webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Not enough ratings
55 Chs

Chapter 20

Makalipas ang tatlong araw, Nagtagpo ang landas nina James at Scarlet sa isang mall. Napatigil sila sa kanilang kinatatayuan, bumati naman si James ngunit hindi siya pinansin ni Scarlet.

"Scarlet..." ani ni James

Dumeretso siya ng lakad, ni hindi niya nilingon si James. Kaya sumunod sa kanya si James, pumasok siya sa bilihan ng damit at nagtingin tingin siya doon at nang kukunin na niya ang hanger ng damit, nagulat siya ng biglang magsalita si James.

"Iniiwasan mo ba ako?" Ani ni James

"Ah.. eh... hindi... nagmamadali lang siguro ako." Tugon ni Scarlet

"Nagmamadali? Bakit? kasi nakita mo ako?" Ani ni James..

Ibinalik ni Scarlet ang hawak niyang damit. Hindi na muli niyang sinagot ang tanong ni James. Subalit makulit pa din si James, sinundan muli niya si Scarlet. Habang pumipili ng damit...

"Yan bagay yan sayo.." ani ni James

"James... pwede ba... tigilan mo na ako..." ani ni Scarlet

"Tigilan? Wala naman akong ginagawa.." tugon ni James

"Basta please... James..." ani ni Scarlet

"Ah... alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan..gawa ba ito sa kiss noong isang araw?" Tugon ni James

Hindi siya pinansin ni Scarlet, kaya katulad ng kanyang ginagawa sinundan pa din niya ito...

"So dahil nga ito sa kiss.." tanong ni James

"Oo! Ok na??" Ani ni Scarlet

Napangiti si James sa sinabing ito ni Scarlet. Samantala nagblush naman ang mga pisngi ni Scarlet ng masabi niya ito. Maya maya pa ay tinanong siya ni James..

"Apektado ka ata.. gusto mo ba ako?" Ani ni James

"Hindi... hindi kita gusto sige na si Nathalie paparating." Ani ni Scarlet

Lumingon si James sa kanyang likuran, hinanap si Nathalie subalit wala ito. Pagbalik  niya sa kanyang harapan, wala na si Scarlet. Napakamot lamang siya sa kanyang ulo at umalis na din. Samantala nagtago lamang si Scarlet sa isang fitting room.

Nakakita na si Scarlet ng kanyang susuotin para sa kanyang ball party. Ito ay party para sa lahat ng empleyado ng kanyang hotel. Habang nasa Cashier, nagmessage si Tom, binayaran na muna niya kaagad ang binili at saka sinagot ang chat ni Tom habang naglalakad.

"Hi hon"

-tom

"Hello hon.. kumusta ka? Can i call?"

-Scarlet

"No hon... nasa work ako, i just checked you.. i miss you hon.."

"Ok hon.. i missed you too.. comeback soon"

"Back to Work hon.. ingat ka Iloveyou...."

"I love you too hon"

Habang naglalakad nga ay nagchachat si Scarlet kay Tom, hindi niya napansin na may kasalubong siya. Ito ay ang kaibigan ni Nathalie, Kaya nabangga niya ito ng hindi sinasadya.

"Ooopsss sorry..." ani ni Scarlet

"Ano ba yan hindi tumitingin sa dinadaanan." Ani ni Lorena

"Nag sorry ako.. alam kong mali ako..." ani ni Scarlet

"Sa susunod kasi mag iingat.. chat ka ng chat kaya ka nakakabangga." Ani ni Lorena

Napuno si Scarlet sa paulit-ulit na pagbubunganga ni Lorena kung kaya...

"Gusto mo samahan kita sa clinic? Masyado ka atang nasaktan sa pagkakabunggo ko sayo ng paper bag ko" ani ni Scarlet

"Ampp... so ngayon ako pa ang mali??" Ani ni Lorena

"Sino ba ang nagpalalaki ng gulo? Diba ikaw? So hindi ko na kasalanan.." ani ni Scarlet

Tumaas ang kilay ni Lorena at kaagad din siyang tinaasan ng kilay ni Scarlet. Wala ng naiimik si Lorena kung kayat umalis n si Scarlet. Mayamaya naman ay dumating na si Nathalie.

"Oh bestie bakit isang bakol ang pagmumukha mo?" Ani ni Nathalie

"May isang babae, nabangga niya ako kakachat napakaarte porke napakanda at sexy!" Tugon ni Lorena

"Kilala mo ba?" Ani ni Nathalie

"Hindi eh...." tugon ni Lorena

Malakas ang kutob ni Nathalie na si Scarlet ito. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang telepono at hinanap ang picture ni Scarlet. Pagkakita ay kaagad niyang ipinakita ito kay Lorena.

"Siya ba bestie?" Ani ni Nathalie

"Ay oo puta siya nga... teka bakit mo kilala" tugon ni Nathalie

"Siya lang naman ang langaw na aaligid-aligid kay James" ani ni Nathalie

Humanap sila ng bakanteng upuan sa mall at saka sila nagkwentuhan patungkol kay Scarlet. Matapos ilahad ang kwento, tumayo na ang dalawa at naghanap na ng kanilang damit para sa party ng kanyang anak.

Nakarating na sa bahay si Scarlet, maya maya ay Nakatanggap siya ng mensahe mula kay James.

"Bigla ka na lang nawala na parang bula"

-james

"Hindi naman ako nawala, sadyang hindi ka lang marunong maghanap"

-Scarlet

"Hinanap kita kaso wala eh..."

-james

"Kung hinanap mo ako sana nakita mo ako sana alam mo kung nasan ako"

-Scarlet

"Sorry na..."

-james

"Ok lang sanay naman ako na hindi ako hinahanap"

-Scarlet

Natapos ang usapan nila, humiga sa kama si Scarlet at nagmuni-muni. Bigla niyang naalala ang secret room ni Tom, kaya maingat siyang nagtungo dito upang hindi siya makita sa hidden camera.

Nang makapasok na siya sa loob nagmasidmasid siya. Hanggang sa mahawakan niya ang isang photo album na may nakalagay na

"amor de mi vida"

[ Love of my Life ]

Binuksan niya ang album, binasaha ang paunang bahagi nito, nakasaad dito ang isang sulat ni Tom na ginawa niya ang album na ito para sa kanyang pinakamamamahal na babae.

Sinunod niyang buksan ang ikalawang pahina, doon niya nakita ang kanyang mukha at ang buong pangalan.

Stephania Scarlet Guerero

January 24, 1994

July 21, 2019

Nagulat siya sa kanyang nakita, tunay pala ang Scarlet na binuo sa kanya ni Tom. Napagtanto niya na halos isang taon lang ang nakakalipas ng mawala ito.

Nalungkot si Scarlet sa kanyang nalaman, habang dumeretso siya sa panonood maraming mga sweet memories ang dalawa, unti-unti ng napapalitan ng galit ang emosyon ni Scarlet.

Natapos na siyang manood. Tumayo at ibinalik sa dating lalagyan ang album.. mabigat ang nararamdaman ni Scarlet. Humarap siya sa isang salamin

"Bakit ako?? Bakit ako ang kailangan niyang gamitin?" Ani ni Scarlet sa kanyang Sarili

Galit at poot ang bumalot sa kanya. Lumabas na siya sa silid at tila ibang Scarlet ang lumabas dito. Nagbago na si Scarlet, wala na ang scarlet na nakilala natin noong una. Wala na siyang nasa isip kundi ang maghiganti sa lahat ng taong naging rason upang siya ay masaktan.

Masaktan ng paulit-ulit, umiyak ng walang masasandalan at ang mabasag ng mabasa habang unti-unti siyang nabubuo. Hindi niya sinabi kay Tom na alam na niya ang lahat. Itinago niya ito sa kanya upang alamin pa ang ibang katotohanan.

Maitatago ng magandang imahe ang sakit na dulot ng kahapon. Subalit hindi pa din maiiwasan kapag di tadhana na ang nagturo ng susi para malaman ang buong katotohanan sa kahapon haggang sa kasalukuyan...

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts