webnovel

Young Billionaire's Possession

Lumaki si Elle sa isang bahay ampunan kung saan paglipas ng panahon ay siyang madalas niyang balikan. Sa lugar kung saan sya nagkaisip ay siyang lugar din kung saan nya makikilala ang lalaking mamahalin. Ngunit paano kung kailan hulog na hulog na sya tsaka naman magkakaroon ng hadlang sa relasyon nila?

Kore_Mikelle · Urban
Not enough ratings
39 Chs

CHAPTER 15

Elle's POV

Maaga pa lang ay gumayak na kami para maagang makapunta sa Sunflora Farm dahil excited si Camille na makita ang mga bulaklak.

Pagpasok naming sa Sunflora Farm ay tuwang tuwa namang tumakbo si Camille. Natawa naman ako dito dahil sa excitement nito at liit ng hakbang habang tumatakbo.

Sumunod naman ako dito ng nakangiti

Paglapit nya sa mga roses ay tumingin naman sya sa akin

"Mom, ang ganda ng mga bulaklak" sabi nya habang pumapalakpak at tumatalon

"Do you want to pick some flowers as your gift for Mama Candice?" tanong ko dito at tumango tango naman ito

"Later, we'll pick flowers before we go home" sabi ko dito ng nakangiti

Nagulat naman ako ng biglang may yumakap sakin mula likod at pagtingin ko dito ay si Aiden, kaya naman napangiti ako

"Mukhang masayang masaya si Camille" sabi nito habang nakangiti sakin

Habang tumatagal, mas nagiging gwapo sya paningin ko lalo na kapag nakangiti ito

"Paborito rin nya kasi ang mga bulaklak, gandang ganda sya sa mga ito. Nakuha nya siguro sa amin ni Mom, nang buhay pa si Mom, sya ang nag aalala madalas kay Camille lalo sa umaga, lagi syang dinadala nito sa mini garden nya para paarawan" paliwanag ko habang inaalala ang mga araw na kasama pa namin si Mom

"Hayaan mo, papalagyan ko rin ng garden ang bahay natin" sabi nito at kinindatan ako, natawa naman ako dito

"Bahay ka dyan, hindi pa naman ako pumayag na magsama tayo, advance ka masyado" natatawa kong sabi dito

"Dun naman tayo pupunta love, bubuo tayo ng sarili nating pamilya, bibigyan natin ng kapatid si Camille" sabi nito at hinalikan ako sa pisnge habang nakayakap pa rin sakin mula sa likod

"Ehem" narinig naming tikhim mula sa likod namin kaya naman naalis ko ang pagkakayakap sakin ni Aiden at tumingin kung sino ang tumikhim. Pagtingin ko naman ay si Lola Flora pala ito na sobrang lapad ng ngiti sa amin

"Di pa ba kayo magpapakasal at tuparin ang pinag uusapan nyo?" sabi nitong mukhang nang aasar

"Kanina ka pa dyan Lola Flora?" tanong ko habang namumula ang pisnge ko

"Medyo, hindi nyo naman ako napansin dahil may sarili kayong mundo dyan haha" natatawang sabi nya, napakamot naman ako sa batok ko at napaiwas ng tingin dahil sa hiya

"Hahaha wag ka na mahiya Elle. Ako na muna ang bahala kay Camille, mag-ikot na muna kayong dalawa" sabi naman nito at nagpunta sa pwesto ni Camille

"Want to go at the lake?" tanong ni Aiden pagkaalis ni Lola Flora

Tumango naman ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad habang magkahawak kamay

Habang papunta kami sa Lake ay napapansin kong nakatingin sa amin ang mga tauhan ni Lola Flora. Ang mga babae ay nakatingin kay Aiden kaya naman napahigpit ako ng hawak sa kamay ni Aiden. Napatingin naman sya sa akin then tiningnan ang paligid

Bigla naman nya inalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya napakunot ako ng noo at tumingala pala tingnan sya

Bigla naman nyang nilagay ang kamay nya sa kabilang bewang ko ay hinapit palapit sa kanya habang nakatitig sa akin at nginitian ako. Kinilig naman ako sa ginawa nya, siguro ay nakita nya ang mga nakatingin sa amin lalo ang mga lalaking tauhan

Sinandal ko naman ang ulo ko sa braso nya kahit na naglalakad kami

Gusto ko ipagsigawan sa lahat na sakin lang si Aiden, selfish man pero ayaw kong mawalan pa ulit ng mahal sa buhay

Ilang minutong paglalakad lang ay nakarating na kami sa likod ng Sunflora Farm kung saan nandun ang bahagi ng Laguna Lake.

Maganda ang pwesto dito dahil pinaayos ito upang mas magmukhang Paraiso ang paligid. Naupo naman kami sa bench sa tabi ng malaking puno at tinitigan ang ganda ng lawa.

Kumapit ako sa braso ni Aiden at sumandal dito, sinandal naman nya ang ulo nya sa ulo ko

"Sana ganito na lang tayo lagi, magkasamang nasa tahimik na lugar malayo sa magulong kabihasnan" sabi ko habang nakatitig pa rin sa lawa

"I also wish for that love, but we can't for now" sagot nya sakin habang hinihimas ang kamay kong nakakapit sa isang braso nya

"I know, we need to work for our future" sabi ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa braso nya

Habang tumatagal, mas gusto kong nakikita sya lagi. Ayokong malayo sya sakin. Natatakot ako na baka mawala pa sya sakin lalo na't nandyan si Mikka para sirain ang relasyon namin. Alam ko namang hindi ako lolokohin ni Aiden pero natatakot pa rin ako sa posibilidad at kayang gawin ni Mikka

"Love?" tawag ko dito

"Hmm?" sagot naman nya

"Gusto mo bang magsama na talaga tayo?" tanong ko na mukhang kinagulat naman nya dahil napatingin sa akin

"Bakit love? Payag ka na ba?" masayang tanong nya at inalis pagkakayap ko sa braso nya tsaka nya ako hinarap sa kanya

"Oo pero…" pinag iisipan ko kung sasabihin ko ba ang kondisyon ko

"Pero ano love?" nagtatakang tanong nya

"Salitan ng condo per week" nakayuko kong sabi

"Why? Bakit ayaw mo pang sa isang bahay na talaga tayo? Pero kung yun ang gusto mo, okay lang sakin ang mahalaga makasama at makita na kita araw araw" masayang sabi nito at niyakap ako kaya niyakap ko rin

Sorry Aiden pero may kailangan pa akong paghandaan bago ako tuluyang sumama sayo. Kailangan ko ng konting oras pa na ako lang para magawa ko ang mga plano ko.

.

.

.

Hindi rin kami nagtagal sa lawa at bumalik na kami sa loob ng farm para mananghalian, sigurado ay pagod at gutom na sina Camille at Lola Flora.

Pagbalik namin ay nakita namin silang nasa rest house at nag aayos ng mga bulaklak na pinitas nila at may ilang mga tauhan na nandoon para tulungan sila.

Nakita naman kami ni Camille kaya tumakbo ito palapit sa amin

"Mom!" sigaw nito habang palapit sa amin

Mukha namang nagulat ang mga tauhan na nandoon dahil sa pagtawag nito sa akin ng Mom, nginitian ko na lang sila at binuhat si Camille pagkalapit sa amin

"Kamusta naman ang baby girl ko? Nag enjoy ka ba kasama si Lola Flora?" tanong ko dito at hinalikan sa pisnge

"Opo, ang saya po namitas kami ng mga bulaklak tapos ang bait bait po ni Lola" masayang sabi nito

"Buti naman nag enjoy ang baby ko, hayaan mo sa susunod babalik tayo dito" sabi ko dito

"Yehey! Isama po natin si Mama sa susunod" masayang sabi nito habang pumapalakpak

Nakita ko namang mukhang naguluhan ang tauhan na nandoon na nakakarinig sa amin pero hindi ko sila pinansin na

"Pumitas ka na ba ng bulaklak na ipapasalubong mo kay Mama Candice?" tanong ko dito

"Opo, tinulungan po ako ni Lola, tas inayos nya rin po, ang ganda ganda po ng gawa ni Lola" masayang sabi nito

"Wow, sure na matutuwa si Mama nyan." Nakangiti kong sabi

Tumingin naman ako kay Lola Flora

"Hindi po ba kayo pinahirapan ni Camille?" nag-aalalang tanong ko

"naku, hindi Elle. Napakabait na bata nyang si Camille, hindi pasaway. Halatang tinuruan ng maayos" nakangiting sabi ni Lola Flora

"Buti naman po at hindi kayo pinahirapan nito haha. Talagang mabait nga po ito, masunuring bata po" nakangiti kong sabi

"Kayong dalawa, nag-enjoy ba kayo?" tanong nya samin ni Aiden

"Don't worry about us Grandma. We're always happy when we're together" nakangiting sabi ni Aiden at hinawakan ang bewang ko

Napangiti naman ako sa pwesto namin, para kaming isang pamilya. Buhat ko si Camille habang sya ay nasa tabi ko

"Mabuti naman, sabihan nyo ako kung kailan kasal. Ipaghahanda ko kayo ng mga bulaklak haha" pagbibiro ni Lola Flora

"Hayaan mo po Lola Flora, sasabihan ka po namin, at dito po gaganapin ang kasal dahil Garden Wedding ang wedding theme dream ko haha" pagbibiro ko rin dito

"Gusto ko yan Elle. Sana lang ay bilisan na nitong apo ko para naman bago ako mawala eh, makita ko pa kayong ikasal at magka anak" sabi nito at kinindatan kami

Nahiya naman ako sa mga tauhan na nasa paligid kaya napayuko ako

"Oh sya sya, tayo ay magsikain na muna ng tanghalian, kanina pa nagugutom iyang bata, panigurado ay kayo rin" pag iiba ng topic ni Lola Flora kaya naman pumasok na kami sa rest house at dumeretso sa dining area

Naabutan naman naming nakahanda na ang mga pagkain sa table kaya naupo na kami. Katabi ko naman sa upuan si Camille habang nasa tapat ko si Aiden

Nagsimula na kaming kumain at sinusubuan ko si Camille para hindi na sya magkalat. Hindi pa kasi ito marunong kumain ng hindi tumatapon ang pagkain

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na rin kami na aalis na dahil dadaan pa kami sa Guardian's Home.

Isang kotse na lang ang gagamitin naming ni Aiden, at napagkasunduan naming kotse ko na lang at ipapa drive na lang nya sa tauhan ni Lola Flora ang kotse nya pauwi sa condo nya. Kaya sya na ang magdrive ng kotse ko, pabor naman sa akin para hindi ako mapagod haha

Pagdating namin sa Guardian's Home ay bumaba na kami ng kotse at pumasok sa loob. Mukhang nasa loob ang mga bata dahil walang tao sa open field dahil na rin sa init ng araw. Wala ring sumalubong sa amin dahil hindi naman ako nagsabing pupunta ako ngayon kaya naman dumeretso na lang kami sa office ni Sister Ally.

Pagdating naming sa labas ng office nya at kumatok ako

Knock… knock… knock…

"Pasok" sabi ni Sister Ally mula sa loob kaya naman pumasok na ako at nakasunod sa likod ko si Aiden na buhat si Camille

Pagkakita naman sa akin ni Sister Ally ay napatayo ito

"Elle!" masayang sabi nito at lumapit sa akin at niyakap ako

"Kamusta Sister Ally? Sorry hindi ako nakapagsabing pupunta ako ngayong, biglaan lang din kasi" sabi ko sa kanya

"Ayos naman kami dito, Elle. Buti at napadalaw ka" sabi nito at napatingin sa likod ko

"Sino ang kasama mo, Elle?" nakangiti nitong tanong

"Sister Ally, Si Camille po pala, kapatid ni Candice at Si Kris po pala, boyfriend ko. Love, si Sister Ally, isa sa mga nag alaga sa akin noong nandito pa ako, ang Head ng Guardian's Home" nakangiti kong pagkakakilala sa isa't isa

"Buti naman may boyfriend ka na, Elle" sabi nito sa akin tsaka sya humarap kay Aiden

"Alagaan mo itong si Elle, napakabait na ba nyan. Tawagin mo na lang din akong Sister Ally" nakangiti nitong sabi kay Aiden at inabot ang kamay para makipag-shakehands

"Makakaasa po kayo Sister Ally, hinding hindi ko po sasaktan si Elle. Nice meeting you po" nakangiti ding sabi nito at inabot ang kamay ni Sister Ally

Napangiti naman ako sa sinabi nito, sana lang ay hindi nga ako nito saktan, hindi sana ako iwan nito kapag nalaman na nya ang totoo.

"Ang mga bata po Sister Ally?" tanogn ko dito

"Naku natutulog ang iba, ang iba naman ay nasa library para magbasa. Halika at puntahan natin sila para makalaro nila si Camille" sabi nito at lumabas na ng office nya kaya sumunod naman kami dito

Sa Hall kami nagounta para doon maghintay dahil ipapatawag na lang daw nya ang mga ito para hindi magkagulo sa loob ng library

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mga nagsisigawang bata

"Ate Elle! Ate Elle!" kabilaang tawag sakin ng mga bata kaya naman napangiti ako sa kanila

Paglapit naman nila ay niyakap nila ako kaya naman ginantihan ko ito

"Namiss ko kayo mga bata" nakangiti kong sabi

"Namiss ka rin po naming Ate Elle" sabay sabay na sabi nila

"Nga pala, may ipapakilala ako sa inyo" sabi ko sa kanila at tinawag ko naman si Aiden na lumapit sa amin at paglapit nila at pinakilala ko na sila

"Mga bata, ito nga pala si Kuya Kris at si Camille" nakangiti kong sabi

"Hello po Kuya Kris at Camille" sabi ng mga bata

Nakangiti naman si Aiden sa kanila at si Camille ay masayang nakatingin sa kanila. Ibinaba naman sya ni Aiden, at lumapit sa mga bata

"Kids, laro muna kayo kasama si Camille huh, ingatan nyo ang baby ko. Wag nyong paiiyakin haha" sabi ko sa kanila

"Opo Ate Elle!" sigaw nila at nagsimula na silang maglaro kasama si Camille

Kami naman ay lumapit muna kay Sister Ally para pag-usapan ang mga kailangang ipagawa sa mga facilities ng ampunan

.

.

.

Pagkatapos naming pag usapan ay nagpresinta naman si Aiden na tutulong din sya sa pagpapagawa ng facilities dito at personal syang maghihire ng mga construction workers at mga kailangang gamit. Ayaw pa sana pumayag ni Sister Ally noong una pero wala sya nagawa dahil mapilit si Aiden kaya naman nagpasalamat sya dito sa laking tulong na inalok nya.

Masaya naman ako para sa Guardian's Home dahil habang tumatagal mas gumaganda na ito, sana lang ay makilala na ito para ang mga bata ay magkaroon ng pag-asa na magkaroon ng sariling pamilya. Maranasan nilang mahalin ng isang magulang.

Naalala ko na naman sina Mom at Dad, kung hindi dahil sa kanila, hindi ko mararanasan ang mahalin ng isang magulang. Sobrang thankful talaga ako sa kanila kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko para malaman ang totoong nangyari sa pagkamatay nila at makuha ang hustisya.