1 (1) The 30 Million Debt

(Yumi POV)

"Miss! Isa pa ngang beer dito!"

"Miss! Tatlong order pa ng shanghai rolls! Samahan mo na rin ng beef noodles!"

"Opo!"

Abala si Yumi sa paghahatid ng mga orders ng customers.

Gabi ang pinakamaraming customers dahil dito agad ang punta pagkatapos nilang magtrabaho.

"Oh Yumi hija! Ayos ka pa diyan?!" Kinumusta siya ng amo niya.

"Yes bossing ako pa!" -Yumi

"Ingat lang ang dami mong dala!"

"Sus boss! Parang di ka pa po sanay na sinasabay ko dinadala ang mga order nila!" Proud na sabi ni Yumi.

"Miss yung order namin!" Tawag na ng customer sa kanya.

"Nandiyan na po! Cge boss tawag na ako!"

(Yumi POV)

"Salamat sa inyo. Maaasahan ko talaga kayo. Mabuti dito kayo nagtatrabaho sakin. O siya mag-iingat kayo sa paguwi."

"Sige po kayo rin po Boss. Mauna na po kami." Paalam nila sa amo at nauna na umalis.

Kasabay ni Yumi naglalakad ngayon patungo sa bus stop ang katrabaho niya si Shiela at Kent.

"Ayy ang sakit ng braso ko! Iba talaga pag nasa kusina ka lang! Halo dito. Luto doon!" -Kent

"Mas iba pag nasa counter ka no! Sasakit din ang braso namin dahil sa walang tigil na kaka-order nila." Sabi naman ni Sheila

"Hay nako. Kailan ko pa ba matatanggap ang sweldo ko?" -Yumi

Napatingin ang dalawa sa kanya.

"Puro sweldo na lumalabas s bunganga mo Yumi. Magiging taong grasa ka na ba bukas?" -Sheila

"Pulubi na nga ako magiging tao grasa pa! Ahhh! Kailan ba ako yayaman??!!!" Sigaw niya.

"Edi tumaya ka sa lotto!" - Kent

"Ayoko! Sugal iyan sugal! -Yumi

"Duh! Legal yang lotto tanga!" - Sheila

"At mura pa kapag tumaya ka." -Kent

"Magkano ba?" -Yumi

"Bente lang." -Kent

"Psshh... pamasahe ko na iyan no. Ayoko." -Yumi

"Edi bahala ka. Hindi ka yayaman!" -Sheila

"Magpupursigi ako! Ayoko ng one time big time lng." Masiglang sabi niya.

"Ayyy... ma-pride si 'Yuming ulyanin'." Biro ni Sheila

"Shadap! Oh! Liko na ako sa kabila ah! Ingat mga pipz!" Nasa kabilang kanto lng ang inuupahan niyang bahay at malapit lang sa pinagtatrabauhan niya.

Walang hiya talaga ang mga kaibigan niya. Tinutulungan na nga siya ng mga ito dinadaan pa sa biro.

Sa sitwasyon niya ngayon, ang pinakaunang inintindi talaga niya ay pera pera at pera.

Sa edad na 24, 1st year college lang ang natapos, mahirap sa kanya ang kumayod o maghananp na mas desenteng trabaho at matas na sweldo.

Mabuti na lang at tinanggap siya ng boss niya ngayon na nagmamayari ng isang kainan kaya may trabaho siya ngayon kahit papano. Hindi man gaano mataas ang sweldo pero nakakaraos naman kahit konti.

Masagana sana ang buhay niya ngayon kung hindi naging number 1 sugarol ang namayapa niyang ama. Lahat ng pinagipunan pati ang dating negosyo nilang convenient store ay nawala dahil sa bisyo nito.

May sakit sa puso ang kanyang ama kaya ang trabaho lang nito ay magbabantay ng negosyo nila pero dahil din sa nkahiligan nito magsugal, hindi nila namalayan na pati ang kita ay pinakialamn na. At ang mas matinding ginawa nito, nangutang ito sa isang undergrund loan para sa pagsusugal nito.

Kaya ng binawian ito ng buhay, lahat ng problema ay pasan-pasan nila lalong lalo na sa kanya.

Wala siyang magagawa kundi iwan muna ang pangarap niya makapagtapos ng pagaaral para makahanap ng trabaho para suportahan ang mahinhin niyang mama at tamad niyang nakababatang kapatid.

(Yumi POV)

Nakauwi na siya sa bahay.

Hindi na gaya ng dati noon na maluwag, may garden at malaking gate ang madaratnan niya pauwi.

Ngayon ang madaratnan niya araw-araw ay lubak-lubak na daan, mga halaman na prang lumot na kumakapit sa pader ng maliit nilang bahay at sirang gate.

Papasok na siya sa loob. "Ma nandito na po ako!"

Pagkalagay niya sa kanyang bag sa sahig at tinanggal ang kanyang mga sapatos ay napapitlag siya sa gulat ng may narinig siyang malakas na kalabog sa may kusina. Napatakbo siya bigla papunta doon.

"Ma! Ano bang ginagawa niyo?!"

Nakita niyang nagkalat ang mga gamit sa kusina.

"Nako anak nandito kana pala. Pasensya ka na, hindi ko kasi alam anong uunahin ko lng lutuin eh. Ay nasaan naba yung..." Hindi pa rin ito nagkadaugaga sa paghahanap ng kung ano-ano.

Ang mama niya ay isang housewife lang. Ibang klaseng hosewife.

Sa sobra pagkamahinhin nito parang lahat ng mahawakan nito ay masisira. Wala rin itong alam sa mga gawaing bahay maliban na lang sa alam nito papano ito sila inalagaan ng pagmamahal nito.

Lumapit siya rito at pinatayo. "Ma ako na lang diyan. Hindi ka nga marunong magluto diba?"

Nagsimula na mangligid ang mga luha sa mga nito. "Pe-pero anak..."

Hay... eto na naman tayo. Napaka sensitive talaga ng mama niya.

"Sorry na Ma. Ang mabuti pa umupo ka muna sa sala at manood ng t.v.. Teka nasaan si June?"

Tumayo siya ay pinuntahan ang kwarto ng kapatid.

"June! June!" Kinatok niya ang pinto pero hindi ito sumasagot. Mukhang alam na niya anong ginagaw ng kapatid kaya pinatid niya ang pinto ng malakas at bumukas ang pinto.

At tama nga siya. Nakita niya ito nakahiga lang sa kama at nakasuot ng headset habang busy sa cellphone nito.

"Takte ka talagang bata ka! Hoy gunggong! Bumangon ka nga diyan!" Hindi yata siya nito narinig. At tumatawa pa ito.

Tinanggal niya ang headset nito at kinuha ang cellphone.

"Ate naman!" Reklamo nito.

"Anong ate ate?! Hindi mo ba narinig ang kalabog sa baba?! Papano matagal pa uwi ko? Edi sunog na itong bahay! Doon ka nga sa sala at bantayan mo si Mama."

Tumayo na ito at inilahad ang kamay nito. "Ang cellphone ko ate!"

Binigay niya rito. "Magcellphone ka lang wag magheheadset!"

Bumaba agad ito at sinamahan ang kanilang mama sa sala.

Eto naman ang kapatid niyang si June. Highschool na ito. Pero ubod ng tamad. Hindi ito tumutulong sa gawaing bahay. Cellphone lang palagi ang inaatupag.

Bumaba na rin siya at pumunta sa kusina para magluto ng hapunan. Kahit gabi na, trabaho pa rin niya ang magluto ng kanilang hapunan.

Hindi sa nagrereklamo siya pero magrereklamo na rin. Halos lahat ng gawain bahay siya nakatoka. Ang mama niya napaka-clumsy at ang kapatid naman niya ay hindi maasahan dahil sa sobrang tamad.

Ano pa ba magagawa niya. Gagawin na niya kung ano makakabuti para sa kanila. Kaya nandito na siya sa kusina at nagsimula na magluto.

(Yumi POV)

"Yumi anak, pumumta pala dito ang landlord, kailan daw tayo mgbabayad ng renta." Sabi ng kanyang ina.

"Tsaka ate, may field trip kami. May fee kaming babayaran." Sabi rin ng kapatid niya.

"At anak, tambak na mga bayarin natin." Sabi ulit ng mama niya.

Kada uwi na lang niya eto pinaguusapan nila. Bayarin doon bayarin dito.

"Wag po kayong magalala ma. Plano ko naman po mghanap ng iba pang trabaho para makabayad tyo agad s mga utang natin."

Nilingon niya ang kapatid. "Pati rin sa tuition mo. Kaya umayos ka. Wag kng tatamad tamad."

"Ate naman eh. Maayos naman po ako s school." -June

"Nagpapalusot ka pa. School ka diyan. Pati rin dito. Umayos ka. Tulungan mo si mama dito s bahay." Pangaral niya rito.

"Opo getz ko na. Yung field trip ko ha?" Paalala ulit nito sa kanya.

"Anong akala mo sakin ulyanin? Kailan ba yan?" -Yumi

"Next week na." -June

Muntik na siya mabilaukan sa sinabi nito. "Langya. oh siya gagawan ko ng paraan iyan."

(Yumi POV)

Ala una ng madaling araw pero hindi pa natutulog c Yumi.

Kina-calculate pa niya ang mga babayaran niya pati na itong napakalaking utang ng kanyan ama.

Pano niya nasabi napakalaki?

Tumatagingting lang naman na 30 million!

30 million! Saan siya kukuha ng pera para mabayaran to?!

"Nakakainis ka naman papa eh! Binayaran mo muna sana to bago ka natogok! Hay nako!" Sabi niya baka sakali nasa tabi lang niya ang papa niya.

Napatigil siya ng may nakita siyang may nakasulat sa may bandang likod ng sulat.

"Jarred Klauz. U.D Load Enterprise. May number at address din na nakalagay."

Ibig sabihin, dito nangutang ang papa niya?

Limang buwan na nasa kanya itong sulat pero ngayon lang niya nakita ito.

Napaisip siya. Kung hindi niya mababayaran agad-agad itong napakalaking halaga, may iba pa sigurong paraan.

Kung hindi kaya bayaran ito ng buo, pwede naman siguro ito pagusapan diba?

Tama. Pupuntahan niya ito at aaregluhin ang utang.

Kailang niyang kapalan ang mukha niya.

.

🏴End of Chapter 1🏴

avataravatar
Next chapter