webnovel

DAY 3

"Okay class an announcement, sa monday na gaganapin ang festival ng school natin, I really hope na mag participate kayong lahat lalo ka na  Ms.Aizawa"

Nagulat ako ng bangitin ng last teacher namin ngayong araw ang pangalan ko.

Nagtataka akong tumingin sakanya"bakit po ako ma'am?"tanong ko.

Wala kasi akong ideya kung bakit kaylangan kong mag participate dun dahil wala naman akong alam sa mga festival.

"Its because I really like you're photo's."pag amin saakin ni miss paroza." Yung picture na isinali mo sa photography contest, nagustuhan ko talaga. So I decided na ikaw nalang ang maging photographer sa araw na yun."

Hindi ako nakapag react agad. Kasi naman, ako. Magiging photographer sa festival. Bigla akong kinabahan,

"Ahmm"hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Gusto kong sabihin na sige ba ma'am pero natatakot ako.

"Don't worry ms aizawa kasama mo naman si mr Vasquez ehh."nagulat ako sa sinabi ni ma'am.

Napatingin ako kay rain at nakita kong nakatingin din sya saakin, kumaway pa sya. Nang makita yun ng mga kaklase ko nagsimula na silang mag bulungan. Napayuko nalang ako.

"Ahmm s-sige po ma'am" uutal utal kong pag payag kay maam. Wala naman masama kung subukan ko diba, kahit na halos himatayin ako sa kaba dahil sa tingin at bulungan ng mga kaklase ko.

"Okay that's great, I'll see you tomorrow class you'll may go now. Class dismiss"

Pag kasabi na pagkasabi ni maam nun nagsimula ng magligpit ng mga gamit ang kaklase ko at isa na ako dun.

Nakita ko sa peripheral view ko na naglalakad palapit saakin si rain. Huminto sya at umupo sa desk ng upuan sa tabi ko saka tumingin sya sa mga kaklase namin na papalabas na ng room.

"Pumunta ka sa river ngayon ahh"sambit nya"hindi kasi ako makakapunta kaya ikaw nalang muna"dugtong pa nya.

Napalingon ako sakanya"bakit naman?"kunit nuo kong tanong sakanya. Narinig ko ang pag buntong hininga nya saka tumayo sa pagkakaupo sa desk.

Umayos narin ako ng tayo nun dahil tapos ko nang ayusin ang mga gamit ko. Nagulat ako ng bigla nalang nyang inilagay ang kamay nya sa balikat ko"kaylangan ko kasing tumulong sa mga magulang ni jason kasi last night na nya ngayon. Ayaw ng patagalin ng mga magulang nya ang burol dahil mas nahihirapan daw sila"paliwanang nya.

Inalis na nya ang pag kakahawak sa balikat ko saka tumalikod. Pero nakaka tatlo hakbang palang sya ng lumingon ulit sya saakin."oo nga pala pumunta ka mamayang gabi ahh. Hihintayin kita"ngumiti pa sya bago nagtuloy nang lumabas sa room.

Lumabas narin ako at katulad ng sinabi nya pumunta ako sa may river natagpuan ko si jason na nakaupo nanaman sa may damuhan.

"Hey"

Pag pabiti ko sakanya. Agad ko naman nakuha ang atensyon nya tumayo sya at lumapit saakin ng nakangiti." Hey, hindi mo kasama si rain?"bungad na tanong nya saakin.

Tumango naman ako"ang sabi nya last day daw kasi ng burol mo ngayon kaya tutulungan daw nya ang parents mo"paliwanag ko sakany.

Tumango naman."last day na agad"nakasimangot nyang tugon"hindi man lang nila pinatagal kahit hanggang birthday ko 2 days nalang ehh."lalo syang sumimangot nang sabihin nya yun.

"Ang sabi ni rain saakin pinaikli nila ang burol dahil ayaw daw nilang mas mahirapan pa"sambit ko.

"Tsk, si mommy talaga. O well wala naman na akong magagawa dun ehh"tumingin sya saakin sa mata"pupunta ka naman diba?"tanong nya saakin. "Mumultuhin kita pag hindi"pananakot pa nya.

Natawa naman ako dahil dun. Tumango nLang ako sakanya"opo pupunta po"tugpn ko sa kanya.

Ngumiti sya saakin saka tumalikod at pinagmasdan ang langit. "Napaka peaceful dito no. Ganitong lugar ang gustong gusto ko"he said out of the blue.

Dahil sa sinabi nya napatingin ako sa dslr na nakasabit sa may leeg ko."pwede ba kitang kuhanan ng litrato?"tanong ko sakanya. Alam kong weird yun dahil multo sya pero, parang maynagsasabi saakin na mahalaga yun.

"Sigurado ka?"nakakunot nyang tanong"eh multo nga ako diba?"sambit pa nya.

Ngumiti lang ako sakanya at tumango"okay lang yun"inihanda ko na ang kamera ko at tinutok ito sakanya.

Natawa naman sya dahil sa ginawa ko saka ngumiti nalang. Napangiti din ako ng makita ang ngiti nya.

*Click*

"Huh!"hindi ko napigilang sambit ng icheck ko ang kamera ko.

"Hmm bakit may problema ba?"tanong ni jason ng makita amg reaction ko. Umiling ako at inayos ang pag kakasabit ng dslr sa leeg ko"wala naman, salamat sa pag papapicture"nakangiti kong pag papasalamat sakanya.

"Anong thank you may kapalit yun no"sambit nya. Nawala naman ang ngiti ko at nagtatakang napatingin sakanya."ano naman?"

"Tulungan mo akong magsulat"

Nagulat ako dahil sa sinabi nya"hindi ko nakasi kayang humawak ng lapis o ballpen kaya ikaw nalang, susulatan ko lang si rain tukmol"sambit nya.

Pumayag naman ako, pagkatapos ay umupo kami sa may puno at dun nya sinimulan sabihin ang mga gusto nyang isulat ko.

Pag katapos ko yung isulat ipinaalala nya saakin na dapat bukas ko yun ibigay. Tumango nalang ako.ipinaalala nya rin na dapat akong pumunta sa burol nya.

Umuwi na ako at nag bihis, pag katapos ay kumain at naghanda na sa pag alis. Alam ko kung saan ang bahay nila jason dahil nasa iisang subdivision lang kami. Dun daw ako pumunta sabi ni rain dahil isasabay nya ako papunta sa kung saan naka burol si jason.

30 mins din anv biyahe papunta dito sa pinag buburulan ni jason. Pag pasok ko natag puan ko si jason na nakaupo sa may kabaong nya at pinanood na umiyak ang mama nya.

Hindi ko mapigilang hindi maawa dahil nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya.

Itinuro ni rain kung saan kami uupo. Mukang naramdaman ni jason ang prisensya namin kaya napalingon sya saamin ni rain.

Ang malungkot nyang expression ay napalitan ng ngiti. Pero alam kong hindi genuine yun.

"Ngumiti ka nalang pabalik"bulong saakin ni rain. Hindi na ako nagtanong pa at ngumiti nalang katulad ng sinabi nya.

Kumaway pa sya saamin at tinuro ang picture nya.

Sinabi rin nya na ang gwapo nya dun. Natawa nalang kami ni rain. Ang lalaking to, nakakabilib sya dahil nagagawa nyang maging hyper kahit na sobrang lungkot nya.

Buong gabi ay naglikot lang sya kung saan saan sya pumunta na parang bata. Minsan tinititigan nya ang picture tapos haharap saamin ni rain at gagayahin ang post nya dun.

Buong gabi simula ng makita nya kami hindi nawala ang ngiri sa labi nya pero alam ko ang totoo, at nasasaktan ako dahil dun.