webnovel

Above your time

TIME DUOLOGY #1 Cosette was the perfect representation of being God's favorite child. She's blessed with everything; looks, fame and fortune, and even brains. Being a well known architect and self made billionaire looks easy on her. She had everything she dreams of and she has nothing more to ask for. Her life was indeed perfect and peaceful and currently at it's peak of success not until she decided to take a break and visit the very popular landmark of Manila - Intramuros. What will she do if an unexpected accident that happend at that time suddenly transported her back 14 years ago?

SEIRUS · Teen
Not enough ratings
11 Chs

TWO

🕐🕐🕐

June ** 2030

________________

"Ms. Sevilla nainlove ka na po ba?"

Napatigil ako sa paginom ng aking kape dahil sa hindi inaasahang tanong ng interviewer sakin. Nandito ako ngayon sa UST dahil inimbitahan nila akong iinterview kasama ng mga kabatch kong kasing successful ko narin ngayon.

Malaking tulong din tong interview na to para saking publicity ay napilitan akong pumunta. Sikat nako pero alam kong may tulong parin to sakin at hindi rin naman basta basta ang umimbita sakin. Idagdag mo pa ang ibang mgakilala ring tao na kasama ko Isa rin sa dahilan ng pagpunta ko ang kaibigan ko dati na ngayong nagtatrabaho na bilang isang kilalang journalist.

Tila ang mga kasama ko rin ay nabigla sa naging tanong ng interviewer pero bakas sa mukha nila ang kuryosidad. Makahulugan namang napatingin sakin si Pearl habang naka ngisi, ang kaibigan ko na dahilan kung bakit ako napilit na pumunta dito.

Inisip kong mabuti ang isasagot ko dahil isang maling salita ko lng ay paniguradong nasa headline nanaman ako ng news at dyaryo.

"Well, sino ba namang hindi nainlove diba? Acutally isang tao lang ang minahal ko before but sadly our love story ended sad. So ang sagot sa tanong mo ay yes, I already experinced being inlove."

'At sa mga magtatanong palang ngayon at umaasa, sorry pero wala na sa isip kong magmahal pa uli. I guess I'm too traumatized at pagod para umulit pa." sagot ko habang nakangiti dahilan para manlaki ang mata ng mga taong kasama ko ngayon. Hindi rin inaasahan ni Pearl na magkkwento ako dahil alam niya kung gaano ako ka sikretong tao. Alam niyang ayokong pinaguusapan yon kaya bakas din sa mukha niya ang gulat na siyang ikinatawa ng isipan ko.

Wag kang tumunganga diyan pearl aba! Siguraduhin mong may maganda kang article na maisusulat ngayon. sabi ng isip ko habang nakatingin sa ngayo'y shock parin na si Pearl. Nakuha niya naman ang kahulugan ng tingin ko sa kanya kaya ngumiti siya sakin ng pagka tamis tamis.

From: Perlas ng Silanganan <3

Thankyou bakla! Iba ka magpasabog frenny. The best ka talaga! Don't worry ako bahala sayo. I'll treat you kapag naka sahod nako hahaha MWAPPSSS <3

Sinadya ko rin na sumagot sa tanong dahil isa siyang kilalang showbiz journalist. Malaking tulong sa kanya to lalo pa sa career niya lalo na ngayon na mas gumagaling ang mga kakumpitensya niya.

Inaasahan ko ng ganyan ang magiging reaksyon ng ibang kilala lang ako sa pangalan ko dahil kilala akong bilang isang mailap na tao. Napuno ng bulong bulungan ang conference hall at wala ng naglakas ng loob na magtanong uli sakin.

Maayos at maagang natapos ang interview kaya may nag suggest na i-tour kami sa buong campus ng mga freshman arki students. Nagtext din sakin si Pearl na may emergency sa bahay nila kaya nauna nalang siya kasama si Lexi.

Maraming itinayong bagong building dito at mas pinalawak pa nila ito ngayon. Hindi naman nila hinayaang mawala ang mga malalaking puno sa paligid kahit na naglalakihan na ang mga bagong tayong building.

"Eto na po ang Arch of the Centuries. Nakatayo parin po siya hanggang ngayon pero malaking usapan po na balak na po nilang lagyan ng bakod yan dahil nakikitaan daw po nila ng signs ng pag guho."

Tahimik lang kami habang nakikinig sa mga freshman. Hindi parin nawawala ang mga tradisyon at haka-haka sa loob ng campus kahit na ilang taon na ang lumipas. Nakakatuwa lang dahil naniniwala parin sila sa gaanon kahit na sobrang tagal na nito at wala rin naman makakapag-patunay dito.

Naalala kong simula nung grumaduate ako ay hindi ko nasubukang dumaan sa Arch of the Centuries kaya nagpasya akong lumapit don at tumawid. Pipigilan pa sana ako ng mga batang kasama ko nang maalala nilang hindi naman nako nagaaral don kaya kahit may sumpa man yon ay hindi narin ito gagana sakin. Sumunod naman ang aking mga kasama na ngayo'y manghang mangha dito.

Saktong pagabi narin nang matapos ang tour samin na inabot din ng isang oras. Hindi naman kami napagod dahil makulimlim ang kalangitan. Hindi mainit kaya sa buong campus kaya tamang tama lang ang oras na yon para maglibot.

Paalis na sana ako nang may humawak sa braso ko dahilan pa mapatigil ako.

"Hey Cosette are you free tonight? Gusto sana kitang yayain for dinner kahit ngayong gabi lang."

"Busy ako." walang pagaalinlangan kong sabi. Nakasanayan ko naring tumanggi lagi. Hindi ako tumatanggi dahil lang sanay nako, choice ko mismo yon dahil iba ang isip ng lalake. Ang akala kasi nila kapag pumayag ka eh may tyansa na agad sila.

Dali dali akong pumuntang parking lot at sumakay sa sasakyan ko.Naisipan kong ngayong bumisita sa intramuros ngayon dahil wala din naman ako masyadong gagawin. Matagal narin ng huli akong pumunta doon. Habang nagmamaneho ako papuntang Intramuros ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Masyadong malakas ang ulan dahilan para hindi ko makita ng maayos ang dinaraanan ko . Binagalan ko ang pagmamaneho ko dahil madulas ang daan at inaabot kodin ang cellphone kong nalaglag mula sa aking bag. Mabuti nalang at nasa bandang Jones Bridge nako kaya maliwanag ang daan kahit na malabo ito.

BEEEEEEEEEEEEEEP BEEEEEEEEEEEEEP!!!!!!!!!

Hawak hawak ko na ang cellphone ko ng may bumusinang napaka lakas na siyang dahilan kung bakit bigla akong napatingin sa daan.

Nagliwanag ang paligid ng ilang mga sandali bago ako tuluyang sakupin ng kadiliman.

🕐🕐🕐

@SEIRUS

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

SEIRUScreators' thoughts