webnovel

You're Still The One [Filipino]

Mula high school ay gusto na ni Sheyi si Cj. Nagsimula lamang sa isang kasinungalingan ng kanyang kaibigan hanggang sa unti-unti ay nahulog na siya dito. Si Cj ang nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Dahil din dito ay naranasan niya ang umiyak at masaktan at ang umasa sa wala. Unang taon niya sa high school nang makilala at nang mahulog siya rito. Hindi niya inaasahan na sa kanilang muling pagkikita ay naroon parin sa kanyang puso ang nararamdaman para rito. At katulad noon, binibigyan siya muli nito ng pag-asa na nauuwi lamang din sa wala. Pero bakit? Dama niya na may nararamdaman din ito sa kanya ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit kailangan niyang masaktan? Pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman niya? Biro lamang ba dito ang lahat?

Avvynibini · Realistic
Not enough ratings
45 Chs

F O U R T Y

  Sheyi's POV

   "Ate,may bisita ka bumangon ka na d'yan," naalimpungatan ako sa boses ni Danica. Niyuyugyog ako nito upang gisingin.

Nagmulat ako ng mata at tumingin sa orasan. Pasado alas syete na ng umaga. Agad akong napabalikwas ng bangon ng mapagtantong tanghali na.

"Sila Loraine ba?," tanong ko na ang tinutukoy ay ang sinasabi niyang bisita ko daw.

"Hindi, lalaki eh," sabi nito.

"Kanina pa nga siya nasa kusina,nagluluto,"

Napakiling ako ng ulo. Iniisip kung sino ang bibisita sa akin ng ganito kaaga. Si Antony lang naman ang kilala kong marunong magluto. Nagmadali akong bumangon at lumabas ng kwarto upang magtungo sa kusina at ganon na lamang ang gulat ko ng maabutan doon si Cj. Abala ito sa paghihiwa ng kung ano kaya hindi nito namalayan ang presensya ko. Agad akong tumalikod at muling bumalik sa kwarto. Naalala kong kagigising ko nga lang pala at wala pang hilamos. Agad akong nagtungo sa banyo upang ayusin ang sarili. Nang mapatingin ako sa salamin ay napahinto ako.

Bakit ba ako natataranta?

Nagmadali akong maghilamos at magpalit ng disenteng damit bago bumalik sa kusina. Naaubutan ko siyang abala parin sa pagluluto. Hindi ko mapigilan ang magutom dahil sa amoy ng kanyang mga niluluto. Abala siya sa paghihiwa ng patatas. Pinagmasdan ko siya habang naghihiwa. Sobrang liksi niyang kumilos ngunit naroon parin ang pagiging maingat sa ginagawa. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasang humanga. Ang gwapo niya sa kanyang suot na polo shirt. Lalo na at naka-half button lang ito.

Mayroon kaya siyang pandesal?

"Goodmorning," nabalik lamang ako sa katinuan ng magsalita siya. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi dahil sa mga naiisip. Baka akalain niyang pinagmamasdan ko siya at naglalaway ako sa kanya which is partially true.

"Kanina ka pa ba diyan?,"

Napaubo ako bago ayusin ang sarili.

"Dapat nga ako ang nagtatanong sa iyo eh," sabi ko na hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"B-bakit ka ba nandito,"

Tinapos niya muna ang kanyang ginagawa bago magpunas ng kamay at sumagot.

"I told you, ipapakita ko sayo na totoo ako," seryosong turan niya.

"And to show you how sorry I am for hurting you,"

Agad akong nagbaba ng paningin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Masyadong nadadala ang puso ko sa mga sinasabi niya. At dahil doon ay nag-aalarm naman ang warning bell sa utak ko.

"Please Sheyi,give me a chance," nagsusumamong sambit niya. Hindi parin ako nakaimik. Tumalikod na lamang ako at mabilis na lumakad palabas ng kusina.

"Aayusin ko lang ang lamesa sa labas!," sambit ko bago tuluyang makalabas sa kusina.

Nang makalabas hanggang sa terrace ay agad akong napahawak sa puso kong walang tigil ang pagtibok na parang tambol.

"O,anong nangyari sayo?," napatingin ako sa nagsalita at nakita ko sina Papa at Mama na nakaupo sa may gilid.

"A-ah, wala ,aayusin ko sana ang lamesa dito," natatarantang sagot ko.

"Masikip kasi sa kusina,d-dito nalang tayo kumain,"

Tango lamang ang isinagot sa akin ni Papa kaya naman nagmadali na akong ayusin ang lamesa. Nagpatulong ako sa isa kong kapatid upang maipasok ang lamesa sa terrace dahil nasa labas ito ng bahay, sa tabi ng punong mangga na kapag tanghali ay pahingahan nila Mama.

Nang maayos ang lamesa ay muli akong nagbalik sa kusina upang tumulong na maglabas ng pagkain sa terrace. Hindi ko mapigilan ang pagkulo ng tiyan ng makita ang mga pagkain. Ang daming mga putahe ang nakahanda. Hindi ko na nga alam kung ano ang tawag sa iba eh. Mayroon ding mga seafood at mga gulay.

"Wow," sambit ko sa sarili at akmang bubuhatin ko na sana at ilalabas ang mga pagkain ngunit may umagaw nito sa akin. Napatingin ako at nakitang si Cj pala iyon. Lahat ay siya na ang naglabas at naghain. Bawat bubuhatin ko ay inaagaw niya sa akin kaya nagtimpla na lamang ako ng juice at naglabas ng mga plato.

Sarap na sarap ang mga kapatid ko sa mga niluto ni Cj. Pati sila Mama at Papa ay nagbigay din ng papuri sa kanyang cooking skills. Aaminin kong masarap talaga siyang magluto. Syempre,kahit nasasarapan ako ay hindi ko ipinahahalata. Sa aking plato lamang ako nakatingin dahil sa tuwing magtataas ako ng paningin ay nahuhuli ko si Cj na nakatingin sa akin at pinagmamasdan ako habang panay ang kwento kila Mama at Papa. Kinukwento niya na sa parehong paaralan kami nag-aral noong highschool.

"Mahilig po si She sa mga panyong kulay yellow green at violet. Hindi din siya mapapakali kapag wala siyang nadalang panyo o naiwala niya ang panyo niya,"

Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ang sinabi niya. Nang mag-angat ako ng pangingin ay nagtama ang mga mata naming dalawa. May kung ano sa kanyang mga mata ang hindi ko mabigyan ng kahulugan.

"Bibili pa siya sa tindahan malapit sa school namin noon. Sa tindahan ng Tita ko, pero wala silang tindang panyo noon kaya naman magmamadali akong umuwi sa amin para kumuha ng mga bagong panyo at iaabot ko sa Tita ko," sabi niyang sa akin nakatingin.

"Sinasabi ko sa Tita ko na wag ng pabayaran pero sadyang mabait si She, pilit niyang iaabot ang bayad,"

Napakurap ako at saglit na bumalik sa aking ala-ala ang panahon na iyon. Ni hindi ko alam na natatandaan niya pa ang mga bagay na iyon. Hindi ko din alam na alam niya ang mga paborito kong kulay. Napahawak ako sa sariling dibdib.

Pisti kang puso ka,bagalan mo lang ang pagtibok!!

Marami pa siyang sinabi tungkol sa akin na hindi ko alam kung paano niya nalaman. Halos hindi ko na nga marinig lahat dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko. So napapansin niya pala ako noon? Bakit hindi ko alam? Lagi ko naman siyang pinagmamasdan at sinusulyapan pero hindi ko napansin na alam niya ang mga maliliit na bagay na iyon.

"K-kukuha lang ako ng inumin," sabi ko sabay tayo at pasok sa loob. Nang makarating sa kusina ay agad akong napahawak sa aking dibdib at nagpakawala ng mahahabang hininga. Pilit kong kinakalma ang sarili. Kumuha ako ng inumin dahil pakiramdam ko ay natutuyan ako ng lalamunan. Hindi ko alam ang mararamdaman dahil sa mga sinabi niya. Gusto kong tumalon sa tuwa pero may parte parin na nalulungkot nang hindi ko alam kung bakit.

"Okay ka lang ba?," Napatalon ako dahil sa gulat ng may nagsalita sa aking likuran.

Pagharap ko ay nag-aalalang mukha ni Cj ang tumambad sa akin.

"H-ha? Ah.. Eh..o-oo," muntik ko ng batukan ang sarili dahil hindi ko naayos ang pagsasalita. Masyado kasi akong natataranta sa mga nangyayari.

Ibinaba ko ang hawak na baso at kumuha ng pitsel upang lagyan ng tubig. Ramdam kong nakatingin parin siya sa akin at pinagmamasdan ang bawat kong galaw. Hindi ko tuloy maiwasang maasiwa. Hindi kasi ako sanay na pinanunuod. Nakayuko lamang ako ng muling humarap upang magtungo na sa labas.

"She," sambit niya sa pangalan ko. Napalunok ako nang hawakan niya ako sa siko upang pigilan sa paglakad.

"Can you give me a chance?,"

Hindi ako nakagalaw sa pagkakatayo ng kabigin niya ako at ikulong sa kanyang mga bisig.

"Nagsisisi ako sa mga panahong hinayaan ko lang ang nararamdaman ko sa iyo," sambit niya. Halata ang lungkot sa kanyang boses.

"Bigyan mo ako ng pagkakatong itama ang mga mali ko,"

Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Ang tagal kong hinintay na mangyari ang tagpong ito. Ang mayakap ang taong tinitibok ng puso ko. At ngayong nangyayari na ay heto ako't nagtatalo ang puso at isip kung dapat ko bang pagbigyan ang nadarama o magpapadala nalang ako sa takot. Hindi ako umimik hanggang sa bitawan niya ako.

Hinawakan niya ang aking baba upang iaangat ito. Muling nagtama ang aming mga mata at ng makita niyang may luha ang aking pisngi ay pinahid niya ito.

"I promise, this time, I'm not gonna let you cry," sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Kahit hindi ka pumayag na bigyan ako ng pagkakataon ay papatunayan ko parin sa iyo na totoo ang nararamdaman ko,"

Ngumiti siya bago kuhanin ang hawak kong pitsel at nauna ng lumakad patungo sa labas. Naiwan akong nakatayo lamang at hindi gumagalaw.

Ayoko ng masaktan,natatakot na akong masaktan. Pero natatakot din akong pagsisihan sa bandang huli kung hindi ko pagbibigyan ang puso ko. Dahil kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa puso ko.

Heto na naman ako, nadala na naman sa mga ngiti niya.

******