webnovel

Chapter 2

HUMSS-A6. 3rd floor, unang room sa right.

Agad akong naglakad papunta doon, malawak ang university kaya wala pa ako sa mismong room ay hinihingal na ako. Sana pala hindi nalang kami lumipat, charot.

Hindi ko pinansin ang mga students na tumitingin saakin, siguro dahil bago ako pero bahala na sila. Hindi ko naman sila inaano, huwag lang talaga sana akong ibully dito.

Wala akong kasama dahil magkahiwalay ang building namin ni Miya. Mamayang break at lunch, titignan pa namin kung magkakasabay kami.

Hindi pa ako nakakapunta sa cafeteria pero sa map na binigay, malawak din. Sana masarap magluto ang chef dito, charot.

"Ang layo naman..." Hinihingal kong bulong.

Huminto ako saglit at kinuha ang tubig ko sa bag para uminom. May water naman siguro sa cafeteria kaya bibili nalang ako ulit kapag naubos.

Maganda ang uniform namin. Kulay pula na checkered ang skirt na isang inch ang taas sa tuhod. White na long-sleeves ang blouse na may ribbon at kulay pula din na tight vest. May logo din ng AU sa right side ang vest.

Mainit nga lang isuot, pero naka-aircon naman daw kada room kaya no worries.

I carefully stepped inside the room and searched for vacant seat. Kalahati palang ang nauupuan kaya madami pang available lalo na sa likod.

A group of girls beside the window stared at me as I walked towards the seat I want. 3rd row, left side. Malapit sa bintana.

I silently placed my bag at umupo na din. Binilang ko sa utak ko kung ilan na kaming andito sa room, 19 palang.

"Hi!"

Gulat akong napatingin sa babaeng nakaponytail na lumapit saakin. I smiled and greeted back, baka isipin attitude ako.

"Bago ka dito?" She asked.

"Ah, yes." Sagot ko.

Tumango tango siya at nilahad ang kamay niya. "I'm Isa, you?" Pagpapakilala niya.

"Sierra." I answered and shaked her hands.

Umupo siya sa tabi ko kaya nagulat ako. Pero mukha naman siyang mabait, mukhang harmless.

"May lahi ka ba? Halata kasi eh."

Awkward akong tumango. "Oo, half-australian." Tipid ang ngiti kong sagot.

Ano ba yan, interview ba 'to? Charot.

"Wow, kaya pala ang ganda mo! Ang puti mo tapos ang ganda ng eyes mo!" Puri niya.

"Thank you."

Natutuwa ako sa puri niya pero nakakahiya, lalo na't nakatingin din saamin yung classmates namin.

Time passed. Kumpleto na ata kami dahil ubos na ang seats, hinihintay nalang namin ang adviser.

Wala na sa tabi ko si Isa. Nasa first row siya katabi ang friends niya ata. May nakaupo na din sa tabi ko pero hindi ako pinapansin, babae.

43 kaming lahat, 22 ang girls, 21 naman ang boys. Halatang magkakakilala na sila dahil ang gagaan na ng pakikisama nila sa isa't isa, ako lang ata bagong sisiw dito.

"Good morning, class!"

Agad sila nagsiayos at bumati pabalik. Bumalik na sila sa kani-kaniya nilang upuan at nanahimik lahat.

"Hi, I'm Miss Teresa Castro. I will be your class adviser." She introduced herself while putting her things at the table.

"As usual, tuwing first day ay pinapakilala natin ang ating sarili. Oo, maaaring kilala niyo na ang isa't isa pero mas magandang ipakikilala ninyo ulit ang inyong sarili. Also for the new faces." She gracefully said.

Confident naman akong ipakilala ang sarili ko, pero dahil sa pagtingin nila ay kinakabahan ako.

Nagsimula ang pagpapakilala sa pinakahuling row. Malapit-lapit ako kaya hinanda ko na agad ang sasabihin ko. Full name, age, and hobbies lang naman ang sasabihin, pwera nalang daw kung may follow up questions ang iba.

"Adrian Valencia. 17. I love playing guitar and reading books."

He is tall. Mga nasa 5'8? I don't know, basta matangkad siya. Moreno siya pero gwapo, kinilig pa ang ibang girls dito kaya halatang crush siya.

Mukha siyang masungit na mabait, ay ewan!

Pupunta sa harap kapag magpapakilala, para daw kitang kita ka.

When it's my turn to introduce myself, lahat sila ay tumingin saakin at taimtim akong pinagmasdan habang naglalakad papunta sa harap.

Miss Castro smiled. "She's our transferee." She said and gestured me to start.

"Hi. My name is Sierra Amora Tallahassee. 17 years old. My hobbies are dancing, writing, and listening to music." I smiled after.

Nakakailang sila tumingin, babalik na sana ako sa upuan ko pero may nagtaas na ng kamay. Lalaki, Paul ata pangalan niya.

"May breed ka?" Tanong niya.

"Yes." Sagot ko ulit, ilang beses kaya akong tatanungin ngayong araw?

"Ano?" Tanong naman ni ano, ewan hindi pa ata 'to nagpapakilala.

"Half lang, half-australian."

They all exclaimed kaya mas lalo akong nailang. Akala ko makakaupo na ako pero may nagtanong na naman.

"Do you have a boyfriend?" Tanong nito.

Umiling ako. "No, I don't have one."

The others started murmuring something to each other which made a noise inside the room. Nashock pa ang iba, parang hindi makapaniwala na sinabi ko.

Totoo naman, I don't have time for boyfriends. I am only seventeen, my main focus is my studies. Malalagot ako kay mama at papa.

"What's your Facebook account?" Someone asked again, a girl.

"Sierra Tallahassee." I didn't include the 'Amora' because masyadong mahaba.

Miss Castro made me sit na kaya nakahinga na ako ng maluwag, sumunod na ang iba pero nasa akin padin ang atensyon ng iba.

After introducing ourselves, Miss Castro gave us our daily schedule sheet.

9:30-9:50 ang mini break namin, tapos 12:00 ang lunch. 1:30 naman magistart ang afternoon period, tapos 4PM ang dismissal.

We didn't do anything since it's our first day. Miss Castro allowed us to go out but must be back before the next period.

Papunta ako ngayon sa cafeteria. Gusto ko biglang kumain, nag-almusal naman ako sa bahay pero nagugutom ako ulit.

"Ouch!"

Hinimas ko ang siko ko na tumama sa sahig. Tinignan ko 'yon at nagkaroon ito ng maliit na gasgas.

"Sorry!" Mabilis na saad ng nakabunggo saakin.

I looked up but he's already running away. I just sighed and helped myself stood up, nagmamadali ata kaya hindi na ako tinulungan tumayo.

Pinagpag ko ang suot ko at naglakad na ulit. I bought soda and bread. Tapos ay naglakad na ako papunta sa clinic para malinisan ang gasgas sa siko ko. Medyo malaki pala kasi, akala ko maliit lang.

The nurse just pointed the kit dahil may nirereview siyang student files. I cleaned it silently and placed a band-aid on it after.

I still have 1 hour before the next period, iniisip ko na habang naglalakad kung saan ako tatambay muna.

Naisipan kong sa garden nalang tumambay dahil maaliwalas at peaceful. May mga bench doon at may fountain pa sa gitna.

"You know how much I love you, Ace! Why are you doing this to me?!"

Automatic na lumingon ang ulo ko sa kung saan nanggagaling ang sigaw. Nasa tagong parte sila ng garden kaya hindi sila tanaw masyado kapag hindi ka pumasok.

"I already told you, a million times! Hindi ako nagcocommit! I even said that before we shared the bed!" The guy fired back.

Napangiwi ako at napagpasyahan na lumipat nalang. Baka madamay pa ako dito.

Napalingon saakin ang lalaki dahil natapakan ko ang sanga na nakakalat, napangiwi na lamang ako at naglakad ulit.

"Hey, miss! Wait!"

Hindi ako lumingon. Aba, hindi naman ako sigurado kung ako talaga ang tinatawag niya. Baka yung kaaway niya.

"Hey! Babaeng naka-ponytail!" He shouted again.

I stopped and looked around. Kaunti lang ang students at ako lang ang nakaponytail. I turned around and pointed myself, asking.

He nodded and walked towards me. Bakit ba niya ako pinahinto? Baka mamaya sabunutan ako nung kasigawan niya na girl kanina.

"Are you new here?" He asked as he stood in front of me.

"Yes?" Patanong kong sagot, still confused kung bakit niya ako tinawag.

"Wow. Are you free? I can tour you around." Anyaya niya.

I awkwardly smiled, baka mag-mukhang rude kung tatanggi ako kaya no choice kundi pumayag nalang. Baka mamaya ichismis pa ako kapag tinanggihan ko, charot.

"W-wait, hindi ba magagalit yung kausap mo kanina?"

Baka kasi sugurin ako bigla tapos sabunutan kapag nakitang kasama ko siya. Ayokong mapaaway 'no!

"Don't mind her, let's go. Sa library kita unang dadalhin."

I nodded silently at sinundan na siya sa paglalakad. Malayo ang pagitan ko sa kaniya dahil hindi pa ako masyadong komportable, dapat pala 'di nalang ako pumayag.

After minutes of walking, we stopped infront of a huge building.

"That's our library. Tatlong palapag." He said.

My eyes widened in shock as I roamed my eyes. Grabe, sa labas palang ang lawak na, paano pa kaya sa loob?

"Tara!" Excited kong saad at nauna na sa pagpasok.

"You can borrow books here, pero 5 books per day lang. Then you have to return the books you borrowed first para makahiram na ng bago."

My lips parted. Ang lawak! As in! Air-conditioned at organisado ang tables at chairs. Malawak din ang space kada shelf at may ladder pa para maabot ang nasa taas.

"Do you want to borrow some books?" He asked.

Umiling ako. "Sa susunod nalang siguro, isasama ko dito si Miya." I said.

"Miya?"

I glanced at him. "My bestfriend." I shortly answered.

He was about to ask something but he shook his head, instead he gestured me to go upstairs. Sa second floor.

Sinundad ko lang siya hanggang sa makatungtong kami sa ikalawang palapag. He was silent, suddenly.

I was about to talk to him when a pair of hands suddenly grabbed my hair. I screamed in pain and shock.

"You bitch! Ikaw siguro ang reason kaya ayaw na saakin ni Ace!" The girl shouted at mas nilakasan ang pagsabunot saakin.

"Sabrina, stop it!" Ace also shouted and harshly removed Sabrina's hands on my hair.

Agad akong lumayo at napahawak sa dibdib at sa ulo ko. What the hell did just happened?

Mukha akong tangang nakatunganga sa kanila na nagsisigawan. I am still in shock.

Ace looked at me apologetically and grabbed the girl out. I was left alone, still processing what happened.

When I got back in my senses, napasinghap nalang ako at inayos ang buhok ko. Ang sakit na ng anit ko, it's my first time na masabunutan!

Kung alam ko lang hindi na sana ako sumama, bwisit. Nabangga na nga ako kanina tapos ngayon naman nasabunutan.

Hinihimas ko ang anit ko habang naglalakad palabas sa library. Hindi ko na sila nakita at wala na akong pakealam kung nasaan sila.

Lutang akong nakabalik sa classroom at ako palang mag-isa ang nandoon.

"Ang sakit, bwisit." Bulong ko.

Mahigpit at malakas ang pagkakahila nya sa buhok ko, halos iwasiwas na din niya ang ulo ko kanina. Ano ba naman yan, gusto ko lang malibot yung campus tapos nasabunutan pa ako!

"Tanga ko din kasi, bakit ba ako natakot tanggihan yung offer niya? Bwisit talaga, bwisit!" Inis kong saad sa sarili at padabog na pumadyak sa sahig.

Naabutan ako ni Miya sa ganoong sitwasyon kaya nanlalaki ang matang lumapit siya saakin.

"Girl andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap! What happened to you? Mukha kang sinabunutan na ewan!"

Pabagsak akong sumandal sa upuan. "Nasabunutan talaga." Sagot ko.

Her eyes widened at napanganga pa siya sa gulat. "What?! Saan?! Sino?!" Sunod sunod niyang tanong.

"Sa library, Sabrina ata name. Ewan, bwisit ang sakit na tuloy ng ulo ko." Reklamo ko.

Kinwento ko sa kaniya ang buong nangyari, may 30 minutes pa kaming vacant kaya wala pang bumabalik sa room.

"Girl?! Sabrina?! Rinig kong bali-balita sa department namin na maldita talaga daw 'yon! Dati pa nga daw, may sinampal sa canteen tapos binuhusan niya pa ng hot soup!" Bulalas niya.

"Sana talaga hindi nalang ako sumama doon sa Ace na 'yon." I murmured.

"Ace? K-kier Ace Hietch?" Gulat niyang tanong.

Nagkibit-balikat ako. "Ace lang ang narinig ko na tinawag sa kaniya so I'm not sure." Sagot ko.

She remained silent. As if something flashed back on her head.

"Siya 'yon! Siya lang naman yung bali-balita na k-kalandian ni Sabrina ngayon." Mahinang saad niya.

My brows furrowed. Her mood changed when I mentioned Ace, kilala niya ba?

"Do you know him?" Curious na tanong ko.

Hindi nakatakas saakin ang peke niyang tawa habang umiiling. She's lying.

Tumango nalang ako, magkukwento din naman 'to kapag naisipan na niya. Baka kaibigan niya dati, or... Ex?

Wait...

Kier Ace? KIER?! THE ONE WHO KISSED MAYA WHEN WE WERE IN FIRST YEAR JUNIOR HIGH? Bakit ko siya nakalimutan?!

______________________________________

Hello everyone, updates will be slow because of our face to face classes and there are tons of things to do. But I'll make sure to still update and write whenever I have free time, have a nice life!

Also it's been a month since I published this story. August 3, 2022. Happy one month!