webnovel

Albularyo: The Filipino Shamans

KingNato · Fantasy
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 7: The Magical Stone

Nagsimula na ang training ng lima. Inalam muna ni Antonio ang mga natatanging kakayahan ng bawat isa sa kanila. Dahil tinuruan na sila ng kanilang mga lolo noong bata pa sila madali lang nilang nalaman ang kanilang mga natatanging kakayahan. Hindi pareho ang mga natatangi nilang kapangyarihan sa mga lolo nila. Gayun pa man naturuan parin sila ng kanilang mga lolo kung pano pagyayabungin ang kanilang kapangyarihan.

Samantala bumalik si Hameck sa himpilan ng Dugong Itim ng talunan. Sa kabila nito pinagbigyan parin s'ya ng pinuno nila ng huling pagkakataon. Ngunit sa pagkakataong ito hindi na nito ipinahahanap si Victor.

Pinuno: Hayaan mo na ang mga batang 'yon wala naman na silang mahihingian ng tulong halos lahat ng mga albularyo ay napatay na natin at ang iba naman ay naduduwag ng lumabas.

Hameck: Ngunit pinuno ang isa po sa kanila ay may malakas na kapangyarihan na tumalo kay Sho.

Pinuno: Ibig mo bang sabihin mas malakas s'ya kaysa sakin!?

Hameck: Hindi naman po sa ganun pinuno ngunit kaylangan nating mag-ingat.

Pinuno: Ako ang pinuno ng organisasyon na ito at ako rin ang kanang kamay ni Haring Iskwag kaya naman wala kang karapatan na mangatwiran sakin!

Hameck: Patawad po pinuno.

Pinuno: Mabuti pa gawin mo na lang ang isa ko pang inutos sayo. Pumunta ka sa bundok Apo at may makikita ka doong matandang puno at sa punong yon may naninirahang kapre na nagngangalang Veshka. Gusto kong kunin mo ang mahiwagang bato na nasa sing-sing n'ya.

Hameck: Masusunod po pinuno.

Samantala sa gitna ng kanilang pageensayo may nadiskubre si Antonio kay Victor.

Antonio: Victor, saan galing ang kuwintas mo? Maaari ko bang mahawakan?

Victor: Ahh sige po.

Antonio: Pano to napunta sayo?

Victor: Binigay po 'yan ni Mang Juan sakin.

Antonio: Kung ganon nakuha na pala ni Juan ang mahiwagang bato na ito mula kay Vishka.

Victor: Po?

Antonio: Makinig kayo sakin. Ang batong ito ay isa sa mga sinaunang kagamitan ng isa sa kauna-unahang albularyo sa Pilipinas na si Mangan. Ang batong ito ay kayang gumawa ng harang para maprutektahan ang may hawak nito. Ngunit ang pinaka malakas nitong kapangyarihan ay ang kakayahan nitong gumawa ng portal na kayang tawagin ang apat na bantay ng kalikasan.

Luna: Bantay ng kalikasan?

Antonio: Sila ay mga makapangyarihang nilalang na kayang bigyan ng kapangyarihan ang isang mortal.

Victor: Ngunit kung ganon nga 'to kalakas bakit natalo ng mga miyembro ng Dugong Itim si Mang Juan?

Antonio: Dahil sa taong nakatadhana lamang gumagana ang batong ito.

Natalia: Teka kung ganun pala ang batong yan ang batong minsan ng nakwento ng lolo ko sakin, ayan ang "Bato ng Apat na Bantay".

Antonio: Oo.

Victor: Mabuti na nga lang at ibinigay ito sakin ni Mang Juan dahil kung wala ito baka namatay na rin ako.

Antonio: Ibig mong sabhin nagamit mo ang kapangyarihan ng batong ito?

Victor: Opo.

Antonio: Victor! hahaha, ikaw Victor ang pinili ng batong iyan!

Victor: Ibig pong sabihin non kaya kong tawagin ang apat na bantay?

Antonio: Oo, pero bago yun kaylangan mo munang sumailalim sa isang pagsubok.

Andrew: Magiging isang malaking tulong kung magagamit mo ang kapangyarihan n'yan.

Antonio: Tama, kaya naman Victor sasanayin kita at kaylangan mong dumaan sa isang pagsubok. Mga bata sumunod kayo sakin.

Melvin: Saan po tayo pupunta?

Antonio: Sa islang ito may isang kweba na tinatawag naming "Kweba ng Bangungot".

Pagkarating nila sa pasukan ng kweba pinapasok n'ya si Victor at naiwan naman ang iba pa sa labas.

Antonio: Victor sa kwebang yan haharapin mo ang pinaka matinding pagsubok sa lahat. Haharapin mo ang sarili mong takot o sarili mong bangu-ngot sa loob n'yan. Masusukat don kung kaya mo bang gamitin ang batong yan na nasa kwintas ng tama at makatwiran dahil upang maging makatwiran ka kaylangan mong harapin ang takot mo upang maipaglaban ang tama.

Victor: Kung makakatulong 'to upang lumakas ako pagbubutihan ko.

Antonio: Mag-ingat ka Victor. Kayo namanng apat habang hinihintay natin dito si Victor sasailalim din kayo ng isang pagsasanay na magpapataas ng inyong ispiritwal na kapangyarihan.

Pumasok na nga si Victor sa kweba at nagsimula na ang ensayo ng apat. Samantala papunta na si Hameck sa bundok Apo upang gawin ang utos sa kan'ya ng kanilang pinuno.