webnovel

A Nightt To Remember (Tagalog)

A girl who always craving for something. Something strange for her. But what if she fell inlove to a stranger in just a night. That's make her a night to remember. #Romance #ANTR

SerialPogi · Urban
Not enough ratings
21 Chs

Dalawa

Iwasan

Marian's POV

Nandito ako ngayon sa cabin namin ni Jeorge, naliligo kasi siya habang ako nandito sa kama, nag-iisip. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang bumukas ang pinto ng CR at bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha at ang kisig niyang pangangatawan. Nakatapis lang ito ng puting tuwalya.

"Are you okay." Tanong niya sabay suklay sa buhok niya gamit ang kamay niya.

Tumango ako bagkus alam kong mag-aalala siya sa akin kapag sinabi ko ang totoo.

Pumunta siya sa gawi ko sabay upo sa tabi ko. He patted my back. "Are you sure?" Pag-kukumpirma niya.

Tumango ulit ako sabay hawak sa kamay niyang naka akbay sa akin. He smiled at me then he kissed my forehead, I just gave him a smile. Tumayo siya at pumunta sa closet para magbihis habang ako hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin.

"Bakit...mo ba a-ako pinakikialaman? Hinidi...mo a-alam ang b-buong istorya kaya wala kang karapatang sumbatan ako."

Kung ayaw niyang makinig sa akin. Bahala siya! Siya na ngang binibigyan ng payo siya pa ang galit, eh ang tindi rin no.

"Hey. Are you sure you okay?" Tanong niya sabay suklay sa buhok niya.

Nakadamit na ito. He wore a black  polo shirt terno with his black short pants that making him look hot.

Bumaling ako sa kaniya sabay ngiti. "Yeah." Pilit kong sabi.

Ngumiti siya pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala. I pretend to be okay even if it's not.

"By the way babe may fish hunting kami later so maiwan muna kita kay Keana, okay?" Sabi niya sabay ngisi.

Bigla namang uminit ang ulo ko. Sa lahat ba naman ng taong ipapasama sa akin si Keana pa, nang-iinis ba siya?

Hinarap ko siya. "Ahm...babe."

Bumaling naman siya sa akin habang sinusuot niya ang relo niya. "Yes babe?" Sagot niya habang abala sa pag bubutones sa polo niya.

I sighed at him. "P-Puwede bang si Emily na lang ang ipapasama mo sa akin mamaya?" Tanong ko sa kaniya sabay pout.

Kumunot naman ang noo niya. "Bakit naman? Magka-away ba kayo ni Keana?" Tanong niya pabalik.

I remained silent. Tumaas naman ang isang kilay niya sabay punta sa gawi ko.

"Don't tell me you two are not in good condition right now?" Curious niyang tanong.

I sighed at him in disdain. He just gazed at me na para bang iniimbestigahan niya ako.

"Tell me the truth babe." Aniya sabay crossed arms.

Yumuko ako. "Nag-away kami kanina. Just a little of...misunderstanding." Sagot ko sabay harap sa kaniya.

I heard him chuckled. I raised an eyebrow. "What's funny?" Mataray kong tanong.

"Kaya pala ayaw mong si Keana ang sumama sayo habang wala kami ni Klent. I knew it!" Late reaction niyang sabi.

I just moued at him. Pumunta naman siya sa gawi ko. "My queen is mad at me right now. How can I omit her bad vibes?" Aniya sabay akbay sa akin.

Tinignan ko lang siya sa mata. I saw his blue eyes again. He just glared at me then napansin kong unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Damn this man!

Hanggang sa hinalikan niya ako sa labi sabay tingin sa mga mata ko. "Oo ayan, I wiped the negative vibes." Aniya sabay pisil sa ilong ko.

Nagulat ako sa ginawa niya pero kahit papano naibsan ang galit ko. I glared at his wet lips up to his nose and I stopped on his blue eyes.

"Alam mo? Ang gwapo mo." Sabi ko sabay pisil sa ilong niya 'di naman siya umangal.

He just smiled at me. "Talaga? Alam mo rin? Ang ganda mo. Ahm nah...ang ganda ganda mo pala." Sabi niya sabay pisil sa mukha ko.

Awh, my heart.

Ngumiti ako sa kaniya. "Salamat boyfie kong briton." Sabay halakhak ko.

I saw him teased. "Ah! Stop that thing or else..." Pag bibitin niya.

"Or else what?" Tanong ko.

He stared at my lips. "Or else I will kiss you again." Aniya.

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Diyosa ng kalupaan kunin mo na ako please. Hindi ko na kaya to. Sobra na talaga siya, sobra na talaga ang ka sweetan niya. Ah!

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "A-Ah 'di ba may l-lakad ka ngayon? Umalis ka na baka ma i-iwan ka pa." Sabay yuko ko.

He smiled at me. "What? Pinapa alis mo na ba ako." Tanong niya.

Umiling naman ako. "No...it's not like that babe."

"Then what?" Tanong niya.

"Nothing." Tipid kong sagot.

He sighed at me. "Tsk!" Aniya sabay alis sa gawi ko.

Dali-dali ko na man siyang pinigilan. "Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Magpapahangin lang." Malamig niyang sagot sabay labas sa silid.

"Ba-" 'Di ko natuloy kasi lumabas na siya.

Shit! Ano ba kasing sinabi mo Marian? Hindi ka kasi nag-iisip eh. 'Yan tuloy nagalit sa 'yo yung tao.

Huminga ako ng malalim sabay tayo. Susundan ko si babe mag so sorry ako sa kaniya. I didn't meant to say that, SWEAR.

Hinahanap ko si Jeorge ngayon. Kung saan-saan na ako umabot pero wala pa ring Jeorge akong nakita. Nasaan na ba kasi 'yun? Kasalanan mo 'to Marian eh. Alam mo na mang 'di yun gusto ng ginganun eh.

Nakita ko si Emily papalapit sa akin nag ce cellphone ito. Lumapit ako sa gawi niya. "Emily." Tawag ko.

Napansin rin naman niya ang prensensiya ko. "Oi Marian anong ganap?" Tanong niya sabay ngiti.

Ngitian ko lang siya ng pilit. "Okay lang. Ahm by the way, nakita mo ba si Jeorge?" I asked her eagerly.

Tumango naman siya. Bigla tuloy akong nabuhayan sa sagot niya. "Nasaan siya?" Tanong ko ulit.

She point her finger to the hut and I saw Denver and Luther laughing at the crowd. Sino kayang kasama nila? Dahil sa kyuryusidad ko pumunta ako sa gawi nila and I was stunned when I saw Jeorge cuddling with a...GIRL? Biglang lumaki ang mga mata ko. Kailan niya pa ako linoloko? Pumunta ako sa gawi nila. Makakatikim ka sa 'king babae ka!

Hinablot ko ang buhok ng babae then I slapped her many times until my hand becomes weaked to slapped her again. Someone stopped me as I saw his face I saw the man again. He's wearing his black shades. Nagulat naman siya ng tinulak ko siya.

Hinawakan niya ako. Malamig ko lang siyang tinignan.

"Get your hands off!" I said in irritation.

"Marian I can explain-" I cut off.

I slapped him multiple times. I saw him shocked.

"No need to explain. I knew it already. Kaya pala bigla kang naging sweet sa 'kin. You know what? I was doubted kasi hindi ka na man ganito ka sweet, RIGHT?" Hindi ko na napigilang sumigaw.

I heard the crowd whispering. I don't care! Wala akong pakialam! I can shout whenever I want!

I heard him sigh. "Marian listen...I didn't meant to do this to you but you're the one who push me to do this nasty thing. Wala kang time sa akin, magkasama nga tayo pero parang wala ako sa tabi mo kasi abalang abala ka diyan sa phone mo." Sagot niya.

I laugh. "Wow! Ang galing." Pumalakpak pa ako. "Ang galing. 'Yan lang ba ang rason mo? Is that your alibi to secludes your wrong doings? Wow! Napaka galing. Such a good pretender." Pumalakpak ulit ako.

Magsasalita pa sana siya pero umalis na ako sa gawi nila. Nakita ko pa yung lalaking nakita ko kanina sa isang restaurant kaninang umaga at may balak pa siyang pigilan ako. How dare him!

Pagkadating ko sa cabin hinanda ko agad ang mga damit ko. I put my luggage on the bed and I packed all of my clothes. Habang nagpa pack ako biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Jeorge. How dare him! Ang kapal din talaga ng mukha niyang magpakita sa akin.

Pumunta siya sa gawi ko sabay pigil sa pag iimpake ko. "Stop it Marian." He begged.

You wish! You jerk! You deserved to be alone!

Hinawakan niya ang kamay ko pero hinawi ko ito. I heard him sigh. Nagpatuloy lang ako sa pag iimpake.

"Marian please..." He begged again.

Hindi ko siya pinansin o dinapuan man lang ng tingin. Para saan pa? Wala ng rason para mag stay ako dito.

Nang natapos na ako sa pag iimpake isinara ko ito sabay lagay sa baba. Aalis na sana ako sa loob ng silid ng pinigilan niya ako. Malamig ko siyang tinignan sa mata.

"Please..." Pagmamakaawa niya.

Hinawi ko ang kamay niya sabay sampal ko sa mukha niya. Nakita ko itong pumula. Hindi ko ito pinansin sa halip umalis ako ng tuluyan sa silid.

Nakasalubong ko pa sina Keana, Emily, Klent, Luther at Denver pero 'di ko sila pinansin. Nang nasa exit door na ako ng resort may narinig akong tumatakbo papalapit sa gawi ko. Hindi ko na nilingon kasi alam ko namang siya 'yun.

Lalabas na sana ako ng tinawag niya ako. "Miss." Sigaw niya.

Nagulat ako sa boses kasi hindi ito boses ni Jeorge. Lumingon ako at nakita ko yung lalaki kaninang umaga. I just rolled my eyes.

"Ikaw na naman? Anong kailangan mo?" Walang gana kong tanong.

Tinignan niya lang ako sa mata. "Ay wrong woman. Akala ko kasi ikaw yung ka date ko kanina." Sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Puwes hindi akon 'yun." Walang gana kong sagot.

Tumikhim siya. "Papaalis ka na?" Tanong niya.

Nangiinis ba siya? Anong tawag niya sa taong may dalang purse at holdall? Kainis.

"Obvious ba?" Iritada kong sagot.

"Chill lang miss. Aalis din ako. Gusto mo sabay ka na sa akin?" Pag-aaya niya.

I rolled my eyes again. "Whatever." Sabay talikod ko sa kaniya.

Nasa labas na ako ng Resort ngayon naghihintay ng masasakyan pero parang wala ma lang dumadaan. Naku naman oh! Bakit ngayon pa?

"Wala kang masasakyan?" Rinig kong tanong sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko na naman ang lalaki kanina. Sinusundan niya ba ako?

"Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako?" Inis kong tanong.

"Oh, hinay-hinay ka naman sa sinasabi mo miss. I just saw you there." Sabay turo niya sa tinatayuan niya kanina.

"O sige na di mo na ako sinusundan. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Akala ko ba umalis ka na?" Tanong ko.

Yumuko siya saglit at hinarap niya ako. "Nakita kita eh. Alangan namang pabayaan kita ditong MAG-ISA." Aniya.

Whatever!

"Eh ano naman sayo kung mag-isa lang ako dito? As if you care." Sagot ko.

He brushed his hear and he look at me. "Alam mo wala ng oras para mag talo tayo kasi look who's coming." Sabay turo niya sa itaas.

At tama nga siya wala na kaming panahon para mag talo kasi paparating ang napakalaking ulan.

Magsasalita pa sana ako nang may napansin akong tulo sa ulo ko. Shit! Mukhang aabotan pa kami ng ulan dito.

I was aghast when he grabbed my hand and we just run out of the storm. Habang tumatakbo kami may nakita kaming motor actually para siyang skycab may parang pakpak rin kasi 'to.

"Manong. Pasakya me (Manong pasakay kami)" Sigaw niya.

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya.

Nang narinig kami ng mama pumunta ito sa gawi namin.

"Aha mo ma'am, sir (Saan kayo ma'am, sir?)" Sabi ng mama.

"Sa terminal me kuya (Sa terminal po kami kuya)" Sagot ng kasama ko.

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila pero nakita ko namang tumango ang mama. Hay, finally.

Umangkas muna 'yung kasama ko pagkatapos ako naman ang umangkas. Habang kami'y bumabyahe. Kumakanta 'yung mama sinabayan naman siya ng kasama ko. Hala sige! Magsama kayo, KAINIS.

"Hahaha katawa

Hahaha hasula ning kahimtanga."  Rinig kong kanta nilang dalawa.

Whatever!

Maya-maya nakarating na kami sa terminal ng bus. Bumaba ako pagkatapos bumaba naman ang kasama ko.

"Salamat kuya. Pila diay ang pleti? (Salamat manong. Magkano pala ang pamasahe?)" Sabi ng kasama ko.

"One hundred ra doy. (One hundred lang totoy)" Sagot ng mama.

Binigyan naman siya ng kasama ko ng one hundred. Pagkatapos nag-usap lang sila sandali at umalis na rin ang mama.

Bumaling siya sa akin pagka-alis ng mama. "Ano miss? Tara na?" Tanong niya.

Tumango ako.

Continue Reading :)

Hi, thank you for reading A Night To Remember. Inaasahan ko ang iyong boto ginoo/binibini. If you have your opinions and suggestions just comment below and I'll answer it. Avisala Eshma (Thank you very much)

Spread this story guys.

You can follow me on facebook

@ Primo Magnus