webnovel

Albularyo: The Filipino Shamans

KingNato · Fantasy
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 6: The New Generation Of Albularyos

Nahabol ni Sho sina Victor at Natalia kaya naman napilitan si Victor na kalabanin si Sho. Nag-anyong bampira si Sho at inilabas nito ang kan'yang katana. Si Victor naman ay nakahanda na para umatake. Natatakot si Victor dahil hindi n'ya alam kung gano kalakas si Sho ngunit pipilitin parin n'yang lumaban para mabuhay.

Sho: Wala na kayong takas mga bata.

Natalia: Hoy ikaw hanoy(Hapon at Pinoy) Hayaan mo nalang kami makatakas.

Victor: Hindi ka n'ya pakikinggan Natalia. Halang ang bituka ng mga halimaw na katulad n'ya. Mukang kaylangan natin s'yang labanan para makatakas tayo.

Natalia: Pero pano natin s'ya lalabanan? Panggagamot lang ang kaya kong gawin.

Victor: Tinuruan ako ni lolo na lumaban sa mga katulad n'ya.

Sho: Sa tingin mo ba mananalo ka sakin?

Victor: Oo naman.

Mistulang matapang si Victor ngunit sa loob -loob n'ya natatakot s'ya. Hindi n'ya alam kung may kakayahan ba s'yang manalo kay Sho.

Sho: Humanda ka na bata!! Tikman mo ang Talim ng aking katana. Hatiin mo sila "Dark Asura"!!!

Naglabas ang espada ni Sho ng mga lilang liwanag na humahati ng kahit ano.

Mabilis ang mga atake ni Sho at walang nagawa si Victor kundi ilagan at sanggain nalang ang mga ito. Samantala walang magawa si Natalia dahil wala naman s'yang alam sa pakikipag laban. Patuloy na umatake si Sho hanggang masugatan n'ya si Victor sa braso.

Sho: Sugatan ka na bata. Hindi mo na kayang lumaban kaya naman wag ka nang lumaban pa.

Victor: Hindi ako susuko!! Lalaban ako para mapabagsak ko ang Dugong Itim.

Sho: Kaawa-awang nilalang Hahaha. Tapos ka na! Harapin mo ang kamatayan mo bata. "Asura" Lumabas ka!!

Nabalutan ng itim na lason ang espada ni Sho at Nang hahatiin na n'ya si Victor bigla nalang nagliwanag ang anting-anting ni Victor na Galing kay Mang Tomas.

Sho: Ahhh nakakasilaw. Patigilin mo yan.

Hindi tinablan ng katana si Victor. Nagulat si Sho dahil hindi tinablan si Victor ng kanyang katana kaya naman sinamantala n'ya ang pagkakataon upang umatake. Nagsulat ng mga salita sa papel si Victor at idinikit n'ya ito sa dibdib ni Sho at may mga binigkas s'yang salita. "Ispirito ng apoy tinatawagan kita! Bigyang liwanag ang kadiliman. Magliyab ka at tupukin ang masama!" nabalot si Sho ng apoy na tumupok sa kan'ya. Pagkatapos ng laban nawalan ng malay si Victor dahil sa tinamo n'yang sugat kaya naman pinagaling s'ya ni Natalia. Pagkagising ni Victor agad na silang lumakad ni Natalia.

Victor: Salamat sa pag-aalaga mo sakin.

Natalia: Walang ano man Victor.

Victor: Patawad sa nangyari sa lolo mo.

Natalia: (Umiiyak) Isang mabuting tao ang lolo ko. Marami s'yang tinutulungan kahit walang kapalit. Lagi n'yang sinasabi sakin na dapat akong tumulong lagi sa iba kaya naman bakit s'ya pa ang namatay? bakit s'ya pa?

Victor: Ganun din ang lolo ko. Kaya naman Natalia dapat nating mahanap ang iba pang mga albularyo para wala ng mamatay pa kagaya nila.

Natalia:(Nagpahid ng luha) Tama ka.

Victor: Ang problema n'yan hindi ko kilala ang mga albularyong dating kasama ng lolo natin.

Natalia: Sa pulungan ng Kapatiran pumunta tayo don pero bago yun pumunta muna tayo kay Ginoong Antonio.

Victor: Kung ganon sige.

Natalia: Tara sumunod ka sakin.

Pumunta nga sila pulungan ng Kapatiran nagtaka si Victor kung bakit s'ya dinala ni Natalia sa kumpanya ng pagawaan ng mga gadgets.

Victor: Bakit nandito tayo natalia?

Natalia: Dahil ang may ari nito ay si Ginoong Antonio, dating kasamahan ng nga lolo natin sa kapatiran na nagpalit ng pangalan at nagpa plastic surgery para makapag bagong buhay s'ya at walang ibang makakilala sa kan'ya kahit na mga kasamahan pa n'ya sa kapatiran. Iilan lang sa kapatiran ang may alam sa tunay n'yang pagkatao kasama na don ang lolo ko.

Sumakay sila sa isang lumang elevator na nagdala sa kanila sa pinaka mataas na palapag ng kumpanya.

Natalia: Ginoong Antonio.

Lumabas ang isang lalaking may magandang bigote na may hawak na tungkod.

Antonio: Natalia mabuti naman at ayos ka lang.

Natalia: Ano pong ibig n'yong sabihin.

Antonio: Mabuti pa pumasom muna kayo ng kasama mo

Pagpasom nila sa opisina ni Antonio nadatnan nila ang tatlo pang dalaga at binata? a kasing edad lang rin nila ni Victor.

Natalia: Sino po sila?

Antonio: Ang lalaking yan na may mahabang buhok s'ya si Andrew apo s'ya ni Domeng, kasamahan namin dati ng lolo mo na eksperto sa pagpapaalis ng mga masasamang espirito. Ang babae namang ito ay si Luna ampon s'ya ni Manolo ,kasamahan namin dati na magaling sa paggamit ng espada. S'ya naman si Melvin, ang lolo n'ya naman ay magaling sa pagpapagalaw ng mga papel. Lahat sila ay sinugod ng mga miyembro ng Dugong Itim at namatay ang mga pamilya nila.

Victor: Ganun din kami.

Antonio: Sino ka ba iho?

Victor: Ako po si Victor Maglaban.

Antonio: Ikaw ba ang apo ni Jose!?

Victor: Opo.

Antonio: Kung ganon pala namatay na rin s'ya.

Victor: Opo.

Antonio: Isang magaling na albularyo ang lolo mo at isa rin s'yang mabuting kaibigan.

Natalia: Wala na po bang iba pang mga nakaligtas na kapamilya ng mga dati n'yong kasama hindi ko alam. Ang nga lolo n'yo lang naman kasi ang nakakaalam sa bago kong pagkatao kaya naman kung may iba pang? nakaligtas, hindi ko yon malalaman. Pinapuntahan ko naman ang ilan sa mga natatandaan kong kasamahan sa aking alagang kalapati ngunit ang ilan sa kanila ay napatay na ng mga miyembro ng Dugong Itim at ang ilan naman ay nag tatago at mga takot na lumaban.

Victor: Kung ganon po pala maaaring kami-kami na lang po ang maaaring lumaban sa Dugong Itim?

Antonio: Sa tingin ko oo. Mukang kayong lima na ang bagong henerasyon ng mga Albularyo at kung mag kataon kayo na rin ang huling henerasyon.

Natalia: Teka muna, pano kaya kung pumunta tayo sa pulungan baka may mga albularyong nagtago ron?

Antonio: Pumunta na ako don kahapon ngunit mga bangkay nalang ang inabutan ko.

Melvin: Dapat sugurin na natin ang Dugong Itim na yan.

Andrew: Mamamatay lang tayo kapag ginawa natin yan.

Luna: Isa pa hindi natin alam kung saan sila nagtatago.

Antonio: Mabuti pa dadalhin ko muna kayo sa islang pinagsasanayan naming mga albularyo. Doon din nagsanay ang lolo mo Victor.

Melvin: Magsasanay pa kami!? pero kaylangan na nating kumilos.

Antonio: Mas kaylangan nating maghanda.

Dinala nga ni Antonio ang limang bata sa Isla ng mahika upang sanayin at mapalakas ang kanya-kanya nilang kapangyarihan.