webnovel

Chapter 3

Jacey

Buti nalang at hindi gaanong traffic kaya nakarating agad ako sa Penthouse ko. Hinubad ko muna ang sapatos ko sa gilid at hinagis ang bonet ko sa kung saan at nagsimulang maglakad papuntang kitchen, naka black socks naman ako kaya wala kong pake sa mga alikabok na yan. Dito na ako tumira simula nung nag 18 years old ako, niregalo sa akin to ng parents ni Marcus kaya malaki ang utang na loob ko sakanila dahil sa sobrang kabaitan nila. It's not that Big cause I don't want wide spaces, mas gusto ko yung unti lang ang lalakarin ko saka nag iisa lang naman ako kaya much better. 

Magkaharap lang ang Living at Kitchen/Dining area, sa gilid naman ay ang nagiisa kong kwarto katabi ng Bathroom. Matte black and White ang kabuuang kulay ng paligid, maski sahig ay Wooden black(basta yung pa wood ang itsura pero color black), makalat kasi ako kaya ayoko ng nakakakita ng madumi tssh adik lang diba. Kumuha ako ng bote ng Grape juice sa ref at nagsalok sa baso saka nagtungo sa sofa at sinandal ang sarili ko, tinanggal kona din yung hoodie ko kaya nakasando nalang ako.

Kumpleto ang gamit dito nung unang araw ng pagdating ko, lahat ng nirequest ko ay yun ang binili nila mula sa flat screen TV na 42 inches na nakadikit sa dingding, (I'm really bad at describing so yeah bear with me please). Isang pa Cresent shape na Navy blue velvet silk sofa, small glass table at may Gray velvet silk carpet sa ilalim, mas masarap kasi sa balat yun tas sobrang lambot pa, madalas kong ikiskis ang talampakan ko dito lalo na pag pagod ako. May mini Island counter din sa kitchen at isang Modern style Square table na may dalawang wooden Gray chair. Kumpleto din ang gamit sa kitchen but bihira ko lang magamit, baka nga kinakalawang na yung iba dun tssh, I'm not good at cooking kasi kaya madalas nagpapadelivery nalang ako.

"Meow" oh, there's Dustin, my cute and poker faced Gray cat. Kayo na mag isip kung bakit Dustin pinangalan ko. Eto talaga ang pinaglihi sa sama ng loob eh haha I'd rather call him by my name. 

"Hey there Dustin the Poker face" Kiniskis niya muna yung ulo niya sa paa ko saka siya umakyat at humiga sa lap ko. Nilapag ko muna ang grape juice ko sa table saka hinimas himas siya.

"Do you feel that sleeping large snake inside Dustin?" pabirong tanong ko "Meow" medyo pagalit niyang sabi, Hahaha talino talaga ng isang to tssh natawa nalang ako ng mahina. Sa bahay ampunan ko din natagpuan si Dustin, bumibisita pa din kasi ako dun lalo na pag may program, inampon ko nalang siya dahil mukhang wala namang nag mamay ari sakanya. 

Nilagay ko na sa kamay niya yung bracelet na may naka encarved sa wooden part na 'JACEY', sobrang liit na kasi sakin nun, sabi kasi ni Sister Lily nakakabit na daw sakin yun nung baby pa ako, siya yung nakakita sakin sa labas ng ampunan. 

Sana yung parents nalang ni Marcus ang umampon sa akin, mas may pakinabang pa sila at mas pinapahalagahan pa nila ako kesa sa tumatayo kong pamilya ngayon. 

Tumayo ako at agad na umalis si dustin sa lap ko, naglakad ako papuntang glass window na natatakpan ng makakapal na kurtinang itim at hinawi ito, Yeah I love Dark colors... kung gaano din kadilim ang buhay na meron ako. Medyo madilim sa loob dahil laging nakatakip ang mga kurtina sa bawat bintana, ang tanging nagsisilbing ilaw nalang ay yung liwanag na nagmumula sa Terrace malapit sa living area. Nasa ikatlong palapag ito ng building kaya medyo makikita mo ang buong paligid, may pagka condo style kasi itong building at ang parents ni Marcus ang nagmamay ari neto. 

10 yrs old ako nung kunin ako ni Mr. Villamonte o ang tumatayong tatay ko sa ngayon bahay ampunan. Laging bumibisita nun si dad dahil isa iyon sa charity program niya at naging close ko siya, ipinaalam ko din na Intersex ako pero tinanggap niya padin ako kaya nung nagtagal ay napagpasyahan niyang kunin ako para ampunin. Hindi ko din alam kung bakit naisipan niya pa akong kunin samantalang may tatlo naman na siyang anak, Isang lalaki at dalawang babae. 

Una palang ay ayaw na sakin ng Asawa at mga anak ni dad, palaging mainit ang dugo nila sakin lalo na si Cedrick na panganay na anak ni dad, lagi niya kong pinagiinitan ng ulo lalo na pag nakainom siya. Mula bata palang ako nakaranas nako ng pananakit mula sa kanila, pero tanging si dad lang ang tagapagtanggol ko sa lahat, ni minsan ay hindi niya ako pinabayaan at tinuring niya talaga akong tunay na anak. Naisip ko nga baka siguro galit sakin ang mga anak niya ay dahil sa paborito ako ng dad nila, at mas lalo silang nagalit sakin nung malaman nilang Intersex ako, pinandirihan nila ko pero pinagsawalang bahala ko nalang.

Iniisip ko ano bang mali sakin eh tao lang din naman ako, hindi ko naman ginusto na maging ganito ako. Iniisip ko sana kung hindi nalang ako iniwan ng mga magulang ko edi sana hindi ako naghihirap ng ganito, wala sanang pabigat sa pamilya ni dad, ano bang mali sakin bakit lagi nalang akong napagiiwanan. 

Nung una ay umaasa padin ako na baka mahanap ako ng tunay kong mga magulang, pero hanggang sumapit ang ika labing limang taon ko ay wala padin ni isang anino nila, sabi ni sister lily hindi daw niya nakita kung sino ang naglagay sakin doon, muntik na nga daw ako mamatay nun dahil sa pulang pula na ako kakaiyak at may lagnat pa daw ako nun, pero buti nalang daw ay naagapan nila agad. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay sister lily dahil inalagaan at pinalaki niya ako ng mabuti.

Iniisip ko sana hindi nalang ako kinuha ni dad, edi sana nandun padin ako malaya kasama ang mga bata at kasama ko padin sila Sister Lily, hindi ngayon na puro masasakit na salita, pananakit at hirap ang dinadanas ko. Lumaki akong sarili ko lang kakampi ko, oo nga anjan si dad pero hindi naman sa lahat ng oras ay nanjan siya sa tabi ko. Tuwang tuwa nga ang asawa ni dad nung malaman na dito na ako titira sa penthouse ko. Nung una tumanggi si dad at pinilit ako na wag na umalis pero syempre wala nang nagawa si dad dahil asawa na niya ang nakaharap niya. Simula nun hindi na ako nakaramdam ng pagkalinga ng isang ina, tanging si sister lily lang ang nagparamdam sakin ng pagmamahal at pag aaruga ng isang ina, pero sapat na din sakin si dad dahil kahit papaano naramdaman ko din ang pagiging tatay niya sakin. 

Maya maya may nakita akong nilipad na piraso ng picture sa sahig kaya pinulot ko, tssh nandito pa pala to... Picture namin ni Kaycee nung 1st Anniversary namin, napangiti ako ng mapakla. Jeez, I don't wanna cry again tssh. 

It's been 5 months since our break up, masakit, sobrang sakit, pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon umaasa padin ako. Ilang mura at sermon na ang natanggap ko kay primo pero wala padin, matigas padin ang ulo ko.

We're so perfect that time, lagi kaming masaya, siya yung bumuo ng lahat ng kulang sakin, siya yung naging saya ko sa kabila ng lahat ng lungkot, she serves as my light when I trapped in darkness. But suddenly, in one snap, everything fades away... and honestly, I don't wanna talk about it anymore.

Nilapag ko nalang yung picture sa glass table at hinablot yung grape juice saka prenteng sumandal uli sa sofa. Nilagok kona yung natitirang laman saka inihiga ko yung ulo ko sa may edge ng sofa. Umupo uli si dustin sa tabi ko saka hinimas ko uli siya.

"It's been 5 months dustin.. 5 fucking months, and still.. still I'm hoping.." halos pabulong nalang yung boses ko.

"Meow" kiniskis niya uli yung ulo niya sa kamay ko. 

"You missed her right?.. I am too.. but still.. we can't have her back na" I said wearing a sad smile on my face.

Totoo niyan after break up namin, hindi na kami nagkita pa or nagusap, mahigit 2 months din yun pero after nun, ewan ko kulang na kulang talaga ako. I tried to forget her, nilibang ko sarili ko, lumabas ako, I travelled with marcus, but then, pag mag isa nalang ako naalala ko padin siya... at the end of the day... I still want her. Kaya mythic level na pagpapakatanga na naman ang ginawa ko, I tried to contact her again, to have a communication with her and so far nagawa ko naman. 

Pero mas dumagdag lang yung sakit na nararamdaman ko nung mapagtanto kong magkasama na sila ni lucas, they really look lovely as a couple. Madami na din silang picture sa fb and instagram, they even showed their relationship status in public.

In a relationship with Lucas Hermano

yeah in a relationship with that fucking son of a b*tch

Pero ano pa nga bang aasahan kong bunga sa pagsisinungaling niya tssh. Nagusap kami through chat and we became friends, hindi ko alam kung alam ba ni lucas yun, but all I know is... I have to keep distance from her kasi... Hindi na siya sa akin para ariin ko pa. And that's it, no more further details, basta yun na yun. Ang mahalaga naman dun ma highlights yung katangahan ko eh haha.

Like yesterday that night, she texted me dahil gusto na niyang makipagkita uli. Sinabi niya din na dun sa favorite Milk tea house niya ang place namin, libo libong lakas ng loob ang binaon ko dahil bukod sa yun yung place na lagi kaming nagdedate, yun din yung unang beses ng muli naming pagkikita, tssh what a curse.

She's still beautiful as always, I can't even move that time ewan ko feel ko naparalyzed ako nung time na yun. All I know is nagtititigan lang kami that time, and swear bumalik lahat lahat nung sakit, pero lahat ng yun sinantabi ko nalang kase ngayon nalang uli kami nagkita eh. Once in a lifetime nalang yun. I don't know kung saan ko nakuha yung lakas ng loob para ngumiti sakanya, I even manage myself better na para bang wala na sakin ang lahat, na ok na ko, na nakamove on nako, pero ayun nga... isa akong dakilang mapagpanggap eh diba... at siya naman tong legendary cheater... tssh

Nag usap lang kami that time, she tells me about kung ano nang ganap sa buhay niya, and syempre kasama na dun si gago kaya haha pinatatag ko talaga yung sarili ko. She even tells me that she missed me... too, pero imbis na kiligin ako mas nanaig pa sakin yung sakit eh. I didn't tell her back kasi alam naman niya yun eh, ramdam na ramdam naman niya yun kaya bat pa ko magsasayang ng laway kung wala naman mapapala yun. I know that she see's everything in my eyes, all the pain, sorrow, at kung gaano ko siya kamiss at kamahal. 

After that incident, hindi kona alam kung ano pang mararamdaman ko, halo halo na yung emosyon na nasa loob ko. Parang mali ata yung desisyon ko na nakipagkita pa ako, ewan siguro kasi dahil... dahil mahal ko pa nga kasi siya. and Fuck! that love for her. Tsk, sinabi ko sakanya na gustong gusto ko na siyang kalimutan, nagpakatotoo ako sakanya, lahat ng pinakita ko sakanya nung gabing yun lahat yun totoo. But sinabi lang niya na gusto niya ng closure mula sakin, she want's us to be friends, she beg for my forgiveness. 

Siguro nga nakamove on na talaga siya sakin eh, ni butil ng luha walang lumabas sakanya, ang lakas ng loob niyang hingin sakin yung pagkakaibigan kahit alam niya na masakit sakin dahil ako lang tong naghahangad ng mas higit pa. She's too selfish that time and Bullshit!, gustong gusto ko uli siyang sigawan that time pero... pero wala I just remained myself silent nalang.

And yeah ako to si tanga na tinanggap ang gusto niya, hindi ko alam kung gusto niya pa ba ako saktan ng sobra, kung bakit ok lang sakanya na ganun yung set up namin na kahit alam niyang may nasasaktan na isa samin. Ewan siguro nga wala na siyang pake sakin basta ang mahalaga masaya siya sa gusto niya, pero ako lang tong todo bigay padin sakanya. 

I don't know... I don't really fucking  know what to do anymore... 

»»»»»

Kring* kring* kring* (A/n: alarm clock lang ang peg HAHA)

Tinignan ko ang oras sa relo ko, it's 1:03 p.m na pala, shit diko namalayan na tatlong oras na akong nakatulog.

Pinaalis ko si dustin sa lap ko para kunin yung cellphone ko, tumatawag pala si dad. Bumuntong hininga muna ako bago ko sagutin.

"Hello..dad?" kinusot ko muna ang mata ko saka naglakad papuntang terrace.

"Jacey, where are you? bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" 

"ahm, sorry dad nakatulog po kasi ako so that hindi ko agad nasagot" 

"Ahh, ok akala ko kung ano ng nangyare sayo jan eh, ayos ka lang ba jan jace kung gusto mo naman pwede ka nam—" hays eto na naman tayo.

"Dad, dad.. I'm fine here ok, you don't have to worry about me na. Malaki na po ako and kaya ko na po sarili ko kahit papaano, so please dad, sarili niyo nalang po intindihin niyo.. pati na din ang pamilya niyo." sumandal ako gilid ng railings. rinig ko naman napabuntong hininga si dad

"Ok fine anak.. but I just wanna invite you for a dinner mamaya sa bahay. I just have to say something important to you Jace" tsk, makikita ko na naman sila hays. 

"Dad.. baka pwedeng sa office mo nalang, pwede naman akong pumunta ngayon eh" tssh, I don't think kung maatim ko ba silang makita..

"Jace it's just a family dinner ok. Don't worry about them, ako nang bahala sayo. Promised, after that you can go home na."  Yeah FAMILY, as if I'm really part of that.

"But, d-dad—" 

"No more but's anak please. I just want to see you, it's been a month since you came here. Don't you miss me Jacey? cause me. I missed you more anak" 

Hayy, you don't know how much I missed you more dad, my only one savior.

"Tsk, fine dad.. this time you win, and I missed you too" I heard him chuckle a little, tssh such a kid.

"Ok jace, that's a deal ok.. see yah later, handsome" I know nakangiti siya ngayon base sa boses niya, tsssh silly, aware naman kasi siya sexual preference ko saka open naman ako sakanya kaya lahat alam niya. 

"Yeah dad, whatever" I heard him giggled

"Haha sige na anak, I'll just text you nalang mamaya ok."

"Yes dad.. take care"

"You too Jacey.. you too.. sige na I'll hang up na" sabay binabaan na niya ko ng tawag.

Naglakad na ako pabalik sa loob at nilapag ko ang cellphone ko sa glass table, sumandal na uli ako sa sofa saka napahilamos ako ng mukha.

"Jeez, I'll gonna meet you again, hell" napapikit nalang ako saka tumayo para kumuha uli ng grape juice.

"Hmm, tsk I want more" sabi ko nung maubos kona yung isang baso. Ewan ko kung bakit nahilig ako sa ubas, basta ang sarap kasi lalo na yung juice, lasang wine siya pero mas angat padin yung grapes sa lasa.

Nilapag ko yung bote ng grape juice at tinigan sa loob kung meron pa

"Damn, I think kailangan ko ng mamili tssh" puro milk, eggs and veggies nalang kasi yung nandito. Pati canned goods ko paubos nadin tsk, ganun ba ko naging pabaya tssh

Tinignan ko ang buong paligid, jeez isang buwan na din pala akong hindi nakakapaglinis tsk. Siguro bukas nalang, sunday naman bukas eh for sure wala naman akong gagawin.

Napagdesisyunan kong magtungo nalang sa kwarto at matulog. Inaantok pa ako kaya itutulog ko nalang yung natitirang oras, para naman hindi ako mag mukhang bangag mamaya tssh.