webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Not enough ratings
55 Chs

Chapter 50

Lumapit si Scarlet sa lamesa nina Nathalie at Lorena. Binati niya ito at binigyan ng isang napakalambing na ngiti...

"Hello there Nathalie..." ani ni Scarlet

Umismid lamang si Nathalie at hindi binigyang pansin ang sinabi ni Scarlet. Samantala masama naman ang tingin ni Lorena kay Scarlet.

"Mukhang natameme ka ata? Kanina ang sigla sigla mo na ipahiya ako.. anong nangyari sayo?" Ani ni Scarlet

"Pwede ba SS nanahimik kami dito!" Ani ni Lorena

"Excuse me? Ikaw ba ang kinakausap ko?" Tugon ni Scarlet

Nag-init na si Nathalie, napatayo ito sa kanyang pagkakaupo at hinarap si Scarlet.

"Mayabang ka lang kasi ikaw ang boss ko!" Ani ni Nathalie

"Oops... nagkakamali ka ata... hindi ako ang boss mo.." tugon ni Scarlet

"Anong ibig mong sabihin?" Ani ni Nathalie

"Hindi ba nasabi sayo? Nako masyado ka na palang late sa balita... sige sasabihin ko na sayo... si Ana ang boss mo hindi ako.." tugon ni Scarlet

"What? Pinaglalaruan mo ba ako?" Ani ni Nathalie

"Bakit naman kita paglalaruan? Hindi ko naman ugali ang makipaglaro sa isang taong kagaya mo" tugon ni Scarlet

Hindi na nakapag timpi si Nathalie, nabuhat niya ang kanyang kamay at nagmimistulang isasampal kay Scarlet, subalit napigil ito ng magsalita si Scarlet..

"Oooppsss. Siguraduhin mong tatama yan.. dahil kapag ako ang naningil pabalik baka hindi mo magustuhan.." ani ni Scarlet

"Bwisit ka talaga Scarlet! May araw ka din. Pinapangako ko hahanapan kita ng baho!" Tugon ni Nathalie

"Sige lang... hihintayin ko ang pagkakataong iyon.." ani ni Scarlet

Nagpaalam na si Scarlet sa dalawa na may halong pang-aasar para kay Nathalie.

"Ok i need to go.. James is waiting.. sayang naman ang suot kung hindi niya ako mapapagmasdan.. bye..." ani ni Scarlet

Nakangiting tumalikod si Scarlet sa dalawang magkaibigan. Nakaikom naman ang kamay ni Nathalie habang nanginginig sa galit. Sinundan niya ng tingin si Scarlet at kay James nga ito nagpunta.

"Bwisit!! Bwissiitt ka talaga!!!" Sambit ni Nathalie sa kanyang sarili

Nahuli ni Scarlet na tumitingin sa kanila si Nathalie, kaya tumawag siya ng waiter at nagpalagay ng lamesa malapit kina Nathalie at Lorena. Maya maya naman ay lumipat na si Scarlet at isinama si James.

"Take a sit.." ani ni James

"Thank you James.." tugon ni Scarlet

Hindi napansin ni James na nalilikuran nila sina Nathalie. Kaya sa harap ni James pumwesto si Scarlet upang makita siya ng husto ni Nathalie. Kumaikain ang dalawa sinubuan ni Scarlet si James.

"Try this James..." ani ni Scarlet

"Humm... its good.." tugon ni James

May kaunting kayat sa may labi ni James kaya naman inabot ito ni Scarlet at pinunasahan ng kanyang hinlalaki. Kitang kita ni Nathalie ang mga malalagkit na galawan ni Scarlet, kung kaya hindi niya maiwasan ang magselos.

"Hayop talaga yang babaeng yan! Talagang sa harapan ko pa!!" Ani ni Nathalie

"Ano ka ba! Wag mo na lang kasing pansinin.." tugon ni Lorena

"Nanadya na kasi!" Ani ni Nathalie

"Oh alam mo naman pala sinasadya.. dapat alam mo kung paano hindi matamaan"tugon ni Lorena

Patuloy pa din ang dalawa sa pagpupulong, nagkakatawanan sila paminsan-minsan. Kaya naman hindi na nakatiis si Nathalie at tumayo ito sa kanyang upuan. Dumeretso sa kuhanan ng alak habang nakatingin kay Scarlet, pagbalik niya may dala itong isang extrang wine glass.

"Hi James for you.." ani ni Nathalie

Napatingin si James kay Nathalie. Hindi niya inakala na lalapit sa kanila si Nathalie, kaagad namang sumagot si Scarlet.

"Nag-abala ka pa... hindi mo ba nakikita 2 bote pa ng wine ang meron kami?" Ani ni Scarlet

"Hindi ko naman sinabing para sayo ang dala ko. Kaya pwede ba tumahimik ka?" Tugon ni Nathalie

Naguumpisa na muli ang kaunting bangayan nina Scarlet at Nathalie, tumayo si Scarlet dahan-dahan.

"Wala ka bang date?" Ani ni Scarlet

Hindi sumagot si Nathalie, habang nagtitimpi sa kanyang sarili..

"Oo nga pala.. nakalimutan ko...sorry ha.." ani pa ni Scarlet

"Sumusobra ka na!" Giit ni Nathalie na akmang sasabuyan ng alak si Scarlet

Sasabuyan sana ni Nathalie ng alak si Scarlet subalit hindi niya ito nagawa sapagkat...

"Sige subukan mo! Oras na mabasa ako ng alak mo basag sa pagmumukha mo ang boteng hawak ko!" Ani ni Scarlet

"Lahat na lang ba kukuhanin mo sa akin?" Ani ni Nathalie

"Excuse me?? May kinuha ba ako na hindi sa akin?" Ani ni Scarlet

Napatingin si James sa pagkakasabing ito ni Scarlet. Tila nahiwagaan siya mga salitang binitiwan ni Scarlet gayon din si Nathalie. Dumating naman si Tom sapagkat natanaw niyang nakatayo sina Scarlet at Nathalie. Sumunod naman kaagad si Ace.

"Everything is ok?" Ani ni Tom

"Yes Tom everything is ok .." tugon ni Scarlet

"Would you please excuse us?" Ani ni Tom sa lahat

Isinama ni Tom si Scarlet sa washroom. Batid niya na medyo nalalasing na ito. Naiwan naman sina Ace, James at Nathalie.

"Nakita mo na James? Ikaw ang kasama pero iniwan ka pa din!" Ani ni Nathalie

"Alam ko.. at may tiwala ako kay Scarlet.. kaya sige na bumalik ka na sa kasama mo." Tugon ni James

"Magsama-sama kayong lahat!" Ani ni Nathalie

Umalis na nga si Nathalie patungo sa kanyang kaibigan. Nagkaroon naman ng pagkakataon na mag-usap sina James at Ace.

"Pwede magtanong Ace?" Ani ni James

"Sige ano yun?" Tugon ni Ace

"Anong meron sa inyo ni Scarlet?" Tugon ni James

Nagulat si Ace sa tanong na ito ni James. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanya ang totoo kaya naglihim na lamang siya.

"Lawyer niya ako.. yun lang. Bakit?" Ani ni Ace

"Wala lang gusto ko lang maging malinaw sa akin ang lahat sa kung anong meron sa inyo ni Scarlet. Alam mo na.. gusto ko na siyang pormahan."tugon ni James

"Ok so my the best man win! Sige balikan ko lang si Ana" ani ni Ace

Napangiti si James sa naging hamon sa kanya ni Ace. Bumalik naman si Ace kay Ana upang may makausap, ilang saglit pa naman ay bumalik na sina Scarlet at Tom.

"Thank you Tom..." ani ni Scarlet

"No worries.. enjoy the party but dont drink too much" tugon ni Tom

Nagpatuloy sa inuman sina Scarlet at James, samantala nagkaroon naman ng sayawan sa gitna ng venue. Natanaw ni Scarlet na nagsasayaw sina Ana at Ace, natuwa naman siya para sa kanyang kaibigan.

Pinagmamasdan ni James si Scarlet habang nanood sa dalawa. Kaya naisipan ni James na isayaw si Scarlet bago matapos ang gabing iyon.

"Pwede ba kitang maisayaw?" Ani ni James

"Sure..." tugon ni Scarlet

Nagtungo sila sa dance floor at pagdating nila doon biglang nagbago ang musiko. Naging sweet ito, dahil gusto ng lahat ng empleyado na makita nila si Scarlet na sumayaw nagpasya silang lahat na maupo kaya naman naiwan silang dalawa sa gitna.

Kitang kita naman ni Nathalie ang namumuong chemistry ng dalawa kaya mas lalo pa siyang nagselos. Dahil dito napilitan na siyang umalis kasama ang kanyang kaibigan.

"Nakatingin sila sa ating lahat.." ani ni Scarlet

"Because you look so beautiful!" Your amazing.." tugon ni James

Napangiti si Scarlet.. lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.. upang maiwasan ito tumingin na lamang siya sa paligid at napansin niyang masaya ang lahat sa naging party na ito. Halos hindi niya naramdaman ang pagod sa kabila ng mga ngiting nakikita niya.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts