webnovel

You're Still The One [Filipino]

Mula high school ay gusto na ni Sheyi si Cj. Nagsimula lamang sa isang kasinungalingan ng kanyang kaibigan hanggang sa unti-unti ay nahulog na siya dito. Si Cj ang nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Dahil din dito ay naranasan niya ang umiyak at masaktan at ang umasa sa wala. Unang taon niya sa high school nang makilala at nang mahulog siya rito. Hindi niya inaasahan na sa kanilang muling pagkikita ay naroon parin sa kanyang puso ang nararamdaman para rito. At katulad noon, binibigyan siya muli nito ng pag-asa na nauuwi lamang din sa wala. Pero bakit? Dama niya na may nararamdaman din ito sa kanya ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit kailangan niyang masaktan? Pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman niya? Biro lamang ba dito ang lahat?

Avvynibini · Realistic
Not enough ratings
45 Chs

T H I R T Y F O U R

 

Sheyi's POV

  Naging maayos naman ang mga sumunod na araw. Palagi parin akong tinatawagan ni Arlyn at Lorraine. Kapag day off ko ay naisip kong umuwi kila Mama at maglibot. Ipinaalam ko iyon kila Arlyn,tuwang-tuwa ang mga ito.

  Nang sumapit ang day off ko ay maaga akong gumayak dahil magco-commute lang ako. Nagpresinta sila Arlyn at Michael na susunduin ako pero hindi ako pumayag. Ayoko silang abalahin pa ngayong nalalapit na ang kasal nila. Nagpupumilit kasi siyang samahan daw namin sila sa pagsusukat ng wedding dress, at kailangan ko ding ibigay sa kanya ang sukat ng katawan ko dahil abay ako katulad ni Lorraine kaya minabuti ko ring maglibot ngayong day off ko.

Ilang oras ang itinagal ng byahe bago ako makarating sa bahay. Dumaan lang ako sa grocery para bumili ng pasalubong sa mga kapatid ko. May uwi din akong pera para sa mga gastusin nila.

"Galing sila Arlyn dito kanina,akala nila narito kana," pahayag ni Mama ng makapagmano na ako sa kanila.

Pagkakain at nang makapaghugas ng pinggan ay nagtungo ako sa kwarto upang magpahinga. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising lang ako nang tawagin ni Mama dahil dumating daw sila Arlyn at Lorraine.

  "Kailan ka ba uuwi kila Lola?," tanong ni Arlyn nang abutan ko sa sala.

"Three days akong walang pasok," sagot ko naman bago maupo.

  "Baka sa isang araw pa,bakit?,"

  "Kasi balak namin ni Lorraine na ayain kang magsukat na ng gown," sagot nitong hindi maitatago ang tuwa para sa nalalapit niyang kasal.

"Sige tara bukas," nakangiti ding sambit ko.

Naubos ang oras namin sa pagkukwentuhan. Ngunit napansin kong tahimik si Lorraine. Hindi ito katulad ng dati na nakikisabay sa kaingayan namin ni Arlyn. Minabuti kong hindi nalang siya punahin dahil baka masama lang ang pakiramdam nito.

Nang magpaalam itong gagamit lang ng cr ay agad kong tinanong si Arlyn kung mayroon ba itong problema. Sinabi niyang wala naman itong nakukwento sa kanya kaya naman nagkibit balikat nalang ako. Kilala kasi namin siya,kung may problema siya ay siya mismo ang magsasabi sa amin.

Madilim na ng magpaalam silang uuwi na. Sinabi kong dito na sila maghapunan pero tumanggi sila dahil may pupuntahan pa daw si Lorraine. Napag-usapan naman na namin kung anong oras kami aalis bukas. Napagkasunduan din naming kila Arlyn nalang magkita-kita.

Matapos kumain ng hapunan ay napagkasunduan namin nila Mama at Papa pati na ang mga kapatid ko na mag-movie marathon kaya halos hating gabi na kaming nakatulog lahat. Kinabukasan ay maaga parin akong nagising dahil nga may usapan kaming tatlo.

Nag suot lamang ako ng simpleng skinny jeans na tenernuhan ng puting t-shirts. Hindi naman ako maarte pagdating sa pananamit kaya naman mabilis lamang akong nakagayak. Nagpahid lang ako ng kaunting lipstick at polbo bago tuluyang magtungo kila Arlyn. Pagdating ko ay wala pa si Lorraine at naliligo palang si Arlyn kaya naman ilang minuto pa akong naghintay at nakipagkwentuhan lang kila Tito at Tita.

"Bakit ka umalis sa restaurant?," tanong sa akin ni Tito.

"Binalita sa akin ng kumpare ko,'yung isang chef daw 'don. ..," hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil siniko siya ni Tita.

Alanganin akong napangiti. Maya-maya ay lumabas na si Arlyn sa kanyang kwarto at magkasunod lamang na dumating sila Lorraine at Michael kaya naman nagpaalam na din kaming aalis na.

Ilang store ang napuntahan namin at halos lahat na ata ng gown sa mga store na iyon ay nasukat na niya ngunit wala siyang nagustuhan ni isa. Si Michael naman ay nakasunod lamang sa amin. Naghahanap din ito ng suit na isusuot sa kanilang kasal. Nang mapagod ay napagkasunduan naming kumain muna bago muling maghanap.

"Wow!," sambit ni Arlyn habang nakatingin sa isang wedding dress na naka-display sa isang store. Kalalabas lamang namin sa fast food place na kinainan.

"Guys this is it!!," sambit nito bago kami higitin ni Lorraine papasok sa naturang store. Natatawang napasunod nalang din sa amin si Michael.

Agad kaming sinalubong ng saleslady at iginiya sa halera ng mga nag-gagandahang wedding gowns. Lahat ng makita ni Arlyn ay isinusukat niya,habang kaming tatlo ay napapailing na lamang dahil wala pa rin siyang napipili dahil sabi nga niya ay lahat daw ng gowns ay magaganda.

Halos ilang oras din ang ginugol namin sa pagpili niya ng gown bago siya may natipuhan.

"Okay na ba yan?," paninigurado ko habang pinanunuod siyang umiikot sa harapan ng malaking  salamin.Halos lahat naman ng sinukat niya ay bagay sa kanya pero itong huli ay ang pinakamaganda. Bumagay ito sa hubog ng kanyang katawan. Isa itong White lace long trail wedding gown at heart shaped ang neckline nito.

"Oo naman!," masayang sagot niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Napabuntong hininga ako at tahimik na nagpasalamat dahil pagod na kami ni Lorraine sa kababalik at kakaayos sa mga gowns na sinukat niya.

Pagkatapos tignan ang sarili sa salamin ay lumabas ito sa fitting room upang ipakita kay Michael ang gown na napili. Agad din kaming sumunod ni Lorraine sa kanya at nang makalabas ay nakita naming nakapili narin ng suit si Michael. Napangiti ako dahil bagay na bagay talaga silang dalawa.

Kita sa mata ng bawat isa ang nag- uumapaw na kaligayan at ang 'di maitagong pagmamahal habang nakatitig sa mata ng isa't-isa.

"A match made in heaven," sambit naman ni Lorraine habang nakangiti ring nakatingin sa dalawa.

"Sana all,kasi tayo match made in China," biro ko kaya napatawa siya.

Pagkatapos magkasundo sa  presyo ng wedding gown ay ang store na din mismo ang kumuha ng sukat namin ni Arlyn. Dito na din kukuhanin ang mga dresses ng mga abay. Papupuntahin na lamang daw ni Arlyn dito sa store ang iba pang abay upang masukatan. Habang nakikipag-usap si Michael sa staff ng store ay hinila na naman kami ni Arlyn patungo sa kung saan.

"Wag mong sabihing hindi ka pa sigurado sa gown na napili mo?," reklamo ko ng nasa halera na naman kami ng mga wedding dresses and gowns.

"Magsukat din kayo ng wedding gown," nakangiting sambit nito.

Napaismid kaming pareho ni Lorraine. Bakit kami magsusukat eh hindi naman kami ikakasal?

Malamang nabasa niya ang nasa isip naming pareho ni Lorraine kaya muli siyang nagsalita.

"Malay ninyo baka ikasal na din kayo 'diba?," sambit niya sabay pili ng mga gowns. Dahil sa pagpupumilit niya ay wala kaming nagawa ni Lorraine kundi ang sumunod na lamang sa kanyang gusto.

Habang pinagmamasdan ang mga gown ay napangiti ako. Sana ay magkaroon din ako ng pagkakataong ganito,pipili ng sariling gown para sa sariling kasal. Napabuntong hininga ako dahil sa naisip. Napatigil ako ng matapat sa isang wedding gown. Pinagmasdan kong mabuti ang disenyo nito.

  'Kung sakaling ikakasal ako ay ito ang gown na gusto ko.'

Sambit ko sa sarili habang hinihimas ang naturang gown. Isa itong high neck sequins lace mermaid gown. 

"Ang ganda niyan," nagulat pa ako ng magsalita si Arlyn sa may tabi ko. Agad niyang sinabi sa staff kung pwedeng isukat ang gown na iyon at pumayag naman ito. Kahit nagpoprotesta ako ay wala parin akong nagawa ng hilahin ni Arlyn so loob ng fitting room.

"Sukat mo na dali,bagay sa iyo 'yan," excited na sambit niya sabay abot sa akin ng gown.

  "Hintayin ka namin sa labas," sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng fitting room.

Napailing na lamang ako bago magsimulang maghubad. Nang matapos isuot ang gown ay saktong-sakto lamang ito sa katawan ko. Napangiti ako ng makita ang sarili repleksyon.

Tumagilid ako upang tignan pa ang ibang angulo at nang masiyahan ay umikot ako habang nakatingin sa salamin. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa.

'Ang kulang na lamang ay ang aking prinsipe.'

Nang magsawa sa pagtingin sa salamin ay lumabas na ako ng fitting room. Medyo nahihiyang tinignan ko sila isa-isa. Nakatingin lang sila sa akin at hindi umiimik.

"Pangit ba?," alanganing tanong ko at akma na sanang papasok muli sa fitting room ng magsalita si Arlyn.

"Hindi!!," bulalas nito.

"Ang ganda! Bagay na bagay sayo!,"

Agad itong lumapit sa akin at sinipat-sipat ako.

"Oh my God! Bagay na bagay sa iyo!," sambit niya ulit bago ako paikutin.

"Alam mo,kailangang maghanap kana ng tamang tao para sayo,'yung makakasama mo habang buhay at hindi ka sasaktan!,"

Napailing ako habang napapangiti dahil sa sinabi niya.

'Saan naman ako makakahanap ng ganon?'

Lumapit din sa akin sila Lorraine at Michael. Masaya kaming nagbiruan na sa akin daw ibabato ni Arlyn ang flower bouquet para ako daw ang sumunod na ikakasal. At kapag ako naman na daw ang ikakasal ay kay Lorraine ko naman daw ibato. Napuno ng halakhakan ang paligid dahil sa mga kautuan namin. Ngunit ang saya na nararamdaman ko ay napalitan ng lungkot ng malingon sa glass wall sa may gilid namin.

'Seryoso?'

Mula rito ay tanaw ko sa kabilang store si Cj habang masaya itong nakatingin sa isang babaeng nagsusukat din ng wedding gown. Napahawak ako sa sariling dibdib dahil nakaramdam ako ng sakit mula rito.

'Ikakasal na ba siya?'

Sa isiping iyon ay halos gumuho ang mundo ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Pinigil ko ang luhang gusto ng kumawala at pinilit na pasiglahin ang sarili.

"Magpapalit na muna ako," nakangiting paalam ko sa kanila. Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagtulo ng mga luha kong kanina ko pa pinipigil.

Nang makapasok sa fitting room ay kinabog ko ang sariling dibdib.

  'Bakit ang sakit?'

Tumingin ako sa salamin at halos wala na akong makita dahil hilam ng sariling luha ang mga mata. Sari-sari ang aking nararamdaman. Bakit ang hirap pakawalan ng taong kahit hindi naman sa iyo ay hindi mo mabitawan. Kanina lamang ay nakangiti ako habang nakatingin sa sariling repleksyon at pakiramdam ko'y isa akong prinsesa na naghihintay sa aking prinsipe.

  'Isa pala akong alipin na naghihintay sa prinsipeng pag-mamay-ari ng iba,'

***

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Don't forget to vote!! :)

Avvynibinicreators' thoughts