webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Not enough ratings
55 Chs

Chapter 33

Malungkot na sumakay ng eroplano si Sam kasama ang anak na si Markuzz. Hindi niya akalain na magkakaroon pa ng ibang pamilya si James. Akala niya silang dalawa lang ni Markuzz subalit nagkamali siya.

Muling nagtapo naman ang landas nina Scarlet at James. Tila sinasadya na ni Tadhana ang ganitong tagpo. Namimili ng souvenir si Scarlet at ng aktong pipili siya, iyon din ang napili ni James kung kaya't sabay nilang nahawakan ang produkto.

"I like this.." ani ni Scarlet

"Bagay to sa kanya" sambit ni James sa kanyang isipan

Napatingin sila sa isa't-isa, at nagulat. Hindi nila akalain na magkikita sila dito sa isang public market.

"James.. anong ginagawa mo dito?" Ani ni Scarlet

"May nakapagturo kasi sa akin na maganda raw ang mga souvenirs dito.. ikaw anong ginagawa mo dito?" Tugon ni James

"Sabi din kasi sa hotel dito nga daw ako magpunta, ang ganda no?" Sabay pakita ng hawak niya

Sa isip-isip ni James, yun sadya ang bibilhin niya para kay Scarlet dahil alam niyang magugustuhan niya ito. At hindi nga siya nagkamali, gusto nga niya ito. Napangiti na lamang siya at napailing.

"Bakit ka tumatawa?" Ani ni Scarlet

"Ah wala.. ang ganda lang kasi ng nakikita ko." Ani ni James

Nagtaka si Scarlet sa sinabing ito ni James. Maya maya ay naisipan ni James na ayain niya si Scarlet na sabay na silang mag lunch.

"May gagawin ka ba after dito?" Ani ni James

"Wala naman bakit?" Tugon ni Scarlet

"Pwede ba kita yayain mag lunch?" Ani ni James

"Sure.. pero anong meron?" Tugon ni Scarlet

"Wala lang gusto ko lang ng kausap" ani ni James

Tumango lang si Scarlet, at nagpatuloy sa pagmamasid sa mga souvenirs. Matapos siyang mamili ay nagtungo na agad sila sa isang restaurant. Pag dating nila doon, kaagad na silang nag order. Habang nag hihintay naman ng order, itinuloy nila ang kanilang kwentuhan.

"James?" Ani ni Scarlet

"yes?" Tugon ni James

"Nasan na sina Sam at Markuzz?" Ani ni Scarlet

Napatingin si James kay Scarlet. Nagtaka ito kung bakit niya hinahanap.

"Flight na nila ngayon. Bakit mo natanong?" Tugon ni James

"Bakit hindi mo sila hinatid?" Teka pano pala kayo nagkakilala?" Ani ni Scarlet

"Seryoso ka? Ito ba talaga paguusapan natin?" Tugon ni James

"Oo gusto ko lang malaman.. pero kung hindi pwede ok lang.." ani ni Scarlet

Maya maya naman ay dumating na ang order nila. Wala namang nagawa si James kung hindi ang ikwento kay Scarlet ang lahat tungkol sa kanila ni Sam.

"Ok...ok sige ikukwento ko na" ani ni James

🖤🖤🖤 FLASHBACK 🖤🖤🖤

🖤JAMES AND SAM🖤

Makaraan ang ilang araw matapos masagot ni Jake ang tawag ni Sam, muli niyang tinawagan si James at nagkataong hawak naman ni James ang kanyang telepono kung kaya nagkausap sila ng masinsinan.

Rrrrrriiiiinnnnggggg....

"Sam..."

-James

"Pwede ba tayong mag-usap?"

-Sam

"Sure para saan ba?"

"Tungkol kay Markuzz... lumalaki na ang bata, darating ang panahon na maghahanap na ito ng kanyang tatay"

Nabigla si James sa sinabing ito ni Sam, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ng mga oras na iyon.

"Pero Sam alam mo naman ang sitwasyon ko diba? May boyfriend ako.. mahal ko si Jake, ayaw ko naman na magkakaaway kami."

"Alam ko James... pero kailangan ka din ng anak natin."

"Susuportahan ko na lang siya.. ako na ang bahala sa anak natin."

"Hindi lang maman sa pera James nasusukat ang pagiging ama. Kaya kong suportahan ang anak ko. Pero ang hindi ko kaya ay ang lumaki na walang ama ang anak ko!"

Gulong-gulo na ang isipan ni James. Magkaaway pa sila ni Jake ng mga araw na ito kung kaya't hindi kaagad siya makapag desisyon ng hindi alam ni Jake. Subalit dala ng konsensiya niya nagdesisyon siya para sa ikabubuti ng kanyang anak.

"Ok Sam... ipakilala mo ako bilang ama sa kanya. Gagawa ako ng paraan para mabuo tayong tatlo."

"James.. kahit para sa anak mo na lang alam kong mahirap ang hinihingi ko.. alam ko makakasakit ako pero anak ko na ang pinag-uusapan dito. Kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya."

"Naiintindhan ko.. sige na ako na lang ang tatawag para mangumusta. Hahanap pa din ako ng tiempo para makapag usap kami ni Jake"

"Salamat James... salamat"

🖤 END OF FLASHBACK 🖤

Hindi makapaniwala sa kwentong iyon si Scarlet. Natahimik na lamang siya sa kanyang kinauupuan. Napansin siya ni James kung kaya't kaagad siyang tinanong.

"May nasabi ba akong mali?" Ani ni James

"Ah wala.. medyo sumama lang ang pakiramdam ko"tugon ni Scarlet

"May gusto ka? May gamot ka bang dala? Ano gusto mong gawin ko??" Ani ni James

Narindi si Scarlet sa mga sinasabi ni James kung kaya't napatampal siya sa mesa.

"Wala! Wala kang maiitulong! Sige na uuwi na ako!" Giit ni Scarlet

Nagulat ang lahat ng tao sa restaurant, maging si James ay hindi din maipaliwanag ang naging reaksyon ni Scarlet. Lumabas na si Scarlet ng Restaurant at kaagad kumuha ng taxi patungo sa kanyang hotel.

Habang nasa sasakyan hindi mapatid ang mga luhang bumabagsak mula sa malungkot na mga mata ni Scarlet.  Naaalala pa din niya ang lahat ng mga kwinento ni James. Kahit ang driver ay hindi maiwasan ang mapatingin sa kanya. Kung kaya't iniba nito ang direksyon ng sasakyan.

"What are you doing??? Where are we going??" Ani ni Scarlet

Hindi siya pinansin ng Driver at tuloy-tuloy lamang sa pagmamaneho.

"Stop the car! I swear i will call a police!!" Ani muli ni Scarlet

Hindi nagtagal ay inihinto ng driver ang sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Kaagad naman siyang bumaba..

"Sige na iiyak mo na ang lahat" ani ng Driver

Nagulat si Scarlet ng malaman niyang pinoy ang driver niya. Dinala siya nito sa isang lugar kung saan pwede siyang sumigaw ng malaka at ilabas ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.

"Pero pano??" Ani ni Scarlet

"Dito ako nag pupunta kapag punong puno na ako.. sinisigaw ko ang lahat para kahit papaano mabawasan ang dinadala ko.." ani ng Driver

Sumigaw na ang driver... nakikinig siya at damang dama nito ang bigat ng mga salitang pinakawalanan nito. Kaya mayamaya naman ay si Scarlet na ang sumigaw.

"AYOKO NA!!!! PAGOD NA PAGOD NA AKO! PAGOD NA AKONG MAKARINIG NG MGA KASINUNGALINGANG ITINAGO SA AKIN! PAGOD NA AKONG MAGING AKO... PAGOD NA PAGOD NA AKO..... TAMAAAAAAA NAAAAAA!!!!"

Mga sigaw na pinakawalan ni Scarlet. Napaluhod siya at napahagulhol ng iyak. Maya maya ay itinayo siya ng driver at binigyan ng panyo. Matapos mahimasmasan ay kaagad ng umalis sa lugar upang makabalik na sa hotel si Scarlet.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts