webnovel

Chapter Ten: Her Boyfriend

"Oh my, God! Xy?" I said, almost yelling, while my mouth's wide open.

Sa isang iglap ay napatayo agad ako at napayakap sa kaibigan kong si Xy. Tumawa naman siya nang malakas, iyong kagaya ng tawa niya kanina, pero ngayon ay hindi na ako nainis kahit pa parang mabibingi na ako.

Dahil tanging naramdaman ko lang ay saya at pagkasabik.

Matagal ko nang kilala si Xy. He's a close friend back when we were still in high school. A friend who knows me as 'the simple Serina Luiz' and not the weak and pathetic one. Alam niya rin naman ang tungkol doon sa isang version ng Serina, pati na rin ang pagiging si Zenna ko, but not every details unlike Nikka, Lewis and Jc.

He's a year older than me, kaya naman noong high school ay nauna siya, pati na rin ang iba naming kaibigan na maka-graduate. Madalas kaming magkita noong nasa high school pa ako, at sila naman ay nasa senior high program, pero magmula nang mag-college kaming lahat ay hindi na kami nagkita-kita.

Until now.

For more than four years, finally! I got to see him again!

"Damn girl, I missed you!" he said, then hugged me even tighter.

Natawa ako sa sinabi niya. Parang halos ayaw ko na ngang kumawala sa yakap namin, pero ginawa ko pa rin para makitang muli ang mukha niya.

"I missed you, too!" I said then pinched his soft cheeks that I often do when we were in high school. "Grabe! Ang laki ng pinagbago mo! Hindi ka na tingting!"

"I should say the same thing to you! Lalo kang gumanda, Sel!"

Natawa muli ako at napa-iling pa. Kahit kailan ay magaling mambola ang isang 'to, at na-miss ko 'yon. Na-miss ko ang nag-iisa at bibong bibo na si Xyrus Cheng.

"Wait, you two know each other?" Narinig kong tanong ni Red.

Mula kay Xy ay nalipat sa kanya ang paningin ko. Nakataas ang kanyang mga kilay at tila nagtataka siya, pero isang ngiti pa rin ang makikita sa kanyang mga labi.

Muntik ko nang makalimutan na nandito siya.

"Ikaw din, kilala mo pala si Xy?" tanong ko rin sa kanya.

"Yeah. I met Xy and the other Eve members through Dante in one of their gigs. We've been friends ever since."

Nanlaki ang mga mata ko.

Xy and my other high school friends: Dante, Joshua, Seth and Raven, are all members of a band called Eve. Binuo nila 'yon noong high school kami at madalas silang maimbitahan sa mga private events para tumugtog. Pero dahil umalis at nag-aral si Xy sa Cavite, inakala kong nabuwag na ang banda. Iyon pala ay hindi pa!

"No way! Silang lima?" halos pasigaw kong naitanong.

Natawa si Red sa reaksyon ko bago bahagyang napa-tango. "Yeah. Dante's my classmate, and one of my close friends. Kaya kapag may gig, sinasama ako. Dahil sa kanya kaya naging kaibigan ko ang Eve. Sa kanya ko rin nalaman 'yong pangalan mo."

Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi naman kasi basta-bastang nagpapakilala ng kaibigan si Dante. He's protective of his girl friends, like how a big brother acts towards their little sister. Kaya medyo nagtaka ako.

Mukha namang nahalata iyon ni Red, kaya bago pa man ako makapagtanong ay nagsalita na siya.

"I saw you from one of his pictures. So I continuously pestered him until he told me your name," he said, with a smirk plastered on his face. "But I never thought you know all of those assholes from Eve."

Ohh. That explains it.

"Hoy!" biglang singit ni Xy sabay pabirong sinapak si Red sa dibdib. "One of the boys 'tong si Sel 'no. Kaya dahan-dahan ka sa panglalait sa 'min. Baka masapak ka nito."

Siniko ko si Xy dahil sa sinabi niya, pero natawa pa rin siya.

"See? Mapanakit 'to!" sabi pa niya kaya natawa na rin ako at si Azen.

I am one of the boys when I was in high school. Not for the reasons that my former schoolmates accused me, but because I never had any girl friends before, so I often hang out with Xy and his bandmates. They're like family to me, like Nikka, Lewis and Jc. They're the ones that made my high school so much fun. Kaya nga ngayong narito na ulit si Xy, parang bumalik ang saya ko kagaya noong high school pa kami.

I think I really can forget everything that happened with my mom and cousins tonight. Lalo pa't mas lalo nang dumami ang tutulong sa akin para gawin 'yon.

Inalok ko si Xy na umupo, at isinukbit ang braso ko sa braso niya para hilahin siya sa tabi ko. I really just missed him, and I tent to get touchy whenever I'm excited to be with someone. Especially now with Xy, that I haven't met in years.

"So, bakit napabalik ka ng Manila?" mabilis kong tanong. "Akala ko talaga hindi ka na babalik e. Since you're already training to manage your family's business."

Napangiti naman si Xy. "I took a break. May dalawang taon pa naman ako sa college bago tuluyang ipahawak sa 'kin ang business e. Kaya naisip kong bumalik ng Manila, para makalayo-layo ng onti sa stress doon sa Cavite. Mas maganda rin naman kasing dito ako maghanap ng internship kaysa roon."

Tumango ako, at balak pa sanang magtanong. Pero naunahan na ako ni Red sa pagsasalita bago ko pa man mabuksan ang bibig ko.

"Internship, pero nandito ka sa club? Don't tell me you've shift from Accountancy to HRM?" mapang-asar niyang sinabi.

Pabiro naman siyang sinipa ni Xy mula sa ibaba ng lamesa. "Gago ka, ako pa talaga ang inaasar mo samantalang ikaw nga 'tong laging nasa club!"

Red shrugged. "Major in clubbing, man."

"Yeah, right. Tapos minor in flirting? At talagang ito pang baby namin ang pinuntirya mo!" natatawang sabi naman ni Xy, sabay akbay sa akin.

Napa-iling na lang ako dahil sa kanilang dalawa.

Boys.

Ilang oras pa kaming nag-usap nila Xy habang paunti-unting umiinom. Nang makabalik sila Jc, Nikka at Lewis, ipinakilala ko sila kay Xy at mabilis din naman silang nagkasundo. Lalo na ang mga lalaki, na panay ang asaran na akala mo'y matagal na silang magkakilala na tatlo.

"Shit, muntik ko nang makalimutan!" biglaang sinabi ni Xy kaya napatingin ako sa kanya. "Magkikita nga pala kami ngayon ng mga kaibigan ko mula Cavite."

"Mga kaibigan mo? Andito sila sa Manila?" tanong ko.

"Oo. Lumipat 'yong iba rito sa Manila. Puta, lahat sila ayaw yata akong makasama. Iniwan akong mag-isa sa Cavite e."

Natawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung biro lang 'yon o may kaunting hugot siya, but knowing Xy, who's always positive and funny, it must've been just a joke for him.

Maya-maya pa ay nagpaalam si Xy na may tatawagan. Siguro 'yong mga kaibigan na sinasabi niya. Tumango naman ako, at sinabing tumawag na siya at pasamahin na lang sa booth namin 'yong mga kaibigan niya. Mabilis niya namang sinangayunan 'yon.

"Pustahan tayo, mga babae 'yang kikitain ni Cheng," Red whispered to me when Xy started talking on the phone.

Nilingon ko siya, na ngayon ay katabi ko na simula nang dumating sina Jc. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango dahil halos magkadikit na kami, pati na rin ang amoy ng alak at mint mula sa hininga niya noong bumulong siya sa 'kin.

"Hindi gano'n si Xy 'no. He's not a flirt like you," I whispered back.

A smile instantly crept across his face, as if he just heard something amusing. "Then, do you want me to stop flirting with other girls? Just say the words, Serina, and I'd gladly do it for you."

Serina. . . Ayan na naman siya, tinatawag na naman ako sa totoo kong pangalan. Tingin niya siguro ay mahuhulog ako sa kanya nang dahil doon.

"That's not what I meant, Red. What I wanted to say was, Xy is not a playboy like you. He's a great guy, and he's loyal to one. Unlike you, who've already mastered the art of flirting."

"Ouch," he replied, exaggeratedly. "You're making it sound like I'm a terrible guy."

"Exactly! Matalino ka rin pala!"

Natawa ako, lalo na nang biglang pisilin ni Red ang tagiliran ko. He wasn't pissed. In fact, he even laughed at my joke too. Hindi siya mabilis mapikon, at 'yon ang napansin ko simula pa kanina.

Natigilan lang ako sa pagtawa nang marinig ang isang tikhim galing kay Xy. Mula sa gilid ng mga mata ko, napansin kong nakatingin siya sa akin, kaya naman nilingon ko siya. Ang cellphone niya ay nasa kamay niya na at pinaglalaruan na sa mesa, mukhang tapos nang makipag-usap kanina pa.

"Tapos ka na?" tanog ko pero hindi siya sumagot.

Basta't nakatitig lang siya sa 'kin, pagkatapos ay inilipat niya ang tingin kay Red, at muling ibinalik sa 'kin habang may nakakalokong ngiti.

"Hoy, umamin nga kayo," sa wakas ay sinabi niya. "Anong mayro'n sa inyong dalawa, ha? Kayo na ba?"

Natigilan ako sa tanong niya.

Kami ba? Kami na nga ba ni Red? Well, that was the plan. That we'll pretend to be in a relationship. Pero hindi ko pa napag-isipan kung kailan sisimulan, at kung sino-sino ang makakaalam ng totoo.

I turned to Red, as if asking for help, even though I know I was the one who should answer the question. But it didn't help me much. Because even Red was looking at me for an answer, with a crooked smile, and an unwavering gaze.

"Tayo na nga ba, Serina?" he even asked, clearly teasing me.

Sinamaan ko siya ng tingin, pagkatapos ay napa-irap na lang.

Walang'ya talaga 'tong lalaking 'to.

When I turned to Xy, my lips were already half-open. I was ready to answer his question, that Red and I are not in a relationship. . . Yet.

But before I could even say 'no', another figure appear from the side of our booth.

"Guys, andito pala si Xyrus e!" sigaw nito.

Natigilan ako.

That voice was so familiar, so freakin' familiar that my head shot right up to see who this newly arrived person is.

He was wearing a black shirt, black cap, and light colored jeans. A silver necklace hangs on his neck, shimmering with every light that struck it. And then when he looked our way, I finally saw his thin lips, high-bridged nose and perfect pair of cold looking eyes.

It was Cloud.

Of all people, it was him that's standing here right in front of our booth.

Shit.

My eyes hurriedly looked for Red's. Ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko, na para bang nahuli akong may ginawang kasalanan, kahit na wala naman.

Mabilis din naman akong nilingon ni Red. Hindi na pinansin ang pag-uusap ni Xy pati ni Cloud, maging ang pagdating ng iba pa nilang kaibigan. He just focused his eyes on me, and only me. That alone helped me relaxed a bit.

'It's him', I mouthed to him. I even squeezed his knee under the table.

His brows furrowed for a moment, but then realization struck him. He then looked at the guy who's standing next to me, and scanned him intently.

Pagkatapos noon ay ngumisi siya, at wala pang isang segundo ay nakalapit na siya nang husto sa akin at naakbayan na rin ako. Kaya nang imuwestra kami ni Xy para ipakilala sa mga kaibigan niya, napansin kaagad ng lahat ang kamay ni Red na nasa balikat ko.

"And guys, this is Zenna, a close friend of mine," Xy said, then gestured to Red next. "And Red, her. . ."

"Her boyfriend," Red continued, emphasizing the last word, which made Xy grin.

Cloud's eyes bored at me. His ever so cold eyes scanned my whole face, as well as Red's, as if he was looking for something. But all he did find was mine and Red's smiles. We didn't gave him the chance to find anything else. We didn't let him see pass our facade. All we showed him was our sweetest and most smug smile ever.

And at that moment, my plan for revenge has started.