webnovel

You Can Count On Me

You can always count on me. Always. My bestfriend.

Esrixx · Realistic
Not enough ratings
7 Chs

Seven

'Where are you? Why didn't you attend the meeting?!' agad kung nailayo sa aking tainga ang phone pagkasagot na pagkasagot ko palang.

"May importante kasi akong inasikaso, Chairman. I'm sorry. Wag po kayong mag alala, nabasa ko naman na po yung topic before the meeting." I smirked. "You know me naman po, I rather study alone than to waste my time there, alam niyo namang hindi ako makikinig."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Chairman s kabilang linya. 'Yes, I know. Fine, hindi na ako magagalit but you should recite to me the whole topic tomorrow!'

"What?! Chairman naman! That's too much! I'm not even included in that surgery." pag aangal ko. Napalakas yata ako boses ko dahil nakita kung nilingon ako ni Chloe. Maybe I should lower my voice. "Come on, Chairman! That's not fair. Promise po! Promise binasa ko na talaga yung topic!"

Muli kung narinig na napabuntong hininga si Chairman. "Fine, fine! Hindi na but you should attent the next meeting! Don't dissapoint me, James!" tsaka niya binaba ang tawag. Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.

Matamlay akong bumalik sa table namin. Nakatitig sa akin si Chloe habang kumakain siya. Ibinagsak ko ang katawan sa upuan na nasa harapan niya. Aish!

"Oh, bat parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa diyan?"

Umiling ako. "Wala. About lang sa trabaho."

Nakita ko namang napatigil siya. "Trabaho? Anong nangyari? Nakahanap ka na ba ng trabaho mo?" kunot noong tanong niya.

My body froze. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tinanong niya. Namawis ang kamay ko at kahit mahangin, naramdaman ko parin ang pawis na tumutulo sa noo ko. Taena, Kyle! Ang daldal mo talaga.

"Ahh, hindi. Ano kasi...hindi pa! Hindi pa ako nakakahanap ng trabaho." nagmamadali kung sagot. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo dahil sa pagsisinungaling ko sa kaniya. Mahigpit kung hinawakan ang kamay kung namamawis.

Nakita kung tumaas ang kilay niya. "Then sino yung kausap mo kanina?"

Napalunok ako sa tanong niya. "Kaibigan! Kaibigan ko!" nagmamadali kung sagot. Mas kumunot ang noo niya. Taena!

"Kaibigan? Sino naman?!"

"Si... Si ano... Si..." sino ba, Kyle?! Yan kasi! Sige, sinungaling pa!

"Si Nicole!"

Napatigil siya. "Nicole?" aniya na halatang naguguluhan. "Oo, si Nicole."

Putek, Kyle! Sinong Nicole?! Wala naman akong kilalang Nicole!

She stayed silent for a second pero nanatiling nakakunot ang noo niya. Ng bigla na lang siya napatayo. "Si Nicole Alcantara!? Yung kaklase natin nung highschool?!"

Dahil sa gulat ko ay agad akong napatango. Huli na ng marealize ko ang ginawa ko. Aish! Bahala na nga! "S-Siya nga."

Mas pinagpawisan ako ng tignan niya ako ng masama. "Anong mayroon sa inyo ng babaeng yun? Diba alam mong nakaaway ko yun nung highschool tayo! Tapos ngayon magkaibigan na kayo?!"

Damn! Hindi ko na nga maalala na may Nicole pala kaming kaklase nung highschool! Ang tanga naman kasi, Kyle! Sa dami ng pangalan na masasabi mo, yung naging kaaway pa talaga ni Chloe! Bwesit!

"Ahh hindi naman talaga kami magkaibigan, parang magkakilala lang, ganun."

Halata sa kaniyang hindi siya naniniwala sa akin. "Tsk! Eh bat alam niya number mo?!"

"Hindi ko alam!" depensa ko. Hindi ko naman talaga alam.

Napaiglad ako ng bigla niyang hampasin ang lamesa. "Anong hindi mo alam?! Paano niya malalaman ang number mo kung hindi mo sasabihin!?"

"Hindi ko nga kasi talaga alam! Nagulat nga ako ng tumawag siya."

Padabog siyang umupo sa dati niya upuan. Nilibot ko ang paningin ko at maraming tao ang nakatingin sa amin dahil sa nangyari. Tinignan ko siya ulit. Nakapikit na siya at mabilis ang paghinga niya. Mukha ngang nagalit ko si Chloe. Bigla tuloy akong nakonsensiya. Ngayon, hindi na lang isa ang kasinungalingan ko sa kaniya, pati na rin yung kay Nicole.

"Dude, okay ka lang?" tanong ko. "Wag mo muna akong kausapin. Mainit ang ulo ko." nakapikit niya paring sagot.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya hanggang sa dahan dahan siyang kumalma. Agad kung kinuha ang palamig ko at iniabot sa kaniya. "Oh, inumin mo para mahimasmasan ka." kinuha niya naman yun at madaling naubos.

"Kulang pa?"

Umiling siya sa sinabi ko at sa wakas, minulat niya na rin ang mata niya. "Uwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga." walang gana niyang sabi at tumayo.

Tumayo na rin ako at sinundan siya. Nauuna siyang maglakad sa akin habang nakasunod ako sa likuran niya. Hindi ako sanay ng ganito kami. Hindi ako sanay na tahimik si Chloe.

"Chloe?"

Napatigil siya sa paglalakad. Hindi siya humarap sa akin pero mukhang hinihintay niya kung anong sasabihin ko.

Lumunok muna ako bago tuluyang nagsalita. "Galit ka pa ba?"

Narinig ko ng kaniyang pagbuntong hininga. Then she shakes her head. "Hindi ako galit. Tara na." tsaka siya muling naglakad.

Ng makarating kami sa paradahan ng tricycle, agad siyang sumakay sa isa sa mga yun. Napabuntong hininga ako. Papasok na rin sana ako sa loob ng magsalita siya. "Doon ka na sa likod. Ayaw kitang katabi."

Pakiramdam ko ay nasugatan ako dahil sa sinabi niya. Napapikit ako at muling napabuntong hininga. Naninikip ang dibdib kung minulat ang mata tsaka pumunta sa likuran upang doon sumakay.

....

Ng makarating kami sa apartment niya, agad siyang bumaba. Bumaba rin ako para sundan siya. "Kuya, teka lang ah." sabi ko sa nagdridrive.

Hindi pa siya tuluyang nakakapasok ng hawakan ko siya sa braso. "Dude..."

Napatigil naman siya pero hindi siya tumingin sa akin. Likuran niya ang nakaharap sa akin. "Bakit?" simpleng sagot niya.

"Wag ka ng magalit sa akin, please. Sorry na, dude." saad ko kahit alam kung hindi niya ko papakinggan. Ganito kasi si Chloe, wala siyang pinapakinggan pag galit siya.

"Umuwi ka na, Kyle. Aakyat na rin ako."

Parang tinusok ng karayom ang dibdib ko ng tanggalin niya ang pagkakakapit ko sa braso niya. Tinawag niya rin ako sa pangalan ko na hindi niya naman kadalasang ginagawa.

Pakiramdam ko ay bibigay ang tuhod ko habang pinapanood siyang pumasok ng kaniyang apartment. Ayaw ko ng ganito. Hindi ako sanay na galit siya sa akin.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko plinanong bumalik sa tricycle. "Goodnight, Chloe." huling bulong ko bago ako tumalikod at sumakay.

Tulala lang ako habang umaandar ang sasakyan. Si Chloe lang ang nasa isip ko. Kailan kaya huhupa ang galit niya sa akin? Paano ko sasabihin sa kaniyang hindi ko naman talaga nakausap si Nicole? Paniguradong mas magagalit siya pag nalaman niyang nagsinungaling ako. Baka habang buhay na kaming hindi mag usap.

....

Wala parin ako sa sarili kahit andito na ako sa sarili kung apartment. Kanina pa ako nakarating at kanina pa rin ako nakatitig sa tv na hindi naman nakabukas. Tinititigan ko yun na para bang andoon ang sagot sa problema ko.

Ano ng gagawin ko? Hindi kami pwedeng bumalik sa probinsiya ng hindi kami bati.

Suko akong napabuntong hininga at pumunta na sa aking kwarto. Ibinagsak ko ang katawan sa kama kahit hindi pa ako nakakapagbihis. Parang wala akong lakas na kumilos. I feel so drained.

Kinuha ko ang phone ko at picture naming dalawa ni Chloe ang bumungad sa akin. Nakaakbay ako sa kaniya at nakayakap siya sa beywang ko pero nakawacky kaming dalawa.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Ito yung araw na wala kaming prinoproblema eh. Yung araw na marami kaming oras sa isa't isa. Araw na hindi kami mapaghiwalay hiwalay. Isa sa mga pinakamahahalagang araw na nangyari sa buhay ko.

The day when we graduated in college. Araw kung saan tuluyang nagsimula ang buhay namin.

I sighed. Pumunta ako sa messages at agad na minessage si Chloe.

To: Pangit

Dude, sana hindi ka na galit sa akin. Sige hindi muna kita kakausapin. Kilala kasi kita eh. Hindi ka makikinig sa akin hanga't may galit ka pang nararamdaman. Matulog ka na at magpahinga ah. Beauty rest, dude. Wag ka ng magpupuyat at magpray bago matulog. Wag mo ring kakalimutan na i-lock ang room mo. Mag iingat ka diyan at kung may kailangan ka naman, andito lang ako, tawag ka lang sa akin. Goodnight na. Sleep well. Loveyou.

Then I press send. Sana basahin niya yung message ko. Hayss.

Binaba ko ang phone ko at tumitig na lang sa kisame ng aking kwarto. Bumalik sa alaala ko ang mga sinabi niya kanina.

'Anong mayroon sa inyo ng babaeng yun? Diba alam mong nakaaway ko yun nung highschool tayo! Tapos ngayon magkaibigan na kayo?!'

'Eh bat alam niya number mo?!'

'Paano niya malalaman ang number mo kung hindi mo sasabihin!?'

Nanlaki ang mata ko sa biglang pumasok na ideya sa isip ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at namawis ang kamay ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Para kasing pinagloloko ko lang ang sarili ko. Imposible naman kasing maramdaman ni Chloe sa akin yun. Oo, mahal niya ako pero bilang kaibigan lang.

Dapat na ba akong umasa...na baka nagseselos siya kanina?