webnovel

A Nightt To Remember (Tagalog)

A girl who always craving for something. Something strange for her. But what if she fell inlove to a stranger in just a night. That's make her a night to remember. #Romance #ANTR

SerialPogi · Urban
Not enough ratings
21 Chs

Isa

Bagong Araw

Marian's POV

Kakagising ko lang. Si Jeorge naman maagang gumising dahil mag fi-fish hunting daw sila ni Klent. Nabasa ko kasi ang iniwan niyang note sa mesa, ang sweet niya no? Bumangon ako sa higaan ko. Hindi ko mapigilang 'di matawa nang maalala ko 'yung nangyari kagabi. Grabe hindi ko in expect na dancer pala siya. Hindi ko talaga mapigilang 'di matawa sa naisip ko. Tiniklop ko nalang ang kumot at inayos ko ang unan na hinigaan ko. Inayos ko muna ang sarili ko saka lumabas ng silid.

Pagkabukas ko ng pintuan sumalubong sa 'kin ang haring araw. Goodmorning Siargao. Day 2 na namin dito sa Siargao pero wala pa rin akong nahahanap na star fish, kainis.

Nakita ko si Keana na papalapit sa gawi ko naka suot ito ng white floral dress na naka wagayway ang kulot niyang buhok na bagay naman sa kutis niyang morena. She's so damn gorgeous.

"Hi Marian." Bati niya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. "Hello." Bati ko sa kaniya pabalik.

"How's your sleep?" Tanong ko sa kaniya.

"Okay lang." Sagot niya.

Ngumiti siya. Teka! I smell something fishy. Parang may kailangan 'tong sabihin sa akin.

"Teka! Parang ang saya naman ng gising mo." Sabi ko.

Mukha na akong detective dito. Iniimbestigahan ko kasi ang mga kilos niya, her eyes, the way she smile. Inoobserbahan ko lahat.

Ngumiti siya sa akin. "Wala 'to. Masaya lang ako sa panibagong araw natin dito. Ah...mauna na pala ako, see yah." Aniya sabay alis.

Naiwan akong nakatunganga dito sa posisyon ko. Like what? Ganun na lang yun? Hindi man lang siya nagsabi ng marami. Tsk! Pretender.

Ewan ko kung may isip ba ang mga paa ko o wala pero basta na lang itong humakbang papunta sa dinaanan ni Keana. Marami akong nakasalubong mga banyaga some of them greeted me and I can't help but to greeted them back to show my respect to them. Nagpatuloy ako sa paglalakad nakikita ko pa si Keana na naglalakad hanggang sa may humarang sa akin at nawala sa paningin ko si Keana. Damn!

Nakatalikod ito. Kinalabit ko siya ng hindi nagdadalawang isip. "Kuya. Why you are blocking my way? Alam mo namang daanan 'to." I exclaimed.

Dahan dahan siyang lumingon sa akin. I saw a man, a handsome man. He wore a Hawaiian shirt and grayish pants and a black shades.

"Ako ba miss?" Tanong niya sabay hubad sa shades niya.

Damn! He's so...handsome. His brown eyes, shaded eyebrows, perfect nose, pinkish lips, and his so attractive face that making him look more handsome.

I raised an eyebrow. "Sino bang tinatanong ko ngayon?" Inis kong tanong.

Ang nakakainis pa, tinuro niya 'yung sarili niya. "Ako." Inosente niyang sagot.

I sighed in disdain. "Gosh! Siyempre ikaw. Ano ba 'yan!" Inis kong sabi.

"Maka-alis na nga lang." Dagdag ko pa sabay alis na sana pero tinawag niya ako.

"Wait miss." Tawag niya sa akin.

liningon ko siya sabay taas ng kilay. "What?" Walang gana kong tanong.

"Wala." Sagot niya sabay yuko.

I just rolled my eyes in annoyance. Tinalikuran ko siya sabay lakad palayo sa kaniya.

— — —

"Marian. Sino bang hinahanap mo? Bakit parang balisa ka." Tanong ni Emily.

Nandito na kasi ako ngayon sa isang kainan dito sa Siargao pero yung mga mata ko hinahanap pa rin si Keana. Nasaan na ba kasi 'yung babaeng 'yun? Tanong ko sa sarili ko.

"Hoi! Marian. Okay ka lang?" Tanong niya ulit sabay hawak sa braso ko.

Bumalik naman ang ulirat ko. "Ha?" Wala sa sarili kong tanong.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?Umupo ka nga lang muna." Aniya sabay upo.

Umupo rin naman ako pero balisa pa rin ang mga mata ko. Ano bang nangyayari sa akin? Tanong ko sa sarili ko.

Bumaling siya sa waiter. "Isang carbonara please..." Sabi ni Emily sa waiter.

"Ano po 'yung drinks niyo ma'am?" Tanong ng waiter.

Bumaling siya sa akin. "Ikaw Marian anong gusto mong drinks?" Tanong niya sa akin.

"Ice tea." Tipi kong sagot.

Bumaling ulit siya sa waiter. "Isang ice tea sa kaniya," Sabay turo sa akin.

"Water na lang sa akin. Thank you." Sabi niya sa waiter sabay ngiti.

Tumango naman ang waiter sabay alis. I roamed my eyes at nahagip ng mga mata ko si Keana na may kasamang...LALAKI? Biglang lumaki 'yung mga mata ko sa nakita ko.

Bigla akong tumayo at pumunta sa gawi ni Keana. Papaalis pa lang ako nang may bigla ulit humarang sa dinadaanan ko. Naku naman! Nakatalikod yung lalaki. KAINIS!

Di ko na napigilan ang sarili ko. Hinawi ko siya ng malakas pero 'di man lang siya naalis sa puwesto niya. AH!!

Lumingon siya sa akin. Nakita ko ulit siya, yung lalaking humarang sa akin kanina.

"Ikaw na naman?" Di ko napigilang mapasigaw.

Ngumisi lang siya sabay hubad ng shades niya. Nakikita ko ulit  ang kulay brown niyang mga mata.

"Are you talking to me miss?" Tanong niya sabay taas ng kilay na naka kurba pa rin ang mga ngiti sa labi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Yes!" Mataray kong sabi.

He grinned then he looked at me. "Okay." Sabi niya sabay halukipkip.

"Then anong pag-uusapan natin miss? Is it important? Isn't it?" Dagdag niya pa sabay ngisi.

Biglang umusok yung tenga ko sa sinabi niya. Napaka yabang naman rin nito eh. Kung saksakin ko kaya siya ng kutsilyo tignan natin kung saan aabot ang yabang niya.

Tinignan ko siya. "Alam mo kung anong pag-uusapan natin?" Tanong ko.

Umiling naman siya sabay ngisi. "Hindi." Mapang-asar niyang sagot.

Ngumisi ako. "Oh! Hindi mo alam? Pwes ito alam mo na." Sabi ko sabay suntok sa ilong niya.

Napa daing naman siya sa sakit nakokonsensiya tuloy ako. Sa takot ko tumakbo ako palayo sa kaniya. Nanginginig ang mga kamay ko. Tumakbo ako at sakto namang nakita ko si Keana kasama 'yung lalaking nakita ko kanina. Pumunta ako sa gawi nila. Nakatalikod silang dalawa sa akin.

"Ang saya niyo no?" Tanong ko.

Lumingon naman silang dalawa sa akin. Binigyan ko lang sila ng plastik na ngiti.

I saw Keana stunned at my presence. "M-Marian." Gulat niyang sabi sabay hawi niya sa kamay nung lalaki

"W-What are you doing here?" Tanong niya sabay ngiti ng pilit sa akin.

Yumuko ako saglit sabay ngisi. "Kaya pala nagmamadali ka kanina because you are meeting with this guy?" Tanong ko sabay turo sa lalaki.

Yumuko lang ang lalaki saglit sabay bulong kay Keana. Tumango naman si Keana tapos nakita ko na lang na aalis ito sa gawi namin pero pinigilan ko ito.

"Are you leaving?" Tipid kong tanong.

Hindi siya sumagot.

"Without explaining something?" Tanong ko sa kaniya sabay taas ng kilay.

Sasagot sana ito pero sumabat si Keana.

"Marian let him go please..." Aniya.

Kahit galit ako pinipilit ko pa ring maging kalma sa kanila. Tumango ako without uttering something. Mabilis namang umalis ang lalaki sa gawi namin.

Hinarap ko siya. "Ano 'yun Keana? Boyfriend mo na ba 'yung lalaking 'yun?" Tanong ko sabay kunot ng noo.

She sighed at me. "No...hindi pa kami-" Pinutol ko ito.

"Hindi pa? So may balak ka pa talagang magpa bola sa lalaking 'yun?"

She sighed again. "Hindi mo kasi ako naiintindihan Marian eh-" Putol ulit niyang sabi.

"Ikaw ang hindi ko naiintindihan Keana. Ang bait ng jowa mo sa 'yo tapos ginagago mo lang." Hindi ko mapigilang 'di mapasigaw.

I saw her tears dripping on her cheeks. She confronted me. "Hindi ko na siya mahal Marian-" Pinutol ko ito ulit.

"Ano to? Parang laruan lang ba ang lalaki sa 'yo? Kapag hindi mo na gusto o nagsawa ka na bigla mo na lang itatapon na parang basura?" Nanggigigil kong sabi.

Hindi ko na rin napigilan ang luha ko. Tumulo na rin ito sa pisngi ko.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan. Palibhasa hindi ikaw ang nasa posisyon ko." Sagot niya.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko sabay harap sa kaniya. "Oo nga, hindi nga ako ang nasa posisyon mo pero kahit naman siguro kung ako ang nasa posisyon mo hinding hindi ko magagawa ang panglolokong ginagawa mo."

Yumuko siya sabay hagulgol. "Bakit...mo ba a-ako pinakikialaman? Hinidi...mo a-alam ang b-buong istorya kaya wala kang karapatang sumbatan ako."

I sighed in disdain. "Oo nga hindi ko alam ang buong storya pero tang*na naman oh. Makiramdam ka naman sa feelings ng iba.

Palibhasa insensitive ka."

Sasagot pa sana siya nang biglang dumating si Klent sa gawi namin.

"Hey." Sigaw ni Klent sa di kalayuan.

"Nag-aaway ba kayo?" Curious niyang tanong.

I wiped my tears to pretend we're okay. Humarap ako sa kaniya. "H-Hindi." Tinignan ko si Keana.

Curious pa rin siyang naka tingin sa aming dalawa ni Keana. "O-Okay."

"By the way, nakita niyo ba si Emily?" Tanong niya.

Nagtitigan lang kami ni Keana. Kita pa sa mga mata niya na kakaiyak lang nito.

Tinuro ko ang Kainan na pinanggalingan ko. "There." Tipid kong sagot.

Tinignan niya kaming dalawa ni Keana saglit. "O-Okay. P-Punta lang muna 'ko doon." Sabi niya sabay alis.

Pagka-alis niya inayos ko muna ang sarili ko sabay alis. Hindi ko kayang harapin si Keana ngayon.

Continue Reading :)

Hey you. Salamat sa pagbabasa ng storyang ito. Para sa opinyon suggestion mag comment lang kayo at sasagutin ko ito. Please do vote rin. Avisala Eshma (Thank you)

Spread this story guys. Magpapa give away si kuya SIN niyo.