webnovel

PINAGKAINAN

Hindi naman ako nagstay ng matagal dahil kinabukasan sinabihan na din kaming pwede na akong umuwi gusto lang talaga makasiguro ni tita na makakapagpahinga ako at makakain ako sa tamang oras. Habang nasa ospital ako sinigurado ni tita na maasikaso talaga hindi rin nila ako iniiwan ng ako lang ang magisa lagi akong may kasama kapag lalabas si tita sinisigurado muna ni tita na nandun si Capt. bago siya aalis ganun din naman si Capt. sobrang nakakahiya sa kanilang dalawa pero ayaw nilang makinig sakin.

"Sige iha hindi na kita masasamahan pang makauwi. Dahil kailangan ko na umuwi si JK na ang bahalang maghatid sayo" habilin ng tita.

"Pasensya na po sa abala. Sige po tita mag-ingat po kayo" pahingi kong ng paumanhin.

Lumapit sakin si tita. "Wag mong isipin na abala ka kasi never kang magiging abala sakin. Basta kung may kailangan ka sabihan mo lang ako"

Mapait akong ngumiti. "Maraming salamat po tita"

Ngumiti siya at niyakap ako. "Walang anuman. Hanggang sa abot ng makakaya ko tutulungan kita"

Hinatid muna naming si tita sa sasakyan bago kami pumunta ni Capt. sa sasakyan niya. Muling ngumiti si tita bago sumakay sa sasakayan niya. Kumay naman kami ni Capt. bago pumunta sa sasakyan niya. Nang makita namin na nakaalis na si tita pumunta na din kami sa sasakyan niya.

"Anong gusto mong kainin bago tayo umuwi?" tanong niya ng makapasok sa sasakyan.

"Kahit ano pwede naman hindi naman ako mapili" sabi habang nakatingin sa labas.

Napabuntong hininga naman siya. "Sige ako na lang magiisip"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

**

Ang sakit ng katawan ko nauuhaw at nagugugtom ako. narinig kong kumulo ang tiyan ko kaya naman napahawak ako sa tiyan ko. Sinubukan kong tumayo pero sobrang sakit talaga ng katawan ko. Nang makatayo na ako bigla naman akong nahilo siguro na din dahil sa sobrang gutom na ako. dahan dahan akong lumabas ng kwarto ayokong makagawa ng kahit anong ingay dahil baka magising si mama.

Maingat akong pumunta sa kusina sobrang sinisigurado kong walang ingay akong gagawin. Nang makarating ako sa kusina agad kong pinuntahan ang ref namin para tingan kung meron bang pagkain o wala. Kaso nga lang walang pagkain anong gagawin ko sobrang gutom na talaga ako.

"Anong ginagawa mo?" kinabahan ako nagising ko ata si mama. Hindi pa ako magaling sa mga pasa ko.

Kinakabahan akong lumingon kay mama. "G-Gutom"

Inirapan niya lang ako. "Tumabi ka nga jan"

Tinulak ako ni mama dahil nga mahina pa ako kaya sumalampak ako agad sa sahig. "A-Ah"

"Ang arte mo" inis na sabi ni mama.

Pinilit kong tumayo para hindi na magalit pa si mama. "Yan kainin mo magluto ka kung gusto mong makakain"

Binato niya sakin ang isang delatang pagkain tumama sa may dibdib ko. "O-Opo"

Dahil hindi ko alam ang gagawin ko binuksan ko na lang muna ung delata baka pwede naman siya kainin kahit na lutuin.

"M-Mama" tawag ko.

Hindi ako pinansin ni mama dirediretso lang siyang lumabas ng kusina. Inisip ko na lang yung dating ginagawa ng mga kasama namin sa bahay. Tiningnan ko ung nilalagyan ng kanin kung meron pa bang kainin. Meron pa pero parang may kakaibang amoy na siya pero sobrang gutom na ako at hindi ko alam kung paano magluto kaya pwede na siguro yun. Kaya naman kumuha na ako ng mangkok at plato para makakain na. nang makaayos ko na ang lahat umupo na ako para kumain para makapagsimula na.

Nabusog naman ako sa kinain ko kaya medyo hindi na ako nahihilo pagkatapos kong kumain bumalik na ako kaagad sa kwarto ko para makapagpahinga. Inaantok ako siguro dahil hindi rin ako nakatulog kagabi kaya naman inantok ako. pero hindi ko pa napipikit ang mata ko.

"hindi mo man lang niligpit yung pinagkainan mo? Anong tingin mo sakin katulong?" pumasok si mama sa kwarto kong galit na galit.

Bigla naman akong napaupo. "M-Mama"

Mabilis na lumapit sakin si mama at hinawakan ang buhok ko at kinaladkad ako palabas ng kwarto ko. "wala ka na ngang kwenta gusto mo pa akong gawing katulong"

Kinaladkad ako ni mama hanggang kusina pagdating naming dun nandun pa din ung pinagkainan ko. Hinagis ako ni mama sa may lababo siya naman kinuha ung mga pinagkainan ko at nilagay sa lababo. Nanginginig na ako sa takot kitang kita ko ang galit ni mama may mali na naman akong nagawa hindi ko naman kasi alam ang gagawin. Nag-ipon si mama ng tubig napatingin siya sakin agad naman akong yumuko.

"Wala ka talagang kwenta" inis na sabi ni mama.

Pinatay niya na ang gripo. "Kung kakain ka maghuhugas ka ng plato. Wala kang katulong para maghugas para sayo"

Hinawakan ni mama ung buhok ko at saka ako ningudngod sa may lababo na may tubig at ung mga pinagkainan ko. "Hindi mo ako katulong para paghugasin mo ng mga kinainan mo"

Nagpupumiglas ako pero dahil mas malakas si mama sakin kaya wala akong magawa. "Tandaan mo hindi mo ako katulong" inangat ako saglit ni mama tapos ningudngod ako ulit ni mama.

Mas tinagalan niya kaya mas lalo akong nagpupumiglas kaya binitawan na niya ako. "Hack…Hack"

"Hugasan mo na yang pinagkainan mo" galit na sabi ni mama at iniwan ko.

Nanlambot ang mga tuhod ko kaya naman nahulog ako sa upuan na tinutungtungan ko sumalampak ako sa sahig agad akong gumilid at niyakap ang mga tuhod ko. Hindi ko na kinaya at kusa na lang tumulo ang mga luha ko.

**

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hey!"

Napatingin ako kaagad kay Capt. "Okay ka lang?"

Napayuko ako. "Oo okay lang ako"

"Nag-aalala lang ako umuungol ka kasi kanina habang tulog ka" pagpapaliwanag niya.

"Pasensya na okay lang ako" mahina kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Okay lang nagaalala lang talaga ako"

Tiningnan ko siya nakangiti siya pero kitang kita ko sa mga mata niya na sobrang nagaalala siya. "Salamat"

Nagmaneho na siya ulit malapit na pala kami sa bahay ko nakabili na din siya ng pagkain, Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan natulala ako sa labas. Nagpatugtog si Capt. siguro ayaw niyang makatulog ako ulit natakot ata talaga siya.

Bakit napapanaginipan ko na naman iyon?

SORRY FOR VERY VERY LATE UPDATE

I HOPE YOU ENJOY THIS UPDATE :)

IF YOU LIKE THE STORY PLEASE VOTE!!

THANK YOU!!!

:)

pammeeeeycreators' thoughts