webnovel

Young Billionaire's Possession

Lumaki si Elle sa isang bahay ampunan kung saan paglipas ng panahon ay siyang madalas niyang balikan. Sa lugar kung saan sya nagkaisip ay siyang lugar din kung saan nya makikilala ang lalaking mamahalin. Ngunit paano kung kailan hulog na hulog na sya tsaka naman magkakaroon ng hadlang sa relasyon nila?

Kore_Mikelle · Urban
Not enough ratings
39 Chs

Chapter 4 – Love At First Sight

Kris' POV

Matapos naming kumain ay umalis na nga silang dalawa upang gawin ang napag usapan. Ako naman ay napag utusan na kuhanin ang nakalimutang regalo ni Grandma para kay Elle para sa birthday nito sa susunod na buwan dahil baka daw hindi ito magkaroon ng time sa susunod na buwan para bumisita dito kaya ia-advance na nya.

Pagkabalik ko ay dinala ko muna ang regalo sa rest house at kinuha ang mga gamit ko para tulungan sila sa ginagawa nila at ng malapit na ako sa kanila ay natanaw ang di kaaya-ayang senaryo.

Naabutan kong may ibang kausap si Elle at masaya pa itong nakikipag usap sa lalaki na halatang di nalalayo sa edad namin. Tinutulungan nito ang dalawa na magputol ng mga bulaklak na napili. Nakaramdam naman ako ng inis dahil gusto ko ay akin lang ang mga ngiting pinapakita ni Elle. Hindi man tama ito o masyadong mabilis pero nagiging territorial ako kahit alam kong palakaibigan lang talaga si Elle.

Lumapit na ako sa kanilang dalawa at tumikhim para mapansin nila ako. Napatingin naman sila at tinignan ko ng masama ang lalaki. Nanlaki naman ang mata nito na parang nakuha ang ibig kong sabihin. Nagpaalam naman ito agad kay Elle na naalala nyang may gagawin pa pala sya.

"Nandito ka na pala Kris, halika na at kanina ka pa namin hinihintay ni Lola Flora. Buti na lang at tinulungan kami ni Celso" nakangiting sabi nya at nagsimula ng maglakad

Mas napasimangot naman ako ng banggitin nya ang pangalan ng lalaking yun. Bakit ba kasi napakamalapit nya sa mga tao dito lalo sa mga lalaki. At bakit ba kasi ang ganda nya? Haist….

.

.

.

Natapos ang maghapon namin ng nakasimangot ako dahil kahit habang nag aayos nila ng mga bouquet ay panay bati sa kanya ng mga tauhan ni Grandma at sya naman ay panay ngiti sa mga ito. Kung pwede lang na puro babae na lang ang tauhan ni Grandma dito eh para wala akong kaagaw sa atensyon nya na lalaki.

Ano ba naman tong iniisip ko, masyadong nakakapanibago rin dahil unang beses ito mangyari sakin. Para na akong nababaliw.

Her POV

Kanina ko pa napapansin na nakabusangot si Kris mula nang bumalik sya at mas lalong kumukunot ang noo kapag may bumabati saking mga tauhan ni Lola Flora. Ano kaya problema nito? Di kaya…. Aist Elle assuming ka. Kakakilala nyo lang eh tas kung ano ano na iniisip mo.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin pala sya sakin habang nakakunot ang noo na parang may iniisip. Ngumiti naman ako sa kanya at parang natauhan sya at umiwas ng tingin sakin. Psh problema kaya nun. Hindi ko na lang sya pinansin at bumalik sa ginagawa kong pag aayos ng flower bouquet.

Siguro nga dapat na akong magpatayo ng sarili kong flower shop dahil sa hilig ko sa mga ito. Isa ito sa hobby ko lalo na kapag stress ako sa trabaho. Naalala ko pa nagsimula akong mahilig sa pag aayos ng bulaklak dahil kay Mama. Mahilig syang magtanim ng iba't ibang bulaklak sa mini garden nya sa bahay at kapag malalaki na ang mga ito ay bonding naming na ayusin ang mga ito at ilagay sa flower base para pang design sa tables sa loob ng bahay.

Nalungkot na naman ako kapag naaalala ko sila lalo na't death anniversary nila bukas. Naniniwala ako na hindi aksidente ang nangyari sa kanila, kaya masakit pa rin para sa akin ang mga nangyari at hindi ako titigil hanggang sa makuha ang katarungan para sa kanila.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko narinig na tinatawag pala ako ni Lola Flora at bumalik lang ako sa wisyo ng tapikin nya ang braso ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba Elle?" nag aalalang tanong ni Lola Flora

"Opo, ayos lang po ako. Naalala ko lang ang Mama ko" sabay ngiti sa kanya

"Wag kang mag-alala Elle dahil nasisigurado kong binabantayan ka lang nila mula sa itaas" pag aassure nya sakin at ngumiti

"Opo Lola, tatandaan ko po yan. Salamat po"

"Mabuti pa ay umuwi ka na sa tinutuluyan mong hotel para makapagpahinga ka na rin. Gabi na rin at alam kong maaga ka pang babyahe bukas." Sabi ni Lola Flora

"Sige po Lola, pasensya na po, bawi po ako sa susunod" sabi ko sa kanya at ngumiti

"Wala yun, natutuwa ako at kahit kalahating araw ay nakasama kita. Nga pala, may ibibigay ako sayo" napakunot naman ang noo at may kinuha sya sa drawer. Nandito kasi kami sa rest house gumagawa ng bouquet

"Advance Happy Birthday Elle" nakangiting sabi nya at sabay abot ng maliit na box

"Hala nag-abala pa po kayo Lola. Maraming Salamat po" kinuha ko ang box at yinakap sya

"Wag mo alalahanin yun, naisip ko kasi baka hindi ka makapunta dito sa birthday mo dahil panigurado ay doon ka magcecelebrate sa Makati"

"Maraming Salamat po talaga Lola" sabi ko at yinakap sya ulit "Pwede ko na po ba buksan?" tanong ko

"Oo naman" sagot nya kaya naman binuksan ko na ang box. Maliit lang ito at nakabalot ng birthday gift wrapper. Nang mabuksan ko na ito ay tumambad sakin ang box ng Tiffany & Co., nanlaki naman ang mata ko dahil isang mamahaling brand ito kaya napatingin ako kay Lola Flora.

"Go ahead, open it Elle. Don't worry, you deserve it." At ngumiti sya kaya naman tuluyan ko ng binuksan ang case at sumilay sakin ang isang napakagandang kwintas. Napaka simple lang nito ngunit kitang kita ang maliliit na diamond dito.

"Lola Flora, hindi nyo naman po kailangan bilhan ako ng ganitong kamahal na regalo" maluha luha kong sabi sa kanya

"It's nothing Elle, walang wala yan sa pagpapasaya mo sa akin tuwing dinadalaw mo ako rito. Huwag mong tangkaing tanggihan yan. Para sa iyo lang talaga ang kwintas na yan" nakangiti pa rin nyang sagot sa akin kaya naman yinakap ko sya

"Thank you po Lola Flora. Kahit isang taon pa lang tayong magkakilala ay sobra sobra na po ang binigay nyo sakin"

"Para na rin kitang apo Elle kaya tama na ang drama haha. Sige na umuwi ka na para makapagpahinga ka na" umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang luha ko

"Maraming Salamat po talaga Lola Flora lalo sa pagtanggap nyo sa akin kahit na sobrang layo ng estado ng buhay ko sa inyo"

"Lagi mo tatandaan Elle, kahit ano pa ang estado ng buhay mo hindi iyon mahalaga. Ang mahalaga ay totoo ang ipinapakita at malinis ang hangarin" seryosong sabi ni Lola Flora

"Opo tatandaan ko po yan. Babalik po ako dito agad Lola Flora. Maraming Salamat po ulit. Mauuna na po ako" at yumakap sa kanya ulit

"Sige na, mag iingat ka sa byahe Elle, kahit bukas sa paguwi mo sa Makati. Palagi kang mag iingat at alagaan mo ang sarili mo"

"Opo Lola, promise." Ngumiti ako sa kanya at humarap naman ako kay Kris na kanina pa kami pinapanood lang ni Lola Flora. Ngumiti naman sya sakin at ganun din ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya na ikinagulat nya.

"Paalam din sayo Kris, thank you sa sandaling alaala. Lagi mo aalagaan si Lola dito, wag mo sya hahayaang magpagod sa pagpipitas ng mga bulaklak." Sabi ko sa kanya at bumulong ng sakto lang para marinig nya "Mamimiss kita, sa muling pagkikita natin Kris" at umalis na ko sa pagkakayakap sa kanya

Napakabilis man ngunit eto ata ang tinatawag nilang love at first sight hahaha. Sayang lang at napakalayo nya sakin. Mukhang kailangan ko na rin kalimutan ang pagkaka-crush ko sa kanya haha

"Alis na po ako talaga Lola Flora. Salamat po ulit, sayo rin Kris" sabi ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ata natatauhan sa sinabi ko dahil nakatulala pa rin sya.

His POV

"So anong tingin mo Kris?" tanong ni Grandma pagkaalis ni Elle

"What do you mean Grandma?" pagkukunwaring di ko naintindihan ang tanong nya

"C'mon apo, I saw everything, you can't pretend from me. You like her?" nakangiting sabi ni Grandma

"Makakapagtago pa ba ako?" naiiling kong sabi na ikinatawa ni Gradma "Yes, I like her, there's something in her that makes my heart flutter, even yesterday, the first time I saw her, I became interested with her and it's a first time" pag-amin ko kay Grandma

"I knew it, you will like Elle, even me when I first saw her, I like her. I don't know bat sobrang gaan lang talaga ng loob ko sa kanya. Sobrang simple at masayahing bata. And I really like her for you apo just the way she is plus mapapanatag ako na hindi isang gold digger ang mapapangasawa mo" nakangiting sabi ni Grandma at halatang masayang masaya ito

"Excited Grandma? Asawa agad? Haha, hindi ko pa nga nililigawan eh" natatawang sabi ko

"Syempre excited ako no kasi for the first time, may nagustuhan ang apo ko, and I can feel it na gusto ka rin ni Elle, the way she looked at you, I can see the difference when she looked at my employees" assurance ni Grandma sakin

"Grandma wag mo naman ako paasahin"

"Di naman kita pinapaasa, sinasabi ko lang yung totong nakita ko. So, anong balak mo ngayon?"

"I don't know Grandma, wala akong experience sa ganito kaya di ko alam ang gagawin ko"

"Bakit di mo muna alamin kung saan nagtatrabaho si Elle, then start to court her. Hindi naman pwedeng hihintayin mo pa syang pumunto dito lagi, baka may makauna pa sayo doon. Sa bait at ganda ni Elle hindi malabong walang manliligaw yun sa Makati, and besides, we don't know kailan ang balik nya dito at busy ka sa company para biglang pumunta kapag sinabi kong nandito sya"

"Sigh, what's her full name Grandma? So, I can ask Spencer to look for the information about her tonight" tanong ko na nagpangiti sa kanya

"That's my apo hihi" kinikilig na sabi ni Grandma "Elle Santos is her full name, apo. So, are you gonna leave tomorrow also?"

"No, I leave on Sunday. You need to help me Grandma on making ideas how will I make her mine and how will I explain that I'm your Grandson and an employee here"

"That's your fault apo, I told you, I'll introduce to her, but you refused"

"Ehhh, Grandma, pleaseee. Help meeee" pagmamakaawa ko sa kanya using my puppy eyes. Sounds gay? I don't care, sa kanila ko lang naman pinapakita ganitong side ko.

"Ok ok fine, matatanggihan ba kita" natatawang sabi ni Grandma

"Yay! Thank you, Grandma" sabay yakap sa kanya "Tomorrow, let's think of a plan, for now let's go home, I know you're tired already"

"Ok let's go"

.

.

.

Pagpasok ko sa kwarto ay tinawagan ko agad si Spencer

Ring… ring… ring…

"The most handsome in earth speaking, Spencer. How may I help you?"

"The f*ck?"

"HAHAHAHA, kidding man, so bakit nga?"

"Look for Elle Santos' information. I want every detail about her on Sunday. Got it?"

"Woah woah, and who is this woman? May himala ba at nagkainterest ka sa babae? Hahaha"

"Just do it Spencer, you'll know once you find her information"

"Ok ok, got it man."

"Good, just send the files in my email. Bye"

End call…

.

.

.

Kinabukasan pag-uwi ko sa condo ko ay computer ko na agad ang inopen ko dahil paniguradong na-email na ni Spencer ang kailangan ko.

Pag bukas ko pa lang ng inbox ko ay napangiti na ako ng makita ko ang inaasahan kong email. Spencer never disappoints me. Inopen ko na ito at binasa ang information ni Elle.

Name: Elle Santos

Birthday: May 6, 1997

Age: 23 years old

Mobile Number: +63 939 725* ***

Address: Level 10, J3, Shakira Residences, Ayala Ave., Makati

Occupation: Executive Assistant

Workplace: Mirabelles Corporation

Mother: Nina Santos (Deceased – Reason: Car Accident)

Father: Archie Santos (Deceased – Reason: Car Accident)

.

.

.

And so on…

.

.

.

I'm shocked that she's working in Mirabelles Corporation and she's working as an assistant of the Rank 1 Billionaire. I never imagined her working with a such person. I taught she's just working for a small company.

How will I be able to continue my plan if she's working with such company. The security must be higher than us. But I guess I still should try. It's better to try than to regret for not trying.