webnovel

Young Billionaire's Possession

Lumaki si Elle sa isang bahay ampunan kung saan paglipas ng panahon ay siyang madalas niyang balikan. Sa lugar kung saan sya nagkaisip ay siyang lugar din kung saan nya makikilala ang lalaking mamahalin. Ngunit paano kung kailan hulog na hulog na sya tsaka naman magkakaroon ng hadlang sa relasyon nila?

Kore_Mikelle · Urban
Not enough ratings
39 Chs

Chapter 2 – Meet Kris

Elle's POV

Nakaupo ako sa bench, na napapaligiran pa rin ng maliliit na bulaklak, habang nakatanaw ako sa mga sunflower at palubog na araw. Napakaganda nitong panoorin dahil na rin sa dilaw na kulay ng Sunflower at ma-orange na kulay ng kapaligiran dulot ng palubog na araw. Napakasarap din sa pakiramdam ng hangin na dulot din ng mga puno idagdag pa na malapit lamang ang farm sa lawa, konting lakarin lang sa likod ng farm ay nandun na ang lawa.

Kinukuhanan ko ng litrato ang mga bulaklak at araw ng mapadago ang tingin ko sa isang lalaki na sa tingin ko ay isang bagong hardenero dahil sa suot nito at may hawak na malaking gunting pamutol sa Sunflower. Dahil natural sakin ang pagiging malapit sa mga hardenero ni Lola Flora ay nilapitan ko sya.

"Hi!" pagbati ko sa kanya habang nakangiti "bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita dito sa farm" nakangiti ko pa ring tanong sa kanya

"Oo, kahapon lang ako dumating dito" mahinang sagot nya ng hindi pa rin tumitingin sakin at pinagpapatuloy pa rin ang paggupit sa tangkay ng bulaklak

"Buti naman may bago ng makakatulong si Lola Flora dito. Elle nga pala" sabay abot ng kamay ko sa kanya para makipag handshake

Binitawan nya muna ang gunting at inalis ang gloves na suot nya at tumayo. Pagharap nya ay nagulat naman ako dahil sa angking itsura nito. Medyo napatulala ako sa kagwapuhan nito. Nagsalita ito ngunit hindi ko naintindihan dahil sa pagkakatulala ko, naramdaman ko na lang na kinuha nya ang kamay ko at nakipag handshake. Ilang sigundo bago ako natauhan at umiling.

"Ano nga ulit yun?" tanong ko sa kanya

"I said, I'm Kris. Nice to meet you" ulit nyang pagpapakilala at medyo ngumiti kaya medyo napatulala na naman ako dahil mas gumagwapo sya kapag ngumingiti pero bumalik din ako sa wisyo ng mangalay na ako at nakahawak pa rin pala sya sa kamay ko habang nakatitig sa akin

Aalisin ko na sana yung kamay ko ngunit pawang nakalock ang kamay nya sa kamay ko.

"ahm yung kamay ko hehe" para naming natauhan din sya at napaiwas ng tingin

"ahh sorry" sabay hawak sa batok nya

"ano nga pala ginagawa mo? May umorder ban yang mga pinipitas mo?" tanong ko sa kanya habang umiiwas ng tingin

"ahm oo, nga pala, anong ginagawa mo dito? Tsaka close ka ba kay Lola Flora? Lola rin kasi tawag mo"

"oo, sayang nga wala sya ngayon, baka di ko sya makita this month kasi uuwi na ako sa susunod na araw"

"hindi ka taga-rito?"

"hindi, dumadalaw lang ako dito kapag may time"

"taga san ka ba?" tanong nya na parang sobrang curious na may malaman sakin

"sa Makati ako nakatira ngayon, nandun kasi ang trabaho ko. Sya, ako'y aalis na, at baka mapagalitan ka pa kapag di mo agad natapos yan. Babalik ako dito bukas, sana makita kita at makakwentuhan ko ulit, sawa na ako sa ibang tao ni Lola Flora dito, buti na lang may bago haha, biro lang. Sige na, bye kuya, nice meeting you" sabay takbo ko at nahihiya ako sa kanya sa kadaldalan ko at sa pagtitig ko sa kanya kanina baka isipin nya na may gusto ako sa kanya.

Wala nga ba? Sabi ng isip ko

Syempre wala no, tsaka kakakilala ko lang sa kanya no, di naman porket gwapo sya ay magkakagusto na ako. Pero sana makita ko sya bukas

Sus, wala daw pero gusto makita

Wala nga kasi, di ba pwedeng I want to know him more, feeling ko mabait naman sya eh, tsaka lahat naman ng tauhan ni Lola Flora dito close ko naman talaga ah. Pagdepensa ko sa utak ko

Bumili na muna ako ng pagkain ko bago ako umuwi sa hotel na tinutuluyan ko.

His POV

Bumaba ako ng kotse ko para salubungin si Grandma Flora na naglalakad palapit sa sakin. Pagdating nya sa pwesto ko ay yinakap naman nya ako at ginantihan ko ito.

"Ikaw talagang bata ka, bat di ka man lang nagsabing pupunta ka ngayon. Sana nakapaghanda ako agad ng makakain mo at sa bahay ka dumeretso" sabi ni Grandma Flora

"Grandma, it's an unexpected trip here, so I haven't able to inform you beforehand, can't you just say that you miss me?" seryoso kong sabi

"c'mon apo, don't use your serious mode with me, you're not in a business today. And ofcourse I missed you, how can I not miss my apo? You didn't visit me for a long time" sya naman ang nagseryoso

"Grandma alam mo naming busy ako sa company ko, sorry na" paglalambing ko sa kanya at hinalikan sya sa ulo dahil mas matangkad din ako sa kanya

"Ok fine, hanggang kailan ka ba dito?"

"Hmm today is Wednesday, maybe Saturday or Sunday?"

"Ang bilis naman pero ok na rin makakapag bonding pa tayo, tara na sa bahay at may ikekwento ako sayo, sila na bahala dito sa farm"

Tumango na lang ako at inalalayan siyang sumakay sa front passenger seat.

.

.

.

Dumating na kami sa mansion ni Grandma dito sa Jala-jala, ito ang pinakamalaking mansion dito sa munting bayan. Dito pinili ni Grandma magpatayo ng isa sa mansion nila dahil na rin sa masaganang kapaligiran kaya naman nagpasya rin siyang ipatayo ang Sunflora Farm.

"Magpahinga ka muna sa kwarto mo, alam kong pagod ka sa byahe. Magpapahanda lang ako ng tanghalian natin." Sabi ni Grandma Flora

"Sige po, mauna na ako" sagot ko

Halos mag isang taon na rin akong hindi nakakadalaw dito dahil na rin sa busy sa kumpanya ko at kumpanyang ipinamana sakin ni Dad.

Nagpunta na ako sa kwarto ko dito, at pagpasok ko ay walang pinagbago dito, at halatang laging pinapaliis dahil wala man lang bakas ng alikabok.

Nagbihis na muna ako at nahiga saglit sa aking kama. Makalipas ng isang oras tinawag na ako ng isa sa katulong ni Grandma upang kumain na kaya naman nagpunta na ako sa kusina. Pagdating ko ay naabutan kong nakaupo na si Grandma at hinihintay ako kaya naman umupo na ako.

"Grandma ano yung ikekwento mo kamo?" tanong ko

"Kumain muna tayo saglit at alam kong gutom ka na, makakapaghintay yung kwento ko" sabi nya kaya naman nagsimula na akong kumain

Nakakalahati ko pa lang ang pagkain ko nang magsalita sya

"May nakilala akong babae sa farm mag iisang taon na rin, saying nga at di ka nabisita dito, di kita napakilala" pagsisimula nya

"kala ko ba Grandma makakapaghintay yan? Haha" natatawang tanong ko sa kanya

"excited na kasi ako ikwento sayo tsaka malay mo di ba sya na yung para sayo haha" mapang asar na sabi ni Grandma

"Grandma, alam mo namang wala ako oras para dyan" sabi ko sabay subo ulit ng pagkain ko

"Apo naman, kailan ka ba magkaka girlfriend? Malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad mo. Tumatanda na rin si Grandma, baka naman di ko na maabutan ang mga apo sa tuhod ko sayo" seryosong sabi ni Grandma

"Bata ka pa Grandma, darating din tayo dyan, for now, I need to focus on my companies. You know naman na malingat lang ako ay ahas na agad sa kumpanya ko"

"Pero apo…"

"Grandma, wag mo na ako pilitin, hindi minamadali ang pagmamahal at pagpapamilya. Mahirap magpamilya ng hindi ko naman mahal yung mapapangasawa ko. I want a serious love, yung totoong relasyon. I want to give my love to that person pero di pa dumadating til now pero hindi naman ako nagmamadali"

"Ok fine. Basta apo, wag mo ng patagalin kapag nakita mon a yung babaeng mamahalin mo"

"Yes Grandma, itatali ko na agad sya sakin para wala na sya kawala haha. Nga pala, anong meron dun sa babaeng kinukwento mo po? Mukhang masaya kang nakakasama yun" hindi naman sa curious ako sa babae, pero kita ko sa mata ni Grandma na masaya sya

"Nakilala ko sya a month after nung umalis ka dito after your vacation, nung una nga ay nasungitan ko pa dahil nakita kong pumipitas ng mga maliliit na bulaklak but the next day bumalik sya para magsorry ulit sa nangyari tas nagkwentuhan lang kami hanggang sa naging close na kami. Mag isang taon na rin syang buwan-buwan bumabalik dito para bisitahin ako at ang bahay ampunan malapit lang dito"

"Mukha ngang close na kayo, masaya ako na may bumibisita sayo at nagpapasaya sayo dito Grandma"

"Oo, sobrang bait kasi ng batang yun, napaka simple rin at walang arte sa katawan. Sa sobrang bait nya kahit ang mga tauhan ko sa farm ay ka-close nya. Natutuwa rin ang mga tauhan ko kasi ang kulit nya talaga naming nakakatuwang kabiruan at kakwentuhan"

"Mabuti naman kung ganun, kailan ang balik nya dito?" wala sa loob kong tanong

"Uyy ang apo ko interesado" mapang asar na sabi ni Grandma

"I just want to meet the person that makes you happy Grandma, I want to thank her. Nothing more" seryosong sabi ko sa kanya

"Fine, fine. I'm just teasing you apo. Wag mo gamitin sakin yang kaseryosohan mo, di tatalab yan. Anyway, I don't know kung kailan ang balik nya, wala kasing exact date ang pagpunta nya lagi, basta kung kailan lang sya magka free time every month"

"San ba sya nagwowork?"

"Hmm I don't know what company but she's working in Makati as CEO's Assistant"

"Ohh, sure na busy sya pero nagagawa pa rin nyang bumisita dito every month? Hindi kaya sya tanggalin ng boss nya?" takang tanong ko, coz I know as a CEO, sobrang busy rin ng assistant ko dahil sa dami kong pinapagawa.

"I don't know rin apo, hindi naman kasi ako nangingialam sa buhay trabaho nya, basta kapag nandito sya ay kwentuhan lang kami ng kung ano ano at kung minsan ay bonding pa naming ang pagpitas at pag arrange ng mga bulaklak sa farm"

"Ganun po ba, kung dapat ko talaga sya pasalamatan sa efforts nya para bumisita dito at maglaan ng oras para sa inyo kahit na alam kong busy sya sa work nya dahil for sure masami pinapagawa ang boss nyang CEO rin"

"Hayaan mo apo, kapag nagkataon na nagkasabay kayo ng pagbakasyon ipapakilala kita sa kanya" sabi nya ngumiti ng makahulugan

"Grandma alam ko yang ngiti na yan, tulad ng sabi ko hindi minamadali at pinipilit ang pagmamahal. Maiba tayo, wala ka bang gagawin ngayong week?"

"Sa farm lang as usual, bakit?"

"Ayain san akita mamasyal, anywhere you want. Para naman hindi ka nasa farm lang lagi. Di ka ba nagsasawa dun?"

"Kahit kailan di ako magsasawa sa mga alaga kong bulaklak. Pagmasdan ko lamang mga iyon ay nawawala ang lungkot ko, kaya naman nagkasundo kami ni Elle dahil parehas nawawala ang pagod namin dito"

"So Elle pala pangalan ng babaeng kinekwento mo Grandma"

"Ayy oo, nakalimutan ko pala sabihin hahaha"

"Wala ka talaga gusto puntahan?"

"Wala apo, bakit di mo na lang ako tulungan sa farm? Ikaw ang mamitas ng mga bulaklak na ia-arrange para sa mga orders?"

"Sure Grandma, bukas ba tayo magsisimula agad?"

"No, bonding natin bukas, sa isang araw na lang tayo magpunta ng farm"

"Ok po, punta muna ako sa kwarto ko Grandma" tumango naman si Grandma at tumayo na rin sya para mailigpit na ng mga katulong ang pinagkainan namin.

Umakyat na ako sa kwarto ko at tinawagan ang secretary ko slash bestfriend na si Spencer

Ring… ring… ring…

"Yow man" sagot sa kabilang linya

"Any news for today?" seryosong tanong ko

"C'mon man, just relax there, ok? Ako na bahala dito sa kumpanya mo. Wag mo masyado intindihin mga nangyayari dito, you need to rest first"

"Whatever, so ano nga?"

"Wala PA naman nangyayari, so far wala pang kilos ang ahas"

"Just make sure na pagbalik ko dyan ay nahuli na ang ahas na yun, Spencer"

"Yes man, I'll make sure of that. Don't worry"

"Good. I'll hang up now"

"Ok, bye man. Mwahhh HAHAHA"

"Tsk, gay"

Hang up…

Kahit kailan talaga ang lalaking yun, sakit sa ulo. Kung di ko lang bestfriend yun, tagal ko na pinalayas yun. Btw, he's not a gay. Malakas lang talaga topak nun

Kailangan mahuli na yung ahas nay un, siguro dapat ko ng ipatigil ang pakikipaglaro sa ahas na yun bago pa nya maubos ang pera ng kumpanya.

'Tama na ang paglalaro, gather all the evidence and submit that to Mr. Alcantara. He knows what to do already. ' ~sent to Spencer