webnovel

Above your time

TIME DUOLOGY #1 Cosette was the perfect representation of being God's favorite child. She's blessed with everything; looks, fame and fortune, and even brains. Being a well known architect and self made billionaire looks easy on her. She had everything she dreams of and she has nothing more to ask for. Her life was indeed perfect and peaceful and currently at it's peak of success not until she decided to take a break and visit the very popular landmark of Manila - Intramuros. What will she do if an unexpected accident that happend at that time suddenly transported her back 14 years ago?

SEIRUS · Teen
Not enough ratings
11 Chs

ONE

🕐🕐🕐

** ** 2030

___________

"Dali na Cosieee. Pagbigyan mo nako bukas. Pretty please ikaw lang yung makakatulong sakin ngayon."

Napahawak nalang ako sa sentido ko nang mapagtanto kong si Pearl parin ang tumatawag sakin. Kanina pa niya akong kinukulit sa interview na tinaggihan ko noong nakaraang araw pa. Niyayaya niya akong pumunta sa isang interview na gaganapin sa dati naming paaralan.

Busy ngayon dito sa Firm ko at hindi ko to pwedeng iwan ang mga tauhan kong walang umaalalay dahil unang una ang daming cliente na gustong magpatayo ng bahay. May mga bigatin ding cliente na gusto namang magpatayo ng building na mahirap tanggihan. Iba pa ang mga bagong graduate ng mga architect na nagaaply ng trabaho at ready na para iinterview.

"Please Cosieee big break ko to kapag nagkataon alam mo naman yon diba. Alam mo naman kung gaano kaimportante sakin tong trabaho ko. Eto lang ang meron ako para buhayin si Lexi."

"Okay fine. Ginagamit mo nanaman yang inaanak ko bilang panakot mo eh tsk. Basta isama mo ang cute kong inaanak sa araw na yon ha."

Alam na alam niya talaga kung paano ako mapa oo. Naging magkaibigan kami ni Pearl dahil siya ang sandalan ko noong college maliban sa iba pa naming kaibigan. Naging ka dormmate ko din siya simula noong freshman ako kaya mas lalo kaming naging close sa isa't isa. Alam niya lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon at umabot pa sa puntong utang na loob ko ang buhay ko sa kanya.

"Thankyou Cosieee hulog ka talaga ng langit! MWAPPSS"

May halong pangaasar na sabi niya sakin at mabilis akong binabaan. Kung gaano siya kagaling magpapayag ay ganon din siya kagaling mang inis.

Napagpasyahan ko munang mag break dahil sa dami ng mga trabahong naka balandra sa office ko. Tinawag ko ang aking sekretarya para sabihan lahat ang mga empleyado ko na pumunta sa meeting room.

"Pinatawag ko kayong lahat dito dahil masyadong madaming gawain ngayong buwan na to. Dahil biyernes naman ngayon ay maaari na kayong umuwi ng maaga pagkatapos niyong kumain. Madami pa tayong araw kaya wag niyong pinababayaan ang sarili niyo." sabi ko dahilan para matuwa sila. Sakto ding dumating na ang mga pagkaing inorder ko para sa lahat bago sila umalis.

Eto ang gawain ko kapag masyado nang maraming gawain sa kumpanya. Lahat ng empleyado ko kasama ang mga guard at janitress ay tinitreat ko paminsan minsan lalo kapag sobrang dami ng gawain. Pinauuwi ko rin sila ng maaga para makapagpahinga kahit madaming gawain dahil alam ko na mas makabubuti sa lahat na magtrabaho ng may tamang pahinga.

Dahil half day lang ang trabaho ko ngayon ay naisipan kong pumunta sa condo ni Pearl upang dalawin si Lexi. Dumaan muna ako sa Mcdo at Toy Kingdom para bumili ng makakain at pasalubong sa bata.

Pagkarating ko ng condo ay bumungad sakin ang yakap ng pinaka kyut na anghel na nakilala ko.

"Mommy Coco whaaa your here po? You did'nt text me po . Hmp akala ko po you forgot about me na." may halong tampo na sabi ng bata sakin.

Naapansin kong nanonood to magisa sa kanilang sala at wala ang mommy niya.

"Baby where's your mom?" tanong ko dahilan para hilahin ako ni Lexine pababa na akmang bubulong sakin.

"Mommy Coco don't tell mom na ako nagsabi sayo ah. I hear her sa kwarto niya. She's crying po pero nung lumapit ako kay mom sabi naman niya there's nothing to worry about."

Mommy ang tawag niya sakin dahil katulong ako ni Pearl sa pagpapalaki kay Lexine. Simula ng mabuntis si pearl ay ako na ang kasama niya. Kakagraduate palang namin non nang malaman naming buntis pala siya. Bago pa man niya nalaman na buntis siya ay nakipaghiwalay siya sa boyfriend niya noon dahil nalaman niyang nambababae pala ito. Hanggang lumaki si Lexine ay kaming magkakaibigan kasama ang mommy niya ang tumayong ama't ina ni Lexi.

Binigay ko sa bata ang pasalubong niya sakin at masaya naman niya itong tinanggap. Sinabihan ko ito na manood nalang muna sa living room habang kinakain ang pasalubong na dala ko dito dahil may paguusapan lang kami ng mommy niya. Sumunod naman agad ang bata sakin.

Bago ko puntahan si Pearl sa kwarto niya ay tinext ko ang iba pa naming mga kaibigan para pumunta dito at magdala naring ng pagkain. Umoo naman sila at nagsabi na any minute ay nandito na sila.

"Perla papasok ako ha."

"Ano ba yan Cosie eh sabing wag moko tawaging ganyan hindi naman ako sabong panlaba eh." humuhikbing sabi niya habang sinusubukang pigilina ng sarili na umiyak.

"Come here. Nandito lng ako iiyak mo lng yan." sabi ko sa kanya dahilan para patakbo siyang yumakap sakin gaya ng ginawa ng anak nya kanina.

Umiyak lang siya ng umiyak habang inaantay naming dumating yung iba. Naka yakap siya sakin sa kama nila ni Lexine habang umiiiyak. Ilang minuto din kaming nakastay sa ganong pwesto bago dumating ang iba pa naming kaibigan para pagaanin ang loob ni Pearl.

🕐🕐🕐🕐🕐🕐🕐

@SEIRUS