webnovel

BB3:

Xairah's POV

Araw na ng aming interview, hinihintay ko si Dora dahil traffic daw. Sinabihan ko naman kasi syang sumabay sakin ngunit ayaw nito dahil baka daw antukin sya. Maaga kasi akong gumigising at nasanay na ang katawan ko. Nagpaalam naman ako sa manager namin sa Jollibee na may importante lang akong gagawin kaya pinayagan naman ako nito.

Maaga akong nagising kanina kasabay ko si Lola dahil di ko na mabubuksan ang karinderya kaya sya na lang daw. Kahit malamig ang tubig ay naligo parin ako, pagkatapos ay sinuot ko ang damit na gagamitin ko sa interview, naglagay narin ako ng kaunting make up at pabango para kahit papaano ay simple lang.

Nagulat na lang ako ng may bumusina sa harap ng bahay. Nagpareserve pala si Lola ng taxi para ihatid ako sa agency. Tinatry kong tawagan si Pandora ngunit walang nasagot kaya di ko na sinubukan ulit.

"Besh, nasan ka na? Nandito nako sa harap ng hotel na nasa address," sabi ko ng muli ko itong tawagan.

"Naku besh, ang bagal ng usad ng traffic pwede nako maging reporter ng ulat trapiko, hahaha," biro ni Dora.

" Hahahaha, nasan ka na ba?" Tanong ko ulit.

"Malapit na, dito nako sa Emilio Aguinaldo Highway," sagot ni Dora sakin.

"Basta dapat bago mag 10 nandito ka na, hihintayin kita sa labas ah," wika ko.

"Sige bes, thanks."

Halos twenty minutes akong naghintay at dumating narin si Pandora na muka ng haggard agad.

"Bat ganyan itsura mo? Muka kang gutom," pambibiro ko dito na sinagot naman ako ng irap.

"Pano ba naman kasi ang traffic na nga, ang bagal pa magpatakbo ni manong driver kanina nung lumuwag ang daan, kaka stress eh," nakasimangot na sagot ni Dora.

"Naku Peter Pan-dora, agang aga haggard na ang face," pambibiro ko ulit dito.

"Okay nako, by the way kain tayo sa labas mamaya ah," alok nito.

"Sige ba, sabagay binigyan ako ni lola ng pera."

Pumasok na kami sa loob para alam namin ang gagawin dahil may demo pa daw. Marami narin ang nasa loob, karamihan ay nakasuot ng kani- kanilang student uniform, parang kami lang ni Dora ang masyadong naka formal attire.

"Bes, okay lang kaya ang suot natin? Masyado ata tayong pabida, hahahah,"  bulong sakin ni Pandora.

"Ewan ko nga bes e, pero okay na siguro 'to," sagot ko.

Maya maya pa ay dumating ang isa sa mga staff na nakasuot ng uniform ng agency, para paayusin kami.

"Everyone, please fall in line, starting here, papunta doon, while nagi- interview make sure to behave yourselves, malalaki na kayo, yun lang salamat," saad nito habang tinuturo kung saan ang simula ng pila, ng makita nyang maayos na ay umalis rin ito.

"Mukhang mataray tsaka parang nandidiri bes, sino ka dyan," bulong ulit sakin ni Dora na nangungutya.

"Shushh, tahimik ka lang Bes hahah, baka marinig ka," babala ko dito.

"Ahhaha," tawa nito.

Maya- maya pa ay nagulat ako ng may bumangga sakin mula sa likuran.

"Sorry," malagom na sabi nito na may tonong pagmamadali, pagkatapos ay umalis agad.

Naka hood ito kaya di ko masyadong nakita ngunit naaninag ko ng kaunting bahagi nito, at napansin ko ang matangos nitong ilong.

"Anak ng—" sabi ko ngunit di ko na ito nakita dahil nawala na lang ito bigla na parang may humahabol rito.

Napausod ako ng may matapakan akong bagay, nakita kong isa itong fountain pen at may tatak ito na CharmInc. Di ako sigurado kung yung lalaking nakabunggo sakin ang may ari nito.

"Bes, ano yan?" Tanong ni Dora sabay hablot sa hawak ko.

"Akin na nga yan, wait lang," sabi ko sabay hablot ulit sa pen.

Lumapit ng sobrang lapit ni Dora sakin.

"Mukhang mamahalin yan bes, san mo nakuha yan?" Tanong sakin nito.

"Ewan ko e, nakuha ko lang dyan sa sahig. Then kanina bes, may nakabangga sakin na lalaki, di ko masyadong nakita yung mukha nya pero halatang gwapo," salaysay ko.

"Patingin nga ulit, something caught my attention e," Saad nito sabay kuha ulit sakin ng pen.

"CharmInc.? Wait parang—, wait lang," sambit ni Pandora na tila may inaalala ito. Maya-maya pa ay kinuha nya ang cellphone nya. Naguguluhan na ako rito.

"Anong ginagawa mo bes?" curious na tanong ko.

"OMG! Look bes."

Iniharap nya sakin ang cellphone nya at nakita kong sinearch nya ang CharmInc. Di ako makapaniwala dahil pagmamay-ari pala ng isang bilyonaryo ang fountain pen na ito.

"Di kaya yung nakabangga sayo ang may ari nyan?"

"Ewan ko rin bes, I'm dumbstruck kanina nung nabangga nya ako e," turan ko.

"Bahala ka na dyan a, ikaw na maghawak nyan baka mamaya ako pa yung pagbintangan," wika nito sabay abot sakin ng pen.

Kinabahan ako dahil baka mapagbintangan nga ako na kinuha ko yung fountain pen.

Agad ko namang inilagay iyon sa bag ko. Sinubukan kong luminga linga para hanapin yung lalaki ngunit di ko ito makita.

Malapit na akong tawagin, nauna saking ma- interview si Pandora, kaya medyo kinakabahan ako.

Nang lumabas si Pandora ay napahinga ako ng malalim bago pumasok.

"Good luck bes," sabi ni Dora sakin.

"Thanks."

Pagpasok ko ay agad naman akong pinaupo. Mukhang mataray ito ngunit ng magsalita ito ay napakahinahon.

"What's your name?" Bungad ng interviewer sakin.

"I'm Xairah Agustin," sagot ko.

Pagkatapos nun ay tinanong ako ng mga personal na impormasyon at mga bagay tungkol sa studies at mga course na interested ako.

"For final question, why do you deserve this scholarship grants?" tanong ng babae sakin.

Kinakabahan ako, worst kung mag mental block ako. Huwag naman sana. Pwede kaya pang Miss Universe na sagutan dito? English yung tanong so English din dapat ang sagot.

"Well, I deserve this scholarship grants because I know that I can use it well. I took this opportunity since I know that my Lola or grandma can't provide well for my study. You know ma'am, I was with my grandma since I was ten years old and life wasn't that good. After I graduated from high school, I took  full time jobs to sustain may life, and to help my grandma. So in order not to be burdened, about my studies, knowing that you open this grant, I took the initiative to grab this, that's all."

Halos di ako makapagsalita dahil di ako sure kung tama ba ang sagot ko. Feel ko ang layo ng sagot ko pero di ko pinakita na kinakabahan ako dahil baka isipin nitong babae na'to na mahina ako.

"That's good, um, I mean that's all. You may now go home then please wait for the release of the results, you can check your email or surf the main page of Crimson, thanks for your time," Saad nito sabay abot ng kamay para sa handshake na tinugunan ko naman.

"Thank you, Ma'am," wika ko.

Pagkalabas ko ay nakita kong bored na bored na si Dora. Nang Makita nya ako ay lumiwanag ang muka nito at lumapit sakin.

"Tara na, gutom na ko eh," akit nito.

"Di mo man lang ba ako tatanungin kung okay lang ba ako? Anyways, let's go gutom narin ako e."

Papaalis na kami ng may lumapit saming babae at nagtanong.

"Um, miss, pwede ko ba malaman kung ano ang mga tanong sa inyo kanina?"

"Luh? Ayos ka lang confidential kaya yun," mabilis na sabat ni Dora.

"Shush, bes ano ka ba?" Saway ko sa kanya.

Humarap ako sa babae at kinausap ko ito.

"Miss, sorry kasi... pero confidential kasi yung hinihingi mo, pero ihanda mo na lang yung sarili mo, madali lang naman yung mga tanong sure akong masasagutan mo yun," paliwanag ko dito.

Tumango ito at nagpasalamat. Halatang kinakabahan tulad ko kanina.