webnovel

BB0:

Third person's POV

"Akala ko ba titigil ka na sa pagtatrabaho?"

Nagulat si Xairah ng makitang nasa likuran nya ang kanyang Lola. Dala dala  nya ang mga basura ng makita sya nitong lumabas ng Jollibee.

"Lola, pano ako titigil? E, kailangan kong sustentuhan ang sarili ko tsaka ikaw rin po, para naman po makatulong rin ako sa inyo, di ko na nga po alam kung tutuloy ako sa college, di ko na po alam gagawin ko," sagot ni Xairah.

Halatang pagod sa maghapong pagtatrabaho nito.

Kakagraduate lang ni Xairah sa high school ngunit imbes na tumuloy sya ng college ay mas pumili nya pa ang magtrabaho dahil di nya rin naman kakayanin kung wala muna syang ipon.

Ang kanyang Lola ay retired na, ngunit nagpapatakbo ng maliit na karinderya na sumasapat naman sa pang araw araw na pangangailangan nila.

"Alam mo Xai, hindi mo naman kailangang gawin to. Sabi ko naman kasi sayo hayaan mo na ako na ang magtrabaho para sa college mo, tsaka ang aga- aga mong pumapasok sa trabaho tapos late ka na minsan nauwi," Saad naman ng kanyang Lola.

"Pero Lola, alam ko naman po yun, kaso di ko naman kayang matiis na nakikita kong nahihirapan ka para lang mapag- aral ako. Ang gusto ko lang naman po ay tumayo ako sa sarili kong mga paa, nakakalungkot man pong sabihin pero kung sakali man pong mawala kayo e kaya ko na, yung buhay na independent ako, tsaka ayoko na pong magpabigat pa sa Inyo," pahayag ni Xairah kasabay nito ang malalim na paghinga.

"Siya sige, pauwi ka na ba? Sabay na tayo," tanging sagot ng kanyang Lola Melissa.

"Opo, sandali lang ho, magpapaalam nako sa loob," paalam ni Xairah.

Napabuntong- hininga na lamang si Lola Melissa. Ilang beses nya na kasing sinasabihan ang kanyang apo na tumigil na sa pagtatrabaho at pumasok na sa college ngunit ayaw nito sa kadahilanang hindi daw kakayanin kung wala pa silang ipon, di naman daw sya makakuha ng scholarship dahil halos ubos na ang slot kapag sya ay maga- apply.

"Promise me, that you'll rest after this," wika ni Lola Melissa ng lumabas ang kanyang apo.

"Yes, Lola," sagot naman ni Xairah.

Pag-uwi nila ay agad na nagluto si Lola Melissa ng hapunan. Lutong gulay at kanin ang kanilang pinagsaluhan.

Halos ilang taon na ang nakakalipas, ng dumating si Xairah sa buhay ng kanyang Lola. Sampung taong gulang pa lamang kasi ito ng mawalay sa kanyang mga magulang. Namatay ang ama nito sa sakit na leukemia samantalang naaksidente ang kanyang ina. Simula noon kinupkop na ni Lola Melissa si Xairah at ibinuhos dito ang pagmamahal. Sanggol pa lamang kasi ng huli nya itong makita dahil busy rin sya noon sa trabaho kaya di sya makauwi ng probinsya.

Kapalit naman ng pagkupkop ng kanyang Lola ay nag- aral si Xai ng maayos, tumutulong sa gawaing bahay at sa negosyo nito. Maaga itong gumigising upang buksan ang karinderya, pagkatapos nito ay maghahanda sya upang pumasok sa kanyang trabaho sa Jollibee upang sa ganoon ay hindi na sya manghingi ng pera sa kanyang Lola.

Ilang buwan na sya sa kanyang trabaho at halatang masaya naman ito kahit minsa'y pagod ng nauwi.

Habang kumakain ay nag- ring ang cell phone ni Xairah at nakitang tumatawag ang kanyang kaibigang si Pandora.

"Sandali lang po Lola, sagutin ko lang po," paalam ni Xairah.

Tumango naman ito bilang tugon.

"What?" Tanong ni Xairah.

"Bes, haven't you heard?" tanong nito mula sa kabilang linya.

"Heard about what?"

"Your long fantasy is now happening, haven't you heard the news?"

"What news? Can you just spill it out? Grandma's waiting at the table," naguguluhang saad ni Xairah.

"Okay, okay. I thought you already knew that the Crimson University is giving scholarship now, and you know what? There would be online application, then they'll pick, and, umm I mean, but only 50 will be chosen," aniya.

Hindi makapagsalita si Xai. Matagal nya na kasing kinalimutan ang pangarap nyang makapasok sa Crimson, dahil para lamang ito sa mayayaman.

Napatigil si Xai, what if i- try nya? Wala namang mawawala, ngunit sumagi sa isip nya ang kanyang Lola. Di nya alam kung papayag ba ito.

"Hey, bes, are you still there?" Pagputol ni Pandora sa katahimikan.

"Oh, yes, I'm sorry. Nagpa- process pa sa utak ko eh, tama ba ang narinig ko? " Paninigurado no Xairah sa kaibigan.

" Oo, bes. Tsaka eto pa ang chika, online ang paga- apply tsaka online din ang examination, lahat ng pumasa is merong face to face interview sa agency mismo," salaysay ni Pandora mula sa kabilang linya.

"Nagda- dalawang isip ako eh, baka di pumayag si Lola, buti na lang at pinaalala mo sakin tagal ko ng nakalimutan yang Crimson eh," pahayag naman ni Xai.

"Ay, samantalang ako ikaw agad ang tinawagan ah, anyways send ko na lang yung link sayo later, pa regards kay Lola ah, bye bye mwua mwua," pagpapaaalam ni Pandora na may kasama pang halik.

Pagbalik nya sa kusina ay tapos ng kumain ang kanyang Lola at naglilinis na ito ng lababo  kaya umupo na lang sya.

"Lola, I have something to say," sambit ni Xai habang ngumunguya ng pagkain.

"Oh? Ano naman iyon, dear?" Tumigil ang kanyang Lola at humarap sa kanya ng may tanong sa mga mata nito.

" Naalala nyo pa po ba na nung maliit pa ako, nung nasa high school pa ako madalas king sabihin sa inyo na gusto kong mag- aral sa Crimson?" Tanong ni Xai sa Lola.

"Oo naman apo, bakit?" Tugon ng Lola nya.

"Si Dora po kasi yung tumawag, sabi nya po kasi na may scholarship grants ang Crimson, gusto ko po sanang i-grab ang opportunity," banggit ni Xai.

"Oh, e di i- grab mo na, sayang naman matagal mo ng pangarap yun di ba?"

"Okay lang po ba sa inyo?" Tanong ni Xai.

"Oo naman apo, di ba nga halos araw- araw mong sinasabi sakin yan kasi nga may crush ka dun? Tsaka okay lang sakin kasi nga pangarap mo, kapag pangarap mo syempre go ako," sagot ng Lola na may biro pa.

"Lola naman nakalimutan ko na po yung crush ko dun tsaka ang laki ng age gap namin. Thanks la," ani ni Xai.

"Pero la, pano pag nakapasa ako ibig sabihin po kasi nun ay magbo-  boarding house ako, sa syudad pa po kasi yun, ok lang ba na iwanan ko kayo dito?" Dagdag pa ng dalaga.

"Okay lang naman ako apo tsaka may business naman akong inaasikaso kaya di ako maiinip, kaya nga sabi ko basta para sa iyo at sa mga pangarap mo go na go ako," wika ng kanyang Lola.

"Thank you talaga Lola, you're always there for me. Promise ko sayo Lola kapag nakapasa ako pagbubutihan ko talaga, payakap nga po," Saad nito sabay yakap sa lola na agad namang tumugon.

Dalaga ka na nga, sana'y dalhin mo lahat ng turo ko sa iyo hanggang paglaki mo tulad ng ginawa ng iyong mga magulang, saad ni Lola Melissa sa isip nya na wari ay nagbibigay ng blessings sa apo.