webnovel

IKAW

Nagtataka na ako kung bakit ang tagal nilang magusap. Gusto ko na rin umuwi papayagan naman na siguro ako dahil nakadextrose naman na ako. Sinubukan kong umupo pero ang hirap dahil kahapon pa ako hindi kumakain sobrang nanghihina ako.

Bumukas ang pintuan at magkasunod na pumasok si Capt. at tita. "Ano pong pinagusapan niyo tita?"

"Wala lang yun iha. Kakausapin ko muna yung doctor gusto kong magstay ka muna dito para sure na makapagpahinga ka" sabi ni tita.

"Pero okay na po ako. Gusto ko na po sana umuwi" angal ko.

"Iha mas okay kung magpapalipas ka muna dito para makapagpahinga ka saka sasamahan ka naman ni JK" sabay tingin ni tita kay Capt.

"Wag na po nakakahiya sa kanya kaya ko naman po saka may mga nurse naman po" pagtanggi ko kay JK.

"Okay lang naman sayo iho diba?" tanong ni tita kay JK.

"Opo okay lang po" pagsangayon ni Capt. kay tita.

"Pero po—"

"Iha okay na settled na nagmamagandang loob na siya. Hayaan mo na lang" putol sakin ni tita.

"Sige po" napilitan kong sabi dahil ayoko na makipagtalo pa kay tita.

Lumabas na si tita para kausapin ung doctor ko.

"Hindi mo kailangan magstay pagkaalis ni tita pwede ka na umalis" malamig kong sabi kay Capt.

"No, I'll stay nangako ako sa tita mo kaya siya ang susundin ko hindi ikaw" seryosong sabi niya.

Dun ko lang siya nakitang seryoso lagi kasi siyang kalmado at chill lang pero ngayon parang ang dami dami niyang iniisip.

"Bahala ka nga sa buhay mo" pagsuko ko.

Napatingin ako sa kanya parang ilang araw na siyang hindi nakakatulog dahil sa itim ng ilalim ng mata niya.

"Okay ka lang ba?" pangungumusta ko.

"Huh? Oo okay lang ako" pagsisinungaling niya.

"Natutulog ka pa ba? Tapos babantayan mo ako eh ikaw nga tong mukhang pagod eh" puna ko.

"Okay lang ako wag mo akong intindihan" sabi niya.

"Ikaw pwede mo akong pakialamanan pero ako hindi? Ang unfair naman ata nun?" napatingin siya akin.

"Okay lang ako hindi mo kailangan---"

"Lumapit ka sakin" utos ko.

Tumayo siya at lumapit sakin. "Okay lang—"

"Umupo ka" utos ko saka tinuro ung upuan ung malapit sakin.

Umupo siya. "Okay----"

Hinawakan ko ang mukha niya. "Hindi mo kailangan magpanggap na okay ka lang kasi hindi naman ilang araw ka na hindi nakakatulog ng maayos?"

"3 araw na" pagamin niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi nagaalala ako sayo. Parang mababaliw ako" pagamin niya.

"Bakit kasi ako? Madami naman jan ung mas karapatdapat sayo. Bakit ako pa kasi yung gusto mo?" malungkot kong tanong sa kanya.

"Hindi ko din alam. Basta alam kong ikaw ang gusto ko. Hindi ba pwedeng ganun na lang walang rason basta ikaw ang gusto ko kung hindi na lang ikaw edi wag na" paglalahad niya ng nararamdaman niya.

"Alam kong hindi ko mapipigilan ang nararamdaman mo pero intindihin mo naman sana ako alam mo kung saan ako nagmumula" sabi ko.

"Ang hirap naman kasi ng gusto mong mangyari para mo na din sinabi na wag na akong mabuhay. Sa tatlong araw na di ako makatulog ng maayos pinilit ko naman na kalimutan ka pero mahirap talaga kasi una pa lang gusto na kita. Ang hirap balewalain ng feelings ko para sayo" pagkwento niya.

"Babae lang ako makakahanap ka pa ng ibang babaeng pwede mong mahalin. Wag mong paikutin ang mundo mo sakin kasi hindi ko kayang ibalik sayo ang nararamdaman mo sakin" malungkot kong sabi.

"oo nga babae ka lang pero ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito kasi alam ko na ikaw na kaya kung hindi ka pa handa ngayon handa akong maghintay hanggang sa kaya mo na. Dahil alam ko na meron ka din nararamdaman sakin kahit papaano ayaw mo lang aminin kasi hindi ka pa handa" hinawakan niya ang kamay ko nakahawak sa mukha niya.

"Ang bibig kayang magsinungaling pero ang mga mata mo hindi" pahabol niya.

Iniwas ko ang tingin ko saka hinila ang kamay ko. "Basta sinabihan na kita"

"Yeap. Hihintayin kita kaya magpahinga ka na jan babalik na ako dun" tinuro niya ung sofa.

"Ikaw din matulog ka hindi naman ako aalis" sabi ko.

Tumango na siya saka pumunta sa may sofa.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

**Hindi ko alam kung nakaalis na ba si mama kaya naman sinilip ko kahit na sobrang takot na takot ako.

"Anong ginagawa mo dito" hinila ni mama ung buhok ko.

Sa sobrang takot ko hindi ko nasagot si mama kaya naman mas nagalit siya.

"Akala mo hindi ko alam mga ginagawa mo?" galit na galit na sabi ni mama.

Hinagis ako ni mama sa may sofa tumama ung ulo ko sa sandalan. Masakit pero hindi ko pinakita kay mama na nasaktan ako.

"Nakikinig ka ba kung sino kausap ko?" nanlilisik na ang mga mata niya.

Kinuha ni mama ung vase na malapit sa kanya.

"Sumagot ka!" galiw na sigaw ni mama.

Hinagis niya ung vase na kinuha niya pero hindi sakin tumama kundi sa bintana.

"M-Mama---" takot kong sabi.

Mas nanlisik ang mga mata ni mama dahil sa sinabi ko.

"Anong sabi mo?!" sigaw niya ulit.**

Kinuha niya ung kamay ko at hinala ako papuntang kwarto ko. Tinulak niya ako iniwan niya ako ng sandali at pumunta sa kwarto niya. Pero pagbalik niya.

"dumapa ka!" utos niya sakin.

Dahil sa takot sinunod ko si mama. Dahil alam kong kapag hindi ko siya sinunod mas sasaktan niya ako.

"Hindi mo ba alam na masamang nakikinig ng usapan?" hinampas niya ako ng sinturon.

"Katulad ka talaga ng tatay mo walang kwenta!" mas lumalakas ang hmapas ni mama.

"Parehas niyong sinira ang buhay ko!" patuloy lang ang paghampas ni mama.

"Hindi sana ako ganitong kamiserable kung hindi dahil sa inyo!" hampas lang ng hampas si mama.

"Sana talaga hindi na lang kita tinuloy!" mas nilakasan ni mama ang hampas.

"Edi sana hindi…niya ako iiwan" medyo humina na ang hampas ni mama.

Masakit na ang katawan ko pero hindi ako pwedeng gumalaw kasi baka mas lakasan pa ni mama.

"sana namatay ka na lang…sana pinalaglag na lang kita…sana hindi na kita binuhay…malas ka sa buhay ko. Ikaw lang sumira ng buhay kong punyeta ka" umiiyak na sabi ni mama.**

enjoy reading...

thank you...

vote for next update

pammeeeeycreators' thoughts