webnovel

You're Still The One [Filipino]

Mula high school ay gusto na ni Sheyi si Cj. Nagsimula lamang sa isang kasinungalingan ng kanyang kaibigan hanggang sa unti-unti ay nahulog na siya dito. Si Cj ang nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Dahil din dito ay naranasan niya ang umiyak at masaktan at ang umasa sa wala. Unang taon niya sa high school nang makilala at nang mahulog siya rito. Hindi niya inaasahan na sa kanilang muling pagkikita ay naroon parin sa kanyang puso ang nararamdaman para rito. At katulad noon, binibigyan siya muli nito ng pag-asa na nauuwi lamang din sa wala. Pero bakit? Dama niya na may nararamdaman din ito sa kanya ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit kailangan niyang masaktan? Pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman niya? Biro lamang ba dito ang lahat?

Avvynibini · Realistic
Not enough ratings
45 Chs

N I N E

Nagising ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Parang may sumasakal sa akin. Nang magmulat ako ng mata ay unang tumambad sa akin ay mga buhok, nakatabing sa mukha ko. Inangat ko ang kamay ko para hawiin ang mga iyon at sunubukang bumangon pero hindi ko magawa dahil may nakapatong sa leeg ko. Nang tignan ko kung ano ay napapikit ako ng mariin. Mukha ba akong patungan ng paa?

"Arlyn!!," reklamo ko sabay tanggal ng paa niya sa leeg ko. Dali dali akong bumangon at nagtungo sa banyo para maghilamos. Grabe nalasing kami kagabi. Hindi na namin nakuhang umuwi ni Lorraine at dito na din nakatulog kila Arlyn.

Pagkahilamos ko ay nagtungo ako sa kusina nila para magkape. Naabutan kong nagkakape sila Tito at Tita.

"Mukhang solve kayo kagabi ah," bati ni Tita sa akin ng matapos akong magmano sa kanila.

"Opo eh, andon pa iyong dalawa tulog na tulog pa po," nakangiting sagot ko.

"Sandali at ipagtitimpla kita ng kape," sambit ni Tita pero pinigilan ko siya at sinabing ako nalang kaya bumalik na siyang muli sa pagkakaupo. Nang matapos akong magtimpla ng sariling kape ay naupo din ako.

"Kamusta na ba si kumare?," maya-maya ay tanong ni Tita Via.

"Ayos naman na po, nakakatayo na po siya," sagot ko naman.

"Hindi ba naghahanap ka ng trabaho?," tanong naman ni Tito matapos ilapag ang cellphone na kanina ay tinitignan niya. Napalingon ako sa gawi niya bago tumango.

"Tamang tama, naghahanap ng waitress ang kumpare ko sa isang restaurant sa bayan, gusto mo ba?,"

"Sige po, kailangan ko po talagang kumita ngayon," nakatawang sagot ko.

"Sige sasabihin kong wag ng maghanap at ikaw nalang,supervisor kasi doon ang kumpare ko na iyon. Pinakamaganda,mamayang tanghali sasamahan kita doon,ikagayak mo na lahat ng kakailanganin," sabi pa nito.

"Nako salamat po talaga Tito," natutuwang sabi ko.

"Wala 'yon,para ka narin naming anak," nakangiting turan nito. Masaya kong ibinalita sa dalawa ang nangyari. Kahit naiinis dahil sa ginawa kong pag-gising sa kanila ay naging masaya padin sila dahil sa balita ko.

Katulad nga ng nagpagusapan namin ni Tito ay sinamahan niya ako sa bayan at sa restaurant na sinasabi niya. Naging maganda naman ang pag-uusap namin at sa lunes nga daw ay pwede na akong magsimula.

Pagsapit ng lunes ay maaga akong gumayak dahil ayokong ma-late sa unang araw ng trabaho ko. Medyo kabado pero madali lang naman ang trabaho sabi nga ng supervisor.

Naging maganda naman ang unang araw ko sa trabaho, sa una medyo mahirap kasi ang daming tao, kailangan mabilis kang gumalaw. May mga nakilala din ako na halos kasing edad ko lang at mababait sila at ang masungit lang ay iyong manager. Nakakatakot siya, lalo na kapag tinitigan ka mula ulo hanggang paa.

~~

"Oh kamusta naman ang unang araw mo?," salubong sa akin ni Mama ng dumating ako galing sa bayan. Agad akong lumapit sa kanya at nagmano.

"Ayos lang ho Ma, medyo pagod," sagot ko bago magtungo sa kusina upang magluto pero naabutan kong nagluluto na si Danica, ang sumunod sa akin kaya nagtungo nalang ako sa kwarto ko para magpahinga at magbihis.

Kinagabihan ay tumawag si Arlyn, tinatanong kung kamusta ang unang araw. Kinuwento ko sa kanya lahat ng mga nangyari at naputol lang ang usapan namin ng tawagin ako ni Danica dahil kakain na.

Bago matulog ay katawagan ko ulit si Arlyn pero nagpaalam din ako agad kasi maaga pa ako bukas.

Kinabukasan ay napaaga ako ng pasok. Ako palang saka si manong guard ang nasa restaurant. Ang bilin sa amin kapag maagang pumapasok ay magpunas daw muna ng mga kasangkapan sa kusina kaya doon ako nagdiretso. Kumuha ako ng malinis na tela at nagsimulang magpunas. Inuna ko ang mga baso at kutsara, halos katatapos kolang punasan ang mga kutsara ng may pumasok sa kusina.

Nag-angat ako ng paningin, nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod mula sa kinalalagyan ko. Napansin ko ang uniform niyang suot. Mukhang isa siya sa mga tagaluto dito. Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko at nang masiguro kong napunasan ko na lahat ay muli akong nag-angat ng tingin at ng makita ko ang mukha ng lalaki kanina ay muntik ko ng mailaglag ang hawak ko.

Cj?

Nakatingin din siya sa akin at kinikilala din ako ng akmang lalapit siya sa akin ay nagmamadali akong lumabas ng kusina. Nagdiretso ako sa locker room at nanatili doon ng ilang sandali.

Si Cj ba talaga iyon?

Hawak ang dibdib habang sinusubukan kong kalmahin ang sarili. Paksyet kang puso ka!! Akala ko naman okay kana!!

"Hoy, parang nakakita ka ng multo?," tanong sa akin ni Jane na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.

"Mukhang ganon na nga," tahimik na sagot ko.

"Nakakita ako ng taong matagal ko ng pinatay sa puso ko,"

"Luh?," kunot noong sambit niya sabay tawa.

"Comedian ka din pala,"

Pagkatapos nitong magpalit ng uniform ay hinila na ako nito palabas ng locker room. Nagtungo kami sa usual spot namin sa may gilid kung saan tanaw namin ang pinto. Lahat ng papasok na customer ay agad naming makikita. Isa sa amin ang sasalubong sa mga ito at mag-aakay patungo sa mga bakanteng lamesa.

Halos kalahating araw akong umiiwas na magtungo sa kusina kaya palagi din akong napapansin ng manager, bad trip tuloy lagi sa akin.

Nice one Sheyi, you made a good impression.

Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay breaktime na din namin. Pero iyong kaunting kasiyahan na nararamdaman ko ay nawala din agad ng pumasok sa locker room namin ang mataray na manager at tumapat sa kinauupuan ko at taasan ako ng kilay.

"Sheyi Anne Polyano, bukas kailangan naka uniform kana hindi na pwede ang white tshirt na iyan at rubber shoes," masungit na sambit nito.

"Yes Ma'am," nakayukong sagot ko. Nakasimangot ako habang kumakain ng tanghalian. Ang sungit niya sa akin. Lumipas ang kalahating araw na ako nalang palagi ang sinusungitan ng manager namin.

Ano kayang issue nito sa akin??

***