webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Not enough ratings
55 Chs

Chapter 17

Kinaumagahan, nasa baba ng lobby ng kompanya si Scarlet.. nag aabang siya ng delivery boy ng bulaklak galing kay Ace. Subalit wala siyang natanggap na kahit ano.

"Ok ka lang sissy..??" Ani ni Monica

"Oo sissy ok lang ako..." tugon ni Scarlet

Makalipas ang ilang minutong paghihintay wala ngang dumating. Kaya nagpasya na silang bumalik sa opisina.

Hawak na ni Ace ang baso at toothbrush na galing sa bahay ni Scarlet. Dinala ito sa isang experto upang ipasuri ang DNA. May hawak namang siyang original copy ng DNA ni Scarlet. Nakuha niy ito sa dati nitong pinagtrabahuhan.

Kailangan pa maghintay ng halos isang linggo bago pa makuha ang resulta, huminto na muna si Ace sa kakapadala ng kahit ano para kay Scarlet. Subalit wala sa bokabularyo niya ang huminto para alamin ang tunay na katauhan ni Scarlet.

Nagtungo naman si James para kausapin ang event organizer, at para maplano na din ang date reservation. Naghintay siya sa isang coffee shop at maya maya pa ay dumating na si Lucia.

"Buenos días señor soy su organizador de eventos"

(Good morning Sir! I'm your event organizer) ani ni Lucia

"Hola Lucia, gracias por venir"

(Hello Lucia, thank you for coming) tugon ni James

At doon na sila nag simulang mag usap. Ipinaliwanag ni James ang nais niyang concept para sa birthday ng anak nila. Nagkasundo ang dalawa, at nagkaroon na ng payment. Binayadan na ng buo mi James para mas maging maayos ang plano.

"Gracias James..." ani ni Lucia

Nagkahiwalay na ang dalawa at bumalik na sa kani-kanilang mga appointment. Dumeretso naman si James sa hospital para sa monthly check up ni Nathalie. Maselan ang pagbubuntis nito kaya kailangan lagi siyang nakasunod.

"Babe..." ani ni James

"Sunod na ako... kamusta ang lakad mo" tugon ni Nathalie

"Ok na ang lahat.. hihintayin na lang natin yung date ng birthday ni Jasmine." Ani ni James

"Talaga? Salamat ng marami babe.." tugon ni Nathalie

Hindi nagtagal ay tinawag na ng doctora si Nathalie. Naiwan siya sa labas kasama si Jasmine. Habang nasa loob kinuha ni James ang calling card ni Scarlet. Nakuha niya ito isingit ni Scarlet sa bill book noong huling nagkita sila..

Nagdadalawang isip siya kung tatawagan ba niya ito hindi. Subalit naglakas loob na lamang siya...

Rriiinnnnnnnnggggg.....

"Yes? Whos this??"

-scarlet

"It's me James..."

-james

"Oh bakit ka napatawag?"

"Wala lang gusto lang kita imbitahin sa 1st birthday ng anak ko.."

"Kelan ba??"

" in two weeks.. pwede ka ba?"

"Im not sure, may event ako that day, for my new hotel"

"Wow! Congrats.. but if you have time baka pwede ka sumilip para makita mo si Jasmine.."

"Sige pag may time ako but how about Nathalie?"

"Wag mo siyang problemahin, ako na ang bahala"

"Ok I'll try..."

🖤 END CALL 🖤

"Oh sinong tumawag?" Tanong ni Monica

"Si James.. iniinvite ako sa birthday ng anak niya" ani ni Scarlet

"Wow ha.. part ka na ng Family nila.." pabiro ni Monica

"Sissy ano ka ba..." tugon ni Scarlet

"Chillaxxx Sissy... so ano plano mo? Pano si Nathalie alam mo naman mahal na mahal ka noon" ani ni Monica

" haha iyon na nga ang iniisip ko... pero bahala na..." ani ni Scarlet

"At hindi ma kasi makahindi kay James... wag ako Scarlet... siya pa din ba??" Ani ni Monica

Natigilan si Scarlet sa tanong ng kaibigan.. napaisip siya sa kanyang sarili.. tila napapalapit na ang loob ni Scarlet kay James at gayon din sa kanya si James.

"Hay nako sissy tara na nga lang lumabas..." tugon ni Scarlet

Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan. Niyaya niya ito patungo sa isang Park para maglakad lakad.

Pagkatapos ng Check up ni Nathalie, nakipag meet siya sa kanyang kaibigan na si Lorena, kakarating lang uli niya galing sa bansa ng kanyang kabit.

"Kumusta na bestie ko??" Ani ni Lorena

"Heto makakadalawa na.." tugon ni Nathalie

"Akala ko dalawa? Nasan ang isa? Sino ang ama si James ba??" Ani ni Lorena

Hindi kaagad nakaimik si Nathalie. Mabilis ang bunganga ni Lorena, minsan walang preno sa madaling salita pranka ito..

"Aaah oo si James pa din" tugon ni Nathalie

"Teka bakit pala hindi mo kasama ang mag ama?" Ani ni Lorena

"Nagiiyak kasi kaninia si Jasmine.. kaya ayun ipinasyal ng kanyang ama sa park." Tugon ni Nathalie

Dumating na sa Park sina Monica at Scarlet. Nakarinig sila ng iyak ng bata... hinanap nila ito at ng masulyapan sa isang kubo, natanaw nila si James.

"Si James ba yun?" Ani ni Scarlet

"Nasan??" Tugon ni Monica

Lumapit si Scarlet sa kubo at sumunod din si Monica. Hindi nga nagkamali si Scarlet si James nga ito. Nadatnan nilang umiiyak ang bata..

"James??" Ani ni Scarlet

Paglingon niya...

"Scarlet!" Gulat na sambit ni James

"Bakit umiiyak ang bata.. teka nga kunin ko..." ani ni Scarlet

Kinuha ni Scarlet ang bata, dahan-dahan niya itong binuhat mula sa baby stroller. Pagkakuha niya inihiga niya ito sa kanyang mga braso. Tingin tingin si James sa ginawang ito ni Scarlet.

Paborito ni Scarlet ang mga bata, gustong gusto niya ang mag alaga ng bata lalo na ang makipaglaro sa mga ito.. kumalma si Jasmine pag kakuha ni Scarlet.

"Ang galing... panatag sayo ang anak ko.." ani ni James

Ngumiti lamang si Scarlet at inakap ang bata. Pumikit siya at dinamdam ang pagkakaakap. Napansin siya ni James, habang nakatitig sa kanya si James, isang tao lamang ang kanyang nakitang ganito...

Biglang pumasok sa kanyang isipan si Jake. Nakita niya ang ganitong reaksyon ng hawakan noon ni Jake ang anak ni Mark na si Markuzz. Napansin naman ni Monica na tila namamasa ang mata ni Scarlet, kaya dali dali niyang kinuha ang bata.

"Sissy ako naman kay baby..." ani ni Monica

Tumawa kunware...

"Sige sissy.. ikaw naman..wait lang may bibilhin lang ako.." ani ni Scarlet

Iniwan ni Scarlet si Monica habang hawak ang anak ni James. Maya maya ay nagtanong si James kay Monica

"Pwede ko ba iwan ang anak ko?" Tanong ni James

"Sige ok lang.." ani ni Monica

Tumakbo si James para habulin si Scarlet. Hindi siya malalagay kung bakit bigla na lamang ito naiyak habang hawak ang kanyang anak..

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts