webnovel

Teaser

You Don't Have to Die Yet

Teaser

Tick Tock Tick Tock Tick Tock

Tock Tock Tock Tock Tock Tock...

Nanghihina... nanghihina ako, oo... halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko. Pero itong ingay na paulit-ulit na pumapasok sa tenga ko, pinapadagdag pa ang kabang nararamdaman ko.

Tama na... tama na... Hindi na ako makapagsalita dahil sa mga sugat ko sa mukha. Naaaala ko pa kung pa'no niya sinugatan ang mga labi ko. Malambot, mariin, mahapdi, mapakla... ang matamis na nalalasahan ko'y napalitan ng pakla. Pinainit niya na ang labi ko, ngunit mas lalo pa itong lumiyab nang dumaloy ang dugo ko mula rito.

Tock tock tock tock tock tock tock

Ang ingay na ito ay nagmumula sa kutsilyong pinaglalaruan niya. Dama ko ang pagtambol niya rito sa mesang kinasusubsuban ng mukha ko. Tumigil din siya matapos ang ilang minuto. At ang sumunod ay ang pakarinig ko ng mga yapak ng kaniyang stiletto. Lumalapit siya sa 'kin.

"Hmmm? Natulog ka for almost twice an hour. Medyo na-bored ako. Anyway, I used that time naman to steam a meat bun. Now, eat..."

Narinig ko ang paghila niya ng stainless plate sa mesa palapit sa 'kin. Hindi ako kumibo. Sa sugat na ibinigay niya kamakailan lang, magagawa ko pa bang kumibo? Kahit ungol na nga lang ay hindi niya 'to maririnig.

"I'll help you eat. Umupo ka ng maayos," aniya, pero 'di ko naman magawang kumilos dahil sa namamaga na ang buong katawan ko. Para ba akong prutas na nalamog.

Dahil 'di ko nagawang kumilos, hinawakan niya ang buhok ko at hinila para makaupo. Ang backrest ng inuupuan ko ang sumuporta sa likod ko. Halos nakaawang na rin ang bibig ko at 'di pa rin ako makadilat ng maayos.

"You should not waste this. It's specially made for you. The meat that I used is a peculiar one. I must agree that it's a high-classed meat... I guess, special naman talaga siya sa 'yo."

Hindi maaari.... Another person is killed! And whoever this special someone, ayoko siyang kainin! Ayokong kumain ng tao!

Tanging luha na lang ang sumenyas mula sa mukha ko. Gustuhin ko mang magsalita at mag-rant sa kaniya, hindi ko naman magawa. I attempted once, but I failed. And that bravery brought me to this situation - useless at hindi makatulong. Makatulong nga ba? Itong lunatic na 'to ang nakikinabang sa mga tulong ko. Gusto kong tulungan ang mga taong mahal ko, pero siya... this psycho is gaining something with my help.

"I'll let you choose for the second time... eat or I'll steam another friend."

○●○●

Yosh~ author here. This story is purely fictional. I'm not a cereal killer. This story might be disturbing to some, so I'm making signals here. Any names of people and titles of anything that are mentioned here came from my imaginative low-key mind. If there happens that someone or something familiar is in here, it's just a coincidence.

Includes~

• Brutal killing

• Torture

• Effing words

• Gay smooch

• Cannibalism

{So no kiddos or you'll be dead}

Update: Every Saturday, 8pm

Your Effing Playlist

• Fish in a Birdcage by Fish in a Birdcage

• Living Like That by Aimyon

• The Phantom of the Opera covered by Prague Cello Quartet

• Walhalla by Siip

• Minuetto by Luigi Boccherini

• Red High Heels by Tanya Chua

• L'Amour, Les Baguettes, Paris by Stella Jang

~(●=●)~

"A pawn will soon become a Queen, unless she was eaten."

©️ Fiery_Tail