webnovel

Chapter Five

(Guy P. O. V)

"Hindi ako mag so sorry kung yan ang gusto nyong marinig. I'm breaking up with you. Yan ang rason kung bakit nakipagkita ako sayo. Let's go Tom."

Tinalikuran ko silang dalawa at dumiritso na kotse. Naramdamna ko namang sumunod si Tom.

"Grabe pari, ang astig talaga ni Eimy no."

"Tumigil ka nga. Para kang timang dyan."

"Pero pari, di ko inakalang may naglakas loob ng lokohin ka. First time pari! Gusto ko pa ngang isipin na nahulog kana kay Mat eh."

"Gago! Alam mo namang isang babae lang ang nilalaman nitong puso ko!"

"Pari, ang lakas naman ng tama mo kay Eimy! Napagtapat mo na ba yan?"

"Sa kasal na namin." naka ngiti kung sabi

"Kasal? Eh matagal tagal pa yan pari!"

"Gago! Next month na kasal namin Eimy!,

"What? Bakit hindi ko alam yan?"

"Haha, pasensya na hindi ko nasabi sayo. Sasabihin ko sana pagkatapus kong makipagbreak kay Mat"

"Best man ako ha!"

"Oo naman. Sa bahay natin ipagpatuloy ang pag-uusap"

"Okay" Umalis na si Tom at pumunta sa kotse nya, sa kabilang kalsada kasi sya nag park. Pumasok na ako sa kotse ko nang makita ko si Tom na pumasok sa kotse nya. Inistart ko na ang kotse at nagsimula ng magmaneho. Ilang minuto lang at nakarating naman agad ako sa bahay. Hindi pa ako nakababa ng kotse ng tumunog ang cellphone ko. Si Tom, tumatawag. Sinagot ko naman agad.

"Sorry pari, bukas nalang tayo magusap. Pinapauwi na kasi ako ni Dad"

"it's okay. Ah dinner tomorrow sa bahay nila Eimy. Pakisabi narin kila Tita at Tito. Bukas i-aannounce ang about sa Marriage"

"Ok, got it. Bye" binaba ko na agad ang tawag ang bumaba na ng kotse. Pagbaba ko na kita ko si Regien na lumabas sa gate ng bahay nila Eimy. Magkakapit bahay lang kasi kaming tatlo. Sila Tom naman sa kabilang subdivision naka tira.

"Reg!" tawag ko sa kanya at lumapit dito. Nakita ko namang ngumisi sya. Problema ng isang to.

"Anong ngini ngisi mo dyan?" Tumawa naman sya

"Lagot ka.!" anong pinagsasabi nito. Nababaliw na ata to eh.

"Anong lagot? At kanino naman ako malalagit aber?"

"Sa mapapangasawa mong dragon! Hahaha!" naramdaman ko naman namula ang tenga ko.

"B-bakit naman a-ako malalagot sa kanya?"

"Kanya? May sinabi ba akong pangalan?" nakataas na kilay nyang sabi.

"Tigilan mo nga ako Reg!" Tumawa lang naman sya nang malutong.

"Para kanang kamatis sa pula Sion. Hahaha, hindi pa nga kayo magasawa mukhang under ka na agad hahahaha!"

"Anong under!"

"Sinisigawan mo ba ako Sion? Gusto mong isumbong kita kay Tito?"

"Hehe, hindi naman kita sinisigawan."

"Good. Sige uwi na ako" Tumalikod na sya, pero humarap rin naman agad.

"May sasabihin ka pa?" Tanong ko.

"What happened earlier?"

"I caught Mat cheating."

"Oh, naloko ka rin? Ang dami namang good news haha"

"Anong rin?"

"Will,, gusto mong malaman?" Tumango naman agad ako na parang nacu-curious

"Sa bahay na tayo magusap."

"Eh kung bukas mo nalang kaya sabihin sakin. Pupuntahan ko pa si Eimy."

"Gusto mo bang pumunta sa Dinner bukas ng maypasa sa mukha?"

"What?"

"Mainit at ulo noon kaya bukas mo na kausapin. Tyaka may jetlag pa yun kaya tayo nalang ang magusap."

Tinalikuran nya agad ako at pumasok sa gate ng bahay nila, na kaharap lang ng bahay nila Eimy yung samin naman sa katabi ng bahay nila Eimy. Sumunod naman agad ako sa bahay nila. Magkakaibigan kaming tatlo simula pagkabata kaya normal nalang samin ang maglabas pasok sa bahay ng isat-isa. Umupo ako sa pang isahang sofa sya naman ay naupo rin sa mahabang sofa habang hinuhubad ang kanyang heels.

Sorry for the late update. Nakalimutan ko kasing magsulat kaya pasensya talaga.

Zaynjcreators' thoughts