webnovel

Chapter 68 Keep on living Claire

"Kung ano man ang sinabi niya Iha, Wala kaming magagawa. Ngunit narito lang kami para maging maayos ka rito. Ang totoo niyan Iha, ikaw ang unang babae na ipinasok ni Zhio rito bilang mahalaga para sa kanya. Kung ano man ang dahilan niya... Ginagawa niya 'to dahil natatakot siyang mawala ka sa buhay niya."

Di ko maunawaan.

" Unawain mo na lang si Zhio.Alam mo bang napakamalungkot ng lugar na'to."

Halata ko nga.

Nakakalungkot ang sobrang tahimik ng lugar.

"Dito si Zhio lumaki. Walang naging kalaro. Sapagkat bata pa lang ipinamulat na sa kanya ang maging responsable sa buhay. At nang maging binata agad siyang isinabak sa trabaho ng kanyang ama. Kaya para sa akin di normal ang paglaki niya. Dahil na siguro wala na ang kanyang ina ng isinilang siya. Pero nabakabait ng batang yun, hindi nga lang halata sa pagkatao niya..."

Mabait nga si Zhion.

At si Zhion at si Zhio ay iisa.

Alam ko ramdam ko yun... Lalo na no'ng una ko pa lang siya makita.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter