webnovel

Young Billionaire's Possession

Lumaki si Elle sa isang bahay ampunan kung saan paglipas ng panahon ay siyang madalas niyang balikan. Sa lugar kung saan sya nagkaisip ay siyang lugar din kung saan nya makikilala ang lalaking mamahalin. Ngunit paano kung kailan hulog na hulog na sya tsaka naman magkakaroon ng hadlang sa relasyon nila?

Kore_Mikelle · Urban
Not enough ratings
39 Chs

CHAPTER 37

Sam or Elle's POV

Pagdating namin sa bahay ni Dad ay bumaba na kami ng kotse.

Pagbukas ko ng pinto ay sigaw ni Dad ang bumungad sa amin

"What's the meaning of this, Annika?!" sigaw ni Dad sabay bato ng folder kay Annika na naka upo sa sofa na halatang nagulat sa sigaw ni Dad

"Ano bang problema mo, Louise?!" galit na tanong ni Annika sabay kuha ng folder na nasa sahig. Pagbukas nya nito ay para naman itong naestatwa sa kinaroroonan

"All these time pinaniwala mo akong anak ko si Mikka?! This is bullsh*t, Annika!" galit na sigaw ni Dad kay Annika

"N-no, this is fake, Louise. Anak mo talaga si Mikka, nakita mo naman yung DNA Test nyo noon di ba?" kinakabahang sabi ni Annika

"So, my gift is fake?" kunwaring pagtataka ko, napatingin naman sila sa gawi namin

"You! What the hell are you trying to do?! This is fake!" sigaw sakin ni Annika at binato sakin ang folder. Napangisi naman ako sa kanya

"What am I trying to do? I'm just giving a gift to my father as I am back alive" sabi ko habang nakangisi

"So, Dad, did you like my gift? I told you right? I have a gift when I return" nakangiti kong sabi sa kanya

"Where did you get those files, Louvelle?" seryosong tanong ni Dad

"Ohh, I got those when investigated Mikka when I met her. Isn't it surprising Dad? Hindi mo naman kaano-ano ang taong sumisira ng mga pinaghirapan mo at ni Grandpa? Pinalamon at pinatira mo sa bahay ni Mom ang taong pumatay sa kanya" cold kong sabi sabi sa kanya

"Shut up! What the hell are you talking about?!" sigaw sakin ni Annika at lumapit sakin. Sasampalin nya dapat ako ngunit sinalo ko ang kamay nya at sinampal sya n g malakas na naging dahilan para mapaupo sya sa sahig

"What the hell I am talking about? Did you forget how you burned that house where you lock my Mom?" sabi ko habang dahan dahang lumalapit sa kanya at sya naman at paatras ng paatras habang nakasalampak pa rin sa sahig

"Did you forget already how you paid the nanny just to kidnap me and kill me? Ang batang walang kalaban laban at muwang sa mundo. Sinira mo ang pamilya ko, pinatay mo si Mom. Ngayon, kailangan mo nang magbayad sa lahat ng kasalanan mo" tuloy tuloy pa rin ang paglapit ko sa kanya at pag atras nya hanggang sa marating nya ang pwesto ni Dad at tumama ang likod nya dito

"No, no, that's not true. Wag kang making sa kanya Louise, hindi totoo ang mga sinasabi nya. Please making ka sakin" sabi nya habang nagmamakaawang nakaluhod at nakahawak sa binti ni Dad na hindi gumagalaw o kumukurap man lang dahil sa narinig nya

Nang matauhan ito ay masama itong tumingin kay Annika

"Is that true, Annika?! After all these years na pagbibigay ko ng mga luho nyong mag-ina, eto ang ipapalit mo sa akin?! Paano mo nagawang patayin ang asawa ko?! Pati ang pagkakahiwalay ng anak ko samin ay kagagawan mo?!" galit na galit na sabi ni Dad

"No, makinig ka sakin Louise. Wala akong alam sa sinasabi nya, maniwala ka. Hinding hindi ko magagawa ang mga iyon" sabi nito habang umiiyak

Magsasalita na dapat si Dad ng dumating ang mga pulis at pumasok sa loob ng bahay

"Annika Gallio-Charles, inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Scarlett Hart-Charles at pagkidnap pagtangkang pagpatay kay Louvelle Charles" sabi ng head chief

"What?! No! Wala akong kasalanan! Nasaan ang ebidensya nyo para hulihin ako?!" galit na sabi ni Annika pagkatayo nya

"Ebidensya ba hanap mo? Don't worry, makikita mo ang mga ebidensya sa trial mo" nakangisi kong sabi tsaka ako humarap sa Chief Officer "Chief dala nyo rin ba ang warrant para kay Mikka Charles?" tanong ko

"Yes, Ms. Elle. Other officers are searching for her now" sagot nito

"Good, thank you for your cooperation, Chief" nakangiti kong sabi

"You don't need to thank me, Ms. Elle." Nakangiting sagot nito "boys, handcuff Mrs. Annika Charles now!" utos nito at nilapitan naman ng dalawang police si Annika at pinosasan habang lumalaban pa rin ito

"No! You can't do this to me! Wala akong alam sa sinasabi ng babaeng yan! Louise maniwala ka sakin! Help me!" sabi nito habang pilit na tumitingin kay Dad

"Please get her out of our house now, Chief" sabi ko at tumango naman sya

"Let's go now boys. We'll leave now Ms. Elle" pagpapaalam nito at tinanguan ko lang din sya tsaka sila lumabas na habang nagsisisigaw pa rin si Annika

Paglabas nila ay bigla namang napaupo si Dad kaya inalalayan ko sya

"Pabantay saglit si Dad, kukuha lang akong tubig" sabi ko kay Aiden at tumango naman sya

Mabilis akong kumuha ng tubig sa ref at pinainom ko agad si Dad pagbalik ko sa sala.

"What's happening Elle? How… how…" gulong gulo na tanong nito

"Dad, please take a rest first. I'm sorry if nangyayari ito pero kailangan na nilang magbayad sa mga ginawa nila sa pamilya natin" nag-aalala kong sabi sa kanya

"Is she… Is she really the one behind Scarlett's… death?" nakatutulang tanong ni Dad

"Yes Dad, please take a rest first and I'll answer your questions after" sabi ko at tumingin ako kay Aiden na nakatayo lang sa gilid ko "Please help me bring Dad upstairs" paghingi ko ng tulong sa kanya.

Inalalayan ko naman si Dad tumayo at pumwesto naman si Aiden sa kabilang side ni Dad at inalalayan din ito. Pagdating namin sa kwarto ni Dad ay pinahiga ko na ito sa kama nya at pumikit naman agad sya. Ilang saglit lang ay nakatulog na itong tuluyan tsaka lang ako tumayo sa kama nya at lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman si Aiden na naghihintay sa labas ng kwarto.

"Is Tito sleeping already?" tanong nito

"Hmmm, sobrang nabigla si Dad sa mga nalaman nya. Let's go downstair and let him rest" sabi ko at naglakad na.

Pagbaba naman namin ay niyakap nya ako

"Always remember that I'm always right here for you. Kahit anong desisyon mo ay susuportahan kita pero wag mo sanang pababayaan ang kalusugan mo. Nalulungkot ako sa mga nangyayari, and alam kong nahihirapan din si Tito na tanggapin ang mga katotohanan. Nasasaktan din ako dahil isa si Mom sa mga naging dahilan ng paghihirap mo" malungkot na sabi nya kaya naman hinawakan ko ang kamay nya at inalis sa pagkakayakap sakin at humarap ako sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang pisnge nya at tinitigan sa mata

"Gusto ko man sabihing wag kang mag-aalala at malungkot pero I know hindi ko mapipigilan ang nararamdaman mo lalo na at involved ang mama mo. I'm sorry if I'm taking my revenge on her. I'm sorry kasi alam kong nahihirapan ka rin dahil sakin. Do you think we should…" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin nya ito

"No! Don't you dare continue what you will say, Elle!" galit na sabi nito "Magkasama nating haharapin ang mga problemang ito, sinabi ko naman sayo di ba, I'll be here always for you, and I will do everything for you because I love you. I can't afford to lose you, love. So, please… wag mo nang balakin ang iniisip mo dahil hinding hindi ako makakapayag" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit

Hindi ako kumibo o nagsalita at hinayaan lang syang yakapin ako. Nagtagal ng ganun lang ang posisyon namin hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng bahay at may humila ng buhok ko

"Walanghiya ka! Bakit mo pinakulong si Mom!" nangaggaliiting sigaw ni Mikka habang sinasabunutan ako. Si Aiden naman ay inaawat si Mikka hanggang sa mailayo na nya ito sakin. Inayos ko muna ang buhok ko bago at tumingin sa kanya

"Don't worry, hindi naman mag-isa ang nanay mo dahil sasama ka sa kanya" nakangising kong sabi sa kanya

"Walanghiya ka! Dapat sayo namatay na ng araw na iyon! Sumama ka n asana sa anak mo!" sigaw nito habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ni Aiden

Lumapit ako dito at sinampal ito ng malakas. Bumaling naman ang mukha nito at namula agad ang pisnge nito.

"Anong karapatan mong banggitin ang anak ko? Pinatay nyo ang anak ko at hinding hindi ako titigil hanggat hindi nyo pinagbabayaran ang mga kasalanan nyo" malamig kong sabi dito "Hawakan mong mabuti ang babaeng yan, love" sabi ko at kinuha ko ang cellphone ko. Tinawagan ko si Chief at sinabing nandito na si Mikka.

Ilang sandali lang ay narinig na namin ang tunog ng serena na police car at mabilis na pumasok ang mga police officer kasama si Chief.

"Inaaresto ka namin sa salang kidnapping and attempt murder, Ms. Mikka Charles" sabi nito habang pinoposasan ang kamay ni Mikka na pilit nagpupumiglas sa hawak ng mga police

"Ano ba?! Tanggalin nyo nga ito!" pagmumumiglas nito at tumingin sakin ng masama "Hindi pa tayo tapos! Babalik ako at sinisugurado ko sayo mawawala ka sa mundong ito! Kukunin ko ang lahat ng dapat sa akin!" sigaw nito

"Walang sayo Mikka, at kahit kailan walang magiging sayo! Alam na ni Dad ang lahat at wala ka nang magagawa!" pabalik na sigaw ko dito

"Hindi! Ano ba pakawalan nyo nga ako!"

"Sige na Chief, dalhin nyo na yan. Maraming Salamat sa tulong nyo, asahan nyo ang pinangako ko sa inyo" sabi ko dito

"Walang anuman, Ms. Elle. Mauuna na kami" sabi nito at lumabas na kasunod si Mikka at dalawang police officer na hawak ito.

Paglabas nila ay tuluyan ng nalambot ang tuhod ko at muntik na akong matumba buti na lang ay nasalo ako ni Aiden at inalalayan para maupo.

"Are you okay? Mabuti pa magpahinga ka muna, love. Sinabi ko naman sayo dapat hindi mo na muna ginawa ang mga plano mo, baka maapektuhan ang katawan mo, hindi ka pa tuluyang magaling" nag-aalalang sabi nito kaya naman pinilit kong ngumiti sa kanya

"I'm fine don't worry" sabi ko at sumandal sa dibdib nya "Let's stay like this for a minute" sabi ko at kinulong naman nya ako sa bisig nya. Pumikit naman ako upang ipahinga saglit ang katawan ko

"Sa tingin mo magigising masaya na baa ko ulit pagkatapos ng mga ito?" tanong ko habang nakapikit

"Hmm, I will do everything I can to make you happy, love" sabi nya habang hinahagod ang buhok ko

"Do you think Dad will be fine?" sunod na tanong ko

"Of course, your Dad is strong. I knew him for a long time, and he is really strong, he's like my Dad that's why they're bestfriends" pag-aasure nya sakin

"What if I hide something from you, are you going to forgive me?" wala sa sarilign pagtatanong ko

"As long as you will tell me about it and not from other people, but even if I will still forgive you because I love you" sabi nito at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko kaya naman mas siniksik ko ang sarili ko sa bisig nya

"What if I lied to you, will you leave me?"

"Why? Did you lie to me?" tanong nito pero hindi ako sumagot "I will not leave you, but I will be mad of course. But I will try to understand you no matter what" sabi nito at iniharap ang katawan ko sa kanya at tumitig sa mata ko "Tell me, are you still hiding something from me?" tanong nito

Handa na nga ba ako sabihin sa kanya ang lahat? Handa na ba akong ipakilala ang tunay na ako? Ang pagkataong tinatago ko buong buhay ko?

"Love? Answer me, what are you hiding from me? Tell me" kinakabahang tanong nito

"We'll leave later after we eat dinner with Dad" sabi ko at tumayo na ako at nagpuntang kusina. Naabutan ko naman ang chef na nagluluto at tinutulungan sya ng dalawang maid. Nagulat naman sila naman makita nila ako

"Ms. Elle" sabi nila at nagbow sakin

"Matatapos na ba ang niluluto nyo?" tanong ko

"Opo, Ms." Sabi ng isang maid

"Good, paki-ready na ang table. I have somewhere to go, so make the dinner ready as soon as possible" sabi ko at lumabas na ng kusina. Dumeretso naman ako sa kwarto ni Dad habang si Aiden ay nakasunod lang sa likod ko

Kumatok naman ako pinto ni Dad

*Tok… tok… tok…

"Dad, are you awake? Papasok na ako huh" sabi ko kaya naman binuksan ko na ang pinto at pumasok dito. Naabutan ko naman si Dad na nakatayo sa veranda ng kwarto nya habang nakatingin sa langit

"Dad?" mukha naman itong nagulat ng tapikin ko sya at tawagin

"I missed your Mom badly" sabi nya at tumulo ang luha nya "Kahit ilang taon lang kaming nagkakilala at nagkasama ay minahal ko sya ng sobra lalo na ng ikasal kami at ipanganak ka. Mahal na mahal ko pa rin sya kahit 23 years na syang patay"

Niyakap ko naman sya at hinayaan syang umiyak sa balikat ko

"Hindi ko inisip na magagawa ni Annika yun, kilala ko si Annika. Kahit na may ganung ugali yun ay hindi ko maisip na magagawa nyang pumatay at ang taong mahal ko pa. Hindi ko inakalang sya ang sumira sa pamilya natin"

"Don't worry Dad, maaayos din ang lahat. I promise, you'll be happy in the future"

"Masaya akong nandito ka na anak, wag mo nang iiwan si Daddy" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit

"Yes, Dad. I will do anything I can to make things right and make you happy… Come, let's eat now, it's dinner time. Aiden and I are also leaving after dinner, we have somewhere to go" sabi ko at inaya na syang pumunta ng dining area.