webnovel

[ Tagalog ] - Random One-Shot Stories

These stories are purely fictional. The names, places, dates, events, establishments, locales are either product of the authors imagination or are used fictitiously. Any occurrence which names, events, places and dates are found or encountered in reality only happens by coincidence and nothing more. Stories are not mine. There might be based from true stories or is completely fictional. You can send me your stories if you wanted tp share. Just message me.

great_sage00 · Others
Not enough ratings
20 Chs

TWELVE FIFTY ONE (12:51) - I

[ "TWELVE FIFTY ONE (12:51)" ]

Pag pumasok ka sa isang relasyon lalo na sa buhay ng isang tao dapat may oras ka sa kan'ya maikli man 'yan o mahaba. At atensyon na ibibigay mo sa kan'ya para kahit 'di niya laging naririnig sa 'yo ang magical words mo, ramdam naman niya at nakikita niya sa 'yo kaya para sa kan'ya sapat na 'yung alam niyang mahal mo siya.

Maraming naghihiwalay dahil sa laro at walang oras na nilalaan sa isa't isa. Sa akin ang swerte ko kasi, hindi niya ako hiniwalayan at lalong iniwan. Kaya lang sa ginawa kong sa kan'yang paghihintay sa akin na inaasahan niyang agad akong darating...

"Twelve fifty one na, Mahal. Ba't ngayon ka lang, Mahal. Kanina pa akong umaga naghihintay sa 'yo dito. Kamusta? Ayos ka lang ba? 'Yong laro n'yo panalo ba kayo?" nakangiting usisa nito sa akin. Ano ba'ng klaseng boyfriend ako? bakit ngayon ko lang maramdaman ang importansya niya.

"Alam kong pinaghintay kita nang matagal, sorry, Mahal. Nakalimutan ko, naglaro pa kasi kami pagkatapos at nagkayayaan pa ang barkada. Mahal, i'm sorry. Patawad, Mahal ko. Patawad, Mahal ko." paulit-ulit ay paumanhin at paghingi ng tawad ko sa kan'ya habang yakap siya nang mahigpit. Hanggang sa nararamdaman ko ang paghikbi nito sa dibdib ko. Umiiyak itong walang sinasabi at sobra akong nasasaktan do'n. Parang pinukpok at sinaksak 'yung puso ng kutsilyo ang mailang bilyong beses.

"Ayos lang, Mahal. Naiintindihan ko at alam mo 'yan 'di ba? Ayos lang, ang importante masaya ka. Masayang masaya ka sa ginagawa mo kasama sila. Masaya na rin ako para sa 'yo. T'yaka, Mahal. Hindi ko magawang magalit sa 'yo kasi mahal kita, mahal na mahal kaya kita. Higit pa sa buhay ko," aniya ay habang lumuluha kumawala sa yakap ko't tumingin sa mga mata ko'ng nakangiti pero ramdam ko at nakikita ko sobra siyang nasasaktan sa ginawa kong paghihintay sa kan'ya.

Palagi na lang ay ayos sa kan'ya ang lahat. Lagi niyang sinasabi na naiintindihan niya ako, na masayang masaya siya para sa 'kin sa lahat ng kabaliwan ko sa paglalaro ng Mobile Legends. Ay walang ibang ginawa kundi ang maglaro buong araw at buong magdamag habang siya hinihintay ang bawat chat ko, ang bawat text messages ko at ang call ko. Gan'on niya ako kamahal. Natitiis niya ako sa lahat ng bagay at kaya akong hintayin ano man'g oras.

"'Yong totoo, Mahal sabihin mo'ng galit ka sa akin, sabihin mo'ng sobra kang naiinis at nasasaktan ka palagi sa akin. Dahil sa wala na akong oras sa 'yo at atensyon na binibigay sa 'yo. Mahal..." Hinihintay ko ang maging resulta nang sagot nito sa 'kin na siyang nagsimula na ang pagpatak ng mga luha nito. Nasasaktan siya at nahihirapan. Sh*t!

Ngumiti ito ng pilit ng trinaydor siya ng sarili niyang luha dahilan para mapaangat ang balikat nitong humihikbi sabay sabing, "H-hindi, Mahal. Pinapalakas ko loob ko, pinatatag ko pa nga lalo e. I'm sorry, Mahal pero oo nalulungkot ako. Dito o..." Tinuro ang puso nito sabay hawak roon. "Ang sakit, Mahal, kasi bakit hindi mo ako mabigyan ng oras at atensyon mo. Minsan aalis kang walang paalam sa 'kin. Ayon, nababaliw ako kahahanap sa 'yo at minsan pang nawawala. Lalo na pag nag-aaway tayo o may tampuhan tayo. Mahal, ang sakit," aniya nito. Hindi ko man maipaliwanag pero biglang may kung ano sa puso ko para maiyak ako sa nakikita ko sa Mahal ko ngayon na nandito sa harapan ko umiiyak nang dahil sa akin.

"Nawawala ka? Bakit hindi ko 'yon alam. Teka..." Napatigil ako nang maalala ko 'yong babaeng niligtas ko no'ng nakaraang araw na muntik nang pansamantalahan ng mga tambay. Kinakabahan ako't umusbong 'yong galit ko sa puso ko. "I-kaw ba 'yon? Ikaw ba 'yon, Mahal? Sabihin mo? M-mahal s-sumagot ka?" sigaw ko rito.

"O-oo. A-ako 'yon." Sa sagot niya ay para bang bumagsak ang lahat ng bagay na meron dito sa mundo dahilan para masaktan ako't masugatan. Naglaho sa isang iglap ang mundo ko. Sh*t! Ano ba'ng klaseng boyfriend ako sa kan'ya, sa babaeng mahal ko. Sa babaeng pinakuan kong mamahalin ko't 'di sasaktan.

Siya 'yong tao na nahanap ko sa buhay ko pagkatapos akong lokohin. Siya 'yong babaeng natagpuan kong masaya at matiwasay ang buhay na mayroon siya na siyang pinasok ko. Ang babaeng minahal ko at mahal ako. Ilang ulit at mailang beses ko na siyang sinubukang iwan at hiwalayan pero nanatili parin siya hindi siya umaalis pinaglalaban niya parin ang relasyon namin. Iniintindi at tinatanggap lahat sa akin at Minamahal niya parin ako ng totoo at lubos.

"M-mahal, I'm sorry. M-mahal. Mahal na mahal kita. Sh*t!"

"Ayos lang. Niligtas mo ako do'n. Mahal, pag mahal ka man ulit bigyan mo na nang halaga at importantasya. Oras at atensyon. Dahil hindi sapat ang mahal mo lang siya kung wala ka namang time sa kan'ya, na minsan ay hinahayaan mo lang siya. Tapos hindi mo malalaman kung malungkot ba siya o may problema kasi wala ka. Kagaya ng ginagawa at pinaramdam mo sa akin. Pero kinaya ko lahat Mahal, mag-isa. Kinaya ko, Mahal, h'wag mo siyang igaya sa akin." Mga salitang nagpadurog at nagpawasak sa puso ko. Bading na kung bading pero nagmumukha akong babae rito sa harap niya umiiyak at humahagolgol.

"Exact twelve fifty one (12: 51) nang pinatay siya dito sa tagpuan n'yo kung saan naghihintay siya sa 'yo. Sir, nanlaban siya. Ang sabi may alam ang girlfriend n'yo sa martial arts. Pero nasaksak siya sa likod at sa t'yan." Boses ng isang pulis na nakatayo nakapalibot sa bangkay ng girlfriend ko ngayong wala nang buhay.

"Sorry, Mahal.. Mahal I'm sorry. Bakit kasi 'di ka na lang umuwi. Hinintay mo pa ako," naiyak ay ani ko sa bangkay niya't yakap ito.

"I'm sorry, Mahal. Mahal I'm sorry."

Twelve fifty one (12:51) Nagising akong umiiyak habang napanaginipan siya. Parang totoo hanggang doon sa nakahandusay ang katawan niya, ang bangkay niyang yakap-yakap ko lang kani-kanina. Sh*t! Paano na ako mabubuhay e wala na siya. Paano? Bakit ngayon ko lang narealize lahat na dapat bigyang halaga ang isang tao dahil ano man'g oras kukunin siya sa 'yo.

Nagalit ako ng sobra sa sarili ko. Nagsisi ako sa mga ginagawa ko sa kan'ya. Dahil sa laro at barkada nawalan ako ng taong mahal na mahal ako. Laging nand'yan para sa akin. Nawalan ako ng babaeng sobra akong minamahal at sa buhay niya pinapahalagahan.

BY: PAINLESS PEN MANUNULAT