webnovel

You're Still The One [Filipino]

Mula high school ay gusto na ni Sheyi si Cj. Nagsimula lamang sa isang kasinungalingan ng kanyang kaibigan hanggang sa unti-unti ay nahulog na siya dito. Si Cj ang nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Dahil din dito ay naranasan niya ang umiyak at masaktan at ang umasa sa wala. Unang taon niya sa high school nang makilala at nang mahulog siya rito. Hindi niya inaasahan na sa kanilang muling pagkikita ay naroon parin sa kanyang puso ang nararamdaman para rito. At katulad noon, binibigyan siya muli nito ng pag-asa na nauuwi lamang din sa wala. Pero bakit? Dama niya na may nararamdaman din ito sa kanya ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit kailangan niyang masaktan? Pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman niya? Biro lamang ba dito ang lahat?

Avvynibini · Realistic
Not enough ratings
45 Chs

T W E N T Y E I G H T

   Sheyi's POV

   Ilang minuto naming pinakinggan ang tantrums ni Lorraine sa ginawa ni Arlyn na pagpili kay Michael kaysa sa kanya.

   "Alam ko kung saan ka mananalo," nakangiting sambit ko. Agad nagliwanag ang mukha niya dahil sa narinig. Agad siyang napatingin sa akin.

   "Saan?,"

  "Hindi ba magaling kang sumayaw?," tanong ko habang nakangiti.

  "Sumali ka sa dance contest,"

  "Oo nga,ang galing mo She," sabi niya sabay tayo at punta sa emcee.

  Pagbalik niya ay abot tenga ang ngiti niya. Sinabi niya na mauuna daw ang singing contest kaysa sa dance contest at maya-maya nga ay inianunsyo ng emcee ang mga kasali sa singing contest. Nagulat pa ako nang marinig ang sariling pangalan kasunod ang pangalan ni Arlyn. Otomatiko akong napalingon sa gawi niya at isang ngiti at kibit lang ng balikat ang isinagot niya sa akin. Napiling na lamang ako.

   Napabuntong hininga ako ng mapadakong muli sa gawi nila Cj ang paningin. Nag-uusap sila at parang walang tao sa paligid nila kung dumaiti si Ma'am Ana sa kanya. Ano ba itong ginagawa ko.

  Nang mabanggit na lahat ng kalahok ay sinabi nitong magtungo kami sa back stage upang ilista kung anong kanta ang kakantahin. Nang matapos ay nagsimula na ito. Pang pito ako sa sampong kasali at pang anim naman si Arlyn.

   "Grabe kinakabahan ako," sambit ni Lorraine habang seryosong nakatingin sa kumakanta.

  "Hindi ka naman kasali," puna naman ni Antony sa kanya. Nang marinig ito ay agad niyang nilingon si Antony at tinignan ng masama.

   "Kung hindi lang kita boss nako!," inis na sabi nito.

  "Kung hindi ka lang kaibigan ni She tinanggal na kita," ganti naman ni Antony.

   "Sige, subukan mo akong tanggalin, mamalasin lahat ng negosyo mo!," muling sabi ni Lorraine bago ilabas ang dila. Napailing nalang ako at napatawa dahil sa away bata nilang dalawa.

   Nang tinawag na ang pangalan ni Arlyn ay halos magwala na si Lorraine sa pag-chi-cheer dito. Habang pumapalakpak naman kaming tatlo.

  Maganda ang boses ni Arlyn at bagay sa boses niya ang napili niyang kanta. Paborito namin ang kantang iyon.

   Take me home by Jess Glynne.

  Nang matapos siya ay isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa kanya. Nang tinawag ang pangalan ko ay kabado akong nagtungo sa stage. Ayoko sanang sumali kaso si Arlyn kasi, inilista ako.

   Tumingin muna ako sa mga tao bago pumikit ng mariin. Nang dumilat ako ay napalingon ako sa table namin dahil todo sigaw na naman si Lorraine. Siya talaga ang dakila naming taga-cheer. Napangiti ako at nang magsimula ang intro ng kantang napili ko ay agad akong sumeryoso.

   Bad liar by Imagine Dragons ang napili ko kasi pakiramdam ko bagay sa akin ang kantang iyon.

  Nang sumapit ang chorus ay tumitig ako kay Antony. Hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko pero sa pamamagitan ng kantang ito ay ipaaabot ko sa kanya ang isang mensahe na hindi ko magawang sabihin sa kanyang harapan.

    "So look me in the eyes, Tell me what you see,

   Perfect paradise, tearing at the seams,"

   Antony, alam kong nakikita mo sa aking mga mata kung ano ang tunay kong nararamdaman, pero bakit patuloy ka parin? Bakit patuloy mong sinasaktan ang iyong sarili?

  "I wish I could escape it,

    I don't want to fake it,

    I wish I could erase it,

    Make your heart believe, "

    Gusto kong takasan ang lahat. Gusto kong totohanin ang nararamdaman ko para sayo pero hindi ko kaya. Si Cj parin ang mahal ko. Gusto ko siyang burahin sa puso ko, gusto kong paniwalaan ang sarili, gusto kitang paniwalain na mahal kita pero....

   "I'm a bad liar, bad liar,

   Now you know, now you know,

  I'm a bad liar, bad liar,

   Now you know you're free to go,"

    Habang kinakanta ko ang mga linyang iyan ay hindi ko inaalis ang paningin kay Antony. Kita ko ang sakit sa kanyang mga mata, sakit na ako ang may gawa.

  Hindi ko maiwasang maluha dahil sa nararamdaman. Hindi ko inisip ni minsan na makakasakit ako ng damdamin ng iba. Ibinaling ko sa gawi nila Cj ang paningin at nakita kong nakatingin din siya sa akin. May kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko maintindihan.

  Nang matapos ang kanta ay agad akong bumaba ng stage at sa halip na magtungo sa kinalalagyan nila ay tumakbo ako palabas ng function hall. Tumakbo ako ng tumakbo habang malayang umaagos ang mga luha sa mga mata.

   Bakit ko ba hinayaan ng mangyari ito. Sinaktan ko ang taong walang ginawa kundi ang pasayahin ako. Bakit kasi si Cj pa! Bakit hindi ko siya makalimutan!

  Kusang bumigay ang mga tuhod ko kaya napaupo na lamang ako sa malambot na damuhan. Mukhang nakarating ako sa garden sa parteng likod ng resort. Patuloy lamang sa pagdaloy ang mga luha ko.

  Bakit ba ganito kasakit ang magmahal?

  ~~

    Anthony's POV

       Mariin akong napapikit ng makitang tumakbo paalis si Sheyi. Nang makita ito ng mga kaibigan niya ay tumakbo rin ang mga ito upang sundan siya. Ilang sandali muna akong nag-isip kung sasundan ko ba siya o hindi. Kita ko sa mga mata niya kanina habang nasa stage siya na hanggang ngayon ay si Cj parin.

   I don't understand the nature of love. We tend to fight for the wrong person, while the right one was just right there all along.

Pagkatapos ng ilang sandali ay tumayo na din ako upang sundan sila.  

  Naabutan ko silang nakatayo sa may garden sa gawing likod ng resort. Agad akong lumapit sa kanila at nakita ang kanilang tinitignan.  

Si Sheyi. Nakasalampak ito sa lupa at yumuyugyog ang mga balikat dahil sa pag-iyak. Hindi pa nito nararamdaman ang presensya namin.

  I clenched my teeth. I get it, she belonged to someone else. Napapikit ako ng mariin bago tumalikod at tuluyang lisanin ang resort kahit hindi pa tapos ang party. Nagtungo ako sa parking lot at sa lugar kung saan ko ipinarada ang sariling kotse. Nang makasakay ay agad ko itong pinaharurot.

Habang nagmamaneho ay tanging si She lamang ang laman ng isip ko. I was so confident at first. Dahil naisip ko na kapag napangiti ko siya at napasaya ay mamahalin niya din ako. Kaya lang nagkamali ako. Napapasaya ko nga siya at napapangiti pero 'yung taong nagpapaluha sa kanya ang siyang tanging laman ng puso niya.

 

   Why?

   That was one of love's logic that I can't understand. Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho at nagtungo sa isang bar na palagi kong pinupuntahan. Nilunod ko ang sarili sa alak para mawala ang sakit. Baka sakaling bukas, pag-gising ko ay tanggap ko nang hindi ako kayang mahalin ni She.

  Does she really love Cj that much?

 

   ***