webnovel

BB1:

Third person's POV

Dalawang linggo na ang lumipas, nag-

aalala na si Xai dahil di pa nya alam ang resulta ng exam at application nya. Kahit si Pandora ay di pa rin nakakatanggap ng email o kahit tawag man lang mula sa Crimson.

Kaya naman sila na mismo ang nagpadala ng email na nagtatanong tungkol sa resulta ng exam.

Ngunit wala pa rin itong sagot.

"Naku bes, na scam ata tayo, 'nu bayan, umasa lang ako," Saad nito ng magkita silang dalawa sa Jollibee na pinagtatrabahuhan ni Xai.

"Naku bes, onting hintay lang tsaka ano ka ba? Letter X pa ang pangalan mo no, plus ang dami kaya nating nag take ng exam," pahayag ni Pandora na ngayo'y tumitingin sa menu at pumipili ng bibilhing pagkain.

"O sya, basta balitaan mo ko kung meron na ah," tugon naman ni Xai.

"Oo naman,pero namomroblema ako kasi halimbawang nakapasa tayo need nating maghanap ng boarding house or apartment, e dami dami natin magkakaubusan tayo ng matutuluyan," ani ni Pandora.

"Naku madali lang yan, kapag gusto may paraan. Alam ko namang may mga tao namang tutulong satin, for sure," pampalíbag- loob ni Xai sa kaibigan.

"O, pano ba yan? Late na, di ka pa uuwi? Baka mag- alala si Lola Issa," turan ni Pandora.

"OT ako eh, tsaka alam nya na naman, nagpaalam ako sa kanya kanina, uuwi ka na ba?"

"Ahh okay. Nag chat na si mama e, baka ma grounded ako kapag di ako nakauwi agad."

"O sige, maya pa ako eh. Ingat ka," wika ni Xai at kumaway sa kaibigan.

"Ikaw rin, bye!"

Apat na oras pang nagtrabaho si Xai, pagkatapos nito ay dumiretso na agad sya ng uwi dahil pagod na rin sya.

Pag uwi nya ay nadatnan nyang mahimbing na natutulog ang kanyang Lola sa sala kaya di nya na ito ginising. Nagpatuloy sya sa kusina at nakitang nakapagluto na ang Lola nya, nakita nya ring may pinagkainan na sa lababo sign na kumain na ang Lola Melissa nya.

Habang kumakain ay tumunog ang kanyang phone, sinilip nya ito at nakitang may nag message.

Ms. Xairah Agustin,

Greetings!

We are happy to tell you that you passed your online application and your examination. You may come at our agency in your province for your interview. Bring all the requirements stated below-"

Hindi makapaniwala si Xairah sa kanyang nababasa kaya napatili na lamang sya dahilan upang magising ang kanyang Lola.

"Waaaaaaahhh, OMG!!!!" Sigaw nito.

"Oh? Apo, anong meron?"

Nagulat sya ng makitang nasa likuran nya ang kanyang Lola at nagkukusot pa ito ng mata.

"Lolaaa!!! Look, pumasa po ako, OMG, di po ako makapaniwala," excited na sagot nito.

Binasa naman ng kanyang Lola ang mensahe.

"Congrats, apo. Masaya ako para sayo, basta galingan mo sa interview mo a," pahayag ng Lola nya .

"Opo, lola. Ako pa? E mana sayo to," biro ni Xai sabay yakap.

"Sige po Lola, kausapin ko lang po si Dora kung anong resulta ng kanya," dagdag pa nito.

"O sya sige at aakayat nako, ikaw na bahala dito sa baba, good night sweety," paalam ng Lola Melissa.

"Good night, Lola. I'll rest pagkatapos nito," saad ni Xai.

Di pa sya nakakaupo ng makipag video call si Pandora sa kanya.

"O bes? Wait, lang choppy ka eh," sabi nito.

"Natanggap mo na ba yung message? OMG, di ako makapaniwala, nakapasa ako!!" Hirit na sabi ni Dora na parang kinikiliti.

"Wow, sayang saya ah. Ako rin bes pasado, like OMG di rin ako makapaniwala, as in," tugon nito.

"Naku, halos di nga ako makagalaw kanina e, tsaka grabe yung tibok ng puso ko," salaysay ni Pandora sa kaibigan.

"Nagising ko nga si Lola sa sigaw ko, nakakahiya. Kaya ayon nalaman nya rin agad. Ikaw ba alam na ng parents mo about dyan?"

"Oo, sabi ba naman ni mama ay mas mabuti nga iyon at di sya mangongomisyon sa akin, like parang ako yung dahilan ng paghihirap namin," ani Dora.

"Ay, pero I'm happy to know na magkasama tayo. (Haaaaw, higab ni Xai). Sige na bes, inaantok nako bukas na lang ulit, mwua mwua."

"Sige, bye bye Xai," paalam ni Dora at tinapos na ang video call.

Nagligpit na si Xai ng pinagkainan at hinugasan nya rin ang mga ito. Pagkatapos ay umakyat na rin sya at nagtuloy sa kwarto. Maliit lamang ang kanyang kwarto. May kama sa kaliwang bahagi na malapit sa bintana at katapat naman nito ay ang kanyang study table, sa tabi naman nito ay may kabinet ng mga damit.

May maliit rin syang book shelf sa may pintuan kung saan nakalagay karamihan ay Wattpad books.

Di makatulog si Xai kaya nagbasa muna sya ng libro. Nahiligan nyang magbasa ng dahil kay Pandora. Nung bago pa silang magkaibigan noong high school pa lamang sila ay madalas syang akitin ng kaibigan sa book store upang bumili ng libro. Napansin naman ito ng kanyang Lola kaya niregaluhan sya ng mga libro tuwing birthday nito. Tinatanong kasi ni Lola Melissa kay Pandora kung anong mga hilig ng kaibigan at mga bagay na maaaring iregalo.

Nakatulog ang dalaga ng hindi nya namamalayan. Kung minsan kasi ay inaatake rin sya ng insomnia kaya di makatulog ngunit ngayon ay nakatulog sya dahil narin sa pagod.

Kinabukasan ay same routine parin ang kanyang ginagawa, gigising na maaga upang buksan ang karinderya at maghahanda para pumasok sa trabaho.

"O bes ready ka na ba sa interview natin sa susunod na linggo?" Bungad ng kaibigan ng bumisita ito sa trabaho nito.

"Syempre ako pa, kumpleto na ba ang documents na hinihingi sayo?" bulalas na tanong ni Xai.

"Yup, handang handa kaya 'to 'no," pagmamalaki ni Pandora.

"Naku, ikaw ah. By the way, kakayanin kaya natin dun, e halos mayayaman ang magiging kaklase natin and worst baka mga matapobre pa," pag- aalala ni Xai.

"Naku bes, di ba nga sabi mo kakayanin, tsaka for what pa yung application natin kung di naman tayo tutuloy no," Saad ng kaibigan.

"Sabagay," maikling wika ni Xai.

Umuwi ng tanghali si Pandora ngunit bumalik rin agad ito dahil gusto nyang magpasama sa book store para bumili na naman ng libro

"Sige hintayin mo lang ako mamaya pa out ko eh," pahayag ng kaibigan.

"Okie," tugon ni Pandora with a matching hand sign ng okay. (👌)