webnovel

Young Billionaire's Possession

Lumaki si Elle sa isang bahay ampunan kung saan paglipas ng panahon ay siyang madalas niyang balikan. Sa lugar kung saan sya nagkaisip ay siyang lugar din kung saan nya makikilala ang lalaking mamahalin. Ngunit paano kung kailan hulog na hulog na sya tsaka naman magkakaroon ng hadlang sa relasyon nila?

Kore_Mikelle · Urban
Not enough ratings
39 Chs

CHAPTER 6 – First Kiss

Elle's POV

Paglabas ko ng elevator ng condo na tinutuluyan ko ay may natanaw akong tao malapit sa condo ko, at ng makalapit na ako dito ay hindi lang pala malapit dahil sa mismong pinto ko ito nakasandal at napikit na parang pagod na para bang kanina pa sya naghihintay dito.

Paglapit ko dito ay naramdaman nya sigurong may tao sa harap nya kaya naman napamulat ito ng mata at nagulat ng makita ako kaya naman napatuwid sya ng tayo

"Elle" tawag nya sakin

"Anong ginagawa mo dito? At pano mo nalaman na dito ang condo ko?" tanong ko sa kanya

"I'm really sorry, Elle. Please let's talk"

"Ano bang di mo naintindihan Kris sa sinabi ko kanina?" yes, you read it right. Si Kris nga yung taong nakasandal sa pinto ng condo ko

"I know, I understand but I just..." Di ko na sya pinatapos magsalita

"Tumabi ka dyan sa pinto ng condo ko"

"Please Elle, let's talk" pagmamakaawa nya

"Ano ba Kris, tumabi ka nga sa pinto para sa loob tayo mag-usap" inis na sabi ko sa kanya. God, eto na, di naman talaga ako galit sa kanya. Pero tulad ng sinabi ko kila Mama at Papa, I'll give a try plus mukhang hindi ako titigilan nito.

Tumabi naman sya at nakangiting nakatingin sa akin.

"Come in" sabi ko sa kanya

Pagpasok namin ay napatingin naman sya sa paligid ng condo ko. Good thing malinis lagi ang condo ko, nakakahiya naman dito kung makalat ang condo ko.

"Maupo ka muna, ikukuha lang kita ng maiinom" tumango naman sya at naupo sa sofa ko. Pagkakuha ko naman ng juice sa ref ay bumalik na ako sa living room at ibinigay sa kanya ang juice, naubos naman nya agad ito na mukhang uhaw na uhaw

"anong oras ka pa ba nasa labas ng condo ko?" tanong ko sa kanya

"more than an hour I think" sabi nya na nagpalaki ng mata ko

"are you crazy? Paano kung di ako umuwi agad?!" galit na sabi ko sa kanya

"Then I'll still wait for you outside"

"you're really crazy! Just to say sorry for nothing, you'll risk your image and reputation?! What if my neighbors saw you and recognize you?!"

"Yes I'm crazy, crazy for you" sabi nya sabay ngiti nya sakin na nagpapula naman naman ng pisnge ko kaya yumuko ako para hindi nya makita

"besides, I don't care if other people will see me outside of your condo, who cares? And it's not nothing, parang sinabi mo na dapat lang kita balewalain. Elle, I'm really sorry for not telling the truth about myself. I just want to be close to you at my own way not as Grandma's grandson" napatingin naman ako dito, at nakangiti ito sa akin

"And Elle, to be honest. I like you since the first day I saw you nung time na hindi pa kita kilala talaga na ikaw pala yung kinekwento sakin ni Grandma na babaeng nagpapasaya sa kanya. I know it's too fast but love at first sight hit me" nahihiyang sabi nya

"Well, first of all Kris, I'm not really mad at you. I just feel like na kailangan ko lumayo sayo dahil napakalayo ko sayo, sa inyo. I'm just an executive assistant. But honestly, I like you too." Nahihiyang sabi ko sa kanya kaya naman napayuko ako "I also liked you since the day I saw you picking flowers" pag amin ko kaya napatakip ako ng mukha ko kasi sure akong pulang pula na ako sa hiya

"Are you for real, Elle?" hindi makapaniwalang tanong ni Kris, tumango naman ako habang nakatakip pa rin kamay ko sa mukha ko

"yes! Yes! I can't express how happy I am right now!" masayang sabi nya at inalis ang kamay kong nakatakip sa mukha ko "c'mmon you don't need to be shy, so tayo na ba?" tanong nya na nagpaseryoso sakin

"Ano ka sinuswerte? Manligaw ka muna, di porket gusto rin kita di ka na manliligaw, hmp" sabi ko sabay cross arms at irap sa ka nya na tinawanan naman nya

"Just kidding, liligawan talaga kita hanggang sa ready ka na talaga ibigay ng buong puso ang oo mo. I will wait Elle, and I promise I won't hurt you. I know you're scared in entering a relationship but I'll prove myself to you" nakangiti nyang sabi kaya nginitian ko din sya

"thank you for understanding Kris" sabi ko at niyakap naman nya ako kaya ginantihan ko sya

"Nga pala, bakit mo naisipan na makipag partnership sa isang project company namin? After so many years na wala kaming connection with your companies" tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin

Umalis naman sya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko

"To be honest, it's because of you Elle. That's the only way I can meet and talk to you as soon as possible but I guess, it's also a good thing for my company to be connected in Mirabelles, I need alliance. Someone is controlling some of my board members to turn their back on me, but I didn't expect Ms. Mirabelles accepted my proposal. Actually, I'm expecting her to decline it and I have many plans on how I will pursue her but on the second thought, I also thought that it will be hard because no one ever saw her personally, but I think you already met her right?"

"So, what if Ms. Mirabelles declined your proposal? You will use me to pursue her just because I know her?" seryosong tanong ko sa kanya, kung tama ang hinala ko, parang dinudurog ang puso ko

"No, no, Elle. That's not what I mean. In the first place, I'm just using the proposal para mapalapit sayo. Hindi ikaw ang ginagamit ko kundi yung business proposal na yun. Please don't misunderstand my explanation" malungkot na sabi nya

Kaya naman napangiti ako sa sinabi nito, para bang ang saya saya ng puso ko dahil sa sinabi nya.

"Sorry if I misunderstood you" sabi ko at yinakap ko sya.

"It's okay, love" sabay hagod nya sa buhok ko at ang isang kamay ay nakayakap din sakin

Ilang segundo lang ay umalis na ako sa yakapan naming at tumingin sa kanya ng seryoso, napakunot naman sya ng noon a parang nagtataka ano na naman ang kinagagalit ko

"Bago ko makalimutan, pano mo nalaman na dito ako nakatira" seryosong tanong ko sa kanya habang naka cross arms

"Pinahanap ko ang information about you sa secretary ko" sagot nya at napakamot naman sya sa batok nya

"Hmm, that make sense kaya nalaman mor in na sa Mirabelles Company ako nagtatrabaho coz I never mentioned my workplace even to Lola Flora. Well, ano pa ba aasahan ko sa isang Rank 3 Billionaire"

"Sorry Elle, I'm just really desperate to know you more and to look for you. Hindi na ako makakapaghintay na sa susunod na pagdalaw mo pa sa Jala-jala tayo magkakausap ulit" paliwanag nya

"It's okay, Kris. I understand" nakangiting sabi ko sa kanya "so di ka pa ba uuwi?" tanong kong sunod

"Can I stay here tonight?" nakangiti nitong tanong

"Balik ka ba? Malamang bawal, shoo shoo uwi na. San ka nakakita ng manliligaw na nakikitulog sa bahay ng nililigawan. Shupi" sabi ko habang tinataboy ko sya ng medyo tumatawa

"Haha just kidding, love. Soon you'll let me sleep with you" sabay kindat nya

"Whatever, dito ka na lang kumain bago ka umuwi. Magluluto muna ako, dyan ka lang, manood ka ng tv or kahit mag-ikot dito ikaw bahala"

"Okay love, go ahead, I'll behave here" at naupo sya sa sofa at binuksan ang tv kaya naman dumeretso na ako sa kusina para magluto ng dinner namin. Pero di ko pala alam kung anong gusto nya kaya bumalik ako sa sala para tanungin sya pero naabutan kong tulog ito, siguro ay sobrang pagod talaga sya kaya ang bilis nakatulog.

Napagdesisyunan kong magluto na lang adobong manok at gumawa ng fresh orange juice.

Pagkatapos ko magluto ay bumalik na ako sa sala para tawagin sya at naabutan ko syang natutulog pa rin. Grabe naman ang pagod nito, halos isang oras na itong tulog.

Gigisingin ko na sana sya ng napagdesisyunan kong hayaan na lang muna sya ng ilang minuto pa. Kumuha ako ng upuan at tumabi sa kanya, tinitigan ko na lang ang mukha nito.

Makapal ang kilay nito, matangos ang ilong, makinis at maputi. May natural na pinkish lips. Parang babae pero super manly ng mukha at katawan. In short, napaka perfect. Napaka swerte ko kung sakaling maging boyfriend ko nga ang lalaking ito.

Sa sobrang busy ko sa pagkakabisado ng mukha nya at di ko napansin na gising na pala ito at nakatitig sa akin na nakangiti.

"Baka naman matunaw ako nyan, love" pagsasalita nya na nagpabalik sakin sa ulirat, napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil sa pamumula ng pisnge ko sa pagkakahiya.

Tumayo na ako at iiwan sana sya ng hilayin nya ako paupo sa tabi nya.

"So, ano tingin mo sakin, love? Pasado ba kagwapuhan ko sa standard mo?" mapanlokong sabi nya at yumakap mula sa likod ko

"Tigilan mo nga ako Kris. Bitawan mo na ako, tara na sa kusina at kumain para makauwi ka na" sabi ko na namumula pa rin ang mukha

"Gusto mo ba talaga ako pauwiin na? I can stay here naman para mas makabisado mo ang mukha ko" natatawang sabi nya

"Ewan ko sayo, bahala ka dyan" sabi ko at inalis ang kamay nya at nagpunta na akong kusina, sya naman ay tawa ng tawa sa pwesto nya at maya maya lang ay sumunod na rin sya sakin at umupo.

"Sorry na love, I'm just teasing you haha"

"Psh, tigil tigilan mo nga kakatawag sakin ng love, di naman tayo" nakasimangot kong sabi sa kanya pero deep inside kinikilig ako haha

"Doon din naman ang punta natin love" sabay kindat nya sakin

"Wag kang pasigurado Kris" sabi ko at nagsimula ng kumain, sya naman ay natahimik dahil sa sinabi ko

Napatingin naman ako sa kanya at kita ko sa mukha nya ang lungkot, naguilty naman ako pero ayoko rin kasi madaliin ang lahat, gusto kong manigurado muna kung talaga bang totoo ang nararamdaman naming sa isa't isa.

"I'm sorry Kris, it's just that…" hindi na natapos ang paliwanag ko dahil pinutol nya ito.

"I understand Elle, I will wait hanggang sa maging ready ka na. But I will prove myself to you, ipapakita ko na talagang totoo ang nararamdaman ko para sayo" seryosong sabi nya

Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy kumain at minsan ay nagnanakaw tingin sa kanya na seryoso pa rin ang mukha.

Ayan kasi Elle, bat kasi sinabi mo pa yun eh gusto mo rin naman yung endearment nya sayo. Napaka pakipot pa kasi eh.

Natapos ang pagkain namin ng walang kibuan at sobrang awkward ng paligid.

Sinimulan ko ng iligpit ang pinagkainan namin at sya naman ay nagpunta sa sala. Kaya naman hinugasan ko muna ang mga plato at baso bago ako sumunod sa kanya. At pagdating ko sa sala at naabutan ko syang nakapilit habang nakatulod ang brasi sa tuhod at nakahawak sa kamay sa ulo na para bang nag iisip dahil na rin nakakunot ang noo nito

I found him more handsome in his looks now but this isn't the right time to fantasize him.

Lumuhod ako sa harap nya para mapantayan sya pero kahit nakaupo sya ay maliit pa rin ako pagkaluhod ko. Tumingala ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay nyang nakawak sa ulo nya. Mukhang nagulat naman sya, kita ko sa mata nya ng idilat nya ito

"ahm, I'm sorry Kris. I didn't mean to hurt you by saying words earlier" malungkot na sabi ko "It's just that, parang sobrang bilis ng mga pangyayari na hindi ko maprocess din agad, na natatakot ako. And dami kong what ifs. I'm scared that things won'twork on us. Hindi ako sanay sa ganito, naninibago ako kasi it's my first time na may magustuhan din" paliwanag ko sa kanya habang nakatitig sa mata nya

Magsasalita pa sana ako ng bigla nya akong halikan, nagulat naman ako at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung itutulak ko ba o tutugon dito

But I found myself responding to his kiss. God, this is too fast.

I don't want to rush things but how can I resist him. I keep on falling harder every minute and I'm becoming scared on my feelings.

We stopped kissing when we cannot breathe anymore. Pagkatapos ng halikan namin ay tumingin sya mata ko hinawakan ang pisnge ko

"I understand you Elle but I really can't stop my feelings, I want to rush things but I don't want force you. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang maghintay ng matagal para maging akin ka. I want you Elle. I already love you even it's just been a week when we know each other but I can't really stop may feelings for you. It's also my first time, but I'm not afraid to rush things because I will make it work Elle. I promise you'll be happy with me; I won't hurt you. I'll protect you whatever it takes." Seryosong paliwanag nya sakin

"I… ahm K-kris…" hindi ko alam ang sasabihin nya sa kanya, blangko ang utak ko sa mga sinabi nya

"shhh, you don't need to answer right now" sabi nya ay nilapit ang ulo sakin hanggang sa magdikit ang noo namin "I'll wait a little longer, I know you're not ready. But I'll make you ready, I'll prove myself that I really love you Elle"

Bumaba naman ang tingin nya sa labi ko at malapit na sanang magdikit ang labi namin ng umatras ako at tumayo na. Napatawa naman sya sa naging reaksyon ko

"Hahaha sorry, di ko lang mapigilan sarili ko. Like what what I said, I won't force you, I'll wait Elle" nakangiti nyang sabi at napabuntong hininga naman ako na prang nabunutan ng tinik

"By the way, thank you for the dinner, I enjoyed your food. You're a good cook Elle, you're such a talented woman and that make me like you more" nakangiti nyang sabi "also, thank you for the dessert kiss" sunod nyang sabi na nagpamula sa pisnge ko kaya tumalikod ako sa kanya at tumawa naman sya

"I gotta go now Elle, thank you again" sabi nya at lumapit at hinawakan ang mukha ko "Magpahinga ka na okay?" at binigyan ako ng halik sa noo ko na nagpangiti maman sakin, he's too sweet and that's made me like him more

"You too, Kris. Ingat ka sa pag uwi mo" sabi ko sa kanya ng nakangiti

Hindi ko na sya hinatid sa entrance ng building dahil hindi rin naman sya pumayag kaya hanggang sa pinto ko lng sya hinatid. Pagkasarado ko ng pinto ko ay napasandal ako dito at napahawak sa dibdib ko

Ang daming nangyari ngayon, at sobrang bibilis naman mga ito

Napatingin naman ako sa itaas

"Ma, Pa. Sana hindi ko pagsisihan ito. Gagawin ko pa rin ang pangako ko sa inyo, and I hope when the time I accepted him, I will be able to tell him the truth and help me to fulfill my promise to both of you. When that time comes, I hope he will accept me" mahinang sabi ko at di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko kaya naman pinahid ko ito at pumunta na sa kwarto ko

Pagkapasok ko dito ay bumungad sakin ang picture naming tatlo nina Mama at Papa.

Good thing hindi nag ikot si Kris sa condo ko. I forgot na may pictures pala ako dito kasama ang parents ko. Maybe I should move these things to our old house now. This isn't the right time to tell him the truth.