay kay Xai. Hayaan ko na lang sya na maghandle nun since alam ko namang kaya nya.

Maayos naman ang daloy ng interview ko kaso medyo nahirapan ako sa huling tanong. Sumunod sakin si Xai, natatawa ako dahil ramdam ko ang kaba niya. Wala naman ako masyadong nagawa sa labas kasi wala pa si Xai kaya sobrang bored na bored na 'ko dito. Hay naku, sana makapasa kami, balita ko pa naman na international school ang Crimson. Pareho naming pangarap ni Xai na makapag- aral sa Crimson, halos nakalimutan ko na rin yun kaso nabasa ko sa isang online advertisement ang tungkol sa scholarship kaya nag try kami.

    Actually mas maayos pa ang buhay namin kay Xai, naging magkaibigan kami nung hirap na hirap syang maka move- on sa pagkamatay ng parents nya. Bagong lipat lang kami dito sa village nang makita ko syang sobrang lungkot kaya sinubukan kong makipagkaibigan since wala pa naman akong kakilala sa aming bagong titirhang lugar. Minsan nagkukuwentuhan kami about sa mga bagay na pareho naming kinagigiliwan. Mahilig rin pala ako sa mga books kaya nahawa si Xai sakin, mas malala pa nga sya kasi halos lahat gusto nyang basahin kapag napunta kami sa bookstore kaso wala kaming perang pambili dahil medyo mahal rin ang mga libro.

Ngayon nandito kami ulit sa bookstore, may natira pa kasi kaming pera kaya bibili na kami since limited edition yung ibang books. I've been craving over Jonaxx's stories, samantalang si Xai ay kung ano anong books pero nakita kong she's trying na mabuo o makolekta yung books ni Knightinblack like Hell University series, at iba pa nyang gawa.

"Bes, tara ba uwi na tayo, pagod na ako eh," pang- aakit ni Xai na umuwi na daw kami.

Kaya binilisan kong maghanap ng pwede ko pang bilhin.

"Wait lang, 5 more minutes, hehe," tugon ko.

"Sige dun nako sa counter a, hintayin na lang kita dun," paalam pa nito.

"Sige, sige," sagot ko lang.

Nang makahanap na ako ng magandang mababasa ay agad naman akong pumila sa may counter, medyo maikli lang naman ang pila kaya mabilis kaming nakalabas agad.

"Alam mo bes, buti na lang talaga at nag conduct ng scholarship program itong Crimson kundi wala ba talaga akong pag-asa," anito ng makasakay kami ng tricycle pauwi.

"Ewan ko nga rin e, second time in history ata nila 'to, like last 10 years ago pa sila nag pa scholarship program," sagot ko.

"Pero ano kayang intention nila? Bakit naman nagpa scholarship grants sila? Di kaya sila manghihinayang?" Sunod sunod na tanong ni Xai.

"Di ko rin alam, pero bakit nga ba? Well, marami na naman silang pera e, don't forget mayayaman ang nag- aaral sa Crimson di ko lang alam means maraming nalikon na pera yun."

Medyo natahimik si Xai, mukhang malalim ang iniisip.

"Uy, anong iniisip mo?" Pagtabig mo sa kanya na ikinagulat nya.

" Inaalala ko kasi si lola, mag isa na lang sya kapag nakapasa ako, parang di ko kakayanin na makita syang mag isa," bulalas nito pero may lungkot ang tono.

"Bes, naiintindihan kita. Ako rin di ko alam kung sinong tutulong kina mama at papa sa bahay at pagugulay nila, pero kung alam ko naman na maiiahon natin sila sa katayuan nila, natin, why not di ba?" Pagpapaliwanag ko.

"Hmmm," malalim na paghinga nito.

Natahimik na lang kaming dalawa at nagpatuloy pa iyon hanggang sa maihatid kami sa may waiting shed ng village.

"Pagod nako bes, grabe," turan nito.

"Same bes, tara na at makapagpahinga na," alok ko.

"Let's go!!!"

Naunang makauwi si Xai dahil nasa unahan lang naman ang bahay nila samantalang ang samin ay medyo nasa kalagitnaan ng village.

Bago ako makauwi ng tuluyan ay may ipinadala pa si Lola Melissa na natira daw sa karinderya sayang naman kung itatapon nya lang.

Nang makauwi ako ay agad kong tinawagan si Xai, pero si Lola Melissa na sumagot at sinabing tulog na daw ang apo kaya nagpaalam narin ako para makapagpahinga narin.

Di ako makatulog kaya nagbasa na lang ako ng libro. I've been a reading Wattpad simula nung 12 years old ako. Dati hinihiram ko pa yung cellphone ni mama tapos hihingi ako ng pang load na Wattpad 10. Uso pa kasi yung promo na Wattpad 10 noong mga araw na yon. Tsaka umuso yung mga pocket books na tinatago tago pa sa teacher namin sa klase makapagbasa lang lalo na nung High School life namin. Ngayon kahit papaano ay nakakabili nako ang mga gusto kong basahin sa sobrang allowance ko o kaya ay sa mga naitabi kong sobrang pera.

"Nak? Di ka pa ba matutulog?" Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si mama.

"Di po ako makatulog e, tsaka maya maya na rin po ako mahihiga," sagot ko dito habang hawak ang libro.

"Siya sige," Saad ni mama Saka umalis.

Alas onse (11:00 pm) ako dinalaw ng antok. Ang bigat na ng mata ko kaya humiga na rin ako at nagmuni muni ng kaunti. Panibagong bukas na naman.

Lord, sana napili kami out of 400 na nag apply, promise papakabait ako. Grabe sana marami akong maging kaibigan sa university, I'm so excited. At sana magka section parin kami ni Xai, pano ba naman kasi ang tali- talino nya, di ata kaya makipagsabayan sa kanya. Anyways, inaantok nako.