webnovel

[ Tagalog ] - Random One-Shot Stories

These stories are purely fictional. The names, places, dates, events, establishments, locales are either product of the authors imagination or are used fictitiously. Any occurrence which names, events, places and dates are found or encountered in reality only happens by coincidence and nothing more. Stories are not mine. There might be based from true stories or is completely fictional. You can send me your stories if you wanted tp share. Just message me.

great_sage00 · Others
Not enough ratings
20 Chs

BEAUTY QUEEN

"Babe, makakapunta ka ba mamaya?" nababalisang tanong ko kay Cameron habang inihahanda ang mga gamit ko. Gowns, jewelries, stilettos, make-up kits, and some hair accessories, ito ang mga kakailanganin ko para sa pageant mamaya.

"Of course, babe. Alam mo namang lagi kitang susuportahan, 'di ba?"

Marahang ibinaba ko ang mga gamit na hawak ko 'tsaka siya nilingon. "Kinakabahan ako, babe. Pa'no kung hindi ako manalo?"

"Kaya mo 'yan, babe. Manalo o matalo nandito lang ako sa tabi mo, lagi mong tatandaan 'yan, ha?" He gave me a tight hug and kissed my forehead. Those were just small gestures of him but that gave me a comforting feeling.

Cameron is my boyfriend and we've been in a relationship for two years already. He's very supportive. In every step of the way, he'll always be there to hold my hand and support me. Sa lahat ng laban ko sa buhay, maging pagdating sa beauty pageants, nandyan siya at lagi akong inaalalayan. Kahit busy siya, naglalaan pa rin siya ng oras para makarating at mapanood ako sa bawat pageant na sinasalihan ko.

"But of course, I know that you'll win," he confidently said and stared directly into my hazelnut eyes.

"Talaga?"

"Yes, because you are Quinn and you're a queen. You're born to be a queen."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. His words made me confident.

"The pageant will start in five minutes. Are y'all ready to slay and conquer the stage?!"

I heaved a deep sigh to calm my nerves. I'm really nervous. Maraming pageant na ang nasalihan at naipanalo ko pero hindi ko pa rin talaga maiwasang kabahan sa tuwing rumarampa na ako sa stage at nakaharap sa maraming tao. Isang maling galaw lang sa stage maaari ka nang maging kahiya-hiya at mapuna ng mga tao. Inalis ko ang mga negatibong ideya na naglalaro sa isipan ko at nag-focus na lamang.

You can do this, Quinn.

I sweetly smiled to the audience and lifted my chin up while confidently walking. Inilibot ko ang aking paningin sa audience at namataan ko si Cameron na malawak ang ngiti at pumapalakpak. He even gave me a thumbs up to let me know that I'm doing well.

I was on the final round of the competition when I accidentally bumped into Sierra, Cameron's ex. Madalas kaming nagkakalaban sa mga beauty contest kaya sanay na 'ko sa kanya. May isang beses nga na sinubukan niya 'kong patirin habang rumarampa e, buti nalang nakita ko kaya naiwasan ko.

Kahit medyo nasaktan ang balikat ko dahil sa ginawa niyang pagbangga sa akin, hindi ko ininda 'yun at nagpatuloy pa rin sa kumpetisyon.

"This night has truly been wonderful but now, we'll be moving on to the most anticipated moment of this event… the announcement of winners!" said the host. "The third place is contestant number 16, miss Adrianna Alonzo!"

Ramdam ko ang pamamawis at panginginig ng kamay ko dahil sa sobrang kaba.

"The second place is contestant number 23, Blaire Claveria!"

Dalawa nalang kami ni Sierra na hindi pa natatawag kaya't kung sino man ang matawag sa amin ay siguradong siya na ang panalo.

"And our winner is contestant number 7, Quinn Trinidad!"

Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang pangalan ko.

Oh my gosh! Nanalo ako! I can't believe it!

Halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti habang isinusuot sa akin ang sash at crown, kasama rin dito ang isang bouquet ng bulaklak, trophy, at prize money na natanggap ko.

Nakangiting kumaway ako sa audience. Napatingin ako sa puwesto kung nasaan si Cameron kanina at bumagsak ang aking balikat nang makita ang ekspresyon niya. Hindi siya masaya at tanging nasa iisang tao lang ang atensyon niya— kay Sierra.

Mabilis na naglaho ang aking ngiti nang makitang sinundan niya ang umiiyak na si Sierra.

"Babe, mauuna na 'ko. May mga kailangan pa kasi akong gawin eh. Congrats ulit." Mapaklang napatawa ako nang mabasa ang text ni Cameron.

"Anong gagawin mo? Icocomfort mo si Sierra?" reply ko.

Tsk, he's really a liar. 'Di ako tanga para hindi malamang hanggang ngayon ay mahal niya pa rin si Sierra.

Nanonood siya sa mga pageants na sinasalihan ko kasi kasali rin do'n si Sierra. He wasn't supporting me. He was supporting her.

I smiled bitterly.

Ako ang nanalo pero bakit pakiramdam ko ako ang talo?

I am Quinn, a beauty queen... but I'm not his queen.

—zyrr.lcst♡