webnovel

You're Still The One [Filipino]

Mula high school ay gusto na ni Sheyi si Cj. Nagsimula lamang sa isang kasinungalingan ng kanyang kaibigan hanggang sa unti-unti ay nahulog na siya dito. Si Cj ang nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Dahil din dito ay naranasan niya ang umiyak at masaktan at ang umasa sa wala. Unang taon niya sa high school nang makilala at nang mahulog siya rito. Hindi niya inaasahan na sa kanilang muling pagkikita ay naroon parin sa kanyang puso ang nararamdaman para rito. At katulad noon, binibigyan siya muli nito ng pag-asa na nauuwi lamang din sa wala. Pero bakit? Dama niya na may nararamdaman din ito sa kanya ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit kailangan niyang masaktan? Pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman niya? Biro lamang ba dito ang lahat?

Avvynibini · Realistic
Not enough ratings
45 Chs

P R O L O G U E

Nagmamahal ako ng taong hindi ako mahal habang minamahal ako ng taong hindi ko naman mahal.

  Bakit kailangang maging ganito? Bakit hindi na lang natin mahalin iyong mga taong mahal tayo at hayaan nalang sa iba ang taong mahal natin na hindi naman tayo mahal.

   It's all started when my friend made a stupid lie. All the crazy stuff happened when I suddenly realized that I am really falling in love.

Huli na ng malaman kong hibang na hibang na ako sa kanya. 'Yung tipong lahat ng galaw niya ay sinusundan ko. Lahat ng mga ginagawa niya ay inaalam ko. Punyeta! Pati yata brand ng brief niya gusto kong alamin.

  Pero syempre, iba ang gusto niya. Akala ko tanggap ko na,akala ko ngayong ilang taon na ang lumipas ay nakalimutan ko na siya pero nang muling magtagpo ang landas namin ay napagtanto kong, hanggang ngayon ay mahal ko parin siya.

   Ito na ba ang hinihintay kong pagkakataon? O mauuwi lang din ito sa wala katulad noon?

   ***